You are on page 1of 9

172 - Sabi ni Florante kay Aladin - hindi lamang dahilan ng sakit ng aking

damdamin, kundi pinagmumulan ng buhay ko mismo (tinutukoy ni Florante si


Laura).

173 - Naupo yung dalawa sa ilalim ng puno. Ikinuwento ni Florante kay Aladin
ang kanyang buhay, mula umpisa hanggang sa punto na naging masama ang
kanyang kapalaran (naparool).

174 - Sinabi ni Florante na ipinanganak siya sa Albanya, sa isang dukado


(dukedom) o pamilya ng duke. Si Duke Briseo ang ama ni Florante.

175 - Ang ina ni Florante ay si Prinsesa Floresca.

176 - Pakiramdam ni Florante na kung ipinanganak siya sa Krotona (siyudad


ng kanyang ina), imbes na sa Albanya (bayan ng kanyang ama), sana ay
naging mas masaya si Florante.

177 - Ikinuwento ni Florante na ang kanyang ama na si Duke Briseo ay


naging tagapag-payo kay Haring Linceo, sa lahat ng bagay. Pangalawa siya.
Siya rin ang nagbibigay ng direksyon para sa bayan.

178 - Si Duke Briseo ay parang perpektong bersyon ng kabaitan sa Albanya.


PInakamatalino. Pinakamagiting. Pinakamapagmahal sa anak.
Pinakamarunong mag-guide at magturo ng anak.

179 - Naalala ni Florante kung paano siya tawagin nuon (nung munting bata
pa siya) ni Duke Briseo: Floranteng bulaklak kong natatangi o nag-iisa. (My
one and only special flower.)

NOTE: Hindi po natin mahulaan kung bakit bulaklak ang tingin ni Duke Briseo
sa kanyang anak. Dahila kaya sa kulay ng buhok ni Florante? Or dahil
sobrang kinis ng mukha ni Florante?

180 - Yun ang tawag kay Florante mula nung bata siya. Una niya itong narinig
mula sa kanyang mga magulang. Yun ang kanyang ambil / palayaw /
nickname. At ngayon na siya'y naghihirap, parang naririnig niyang may
tumatawag sa kanya gamit ang palayaw na ito.
181 - Sinabi rin ni Florante na nung bata pa siya, muntik siyang nadagit (na-
snatch) ng isang buwitre (vulture) o ibong kumakain ng mga patay o malapit
nang mamatay na mga hayop.

182 - Ikinuwento daw sa kanya (Florante) ng kanyang ina na nung tulog ang
munting si Florante dun sa malaking bahay na kinta (or villa, in English, quinta
in Spanish) nila sa bundok, may pumasok na ibon. Yung buwitre ay may
sensitibong pang-amoy. Kaya nitong amuyin ang patay na hayop mula tatlong
legwas (leagues). Ang distansiya ng is legwas ay tatlong milya (miles) or
4.828 kilometros.

183 - Sumigaw si Prinsesa Floresca, at na-alerto ang pinsan ni Florante na si


Menalipo na taga Epiro (Epirus - isang rehiyon sa hilagang kanluran ng
Gresya o northwestern Greece - nakadikit ito sa Albanya). Pinana ni Menalipo
(Minelipus) ang buwitre. Agad namatay yung ibon.

184 - Sa ibang pagkakataon naman, bago pa lamang natutong maglakad


nang mag-isa si Florante dun sa gitna ng salas, may dumating arko (ibong
falcon) at inagaw nito ang kupidong diamante (hearts and arrows diamond
cut) na nasa dibdib ni Florante.

NOTE: The Hearts and Arrows Diamong Cut involves precision cutting. It is
symmetrical.

185 - Nung si Florante'y siyam na taong gulang, madalas siyang gumala at


maglaro sa burol (hill). Pinapana niya ang mga ibon.

186 - Tuwing umaga, nung bagong labas palang ng araw, andun na si


Florante sa tabi ng gubat, kasama ang kanyang mga alagad.

187 - At hanggang tumaas na ang sikat ng araw (Febo - Phoebus - sun god),
malamang tanghaling tapat, andun si Florante sa parang (fields).

