You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
Division of Agusan Del Sur
District of Sta. Josefa I
STA. JOSEFA CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL WITH SPED PROGRAM

FIRST QUARTERLY TEST IN ARALING PANLIPUNAN 5


Pangalan:_____________________________________________Baitang/ Seksyon:________________________
Guro:________________________________________________ Iskor: _______________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik na wastong sagot.
1. Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
A. Silangang Asya C. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya D. Timog-Silangang Asya
2. Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?
A. 4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud
B. 2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud
C. 1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud
D. 3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at 148°25silangang longhitud
3. Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
C. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o dagat.
4. Kung titingnan mo ang mapa saang bahagi ng Pilipinas makikita ang Karagatang Pasipiko?
A. Hilaga C. Silangan
B. Kanluran D. Timog
5. Bakit hinahanap ng mga Europeo ang islang Moluccas?
A. Para makapamasyal sa lugar C. Saudi Arabia
B. Para kumuha ng mga rekado o pampalasa D. Tsina
6. Anong islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?
A. Kiribati C. Molucas
B. Micronesia D. Palau
7. Alin sa mga sumusunod na istrukturang itinayo ng mga Amerikano ang naging sanayan ng mga sundalo at imbakan
o arsenal ng mga
kagamitang pandigma .
A. base military C. paaralan
B. opisina D. palaruan
8. Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa
Pilipinas?
A. edukasyon C. relihiyon
B. ekonomiya D. sandatahang lakas
9. Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan MALIBAN sa
isa. Ano ito?
A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
C. naging kaaaway ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito.
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas
10. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
A. para maging sikat ang isang bansa
B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, pamahalaan at
relihiyon ng isang bansa.
11. Ito ang tawag sa malaking masa ng kalupaan may 240 milyong taon na ang nakalipas.
A. Asthenosphere C. Pangaea
B. Kontinente D. Tectonic
12. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang
daang milyong taon na ang nakalipas.
A. Land Bridges o Tulay na Lupa Theory C. Continental Drift Theory
B. Pacific Theory o Teorya ng Bulkanism D. Tectonic Plate
13. Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog - Silangang Asya.
A. Teorya ng Continental Drift C. Teorya ng Ebolusyon
B. Teorya ng Tulay na Lupa D. Teorya ng Bulkanismo
14. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng
karagatan
A. Teorya ng Tulay na lupa C. Teorya ng Continental Drift
B. Teorya ng Ebolusyon D. Teorya ng Bulkanismo
15. Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang Supercontinent.
A. Alfred Einstein C. Bailey Willis
B. Alfred Wegener D. Charles Darwin
16. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng
mahahalagang balangkas ng buhay?
A. mitolohiya C. sitwasyon
B. relihiyon D. teorya
17. Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang may kapangyahiran na tinatawag na
A. Apoy C. Hangin
B. Diyos D. Tubig
18. Sila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na kanilang Diyos.
A. Badjao C. Igorot
B. Bagobo D. Manobo
19. Sino ang Amerikanong siyentista ang naghain ng Pacific Theory?
A. Alfred D. Wegener C. Henry Otley Bayer
B. Bailey Willis D. Robert Fox
20. Ito ang mga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigang nakakabit sa mga kontinente.
A. Continental Shelf C. Tectonic Slate
B. Fossilized Materials D. Vulcanic Material
21. Umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang matuto ang mga ito sa_________.
A. pamamangka at paglalayag C. pagpalipat-lipat ng mga tirahan
B. paggamit ng magaspang na bato D. pagtatanim ng iba’t ibang halaman at pagpapaunlad ng pagsasaka
22. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa
pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ay dahilan ng __________.
A. pagtira nila sa mga yungib C. pagkakaroon nila ng maraming ginto
B. pagiging pagala-pagala nila D. pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan
23. Ang sumusunod ay mga maaaring paraan para maging isang datu maliban sa isa. Alin ito?
A. pumasa sa pagsusulit ng datu C. nakapangasawa ng isang anak ng datu
B. anak o galing sa angkan ng mga datu D. matapang, matalino at nagmana ng mga kayamanan
24. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o balangay na tumutukoy sa ______.
A. sasakyang panlupa C. Sasakyang Panghimpapawid
B. sasakyang pandagat D. Wala sa nabanggit
25. Paano magpasya ang datu kung nagbibigay ng hatol sa mga nagkakasalang kasapi ng barangay?
A. pinapatay agad C. Kumukuha ng tagahatol
B. tumatawag sa diyos D. Isinasailalim sa mga Pagsubok
26. Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman?
A. pag-aararo C. pagkakaingin
B. pagbabakod D. pagnarnarseri
27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
A. pagsasaka C. Panganagso
B. pangingisda D. pagiging katulong sa ibang bansa
28. Naging tanyag ang mga Pilipino noon dahil sa mga gawaing ito maliban sa isa. Ano ito?
A. pagpapalayok C. paggawa ng sasakyang pandagat
B. paghahabi D. paggawa ng kasangkapang elektroniks
29. Ano ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal?
A. barter C. open trade
B. komunismo D. sosyalismo
31. Anong bansa ang HINDI tuwirang nakipagkalakalan sa Pilipinas noon?
A. China C. Indonesia
B. India D. Saudi Arabia
32. Anong lugar ang naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-kolonyal?
A. Cebu C. Leyte
B. Davao D. Manila
33. Ano ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng ginto?
A. pangangaso C. metalurhiya
B. pangingisda D. pangangalap ng pagkain
34. Ang sa mga ito ang ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at hikaw noong pre-kolonyal.
A. bato C. perlas
B. dahon D. plastic
35. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dalang produkto ng mga Tsino sa bansa?
A. kristal C. tapayan
B. salamin D. timbangan
36. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula sa bakal, ano
ang tawag sayo?
A. karpentero C. mason
B. latero D. panday
37. Ito ay isang yunit na pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas.
A. bansa B. barangay C. lungsod D. sultanato
38. Nagbubuklod-buklod ang mga barangay at bumuo ng alyansa sa pamamagitan ng______________.
A. pagdiriwang B. pag-iinuman C. paligsahan D. sanduguan
39. Ang tattoo ay simbolo ng_________.
A. Pagiging Kriminal C. Kagitingan at Kagandahan
B. Pagkaalipin D. pagiging mababa ng katayuan sa lipunan
40. Ang Sultanato ay isang sistema ng pamahalaan na batay sa katuruan ng ________.
A. Animismo C. Judismo
B. Islam D. Katoliko
41. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, at kung sultan
naman, kailangang ikaw ay____________.
A. matapang at mayaman C. galing sa angkan ni Muhammad
B. magaling gumawa ng batas D. galing din sa pinaka mataas na antas ng lipunan
42. Isang uri ng pamahalaang naitatag sa Mindanao ng mga Muslim.
A. Barangay C. panlalawigan
B. Sultanato D. Panrehiyon
43. Pinakamataas na uri ng tao sa Pamahalaang Sultanato.
A. Imam C. Sultan
B. Pare D. Alkalde
44. May kaalaman na ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrument at sa paglikha ng musika. Sila ay
may sariling ____________.
A. Awit at Sayaw C. Panitikan at Sining
B. Pasalita at Pasulat D. Paniniwala
45. Ano ang magandang naidulot ng mga ibat-ibang sining at panitikan sa ating mga ninuno?
A. Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan ng ating mga ninuno.
B. Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura
C. Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga ninuno
D. Lahat ng nabanggit
46. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na henerasyon?
A. Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
B. Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay
C. Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
D. Lahat ng nabanggit
47. Paano nakatulong sa pagbuo ng ating lipunan ngayon ang mga sinaunang Pilipino?
A. Sa pamamagitan ng pananakop.
B. Sa pamamagitan ng pangagaya sa mga dayuhan.
C. Sa pamamagitan ng sobrang paggamit ng kalikasan.
D. Sa pamamagitan ng kanilang kultura, kagawian, paniniwala, at wika.
48. Paano mo tratratuhin ang mga taong nagtataglay ng paniniwalang Animismo, Islam, at ibat-ibang paniniwala?
A. Igagalang ko ang tao pero hindi ang kanilang paniniwala.
B. Igagalang ko ang kanilang paniniwala pero hindi ako lalapit sa kanila.
C. Igagalang ko ang kanilang paniniwala at makipagkaibigan ako sa kanila.
D. Hindi ako makikipagkaibigan sa kanila baka kombinsihin nila ako na umanib sa kanila.
49. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pamahiin?
A. Uminom ng tubig pagkatapos kumain
B. Kapag makapal ang ulap, maaaring umulan.
C. Ang maagang pagtulog sa gabi ay nagdudulot ng malulusog na pangangakatawan.
D. Ang isang bisita na nanatili sa labas ng bahay o sa may hagdanan ng tahanan na may isang buntis
ay maaaring magdulot ito ng paghihirap sa panganganak.
50. Paano ka makatutulong sa patuloy na pagsasalin sa ating kultura sa mga susunod na mga henerasyon?
A. Mamuhay na isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa
B. Gagayahin ang mga paraan ng pamumuhay ng mga dayuhan
C. Nababaduyan sa mga musika ng mga Pilipino at tinatangkilik ang mga musika ng mga dayuhan
D. Lahat ng nabanggi

