You are on page 1of 2

146 - Nang magising muli si Florante, nagulat siya na andun siya sa Moro.

Sinubukan ni
Floranteng bumangon, ngunit hindi pa niya kaya. Galit siyang napahiga.

147 - Sinabi ni Aladin na ligtas si Florante, ang maging payapa siya.

148 - Inamin ni Aladin na kahit ayaw siya ni Florante, hindi niya kayang hayaang mamatay si
Florante.

149 - Nakita ni Aladin sa pananamit ni Florante na taga Albanya si Florante. Si Aladin naman
ay taga Persiya. Magkaaway ang dalawang kaharian. Ngunit sa ganung kalagayan ni Florante,
magkaibigan daw sila, sabi ni Aladin.

150 - Moro nga si Aladin, ngunit tao rin siya. Ramdam niya sa kanyang puso na sa batas ng
kalikasan, kailangang tulungan ang mga nahihirapan.

151 - Ano pa nga ba ang gagawin ni Aladin gayong narinig niya ang mga sigaw at iyak ni
Florante? Nakita rin siyang nakagapos at malapit nang sakmalin ng mga leon.

152 - Inamin ni Florante na kung hindi siya tinulungan ni Aladin, malamang andun na siya sa
loob ng mga leon.

153 - At naging payapa si Florante. Dahil alam niyang magkalaban ang mga taga Albanya at
Persiya, ngunit tinulungan pa rin siya ni Aladin.

154 - Sinabi ni Florante na hindi niya kailangan ang awa ni Aladin. Pero sana pinatay na lang
siya, kasi kamatayan ang hinahanap ni Florante.

155 - Nang marinig ito ni Aladin, sumigaw siya nang malakas, umiyak, at napaluhod.

156 - Tahimik sina Aladin at Florante. Para silang hinimatay, hanggang lumubog ang araw.

157 - Nang makita ni Aladin na papadilim na, binuhat niya si Florante at bumalik siya sa
pinanggalingan sa gubat.

158 - Inilapag ni Aladin si Florante dun sa isang malapad at malinis na bato.

159 - Sinubukan ni Aladin na pakaiinin si Florante. At kahit umayaw si Florante, mahinahon


niyang hikayatin siya na kumain.

160 - Nanghina si Florante (naawas) sa sobrang gutom (dayukdok). Tuloy, di sinasadyang


nakatulog sa sinapupunan (sa bandang puson.. between the lap and navel or belly-button) ni
Aladin.
161 - Magdamag natulog (nang mababaw) si Florante, habang si Aladin naman ay magdamag
hindi natulog. Nag-aalala kasi si Aladin na baka may lumapit na hayop at kagatin si Florante.

162 - Pagising-gising si Florante at madalas siyang umungol. Bawat iyak niya ay parang
sumasaksak sa maawaing puso ni Aladin.

163 - Nung madaling araw, nung sobrang dilim pa, nakatulog nang husto si Florante. Tahimik
ang lahat, hanggang nagbukang liwayway (sunrise).

164 - Lumakas si Florante. Ano yung limang karamdaman? The 5 senses.


sense of sight: paningin
sense of smell: pangamoy
sense of taste: panlasa
sense of hearing: pandinig
sense of touch: pandamdam

165 - Kaya nung kumalat na ang sinag ng araw, dahan-dahang bumangon si Florante, ang
nagpasalamat sa Langit sa pagbalik ng lakas sa kanyang katawan.

166 - Tuwang-tuwa si Aladin, at niyakap niya si Florante. Kung noon ay lumuha si Aladin dahil
sa awa, ngayon ay lumuha siya sa tuwa (tears of joy).

167 - Hindi mailarawan nang sapat ni Balagtas ang pasasalamat ni Florante. Yun nga lang,
nang bumangon si Florante, naalala niya ang mahal niyang si Laura, at naramdaman muli ni
Florante ang matinding kalungkutan.

168 - Kapag nakapaghinga ka samantala mula sa sakit na dulot ng pag-ibig, kapag bumalik
yung sakit, higit na matindi pa. Doble pa yung sakit.

169 - Bago mahilom ng kasayahan ang sugatang puso ni Florante, umiral na naman ang
dating sakit. Parang kutsilyo na nakasaksak nang malalim sa puso ni Florante.

170 - Tinanggap ni Florante ang kanyang paghihirap, habang sabay niyang sinabi na hindi na
niya kaya ang pagkawalan ng kanyang minamahal. Sinubukan ni Aladain na pagaanin ang
kalooban ni Florante.

171 - Sabi ni Aladin kay Florante na nakita na ni Florante kung paano mag-alala sa kanya si
Aladin. Kaya huwag mag-alala si Florante at maghahanap ng solusyon si Aladin.

You might also like