You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF COTABATO
KABACAN NATIONAL HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Lagumang Pagsusulit1 (Module 3&4)
Unang Markahan, S.Y. 2022-2023

Pangalan ______________________________________ Iskor: _____________________


Pangkat: _______________________________________ Petsa: _____________________

Panuto. Basahin at unawaing mabutiang mga katanungan. Piliin ang pinakaangkop na


sagot at isulat ang titik sa nakalaang patlang bago ang bawat bilang.

Bilang 1-6. Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay may kaugnayan sa:
A. Gamit at tunguhin ng isip B. Gamit at tunguhin ng kilos-loob

____ 1. Ito ay naaakit sa mabuti.


____ 2. Ito ay umaasa mula sa paghuhusga ng isip.
____ 3. Ito ay may kakayahang lumayo sa kasamaan.
____ 4. Ito ay may kakayahang matuklasan ang katotohanan at kasinungalingan.
____ 5. Ito ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
____ 6. Ito ay may makatuwirang pagkagusto namaakit sa mabuti at lumayo sa masama.
_____7. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at
kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o
sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang
kaisipan mula rito?
A. nagkakaroon ng kabuluhanang mabuhay sa mundo
B. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa
C. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
D. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
___8. Nahuling kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng
pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at
panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at
ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na
ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito
para sasarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwang
akuin ang pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakdang kilos para sa
kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit

Bilang 9-11. Kilalanin kung ang sumusunod na sitwasyon ay tumutukoy sa:


A. Kahinaan ng tao sa pagpapasya
B. Hakbang upang malagpasan ang mga kahinaan

____ 9. Niyaya si Malik ng kaibigan na mamasyal sa palengke, lumabas siyang walang suot
na facemask.
____ 10. Ibinalik ni Elmo ang sobra sa sukling binigay sa kanyang nagbebenta ng kwek-
kwek dahil na isip niyang malaking kawalan ito sa munti nitong negosyo lalo
na ngayong panahon ng pandemya.
____ 11. Kahit alam ni Pim na bawal sa kanya ang kumain ng matatamis, madalas siyang
bumili ng tsokolate at kendi at tinatago niya ito sa kanyang mga magulang para
hindi mapagalitan.
____ 12. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahinaan sa pagpapasya ng tao maliban sa
A. Pamamasyal kahit saan kahit na ipinagbabawal.
B. Palagiang paghuhugas o paglalagay ng alcohol sa kamay upang mapangalagaan
ang sarili.
C. Pakikipag-usap kahit kanino na hindi sumusunod sa minimum na protocol
pangkalusugan.
D. Pagtatanggal ng face mask sa mga pampublikong lugar dahil iniisip na hindi
tatablahan ng virus.
____ 13. Ang sumusunod ay totoo tungkol sa kakayahan ng isip at kilos-loob na makagawa
ng hakbang upang malagpasan ang mga kahinaan maliban sa
A. Ang isip ay may kakayahang matuklasan ang katotohanan.
B. Ang kilos-loob ay may makatuwirang pagkagusto na lumayo sa kasamaan.
C. Ang isip at kilos-loob ay walang kakayahang kumilos na ng naaayon sa
kabutihan o ikasasama ng tao.
D. Ang isip ay may kakayahang maghusga, mangatwiran, mag-alala at umunawa
ng kahulugan ng mga bagay.
____14. Ang tao ay may malayang kilos-loob bukod sa damdamin at emosyon upang mag
nais o umayaw. Nangangahulugan itong dahil may isip at kilos loob ang tao,
magagawa niyang pigilin ang pandama at emosyon at mailagay ang paggamit nito
sa tamang direksiyon. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa paggamit
ng isip at kilos-loob sa tamang direksyon maliban sa:

A. Sinisikap kong mapanatili ang aking pakikipag-ugnayan sa kaibigan.


B. Sumasama ako sa mga kaibigang maglakwat sa at liliban sa klase para maging
masaya.
C. Pinipili ko ang mga salitang aking binibitawan upang hindi makasakit ng
damdamin ng iba.
D. Ginagamit ko ang aking mga natutuhan upang paunlarin ang sarili.

___15. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ba ay tama o mali?


A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
B. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
D. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin .

Inihanda ni:

ELSA G. RAPUZA
Guro sa EsP
ANSWER KEY
1. B
2. B
3. B
4. A
5. A
6. B
7. B
8. C
9. A
10. B
11. A
12. B
13. C
14. B
15. D

You might also like