You are on page 1of 3

CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Lungsod ng Naga
WORKSHEET blg. 4 sa FILIPINO 9
Unang Markahan

Pangalan:____________________________9- Petsa:___________Iskor: ________


I. Tukuyin kung ano ang sinusuri sa mga sumusunod na pahayag. Piliin ang TITIK NG TAMANG
SAGOT sa loob ng kahon. (10 puntos)

A. Istilo ng Pagkakabuo E. Tauhan I. Tema at Paksa


B. Nilalaman/ Balangkas F. Layunin ng teleserye J. May Akda
C. Kaisipang/ Ideyang Taglay G. tao vs. sarili K. Tagpuan
D. Uri ng Panitikan H. teleserye

1. Si Jose Rizal ang siyang nagsulat ng nobelang “Noli Me Tangere” na sa kasalukuyan ay


ipinapalabas na sa telebisyon sa teleseryeng “ Maria Clara at Ibarra”.
2. Ang Mara Clara ay isang teleserye sa ABS- CBN .
3. Mithiin ng teleseryeng “Ang Probinsyano” na ipakita ang malaking gampanin ng media sa
paglutas ng mga krimen at katiwalian sa gobyerno at bansa.
4. Ang teleseryeng “Amaya” ay nagpapakita ng bahagi ng kasaysayan at pamumuhay ng
Pilipinas noong 1500’s.
5. Si Santino ang isa sa nagbigay buhay sa Teleseryeng “May Bukas Pa “.
6. Malapantasyang lugar ang masisilayan sa teleseryeng “Encantadia”
7. Sinimulan ang teleseryeng “Abot Kamay ang Pangarap” sa pag- oopera ni Analyn sa isang
pasyente. Kasunod nito ay ang mga pinagdaanan niya simula bata siya hanggang sa
naging karanasan niya bilang isang doctor.
8. Ang mensahe ng teleseryeng “ Halik” ay walang magandang naidudulot ang pakikiapid.
9. Nakokonsensya si Robert Mondragon sa ginawa niyang panghahalay kay Romina.
10. Wild Flower, Ang Probinsyano at Asintado ito ay isang halimbawa ng anong panitikan.

II. Basahin at suriin ang akda sa ibaba. Tukuyin at bigyang paliwanag/ patunay ang mga pangyayaring
nagpapakita ng TUNGGALIANG TAO VS. SARILI. Isaalang- alang ang pamantayan sa ibaba. (18 puntos)
Kapag Naiisahan Ako ng Aking Diyos
Raquel E. Sison-Buban

Madalas kong kontrolin ang mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay ko dahil ayokong ayokong
pumapalpak. Kasi takot akong mawala at mawalan. Takot akong mawala sa sirkulasyon ng dati nang
nakagawiang ritmo ng buhay. Takot din akong mawalan nang inienjoy na pribilehiyo at istatus sa buhay.
Kaya gusto kong kontrolado ko ang lahat ng bagay sa aking buhay. Madalas hinahanap ko sa aking sarili
ang dahilan kung bakit sa kabila ng katotohanang ito, hindi pa rin ako matuto-tuto. Plano pa rin nang
plano kahit alam ko namang malaki ang posibilidad na hindi naman ito matutuloy dahil guguluhin na
naman ito ng aking Diyos. Pilit ko pa ring kinokontrol ang mga bagay kahit alam kong hindi ito
nakatutulong sa akin.

Simple lang naman ang gustong sabihin ng aking Diyos. Kailangan kong ibigay ang lahat ng aking
pananalig at pag-asa sa Kaniya. Kailangang hayaan ko ang Kaniyang kamay na siyang magplano para sa
akin. Kailangang ipaubaya ko sa Kaniya ang plano dahil ang totoo, Siya ang pinakamahusay na arkitekto
sa buhay.
Simple pero mahirap gawin. Gayunman, puwedeng gawin. Lalo’t hahayaan ko ang aking sariling
matakot sa mga dati ko nang kinatatakutan: ang mawala at mawalan. Eh, ano nga kaya kung mawala ako
at mawalan? Eh, ano nga kaya kung talagang hindi ko na makikilala ang aking sarili dahil maiiba ang
nakagawiang leybel sa akin na ikararangal ko? Eh, ano nga kaya kung maging palpakin ako? Teka, lalo
yata akong natatakot. Pero huhulihin ko ang aking sarili at paalalahanan, hindi naman iyan ang ibig
mangyari sa akin ng aking Diyos. Hindi naman ibig ng Diyos na maging palpakin ako. Sa halip, ibig Niya
akong magtagumpay – ibang depinisyon nga lamang siguro ng tagumpay. Tagumpay na di materyal.
Tagumpay na magpapalakas sa aking kahinaan. Tagumpay laban sa takot. Tagumpay laban sa hindi
maipaliwanag na pagkahumaling sa pagkontrol. Tagumpay na sa kabila ng kabiguan ay makita ang
sariling may bakas pa rin ng tagumpay. Tagumpay na kung kumawala sa dikta ng nakagawiang ritmo ng
buhay. Tagumpay na bukod-tanging ang Diyos lamang at ako ang makauunawa.

Kaya madalas, iniimbitahan ko na ang aking Diyos na bulabugin ako sa aking buhay.

Peralta, Romulo N. et al, Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral


sa Filipino 9, 68-69.

Pamantayan ng Pagmamarka:

 Ang pangyayari ay lubos na nagpapakita ng tao vs. sarili -3


 Nabigyan ng angkop na paliwanag at patunay ang mga inilahad na pangyayari -3
6 puntos
Pangyayaring nagpapakita ng tao vs. sarili Patunay/ paliwanag
11-13. 14-16.

17-19. 20-22.

23-25. 26-28.

III. Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa katanungan sa ibaba.(2 puntos)

29- 30. Bakit mahalagang suriin ang mga teleseryeng ating napapanood?

Inihanda ni:

MARY ANN B. OASNON


Guro sa Filipino 9
SUSI NG PAGWAWASTO

TEST I:
1. J
2. D
3. F
4. I
5. E
6. K
7. B
8. C
9. G
10. H
TEST II:
Pangyayaring nagpapakita ng tao vs. sarili Patunay/ paliwanag
11-13. Ang pagpapahayag ng tauhan ng 14-16. Dahil sa pahayag na ito ay nagkakaroon
kanyang mga takot sa buhay at kagustuhan na siya ng pakikipagtunggali sa kanyang mismong
kontrolado niya ang lahat ng bagay sa kanyang ugali o kagustuhan.
buhay.
17-19. Ang paghahanap niya ng mga dahilan at 20-22. Ipinakita rito na siya ay may
sa patuloy niyang pagplaplano sa kabila ng pagaalinlangan sa kanyang mga desisyon.
kamalayan na guguluhin din ito ng kanyang
Diyos.
23-25. Ang kanyang pagtanggap sa mga plano 26-28. Ipinakita niya na naunawaan niya ang
ng Diyos sa kabila ng mga alinlangan. kagustuhan ng Diyos na hindi para guluhin ang
kanyang plano bagkus ay malagay siya sa mas
makabubuting sitwasyon

TEST III:
Iwawasto ng guro

You might also like