You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
o

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV
S.Y 2018-2019

Pangalan:____________________________ Petsa:_________
Pangkat /Seksyon: _____________ Iskor: _________

I. PAGPIPILI
Panuto: Piliin at isulat ang tamang titik ng sagot sa sagutang papel. ( 1 punto bawat aytem)

1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “ madaling maging tao” sa kasabihang “MAdaling maging tao, mahirap magpakatao?”
c. May isip at kilos-loob ang tao a. May konsensiya ang tao
r. Tapat ang tao sa kaniyang misyon e. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan

2. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “ mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?”
t. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
a. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong sitwasyon.
k. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya ay nagkakaedad.

e. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan.
3. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?
s. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi sa lahat.
a. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyong hiwalay sa ibang
sanggol.
v. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at pagpapahalaga ng bawat-isa.
e. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniyang kapuwa dahil siya ang lumilikha ng kaniyang pagka-sino.

4.Ano ang kahulugan ng pangungusap? “ Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya”
s. Nililikha ng tao ang kaniyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap.
i. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.
c. Dapat magsikap ang lahat ng tao.
k. Nagiging ganap ang tao dahil sa kaniyang pagpupunyagi

5. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kanuuan, kaya hindi siya naiimpluwensiyahan ng
pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan?
f. Persona a. Personalidad k. Pagme-meron d. Indibidwal
6. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng katangian ng hindi pa ganap na personalidad?
k. Nakibahagi si Angela sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa buong mundo.
i. Naitaas ni KapJophet ang antas ng kabuhayan ng kanilang pamilya at kapwa magsasaka.
n. Naging instrumento ang mga painting ni Novie upang imulat sa mga tao ang epekto ng kahitapan at kawalan ng
katarungan sa bansa.
d. Nagpasya si Sulficio na magsumite ng proposal tungkol sa Career Guidance upang mabigyang solusyon ang problema ng
job-skills mismatch sa bansa.

7. Ano ang buod ng talata?

May kakayahan ang tao nag awing obheto ang kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang kakayahang magmuni-muni, alam ng tao na
alam niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kakayahan niyang pag-isipan ang kaniyang
sarili.

d. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.


r. Alam ng tao sa mundo ang anumang bagay na may kaugnayan sa kaniyang sarili.
u. Maraming magagawa ang isip ng tao.
m. Gamit ang pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya alam.

8. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang magiging daan tungo sa kaniyang
kaligayahan?
s. Mga katangian ng pagpapakatao
i. Mga pangarap at mithiin
c. Mga talent at kakayahan
k. Kasipagan at katapatan

9. Ano ang tawag sa isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya?
m. persona n. abilidad
i. personalidad d. kakayahan

10. Ano ang tawag sa pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kaniyang pagka-sino?
n. persona p. abilidad o. personalidad e. Kakayahan

11. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
h. mag-isip d.maghusga
i. makaunawa e. mangatwiran
Para sa bilang 12-13

Si Aries ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng
kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.

13. Bakit kaya ni Aries kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
b. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
i. Malaya ang taong pumili o hindi pumili.
t. May kakayahan ang taong mangatwiran.
e. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.

14. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
f. Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksyon.
i. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
r. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.
e. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.

15. “ Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang Kilos-loob.” Ano ang kahulugan nito?
t. walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
e. nakadepende ang kilo-loob sa ibinigay na impormasyon ng isip.
a. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
r. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.

16. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
l.Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.
i.Tama, dahil ang pandama ay nagbibigay kaalaman sa isip.
p. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
s. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahantid dito.

17. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?


l. kakayahang mag-abstraksiyon
i. kamalayan sa sarili
v. pagmamalasakit
e. Pagmamahal

18. Ano ang tawag kapag tumutugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
s. pagmamahal d. hustisya
i. paglilingkod e. Respeto

19. Ano ang mga pumupukaw sa kaalaman at pagkagusto na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon?
f. pandama n. kamalayan
i. kilos-loob e. imahinasyon.

II. PAGKIKILANLAN
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa tamang sagot sa patlang na nakalaan. ( 2 puntos bawat
aytem)

_____________________21. Ito ay katawagan sa munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at


nag-uutos sa kanya sa pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong
sitwasyon.
_____________________22. Ito ay gawain upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama.
_____________________23. Ito ay isang natatanging kilos pangkaisipan at paghuhusga ng sariling
katwiran.
_____________________24. Ito ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa
kanyang maaaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito.
_____________________25. Ito ay konsepto ng kalayaan na masasabing malaya ang tao kapag walang
nakahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay.

III. PAGPAPALIWANAG
Panuto:Ipaliwanag ang sa tatlong pangungusap o higit pa. (10 puntos bawat aytem)

1. Bakit madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao?


2. Mahalaga ba ang konsensiya sa tao? Bakit?
3. Bakit ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapwa- ang magmahal at maglingkod?
4. Paano nauugnay ang kalayaan sa pananagutan?
Pamantayan:

10 puntos 8 puntos 5 puntos 2 puntos

Nilalaman ng sagot Ang punto ng sagot ay tumpak. Ang punto ng sagot ay may Ang punto ng sagot ay kadalasan Kadalasan walang koneksyon ang
kakulangan kunti. nawawala. sagot.
( tatlong pangungusap o higit pah)
( tatlong pangungusap o higit pa) ( dalawang pangungusap) ( isang pangungusap)

Klaridad ng sagot Ang klaridad ng sagot ay malinaw Ang klaridad ng sagot ay Magulo ang sagot ngunit Paulit-ulit ang impormasyon sa
na naipahahayag. di-gaanong malinaw ng naiintindihan n kunti sagot.
naipahahayag.

Gamit ng pangungusap at Sakto ang gamit ng pangungusap May isa o dalawang May tatlo o apat na pangungusap May lima o higit pa na maling
pagbaybay at pagbaybay ng mga salita. pangungusap at pagbaybay na at pagbaybay na mali ang gamit ng pangungusap at
mali ang paggamit. paggamit. pagbaybay.

God bless! =)

You might also like