188 - PInaglalaruan ni Florante ang mga bulaklak (ito kaya ang dahilan kung
bakit tinatawag siya ng kanyang ama na Florante, bugtong na bulaklak?). May
laruang siyang pulad (quiver of the arrow), o yung balahibo ng manok o ibon
na inilalagay sa hindi matulis na dulo ng isang pana, upang magiya o
madiretso ang paglipad nito.
Hindi po natin maunawaan pa sa ngayon kung bakit ni inaaglahi ang laruang
pulad. Ang pag-aglahi kasi ay yung pagsira sa isa, at pati na ring pagdamay
sa buong lahi nung isang yun.

Siguro yung inaglahi ni Florante ay yung isang ibon/manok na ang balahibo


ay nasa pulad, at pati na rin yung buong lahi o angkan ng mga ibon/manok.

Pati yung mga ibong lumilipad sa hanging amihan (the wet south wind) ay
hinahabol ni Florante.

189 - Kapag may nakitang hayop si Florante duon sa kalapit na bundok,


papanain niya ito. Isang tira lang, tinatamaan na. Ganuon katindi at kalinaw
ang mata ni Florante.

190 - Mag-uunahan ang mga kasamahan ni Florante para kunin yung napatay
na hayop. Sa sobrang tuwa, hindi nila pinapansin ang mga matatalas na tinik
sa dinaraanan nila.

191 - Naaaliw si Florante sa kapapanuod sa kanila. Pa-ekis-ekis


nagtatakbuhan yung mga kasama ni Florante sa damuhan. At kapag nakita
na nila yung patay na hayop, sigawan sa tuwa!

192 - Kapag nagsawa na si Florante sa laruan niyang busog (bow... as in bow


and arrow), uupo sila sa tabi ng bukal (batis or spring), titingnan ang sariling
repleksiyon, at kukunin ang lamig ng tubig.

193 - Dito sa tabi ng tubig, pakikinggan ni Florante ang mga Nayadas (Naiads
- female water spirit). Kapag tumugtog ng lira (lyre) ang mga Nayadas,
matatanggal ang kalungkutan sa iyong dibdib.

194 - Pati mga ibon, lumalapit sa mga kumakanta at nagtatawanang mga


Ninfas (nymph - nature goddess).

195 - Duon sa sanga ng kahoy na duklay (pinakamataas ng punong-kahoy)


nagpupuntahan ang mga ibong upang makinig sa mga nag-aawitang mga
Ninfas.
Ang mahal na batis ng iginagalang na bulag na hentil ay malamang yung batis
na binanggit sa Bibliya - John, Chapter 9.

Sa "Pool of Siloam" gumawa ng milagro si Hesukristo, kung saan naglagay


siya ng putik sa mga mata ng isang bulag, at ito'y nakakita muli.

Sa palagay ng iba, dito rin sa "Pool of Siloam" itinaguyod ni Hadrian ang


paganong dambana ng Apat na mga Ninfas (pagan Shrine of the Four
Nymphs) nuong 135 AD.

(Saan kaya ito nabasa ni Balagtas? Bakit niya alam ang ganitong
kasaysayan? Kakaiba siya talaga!)

196 - Hindi nagtagal ang saya ni Florante sa lugar na yun. Dahil mahal siya
ng kanyang ama, inutusan siyang umalis.

197 - Kapag panay kasiyahan lang ang nararanasan ng isang bata, magiging
mahina ito paglaki nito.

Kung lumaki'y walang hihinting ginhawa = Walang kahihinatnan. Walang


sasapitin. Walang darating na ginhawa sa buhay mo, kung nuong bata ka ay
nababad ka lang sa kasiyahan at di ka man lang nakaranas ng mga pagsubok
sa buhay.

198 - Mundo ito ng kahirapan. Kaya bawat tao ay dapat matutong patibayin
ang kalooban. Kapag hindi natutong magtiis, paano haharapin ang mga
pagkakataong malupit ang trato sayo ng mundo?

