You are on page 1of 3

Department of Education

Region X
Division of Misamis Oriental
District of Balingasag North
MISAMIS ORIENTAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Balingasag, Misamis Oriental

ARALING PANLIPUNAN 7
DIAGNOSTIC TEST (PRE/POST)

PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa “Answer Sheet” na.
nakalaan.
1. Ito ay mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.
A. Karagatan B. Ilog C. Lawa D. Look

2. Tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng anyong lupa at
anyong tubig.
A.Demograpiya B. Pilosopiya C.Heograpiya D. Topograpiya

3. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?


A. Amerikano B. Europeo C. Asyano D. Australiano

4. Ito ay paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.


A. Heograpiya B. Matematika. C. Kasaysayan D. Lokasyon

5. Ang Asya ay nahahati sa ______________ rehiyon.


A. 3 B. 5 C. 4 D. 6

6. Ano ang pinakalamaking kontinente sa mundo?


A. Asya B. Amerika C. Europe D. Timog-Amerika

7. Ang mga sumusunod ay mga bansang kabilang sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya maliban sa
isa __________.
A. Pilipinas B.Indonesia. C. Saudi Arabia D. Malaysia

8.Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?


A. Kapuluan B.Kalupaan C. Kabundukan D. Kontinente

9. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan at


interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho,
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay may anyong tubig.
D. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.

10. Sa Hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Bulubunduking Ural hanggang sa
baybayin ng karagatang ______.
A. Arctic B.Indian. C. Atlantic D. Pasipiko

11. Ang mga sumusunod ay mga anyong lupa maliban sa isa ______.
A. Kabundukan B. Talon C. Lambak D. Talampas

12.Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig maliban sa isa ______.


A. Bundok B. Ilog C. Dagat D. Talon

13. Ang pinakamataas na bundok sa mundo?


A. Mount Fuji B.Taal C. Bundok Everest D. Mayon

14.Alin sa mga sumusunod ang walang disyerto?


A. Pilipinas B. Saudi Arabia C. India D. Ira
15. Ang Tsina ay matatag, maunlad at may maayos na kabuhayan nang matapos ang Imperyong
Romano sa kanluran kaya naman tinawag at nakilala ito bilang ______________.
A. “Dynastic Cycle B. Estadong Dharma
C. Gitnang Kaharian D. Panginoong ng Daigdig

16. Ito ay isang uri ng mga sinaunang pamahaan na kung saan pinamumunuan ng isang emperador.
A. Dinastiya B. Imperyo C. Kaharian D. Monarkiya

17.Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa sining ng sinaunang Asyano MALIBAN sa:


A. diyos- diyosan B.hayop C. bulaklak D. tao

18.Ito ay isang uri ng arkitekturang Islamik na naglalarawan ng mga istrukturang may minbar o
pulpito.
A. Angkor Wat B. Borobudur C. Masjid/ mosque D. Ziggurat

19. Anong kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform?


A. Sumer B. Indus C. Shang D. Lungshan

20. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang
dambana ng kanilang diyos o diyosa?
A. Great Wall of China B. Taj Mahal. C. Ziggurat D. Hanging

21. Ang unang lugar na narating ng mga Portugese.


A.Silangang Asya B. Timog Asya
C. Kanlurang Asya D. Timog- Silangang Asya

22. Ang Katolisismo sa mga pulo ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay ipinalaganap ng mga;
A. Portugese B. Dutch C. English D.
Hapon

23. Dahil nito naisakatuparan ang mithiin ng mga Espanyol na ayusin ang populasyon sa mga
lungsod nito:
A. reduccion B. pueblo C. barangay D. siyudad

24. Ang bansa sa Timog- Silangang Asya kung saan mayaman sa pampalasa.
A. Taiwan B. Malaysia C.Indonesia
D.Pilipinas

25. Ang lugar na ito ay kilala bilang Spice Island ng Indonesia.


A.Pulo ng Moluccas B. Sumatra C. Java D. Sulawesi

26. Ang tawag sa mga naninirahan sa bansa ng Netherlands.


A. Amerikano B.Dutch C. Indonesian D. Malaysian

27. Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtratrabaho ang mga kalalakihang may edad 16
hanggang 60 taong gulang.
A.tributo B. reduccion C. polo y servicio D. monopolyo

28. Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang panlabas na
kapangyarihan.
A. kolonya B. ekonomiko C. imperyo D. protektorado

29. Isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga lokal na
pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.
A.Divide and rule policy B. Tributo. C. Monopolyo D. Polo y Servicio

30. Relihiyong ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas.


A. Kristiyanismo B. Islam C. Protestante. D. Seventh Day
Adventist

31. Ano ang tawag sa bagong paraan ng kolonyalisasyon sa pamamagitan ng pagkontrol sa buhay,
pampolitika, at pangekonomiya ng isang maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa?
A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C.Neo-kolonyalismo D. Kolonyalismo

32. Aling anyo ng Neo-kolonyalismo napabilang ang pahayag na,“Ang wikang Ingles ang ginamit sa
pagtuturo?”
A.Politikal B. Kultural C. Ekonomiya D.Militar

33. Alin sa mga sumusunod ang hindi anyo ng Neo-kolonyalismo?


A. Pisikal B. Kultural C. Politikal D.Milit

34. Alin ang hindi kabilang sa mga epekto ng Neo-kolonyalismo?


A. Labis na pagdepende sa iba C. Kawalan ng karangalan
B. Nakatatayo sa sariling paa D. Patuloy na pang-aalipin

35. Ano ang katawagan sa dayuhang tulong na isa sa mga instrumento ng Neo-kolonyalismo?
A. Covert Operation B. Foreign Aid C. Foreign Exchange D. Foreign Debt

36. Saan napabilang ang mga mahihirap na bansa?


A.Unang Daigdig B.Ikatlong Daigdig C. Ikalawang Daigdi D.Wala sa nabanggit

37. Aling epekto ng neo-kolonyalismo napabilang ang pahayag na,


“Lahat ng aspeto ng pamumuhay ay kontrolado ng dayuhan?”
A. Continued Enslavement C. Kultural
B. Kumpetisyon D.Tulong mula sa dayuhan

38. Alin sa mga sumusunod ang mga pagkaing Amerikano na naging instrumento ng mga
neo-kolonyalistang kultural?
A. Kalamay at puto C. Ginataan at Latik
B. Bibingka at pinipig D.Hamburger at hotdog

39. Anong anyo ng Neo-kolonyalismo ang pahayag na, “Ang mga dayuhang palabas at
musika ay higit na pinapahalagahan?”
A.Politikal B. Kultural C. Colonial Mentality D. Ekonomiko

40. Ano ang institusyong itinayo ng 120 pribadong kompanya?


A. IMF B. Surplus C. Debt Trap D. ADELA

You might also like