Professional Documents
Culture Documents
A Study On The Factors Affecting The Infant Feeding Practices
A Study On The Factors Affecting The Infant Feeding Practices
163 - Nung madaling araw, nung sobrang dilim pa, nakatulog nang husto si
Florante. Tahimik ang lahat, hanggang nagbukang liwayway (sunrise).
171 - Sabi ni Aladin kay Florante na nakita na ni Florante kung paano mag-
alala sa kanya si Aladin. Kaya huwag mag-alala si Florante at maghahanap
ng solusyon si Aladin.
172 - Sabi ni Florante kay Aladin - hindi lamang dahilan ng sakit ng aking
damdamin, kundi pinagmumulan ng buhay ko mismo (tinutukoy ni Florante si
Laura).
173 - Naupo yung dalawa sa ilalim ng puno. Ikinuwento ni Florante kay Aladin
ang kanyang buhay, mula umpisa hanggang sa punto na naging masama ang
kanyang kapalaran (naparool).
179 - Naalala ni Florante kung paano siya tawagin nuon (nung munting bata
pa siya) ni Duke Briseo: Floranteng bulaklak kong natatangi o nag-iisa. (My
one and only special flower.)
NOTE: Hindi po natin mahulaan kung bakit bulaklak ang tingin ni Duke Briseo
sa kanyang anak. Dahila kaya sa kulay ng buhok ni Florante? Or dahil
sobrang kinis ng mukha ni Florante?
180 - Yun ang tawag kay Florante mula nung bata siya. Una niya itong narinig
mula sa kanyang mga magulang. Yun ang kanyang ambil / palayaw /
nickname. At ngayon na siya'y naghihirap, parang naririnig niyang may
tumatawag sa kanya gamit ang palayaw na ito.
181 - Sinabi rin ni Florante na nung bata pa siya, muntik siyang nadagit (na-
snatch) ng isang buwitre (vulture) o ibong kumakain ng mga patay o malapit
nang mamatay na mga hayop.
182 - Ikinuwento daw sa kanya (Florante) ng kanyang ina na nung tulog ang
munting si Florante dun sa malaking bahay na kinta (or villa, in English, quinta
in Spanish) nila sa bundok, may pumasok na ibon. Yung buwitre ay may
sensitibong pang-amoy. Kaya nitong amuyin ang patay na hayop mula tatlong
legwas (leagues). Ang distansiya ng is legwas ay tatlong milya (miles) or
4.828 kilometros.
NOTE: The Hearts and Arrows Diamong Cut involves precision cutting. It is
symmetrical.
188 - PInaglalaruan ni Florante ang mga bulaklak (ito kaya ang dahilan kung
bakit tinatawag siya ng kanyang ama na Florante, bugtong na bulaklak?). May
laruang siyang pulad (quiver of the arrow), o yung balahibo ng manok o ibon
na inilalagay sa hindi matulis na dulo ng isang pana, upang magiya o
madiretso ang paglipad nito.
Pati yung mga ibong lumilipad sa hanging amihan (the wet south wind) ay
hinahabol ni Florante.
190 - Mag-uunahan ang mga kasamahan ni Florante para kunin yung napatay
na hayop. Sa sobrang tuwa, hindi nila pinapansin ang mga matatalas na tinik
sa dinaraanan nila.
191 - Naaaliw si Florante sa kapapanuod sa kanila. Pa-ekis-ekis
nagtatakbuhan yung mga kasama ni Florante sa damuhan. At kapag nakita
na nila yung patay na hayop, sigawan sa tuwa!
193 - Dito sa tabi ng tubig, pakikinggan ni Florante ang mga Nayadas (Naiads
- female water spirit). Kapag tumugtog ng lira (lyre) ang mga Nayadas,
matatanggal ang kalungkutan sa iyong dibdib.
(Saan kaya ito nabasa ni Balagtas? Bakit niya alam ang ganitong
kasaysayan? Kakaiba siya talaga!)
196 - Hindi nagtagal ang saya ni Florante sa lugar na yun. Dahil mahal siya
ng kanyang ama, inutusan siyang umalis.
197 - Kapag panay kasiyahan lang ang nararanasan ng isang bata, magiging
mahina ito paglaki nito.
Kung lumaki'y walang hihinting ginhawa = Walang kahihinatnan. Walang
sasapitin. Walang darating na ginhawa sa buhay mo, kung nuong bata ka ay
nababad ka lang sa kasiyahan at di ka man lang nakaranas ng mga pagsubok
sa buhay.
