You are on page 1of 6

Pangalan:_____________________ Iskor:______

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang tawag sa malaking masa ng kalupaan may 240 milyong taon na ang nakalipas. A.
Asthenosphere B. Kontinente C. Pangaea D. Tectonic
2. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na
naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas.
A. Land Bridges o Tulay na Lupa Theory B. Pacific Theory o Teorya ng Bulkanism
C. Continental Drift Theory D. Tectonic Plate
3. Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog - Silangang Asya.
A. Teorya ng Continental Drift B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Ebolusyon D. Teorya ng Bulkanismo
4. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga
bulkan sa ilalim ng karagatan;
A. Teorya ng Tulay na lupa B. Teorya ng Ebolusyon
C. Teorya na Continental drift D. Teorya ng Bulkanismo
5. Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang Supercontinent.
A. Alfred Einstein B. Alfred Wegener
C. Bailey Willis D. Charles Darwin
6. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag
ng sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
A. mitolohiya B. relihiyon C. sitwasyon D. teorya
7. Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang
maykapangyahiran na tinatawag na _________.
A. Apoy B. Diyos C. Hangin D. Tubig

Pahina1
8. Sila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na kanilang Diyos.
A. Badjao B. Bagobo C. Igorot D. Manobo
9. Sino ang Amerikanong siyentista ang naghain ng Pacific Theory?
A. Alfred D. Wegener B. Bailey Willis
C. Henry Otley Bayer D. Robert Fox
10. Mga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigang nakakabit sa mga kontinente.
A. Continental Shelf B. Fossilized Materials
C. Tectonic Slate D. Vulcanic material
11. Ito ay tumutukoy sa salitang Austronesian o Austronesyano na ang kahulugan ay tao mula
sa timog.
A. Indones B. Malayo C. Nusantao D. Polynesian
12. Ang teoryang nagsasabi na ang unang pangkat ng tao sa Pilipinas ay mula sa Taiwan?
A. Teoryang Austronesian Migration B. Teoryang Core Population
C. Teoryang Nusanatao D. Teoryang Wave Migration
13. Anong teorya ang ipinakilala ni Wilheim Solheim II na sinasabing galing sa katimugang
bahagi ng Pilipinas ang ating mga ninuno?
A. Teoryang Bigbang B. Teoryang Ebolusyon
C. Teoryang Galactic D. Teoryang Nusantao
14. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kasali sa pinuntahan ng ilang pangkat ng
Austronesyano.
A. Hawaii B. Madagascar C. New Guinea D. Palau
15. Sino ang tinaguriang Ama ng Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya?
A. F. Landa Jocano B. Peter Bellwood C. Otley Beyer D. Wilhelm Solheim II
16. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya?
A. Ang pagkakatulad ng klima saTimog-Silangang Asya at sa Pasipiko
B. Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
C. Ang pagkakatulad ng kaugalian sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
D. Ang pagkakatulad ng wikang gamit sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
17. Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon?
A. Babaylan B. Diyos o Bathala C. Lakan D. Datu

