You are on page 1of 14

ARALIN 3: MGA TRADISYON, RELIHIYON,

AT PILOSOPIYANG ASYON
Mga Tradisyong Asyano

Ang tradisyon ay isang gawain o kaugaliang ipinapasa ng


isang tao o grupo sa iba pang tao grupo na nagmula sa mga
ninuno at nagtatagal ng maraming henerasyon.

Mga Pagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng Asya

• Chinese New Year


• Himanatsuri (Araw ng Manika)
• Loi Krathong
• Kumbh Mela
• Ramadan
• Nowruz
Mga Pagkaing Asyano

• Sushi (Hapon)
• Sinigang (Pilipinas)
• Pancit (Tsina)
• Biryani (Timog Asya)
• Kimchi (Korea)
• Shawarma (Kanlurang Asya)
• Nasi Lemak (Malaysia at Indonesia)
• Hummus (Kanlurang Asya)

Pananamit
Choengsam at changshang (Tsina)
Barong at Baro’t Saya (Pilipinas)
Sherwani at sari (India)
Thob at Abaya (Kanlurang Asya)
Mga Relihiyong Abrahamiko

Ang mga relihiyong abrahamiko ay nagsimula sa kanlurang asya kung saan


nabuhay si Abraham, ang puno ng mga relihiyong abrahamiko.

Tatlong relihiyong Abrahamiko


• Judaismo
• Kristiyanismo
• Islam

Abraham – kinilala ng tatlong relihiyon bilang “Ama ng maraming bansa.”


para naman sa kristiyanismo kinilala siya bilang “Ama ng
pananampalataya” o “Father of faith.”
Isaac – anak ni Abraham at pinaniniwalaang taga taguyod ng
relihiyong Hudaismo. Tinawag ding “Ama ng Israel”. Ang kahulugan
ng kanyang pangalan ay “Prinsipe ng Diyos.”

Ishmael – anak din ni Abraham na pinaniniwalaang nagtaguyod ng


islam.

Hudaismo – Yahweh ang tawag sa Diyos ng mga Hudyo. Mula sa


Israel ang relihiyon ng Hudaismo.

Kristiyanismo – Ang kristiyanismo ay nagmula sa bansang Israel at


kumalat sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Si Hesukristo ang
kinikilalang tagapagtatag ng kristiyanismo at kinilala bilang
tagapagligtas ng sanlibutan.
Islam – ang ibig sabihin ng salitang “Islam” sa wikang Arabiko ay
“pagsuko ng Sarili kay Allah.” Ito ang relihiyong umusbong sa bansang
Saudi Arabia at kumalat din sa ibang bahagi ng daigdig.

Imam – mga misyonero at gurong Muslim.

Muhammad – propeta ng relihiyong Islam.

Allah – Diyos na sinasamba ng relihiyong Islam.

Koran – Banal na aklat ng Islam.


Limang haligi ng Islam

1. Shahada – ito ang pagpapahayag na walang ibang Diyos


kundi si Allah at si Muhammad ang mensahero niya sa daigdig.
2. Salat – kinakailangang magdasal nang limang beses sa isang
araw.
3. Zakat – mahalagang magbigay ng isang-kaapat (1/4) ng kinita
mula sa trabaho o negosyo at ibigay ito sa mahihirap.
4. Sawn – tuwing Panahon ng ramadan sa kalendaryong Islamiko
kailangang mag-ayuno.
5. Hajj – ito ang pagbiyahe patungo sa Mecca kung kakayanin
ng katawan.
Zoroastrianismo – ito ay pananampalataya na ayon sa turo ni Zarathustra
o Zoroaster na isang guro sa pilosopiya at kapayapaan ng isipan.

Hinduismo – itinuturing ang hinduismo bilang isa sa mga


pinakamatandangrelihiyon sa daigdig.

Apat na Vedas

1. Rigvedas – mga awit o himno na inaawit ng hotor o brahmin na


umaawit.
2. Yajurveda – mga pormula na sinasalita ng adhvarju, o Brahmin na
namumuno sa mga ritwal ng pagsasakripisyo.
3. Samaveda – mga awit na inaawit naman ng udgatar, o Brahmin na
umaawit.
4. Atharvaveda – koleksiyon ng mga himno at gayuma para sa mga
ritwal.

