You are on page 1of 29

MODULE 1: PAGSUSURI NG MGA PANGYAYARI

LAYUNIN:
• Nabubuo ang sariling paghatol o
pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda
F9PB-Ia-b-39
SINGAPORE
Bilang dating kolonya ng Britanya at parte ng
Timog-Silangang Asya, ang Singapore ay
may kulturang pinagsamang pang-silangan at
pang-kanluran. Talakayin natin ang ilang
bahagi ng kultura ng Singapore:

1.Iba’t ibang lahi


2.Sari-saring paniniwala
3.Kakaibang batas
4.Modernong pamumuhay
Iba’t ibang lahi

Ang mga pangunahing grupong etniko sa Singapore ay ang mga:


•Malay
•Tsino
•Indiyano

Ang islang ito sa dulo ng Malaysia ay naging sentro ng kalakaran; dahil ginamit itong
daungan ng mga barko ng Britanya na papunta sa India. Noon pa ma’y nakipagsapalaran
na ang mga manggagawang Tsino at Indiyano upang magtrabaho sa Singapore.
Sa kasalukuyan, laganap na ang industriyalisasyon sa bansa.

Hanggang ngayon ay lumalawig ang populasyon ng mga dayuhang nagtratrabaho at


namamalagi sa Singapore. Nagdudulot ito ng napakayaman at nagkahalo-halong kultura
mula sa iba’t-ibang grupong etniko.
Sari-saring paniniwala

Ang iba’t-ibang lahi ay may sari-sariling pinaniniwalaan


relihiyon na itinuturo mula sa murang edad. Laganap ang
Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo, Taoismo, at
marami pang iba.

Dahil dito ay napakaraming mga engrandeng gusali ang


itinatag para sa ang iba-t ibang relihiyon. Ang mga
bumibisita sa mga gusaling ito ay kailangang sumunod sa
mga ipinaiiral na paniniwala ng relihiyon, tulad ng pagtakip
sa buhok ng mga babae sa mga mosque.
Kakaibang batas
gibaw Singapore, at hindi matatagpuan sa ibang karatig-bansa.

May mga batas na sadyang pinapatupad at nanginAng mga ipinagbabawal na ito ay may
kaakibat na malaking multa o pagkakakulong: bubble gum, pagdura, pagkakalat, pagtawid
sa hindi tamang tawiran, paninigarilyo sa loob ng gusali, paglalasing sa publiko,
pagmamaneho ng lasing, droga, at iba pa.

Ang pagmamay-ari ng katiting na droga ay maaring maging basehan upang patawan ng


parusang kamatayan.
Modernong pamumuhay

Karamihan sa mga namamalagi sa Singapore ay mga


dayuhan at negosyante.

Mababa ang buwis dito kaya nakakaengganyong magpatayo


ng negosyo.

Maganda ang mga serbisyong publiko at maunlad ang


imprastraktura, ngunit ‘di maikakailang malaki ang gastusin
upang mamuhay sa bansang ito.
• Tradisyunal Solidarity

• Pamilyang pinalawak (extended)

• Filial Peity

• Patriarchal

• Monogamy

• Bond Labor

• Arrange Marriage
Pagbibigay halaga bilang Haligi ng Tahanan
Ang AMA
isinalin sa Filipino ni: Mauro R. Avena
Talasalitaan

• 1. alaala ng isang lasing na suntok sa bibig.


• 2. kaluwagang-palad
• 3. umakit sa malaking kamay
• 4. nagpapangilo sa nerbiyos
• 5. matigas ang loob
• 6. bumulwak ang wagas na pagmamahal
VIDEO PRESENTATION
CHARACTER PROFILE
ANG AMA

Edad:

Trabaho:

Pisikal na Anyo:

Ugali :
Pagpapakilala at Pagsusuri sa Nilalaman ng
kuwento gamit ang elemento.