Pahina2
18. Ayon sa relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao na
sina __________.
a. Adan at Eba b. Abraham at Sarah c. David at Ester d. Samson at Delilah
19. Alin sa sumusunod ang pinaniniwalaang puno o halaman na pinagmulan ng sinaunang tao
sa bansa batay sa mitolohiya?
a. Gumamela b. Kawayan c. Narra d. Mangga
20. Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesian?
A. Pananakop B. Pakikipagkalakalan
C. Pakikipagkaibigan D. Pagpapakilala ng relihiyon
21. Ayon kay Peter Bellwood, ang mga Austronesyano ang mga ninuno ng mga Pilipino na
nagmula sa___________.
A. Taiwan B. Mexico C. Amerika D. Saudi Arabia
22. Sino-sino ang dalawang taong nagmula sa malaking kawayan?
A. Adan at Eba B. Malakas at Maganda
C. Adan at Maganda D. Malakas at Eba
23. Ano ang tawag sa paniniwala at pagsamba ng Diyos?
A. mitolohiya B. alamat C. relihiyon D. pabula
24. Ayon sa Teoryang Austronesyano ni Bellwood, nagpatuloy sa paglalakbay sa ibat-ibang
kapuluan ang mga Austronesyano maliban sa isa.
A. Samoa B. Hawaii C. Kiribati D. Madagascar
25. Ano ang tawag sa kuwentong pabula na nagpapaliwanag sa pangyayari at sumagisag ng
mahahalagang balangkas ng buhay?
A. mitolohiya B. alamat C. relihiyon D. pabula
26. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na
batong magaspang?
A. Panahong Neolitiko B. Panahong Paleolitiko
C. Maagang Panahon ng Metal D. Maunlad na Panahon ng Metal
27. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
A. tumira sa mga yungib
B. magsaka at mag-alaga nga hayop
C. mangaso at mangangalap ng pagkain
D. gumamit ng mga tinapyas na bato na magaspang
Pahina3
28. Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mas higit na napaghusay ng sa
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
A. sibat B. kampit C. kutsilyo D. pinggan
29. Ang tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika at pang ekonomiya ng mga Pilipino
noong pre-kolonyal. A. siyudad B. barangay
C. pamilya D. lalawigan
30. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
A. aliping B. timawa C. maginoo o datu D. manggagawa
31. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
A. bagani B. bayani C. pulis D. sundalo
32. Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa Ifugao
maliban sa isa.
A. bomoto o pumili ng lider B. magkaroon ng kayamanan
C. pagiging kapalit ng datu D. pumili ng mapangangasawa
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong
prekolonyal? A. ari-arian B. diborsyo
C. krimen D. pag-aaral
34. Ito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?
A. pananakop B. pagbili o pagbabayad C. sanduguan D. pag eespiya
35. Siya ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na
kung may mga pagtitipon.
A. bagani B. gat C. lakan D. umalohokan
36. Umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang matuto ang mga ito
sa_________.
A. pamamangka at paglalayag
B. paggamit ng magaspang na bato
C. pagpalipat-lipat ng mga tirahan
D. pagtatanim ng iba’t ibang halaman at pagpapaunlad ng pagsasaka

Pahina4
37. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa
pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ay dahilan ng __________.
A. pagtira nila sa mga yungib
B. pagiging pagala-pagala nila
C. pagkakaroon nila ng maraming ginto
D. pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan
38. Ang sumusunod ay mga maaaring paraan para maging isang datu maliban sa isa. Alin ito?
A. pumasa sa pagsusulit ng datu
B. anak o galing sa angkan ng mga datu
C. nakapangasawa ng isang anak ng datu
D. matapang, matalino at nagmana ng mga kayamanan
39. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o balangay na tumutukoy sa ______.
A. sasakyang panlupa B. sasakyang pandagat
C. sasakyang panhimpapawid D. wala sa nabanggit
40. Paano magpasya ang datu kung nagbibigay ng hatol sa mga nagkakasalang kasapi ng
barangay?
A. pinapatay agad B. tumatawag sa diyos
C. kumukuha ng tagahatol D. isinasailalim sa mga pagsubok
41. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong prekolonyal o
bago dumating ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo
B. may sariling pamahalaan
C. may pananampalatayang Kristiyano
D. may sistema ng pagbasa at pagsulat
42. Ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan
ay may kaluluwa.
A. Animismo B. Islam C. Judismo D. Kristyanismo
43. Noong unang panahon, ano ang simbolo ng tattoo o batuk sa katawan ng isang Pilipino?
A. mga alipin B. isang bilanggo
C. pagiging kriminal D. kagitingan at kagandahan

Pahina5
44. Ang tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas.
A. Adat B. Hariraya C. Ruma Bichara D. Zakat
45. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at awayan?
A. nagkaroon sila ng isang paligsahan
B. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
C. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
D. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo
46. Isang uri ng pamahalaang naitatag sa Mindanao ng mga Muslim.
A. Barangay B. Sultanato C. Panlalawigan D. Panrehiyon
47. Pinakamataas na uri ng tao sa Pamahalaang Sultanato.
A. Imam B. Pare C. Sultan D. Alkalde
48. Taglay ng sultan ang mga sumusunod maliban sa isa.
A. may kayamanan
B. mataas ang pinag-aralan
C. mataas ang bilang ng mga taga sunod
D. may mahalagang ambag sa lipunang Muslim
49. Sila ang katulong sa pagpapatupad ng batas ng Islam.
A. Abogado B. Pulisya C. Ruma Bichara D. Sundalo
50. Ang Adat at Sharia ay mga batas ng Islam na naayon sa ____________.
A. Bibliya B. Qu’ran C. Vedas D. Torah

Pahina6

You might also like