Ipinasa ni:

HELEN E. PARTISALA
Teacher III

Iwinasto ni:
MARYDEL D. TANCAWAN
Master Teacher II
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
Division of Agusan Del Sur
District of Sta. Josefa I
STA. JOSEFA CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL WITH SPED PROGRAM
____________________________________________________________________________________

TALAAN NG ESPISIPIKASYON

LAYUNIN BILANG NG AYTEM KINALALAGYAN NG


AYTEM

1. Nailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas sa 5 1-2,9,10,11


mapa/globo

2. Naipapaliwanag ang katangian ng 2 3-4


pilipinas bilang bansang Arkipelago

3. Naipapaliwanag ang teorya sa 6 12,13,14,15,19,20


pagkakabuo ng kapuluan at pinagmulan
ng Pilipinas

4. Naipagmamalaki ang lipunan ng 5 23,24,25,37,38


sinaunang Pilipino

5. Nasusuri ang kabuhayan ng sinaunang 12 21,22,26,27,28,29,31,32,3


Pilipino. 3
34,35,36

6. Naipapaliwanag ang mga sinaunang 5 16,17,18,39,49


paniniwala at tradisyon at ang
impluwensya nito sa pang-araw-araw na
buhay
7. Natatalakay ang paglaganap ng relihiyong 7 40,41,42,43,44,45,46,
Islam sa ibang bahagi ng bansa

8. Nasusuri ang pagkakapareho at 4 7,8,47,48,50


pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng
sinaunang Pilipino sa kasalukuyan

50 50
KABUUAN

You might also like