199 - Ang taong sanay sa masarap na buhay ay ubod ng selan. Hindi niya
kayang bathin o tiisin yung hilahil, kahirapan, o gulo. Wala pa ngan
dumarating, nasa imahinasyon palang yung problema, ayun... bagsak na.

200 - Katulad ng halamang palaging dinidiligan, kapag may sandaling init at


hindi nadiligan agad, ayun... nalalanta na. Ganun din ang pusong nasanay
lamang sa tuwa.
201 - Kaunting hirap lang, pinapalaki na kaagad. Ganun ang dibdib na hindi
marunong magbata o magtiis. May kaunting pagbabago lang sa mundo,
kisapmata o sandali palang ay malaking pagdurusa na.

(Nahihirapan ka ba sa Florante at Laura? Kumusta ang dibdib mo? Mabilis ka


bang tumiklop? O kaya mo bang lumaban? Paiter, bai!)

202 - Ang batang pinalaki sa saya at madaling pamumuhay, may something


ang pag-iisip. Minsan nga, parang hindi na nag-iisip. Walang sariling bait. Mali
ang pag-alaga ng mga magulang. Akala nila pagmamahal yung ipinakita nila
sa anak nila. Ngunit mali. Kaya ayun ang masaklap na resulta: walang
kwentang anak.

(Mabuti na lang at pinag-aaralan mo itong Florante at Laura. May pag-asa


kang gawin ang dapat gawin, upang gumanda ang kinabukasan mo at ng
iyong pamilya.)

203 - Ang pagmamahal ng ibang magulang ay mali o baluktot. Tuloy,


napasama ang kalagayan nung bata. Posible rin na tamad lamang ang
magulang, at naging pabaya.

204 - Ang mga bagay nito ay itinuro ni Duke Briseo sa kanyang anak na si
Florante. At kahit umiyak si Prinsesa Floresca, pinadala pa rin si Florante sa
malayong lugar ng Atenas upang mag-aral at maging mulat.

205 - Nalungkot nang matindi nang dumating si Florante sa Atenas (Athens).


Ang naging mabait na guro niya duon ay si Antenor. Si Antenor ay lahi ni
Pitaco (Pittacus of Mytilene - considered as one of the Seven Sages of
Greece).

Also see these Other Notes:

06 - Halos isang buwan hindi makakain si Florante, dala ng matinding


kalungkutan.

207 - Kaklase ni Florante si Adolfo, anak ni Konde Silenus.


208 - 11 taong gulang si Florante. Si Adolfo ay 13. Si Adolfo ang
pinakamatalino sa klase, at tinitingalaan siya ng madla.

209 - Mabait si Adolfo. Mahinahon. Hindi nakikipag-away. Hindi mayabang.

210 - Si Adolfo ang huwaran o model student.

211 - Hindi maarok ng kanilang guro ang mga sikretong nilalaman ng puso ni
Adolfo.

212 - Itinuro ng ama kay Florante na ang talino ay kailangan maging


magpakumbaba.

213 - Nagtaka ang mga kaklase ni Florante kung bakit hindi natutuwa si
Florante sa asal ni Adolfo.

214 - Hindi maintindihan ni Florante kung bakit niya iniiwasan si Adolfo.

215 - Sa mga nadgaang araw, lalung tumalino si Florante.

216 - Pinag-aralan ni Florante ang pilosopiya, astrolohiya, at matematika.

217 - Sa loob ng anim na taon, naging dalubhasa si Florante sa mga tatlong


dunong na yun.

218 - Parang milagro, nahigitan ni Florante ang talino ni Adolfo.

219 - Si Florante na ang naging sikat sa Atenas.

220 - Nabuking ang pagbabalat-kayo ni Adolfo. Hindi pala siya talagang


mabait.

221 - Nahalat ng madla na peke pala ang pagiging mahinahon ni Adolfo.

222 - Nakita ang katotohanan nung oras ng paghahanda ng mga bata sa


kanilang paligsahan.
223 - Nagsimula sila sa awitan, kantahan, at pati na rin sa arnis.