Buddhismo – Nabuo ang Buddhismo noong ika-6 na siglo BC. Nagsimula


ito sa mga paniniwala at turo ni Siddhartha Gautama o Buddha.

Jainismo – kabilang ang Jainismo sa mga maliliit na relihiyon sa India.


Umusbong ito sa bansa noong 5 o 6 BC.

Limang Pangunahing Panata (Five Major Vows)

1. Ahimsa – Ang ibig sabihin nito ay ang di – marahas na pamamaraan.


Hindi maaaring maging marahas ang isang jain o magiging jain.
2. Satya – Katotohanan ang ibig sabihin nito. Kailangang tahakin ang
landas ng katotohanan ang isang jain.

3. Aseteya – Ito ay ang pagnanakaw o di – pagpapaalam kapag


kukuha o hihiram ng isang bagay.

4. Brahmacharya – ito ang pagkakaroon ng control sa Sarili at


pahpipigil upang magkaroon ng disiplina sa Sarili.

5. Aparigraha – Hindi maaaring maging makasarili, makamundo o


mahilig sa bagay ang jain.
Sikhismo – ang India ay Tahanan ng isa sa mga pinakatanyag na
relihiyon sa Timog Asya ang Sikhismo.

Sikh – ang tawag sa taong nag-aaral o disipulo ng Sikhismo.

Guru Nanak – ay ang tagapagtaguyod ng Sikhismo.

Limang Birtud (Five Virtues)

1. Sat – pamumuhay nanag Matapat at pagsasanay sa


katapatan, katarungan, at pagkakapantay-pantay.
2. Santokh – Pagiging kontento o masaya sa buhay.
3. Daya – awa at pagtanggap sa pagkakamali.
4. Ninrata – pagkukumbaba
5. Pyar – pag-ibig
Shinto – ang Shinto ay isang salita na mula sa wikang Hapon na ang
ibig sabihin ay “mga paraan ng mga diyos.”, sa kanji ang salitang shin
ay nangangahulugang “kaluluwa” sa Tsino at ang salitang to sa tsino
ay tumutukoy sa “paraan” “daan”, kaya ang Shinto ay ang “paraan o
daan tungo sa pagkamaka-diyos”.

Mga Pilosopiyang Asyano

• Confucianismo – ito ay isang uri ng pilosopiyang sinimulan ng tanyag


na pilosopo na si Kong Fu Zi na mas kilala sa tawag na Confucius.

• Taoismo – nagsimula sa Tsina ang pilosopiyang Taoismo. Ang salitang


Tao ay salitang Mandarin para sa “daan” o patutunguhan”. Si Lao
Tzu ang pangunahing tagapagtaguyod pilosopiyang Taoismo.
• Mohismo – si Mo Tzu ay isinilang sa lalawigan ng Lu, lugar na
kinalakihan din ng iba pang mga pilosopo. Ang kanyang mga turo
ay nakitaan ng praktikalidad at madaling Makita sa realidad.

• Legalismo – isang pilosopiyang umusbong bilang tugon sa Taoismo


at Confucianismo ang Legalismo. Ang batas ay ang
pinakamahalagang element sa buhay ayon sa pilosopiyang
Legalismo.

Mga Paniniwala

1. Fa (batas) – mahalagang diumano na ilatag ang batas sa mga


nasasakupan at nararapat na ito’y ipapamahagi sa publiko para sa
kanilang kapakanan.
2. Shu (paraan) – May mga paraan na dapat gawin ang isang pinun
upang makamit at palawakin ang kapangyarihan niya sa kanyang
nasasakupan at para maipagtanggol niya ito laban sa mga nais
sakupin ito.

3. Shi (pagkalehitimo) - Ang lehitimasyon o ang Pagiging karapat-


dapat ay isang prinsipyo ng pamumuno na naibigay sa kanya ng
tadhana, katotohanan, at ng kapaligiran.

You might also like