198 - Mundo ito ng kahirapan. Kaya bawat tao ay dapat matutong patibayin
ang kalooban. Kapag hindi natutong magtiis, paano haharapin ang mga
pagkakataong malupit ang trato sayo ng mundo?
199 - Ang taong sanay sa masarap na buhay ay ubod ng selan. Hindi niya
kayang bathin o tiisin yung hilahil, kahirapan, o gulo. Wala pa ngan
dumarating, nasa imahinasyon palang yung problema, ayun... bagsak na.
201 - Kaunting hirap lang, pinapalaki na kaagad. Ganun ang dibdib na hindi
marunong magbata o magtiis. May kaunting pagbabago lang sa mundo,
kisapmata o sandali palang ay malaking pagdurusa na.
211 - Hindi maarok ng kanilang guro ang mga sikretong nilalaman ng puso ni
Adolfo.
232 - Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon. Hinintay niya ang utos
na kanyang ama na umuwi na. Ang kaso, may dumating na liham.
233 - Gumulo ang isip ni Florante nang mabasa yung masakit na liham.
240 - HIndi nakatulong ang mga mahinahong mga salita ng kanyang guro.
Masyado siyang nagdadalamhati. Kahit mga luha ng pakikiramay ng kanyang
mga kaklase ay hindi nagpagaan ng kanyang loob.
248 - Naluha ang guro at niyakap niya ng mahigpit si Florante dahil alam niya
na papalapit na ang mahirap na pagsubok.
249 - Aniya ngayon na raw ang simula ng matinding pagsubok sa buhay ni
Florante. Tapos bigla niyang hininto ang pananalita.
253 - Dun sila sa daungan pumunta. Pumalaot ang kanilang sasakyan mula
sa Atenas.
255 - Agad pumunta si Florante sa kinta (cottage). Naalala niya ang kanyang
yumaong ina, at siya's nalungkot. Nagmano si Menander sa ama ni Florante.
256 - Sinabi ni Florante "Ay, ama!" at sinabi ng kanyang ama "Ay, anak!"
258 - Dala ng ambasador ng Krotona ang isang liham para kay Duke Briseo,
ama ni Florante. Ang hari ng Krotona ay biyenan (father-in-law) ni Duke
Briseo.
259 - Nanganganib ang Krotona at humihingi sila ng tulong. Pinaliligiran kasi
ang Krotona ng hukbo ni Heneral Osmalik na taga Persiya.
264 - Sinabi ni Florante kay Aladin na sana hindi maranasan ni Aladin ang
kasamaang-palad ni Florante. Ayaw niyang maranasan ninuman ang kanyang
sinapit. Kahit sa mga kalaban ni Florante, ayaw niyang maranasan nila ang
dusa ni Florante.
267 - Sinabi ni Haring Linceo kay Duke Briseo na kamukha ni Florante yung
gererong nasa panaginip ng hari, na siyang magtatanggol sa kaharian.
268 - Tinanong ng hari kung sino yung binata, at kung taga-saan siya. Sinabi
ni Duke Briseo na anak niya si Florante.
272 - Dahil tama nga naman ang sinabi ni Haring Linceo, pumayag si Duke
Briseo (kahit masakit sa kanyang kalooban), na ipadala si Florante sa giyera,
kasi napakabata pa nito, at kahit hindi pa siya dalubhasa sa patayan.
273 - Walang magawa si Florante kundi sabihin ang Haring poo't (My Lord,
My King) habang dumapa siya sa paanan ng hari. Hahalikan na niya sana
ang mga paa ng hari, ngunit itinindig ng hari si Florante at muling niyakap.
278 - Ang taong hindi matutuwa kay Laura ay walang buhay ng bangkay, o
kaya'y mahina ang ulo.
284 - Kung ikaw ay nasa dagat at ika'y natukso ng pagtataksil, ano ang
gagawin mo kapag ang iyong dangal ay nanaig sa pagkawalan ng
kagandahan?
286 - Sinabi ni Florante kay Aladin na nung makita niya si Laura, nabuhay ang
puso sa kanyang puso. Pati yung bahagi ng puso ni Florante na para sa
kanyang ina, nakuha na rin ng pag-ibig.
290 - Nilibre sila ng hari nang tatlong araw. Pero hindi man lang tiningnan ni
Florante si Laura.
291 - Mas matindi pa ang sakit dulot ng pag-ibig, kaysa sa sakit dala ng
lungkot sa pagkawalan ng ina.
