You are on page 1of 2

PRELIMINARY EXAMINATION - ESP 9

Paalala: Ang hindi pagsunod sa panuto ay mangangahulugang mali.


I. PANUTO: Piliin sa kahon kung ano ang tinutukoy ng bawat pahayag sa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. “madaling maging tao” G. Kabutihan L. Santo Tomas de Aquino


B. “mahirap magpakatao” H. Katotohanan M. Fr. Roque Ferriols
C. Indibidwal I. Isip at Kilos- loob N. Pagkagustong
D. Persona J. Mga katangian ng Pakultad(Appetitive Faculty)
E. Personalidad Pagpapakatao O. Reyalidad
F. Pangkaalamang pakultad (KnowingFaculty) K. Pagmamahal P. Katarungan

1. Ito ay sumasagot sa pagka-ano ng tao


2. Hindi ito maituturing na Bulag dahil nakikita ng nagmamahal ang halaga ng minamahal.
3. Ang tao ay may kamalayan at kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga bagay na umiiral
4. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kanyang kabuuan.
5. Siya ang nagsabi na ang tao ay binubuo ng ISPIRITWAL at MATERYAL na kalikasan.
6. Ano ang proseso na nagpapakita ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya?
7. Ang tawag sa pagtugon sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon at minimum ng pagmamahal.
8. Ano ang yugto ng tao na tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao?
9. Ito ay galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may halaga.
10. Ito ang nilalayon na gawin ng Kilos-loob(WILL.)
11. Ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao.
12. Ito ay nakatuon sa pagkasino ng tao
13. Mula sa pagiging indibidwal, nahubog niya ang pagkabukod-tangi niya bilang persona tungo sa __________.
14. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kanayang misyon sa buhay?
15. Dahil sa kamalayan at kalayaan ng tao, nasa kanyang mga kamay ang pagbuo ng kanyang _____________.
16. Ito ay bunga ng emosyon at kilos-loob.
17. Umaasa ito sa isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ng may malayang pagnanais.
18. Ito ay dulot ng panlabas at panloob na pandama.
19. Ang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam
20. Ito ay isang makatwirang pagkagusto o rational appetency.

II. PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


21. Anong katangian ng persona ang nagpapakita ng kakayahang bumuo ng konklusyon sa isang pangyayari?
A. May kamalayan sa sarili
B. May kakayahang kumuha ng buod
C. Umiiral na nagmamahal

22. Kailan nagsisimulang gumana ang isip?


A. Magsisimulang gumana ang isip kapag naimluwensyahan ng Kilos-loob
B. Magsisimulang gumana ang isip kapag siya ay may nakita o naramdaman
C. Magsisimulang gumana ang isip kapag alinang na ang pandama ng tao.

23. Ano ang katotohanan na dapat makita?


A. ay ang mayroon o ang nandiyan na kailangang lumabas dahil nakakubli.
B. ay ang nandiyan na kailangang lumabas dahil sa pagiging bukas ng isip ng taong naghahanap nito.
C. ay ang lahat dahil kasalanan ng magsinungaling.
Para sa bilang 24 at 25

Si Ben ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes nagging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang
kinakain kahit gustong-gusto niya ito.

24.Bakit kaya ni Ben na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. May kakayahan ang taong mangatwiran
C. Malaya ang taong pumili o hindi pumili

25. Anong mensahe ang mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
A. Magagawa ng taong kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang tamang
paggamit nito sa tamang direksyon.
B. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniyang kailangang gawin.
C. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.

III. PANUTO: Suriin ng mabuti ang sitwasyon. Ipaliwanag sa loob ng dalawa hanggang limang pangungusap ang iyong sagot.

May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigan na dapat mo raw panoorin dahil maganda ito ayon sa kaniya.
Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na malaswang
eksena(pornograpiya).

(3pts.) 26-28. Ano ang gagawin mo sapagkakataong ito?


(3pts.) 29-31. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?
(3pts.) 32-33. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatwiranan.
(6pts.) 34-39. Para saan ginamit ang isip?
(6pts.) 40-45. Para saan ginamit ang Kilos-loob?

Ang pinakamalaking pagkakamali na maaaring gawin ng tao,


ay ang patuloy na isipin na makagagawa siya ng mali.
-Anonymous

Ms. Hershey Yin Antazo-Antrajenda


Guro - Esp-10

You might also like