• Tauhan
• Tagpuan
• Suliranin
• Tunggalin
• Mahahalagang Pangyayari
Ang AMA
isinalin sa Filipino ni: Mauro R. Avena

PANGYAYARI: • KAUGNAYAN SA KASALUKUYANG


Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag LIPUNANG ASYANO:
hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang
takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa May mga pamilyang malulupit at
bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng nananakit ang mga ama, dahil dito
ilang araw sa labi. ay takot ang mga anak sa
Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa’y magulang. May mga amang
inuuwi ng ama- malaking supot ng mainit na makasarili at iresponsable. Maging
pansit. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang ang pangunahing obligasyon ng
iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami
nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos mga magulang na ibigay ang pang-
naroong magkagulo sa tira ang mga bata na araw-araw na pagkain ay hindi
kanina pa aali-aligid sa mesa. ginagawa, bagkus ay hinahayaan
ang mga anak na magutom.
• Ang Ama ay isang kuwentong makabanghay dahil nagbibigay diin sa
banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari sa teksto o istorya

• Ang kuwentong makabanghay ay nabubuo dahil mula sa banghay ng


kuwento ay makabubuo ang mambabasa ng balangkas kung saan
makikita ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa kuwentong
binasa.
Paghahatol o Pagmamatuwid

Nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga


ideyang nakapaloob sa akda sa pamamagitan ng masusing pagsusuri
sa mga pangyayari nitó.

Mahalaga ang pagbubuo ng sariling paghahatol o


pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda sapagkat sa
tulong nitó ay mas nauunawaan pa natin ang nilalaman ng akdang
ating binabása at malaya tayong nakapagpapahayag ng ating
saloobin ukol dito.
Shape Your Understanding

• Ibigay ang iyong sariling pagmamatuwid o paghatol sa mga ideyang


nakapaloob sa mga sumusunod na talatang kinuha sa akdang kung
saan ang iba’t ibang hugis ay humihingi ng pagmamatuwid o
paghahatol.
• 1. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga batà ay
dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero
sa natira sa kanilang nailigtas ay nagsalo-salo sila tulad sa isang
piging na alam nilang di nila mararanasang muli.
• 2. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at sakâ
tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti
siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang inilagay ng kaniyang
amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad
ng nararapat).
• 3. Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod – payat,
maputla, at napakaliit – at ang mga alon ng lungkot at awa na
nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi
ay nakatatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay, na
ang iba‟y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong,
“Maaaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal
niya ang bata.”
• 4. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na
kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay.
Pinagmasdan siya ng mga batà. Saan kaya ito pupunta, tanong
nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot
sila dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng
beer.
• 5. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong
malaking súpot na may mas maliit na súpot sa loob. Inilapag nito
ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga batà sa kanilang
nakita, pero iyon ay kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang
mabuti. Mayroong súpot ng ubas at isang kahon yata ng biskuwit.
Paano mo ipadarama ang pagmamahal mo sa
iyong AMA?
PULOT OF THE DAY!

Ang buhay ay makulay! Ang bawat


kwento ay may kwenta!
Ang mga nangyayari sa atin, sa ating
kapaligiran, sa lipunan ay laging
naka-angkla sa ating kultura, sa
ating paninindigan bilang tao at sa
ating pinag-ugatan.

Ika nga ni Joey Ayala, “ Ang lahat


ng bagay ay magkaugnay at
magkaugnay ang lahat”.
Pagtataya

• Sinong Superhero/Anime/Cartoon character ang maihahalintulad


mo sa iyong ama at bakit.
• (10 puntos)
Takdang Aralin

• Mag-selfie kasama ang inyong ama, tatay, daddy, papa o kahit


sinong tumatayong ama. Kung walang selfie na larawan ay
maaaring maghalungkat ng mga lumang larawan at idikit din dito.
Lagyan ng mga mensahe o pagpapaliwanag sa larawang iyong
napili.
• Idkit sa isang short coupon band.

You might also like