293 - Sinabi ni Florante kay Laura na iniibig niya si Laura. May kasama pang
iyak at buntong-hininga.
294 - Parang bibigay na ang matibay na puso ni Laura. Pero nanaig pa rin
ang kaisipan ni Laura.
295 - Wala siyang sinabi kay Florante. Ngunit may isang patak ng luha na
bumagsak mula sa kanyang mata.
297 - Ano pa raw ang mas masakit pa kaysa sakit dulot ng pagkahiwalay sa
taong minamahal.
300 - Halos bibigay na ang mga pader ng kaharian, nang inatake ni Florante
ang mga pwersa na nakapaligid sa siyudad.
301 - Matindi ang labanan. Dumanak ang dugo. Ang mga diyosa ng
kamatayan ay napagod sa pagkuha ng mga nangamatay.
304 - Limang oras silang naglaban. Napagod siya. Pinatay siya ni Florante.
305 - Natakot ang mga Moro sa bangis ng tabak ni Menander. Nakuha muli
nina Florante ang kampo. Nanalo sila!
306 - Natakot yung mga kalaban ni Florante dahil sumagupa ang mga pwersa
ni Minandro. Nabawi nila ang kampo. Buo ang kanilang pagkapanalo.
310 - Lalung natuwa ang mga tao ng Krotona nang malaman nila na ang
pagtanggol nila na si Florante ay apo pala ng kanilang hari. Umiyak nang
umiyak sa tuwa ang hari.
311 - Umakyat sila sa palasyo. Nagpahinga ang mga sundalo, pero tila hindi
natulog ang bayan ng tatlong araw.
317 - PInahinto ni Florante ang kanyang hukbo dun sa paa ng isang bundok.
May nakita silang mga Moro na nagma-martsa.
318 - May kasama silang babaeng nakatali ang mga kamay. Siguro papunta
sila sa lugar kung saan pupugatan ng ulo ang babae.
321 - Pupugutan sana si Laura dahil nung nilapitan siya ng bastos na emir ng
mga Persiyano, sinampal ni Laura ito. Pinatawan si Laura ng parusang
kamatayan.
322 - Inalis ni Florante ang mga tali na nakapulupot sa mga kamay ni Laura.
Iningatan ni Florante na huwag niya mahawakan ang balat ni Laura.
323 - Saka nakita ni Florante yung tingin ni Laura. Isang tingin na naghilom sa
naghihirap na puso ni Florante. Narinig pa niya si Laura na nagsabing -
Florante, mahal ko..
(Tandaan natin: Nung nagpahayag dati si Florante kay Laura na mahal niya
ito, walang sinabi si Laura. Parang na friend zone lang. Pero nung panahon
na yun, pumatak ang isang luha ni Laura, kaya nung panahon na yun, hindi
naman inisip ni Florante na na friend zone siya.)
324 - Nalaman ni Florante mula kay Laura na binihag ng mga Moro si Haring
Linceo (ama ni Laura) at si Duke Briseo (ama ni Florante). Inutos ni Florante
na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito mula sa mga Persiyano.
331 - Nag-iyakan ang maraming tao. Natakot si Laura dahil nag-alala siya na
baka mapatay si Florante sa bagong giyera na ito.
332 - Iniatas ng hari na si Florante ang magiging heneral laban sa mga Moro.
Tumibay ang loob ng taumbayan. Ngunit hindi natuwa ang inggiterong si
Adolfo.
Kaya laking gulat na lang niya nung makita niya na pinaligiran siya ng 30,000
na mga sundalo!
338 - Hindi man lang nagkataon si Florante na ilabas ang kanyang kalis at
manlaban. Agad siyang ginapusan (tinali) at inilagay sa isang bilangguan.
340 - Uhaw sa kasikatan si Adolfo. Gusto rin niya ng kayamanan. At lalo din
niyang gustong mamatay na si Florante. Pumasok ang lahat ng ito sa puso ni
Konde Adolfo, kaya nagawa niyang magsukab (o magtaksil).
341 - (Kausap ni Florante ang Albanya) - Lalu pang naging kaawa-awa ang
Albanya sa ilalim ng isang lider na hangal at masama. Ang haring mahilig sa
yaman ay parang parusa ng Langit sa bayan.
342 - Sinabi rin ni Florante na lalu pa siyang minalas, dahil nalinlang o naloko
siya ng pag-ibig. Narinig kasi ni Florante na nangako na si Laura na
magpakasal dun sa balawis o taksil o mapagkunwaring Konde Adolfo.
