You are on page 1of 3

India

Ang India ay isang bansa sa timog silangang bahagi ng Asya, nakuha ang pangalan nito sa
Indus River.

Ambag ng India sa Kabihasnan


Ang India ay duyan din ng kabihasnan at isa sa pinakadakilang imbakan ng sining, panitikan,
relihiyon, at agham. Ilan sa mga ambag ng India ay:
Relihiyon
Ang pinakaunang ambag ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon —
Hinduismo, Budhismo, Sikhismo, at Jainismo. Ang Hinduismo ang pinakamatandang
organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay sa Indian
Subcontinent. Ito ang pinagmulan ng maraming modernong kultong relihiyon tulad ng
transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong Ramakrishna,
theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247 milyong tagasunod
sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu, marami sa kanila ay
nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking Sikh ay mahaba ang
balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng Hindu at Islam. Ang Jainismo
ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila sa kabanalan ng buhay, pati ang
mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism,
yoga, karma, at reincarnation. Ang tawag ng mga Jain sa paniniwalang ito ay ang Ahmimsa
o kapayapaan.
Pilosopiya
Ang ikalawang ambag ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa
Kanluran. Bago pa ang mga Griego at Romano ang mga pilosopiya ng India ay nagtatag na
ng maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa
pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.

Panitikan
Ang ikatlong ambag ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig na
panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra), unang dulang
epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko
(Mahabharata at Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig (Bhagavad Gita).

Musika, Sining, at Arkitektura

Ang Taj Mahal ay ipinagawa ni Shah Jahan ng Imperyong Mughal upang magsilbing libingan ng
kanyang asawa si Mumtaz Mahal. Ito ay matatagpuan sa Agra, India.
Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang ikaapat nilang
ambag sa daigdig. Ang sining ng India ay nagtatanghal ng mga kasaysayan ng pag-ibig ng
kanilang mga diyos na siyang kauna-unahang halimbawa ng malalaswang palabas. Sa
arkitektura, ibinigay ng India sa daigdig ang Taj Mahal sa Agra, ang mga palasyo ng mga
Mogul sa New Delhi, at ang Kailasha Temple sa Hyderabad. Ang mga klasikong gawang-
kamay ng India sa tela, kahoy, metal, ivory, at katad ay hinahanap sa buong mundo.

You might also like