224 - Isinadula nila Florante ang "The Odyssey" - ito yung kwento ni Oedipus.
Napangasawa niya ang sarili niyang ina na si Reynang Yocasta.

225 - Gumanap si Florante bilang Eteocles, anak ni Oedipus (ang ina ni


Eteocles ay di malaman kung si Jocasta o Euryganeia). Si Adolfo ay gumanap
bilang Polyneices. Si Menander naman ay gumanap bilang Reyna Yocasta.

226 - Sa eksena, kikilalanin ni Florante si Adolfo bilang kapatid (anak ni


Oedipus).

227 - Bumigkas si Adolfo ng mga galit na salita na wala naman sa iskrip.

228 - Sumugod si Adolfo kay Florante. Tatlong beses siyang sinubukang


tagain.

229 - Nahulog si Florante. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Menander.

230 - Sinangga ni Menander yung tama na sana ay papatay kay Florante, at


tumalsik yung kalis ni Adolfo.

231 - Kinabukasan, pinabalik si Adolfo sa Albanya.

232 - Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon. Hinintay niya ang utos
na kanyang ama na umuwi na. Ang kaso, may dumating na liham.

233 - Gumulo ang isip ni Florante nang mabasa yung masakit na liham.

234 - Nalaman ni Florante na namatay na ang kanyang ina.

235 - Iyon ang unang napakatinding sakit sa buhay ni Florante -- ang


pagkawalan ng isang ina.

236 - Nagulat si Florante na sinulatan siya ng ama niya nang ganun.


237 - Dalawang oras nawalan ng malay si Florante. Hindi siya makapagsalita.
Hindi niya alam kung nasaan siya. Mabuti na lang at inalagaan siya ng
kanyang mga kaklase.

238 - Nang magkamalay si Florante, anduon pa rin yung sakit. Iyak siya nang
iyak.

239 - Pakiramdam ni Florante nag-iisa lang siya sa mundo.

240 - HIndi nakatulong ang mga mahinahong mga salita ng kanyang guro.
Masyado siyang nagdadalamhati. Kahit mga luha ng pakikiramay ng kanyang
mga kaklase ay hindi nagpagaan ng kanyang loob.

241 - Marahas ang kalungkutan. Nawala kay Florante ang sensibilidad.

242 - Sa sobrang sakit, ninais ni Florante na sumabog ang kanyang puso.

243 - Dalawang buwan nagdalamhati si Florante, hanggang dumating ang


pangalawang liham ng kanyang ama.

244 - Ayon sa liham, pinapauwi na si Florante sa Albanya.

245 - Sabi ng guro ni Florante na mag-ingat siya kay Konde Adolfo.

246 - Pinaaalahanan niya si Florante na lihim na kaaway si Konde Adolfo.

247 - Naghanda nang palihim si Florante para sa araw ng digmaan.

248 - Naluha ang guro at niyakap niya ng mahigpit si Florante dahil alam niya
na papalapit na ang mahirap na pagsubok.

249 - Aniya ngayon na raw ang simula ng matinding pagsubok sa buhay ni


Florante. Tapos bigla niyang hininto ang pananalita.

250 - Malungkot si Menander, ang kaibigan ni Florante.


251 - Nagyakapan sina Florante at Menander. Pinayagan ng tiyo ni Menander
(na guro din ni Florante), na ihatid ni Menander si Florante.

252 - Nagpaalam at nag-iyakan yung dalawang magkaibigan.

253 - Dun sila sa daungan pumunta. Pumalaot ang kanilang sasakyan mula
sa Atenas.

254 - Mabilis ang byahe papuntang Albanya.

255 - Agad pumunta si Florante sa kinta (cottage). Naalala niya ang kanyang
yumaong ina, at siya's nalungkot. Nagmano si Menander sa ama ni Florante.

256 - Sinabi ni Florante "Ay, ama!" at sinabi ng kanyang ama "Ay, anak!"

257 - Naabutan ng ambasador ng Krotona ang magkayakap na mag-ama.

Next: Dakilang Pagpapakasakit (Saknong 258 to 273)

You might also like