343 - Dahil sa nalaman ito ni Florante, lalong kumalat ang sama ng loob sa
kanyang buong katauhan. Gusto na niyang mamatay. Gusto na niyang
bumalik sa umpisa. Yung umpisa na wala siya. Gusto niyang bumalik sa araw
bago siya ipinanganak.
345 - Dalawang araw inikot ni Febo (Phoebus, god of the sun) ang mundo
mula nung itinali si Florante sa puno. Akala ni Florante nasa ibang mundo na
siya, ngunit nang idilat niya ang kanyang mga mata, ayun siya sa kandungan
ni Aladin.
346 - Sinabi ni Florante na ayun ang naging buhay niya na silo-silo (o parang
nakatali ng lubid na dobleng paikot) ng sakit. At hanggang sa puntong iyon,
hindi pa rin alam ni Florante kung paano magwawakas ang lahat. Dito
nagtapos ang mahabang kwento ni Florante, at si Aladin naman ang
naghandang magsimula na tungkol sa sarili niya.
347 - Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni Sultan Ali-
Adib.
351 - Gumala sila sa gubat. Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng kanyang
buhay.
356 - Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang mga tropa na walang
pahintulot ng kanyang ama. At dahil nabawi ni Florante ang kaharian ng
Albania, kailangang pugutan si Aladin.
357 - Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may dumating na
heneral sa kulungan ni Aladin. May dala siyang balita na higit pang masaklap
kaysa sa kamatayan.
359 - Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang mapugutan, kaysa mabuhay
nang alam niyang kapiling mahal niyang si Flerida ang ibang tao.
363 - Ano ang gagawin ni Flerida? Hahayaan na lang ba niyang mamatay ang
mahal niya? Pumayag si Flerida sa kagustuhan ng sultan, para mabuhay ang
mahal niya si Aladin na kahambal-hambal o kaawa-awa.
364 - Kahit matibay at matigas ang puso ni Flerida, tumiklop ito at bumigay
para lamang mailigtas ang buhay ng kanyang minamahal.
365 - Natuwa ang haring sultan. Pinakawalan niya si Aladin. Yun nga lang,
ang utos ay dapat umalis si Aladin mula sa Persiya.
371 - Sobrang saya nila! Kung anuman sakit ang nararamdaman ng katawan
nila, parang nawala ang sakit na yun!
372 - Tuwang-tuwa si Florante nang makita niya si Laura. Lampas Langit ang
kanyang kasiyahan.
374 - Nang humupa ang kanilang tuwa, nakinig yung tatlo sa kwento ni Laura.
377 - Bigla na lang dumating ang panahon na sinakop ng mga sundalo ang
palasyo. Kudeta!
379 - Pero si Adolfo pala ang nag-utos ng pagkubkob sa pagkain. Sinabi lang
niya sa taumbayan na utos daw ito ni Haring Linceo. Naniwala naman kaagad
sa kanya ang nagugutom na bayan.
381 - Nung araw na yun, pati yung mga konseho (counsel) na tapat kay
Haring Linceo ay pinugutan din. Ang taksil na tabak ng grupo ni Adolfo ay
hindi huminto sa kapapatay hangga't wala nang natirang mabait na tao.
384 - Humingi si Laura kay Adolfo ng limang buwan bago niya tanggapin ang
pagsinta ni Adolfo. Pero nag desisyon si Laura na magpapakamatay na lang
siya kung hindi dumating si Florante.
387 - Nung malaman ito ni Laura, nawalan na siya ng loob. Naghanda na ang
puso niya na siya ay mamamatay. Mabuti na lang at dumating si Menander na
may kasamang malaking hukbo para makubkob (mapaligirin / surround) ang
bayan ng Albanya.
390 - Nang marating nila Adolfo at Laura ang gubat, pinagtangkaan niya
halayin si Laura. Bigla na lang may tunod (arrow) na lumipad at tinamaan si
Adolfo sa kanyang dibdib.
391 - Si Flerida naman ang nagsalita. Sabi niya na nung dumating siya sa
gubat, may narinig siyang boses ng babae na sinasaktan. Naawa si Flerida.
392 - Hinanap ni Flerida yung babae (Laura), nakita niya pinipilit ni Adolfo si
Laura, kaya pinalipad ni Flerida yung palaso (arrow).......
398 - Itinaas nila ang kanilang mga kamay sa Langit, bilang pasasalamat. Ang
bagong hari at reyna ay namahala nang mabuti at ng may awa para sa lahat.
WAKAS