You are on page 1of 8

Kasaysayan ng India

Ang India ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Tinatawag itong


bharat Varsha o Bharat ng mga unang ninirahan dito. Sa Kalagitnaang Panahon
tinatawag itong “Hind”. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo
ayon sa lawak ng teritoryo. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating
Bombay), Bagong Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras).
Tinataya na noong 2500 B.C nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng
Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na
ngayon ay Pakistan. Maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang
nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920. Ang mga
Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutong gumawa ng telang yari sa
bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng
mga hayop.

Mahusay na mangangalakal.Bumagsak ang imperyong Indus, ngunit


nananatiling hiwaga sa mga mananaliksik ang pagwawakas at paglalaho ng imperyong
Indus. Imperyong Maurya, itinatag ni Chandragupta Maurya at umunlad sa
pamamahala ni dakilang Asoka. Pinaunlad nila ang pag-aaral sa agham, matematika,
heograpiya, medisina, sining at panitikan. Imperyong Mogul, pinamunuan ng isang
sultan na si dakilang Akbar, bumagsaka ang imperyong ito dahil sa pag aalsa ng mga
miletanteng Hindu. Ang pinakaunang ambag ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng
apat na relihiyon: Hinduismo, Budhismo, Sikhismo, at Jainismo. Nasakop ng Europe
ang India ngunit dahil sa pagkilos ni Mahatma Gandhi ay nakalaya ang India noong 15
Agosto 1947.

Kultura ng mga Aryan

Ang kutura ng Harappa ay tumagal ng 1500 BC habang sinasakop ng mga Aryan


(mula sa Iranian Plateau) ang Indus Valley. Ang ginagamit na wika ng mga mananakop
na ito ay Sanskrit na kalaunan ay ginamit ng mga Indian. Iniwan ng mga Aryan ang
lungsod na walang anumang bakas tulad ng libingan, paintings at iba pa.Ang itinuturing
lamang na naiambag ng mga Aryan ay ang kanilang naiwang sulatin tungkol sa
relihiyon na tinatawag na Vedas. Napapaloob dito ang kanilang matinding debosyon sa
mga diyos-diyosan, ang kanilang mayamang mitolohiya at ang mga pagsasakripisyo sa
apoy. Nabanggit din ang kanilang sistemang Varnas o classes na kung saan hinango
ang Caste System. Ang apat na Varnas ay Brahmins o priest,Kshatriya o mga opisyal at
mandirigma, Vaishya o mangangalakal at ang Shudra o mga alipin.Ito ay nanatili na sa
mga Indian lalong-lalo na sa relihiyon ng Hinduism. Kalaunan, humina ang impluwensya
ng mga Aryan at pumasok ang sistemang pangrelihiyon na Buddhism at Jainism.

Panahon ng Maurya at Gupta

Nagtatag ang dakilang hari na si Chandragupta Maurya


ay ng isang dinastiya ang Maurya Dynasty sa Pataliputra. Ang
kanyang apo na si Asoka ay namuno sa Deccan
Plateau,Baluchistan at ang bagong Afghanistan. Si Asoka rin
ay nagtatag ng estado para sa pagpalaganap ng relihiyong
Buddhism kamasa na ang Hinduism. Nagpadala siya ng mga
misyonaryo upang ipalaganap ang mga relihiyon na ito sa
mundo. Sa kabila ng tagumpay ng dinastiyang ito si Asoka ay
inayos at pinapanatili ang Caste System. Inayos ang pilosopiya
ng Hindu. Ang dinastiyang ito ay tinaguriang Ancient India’s
Classical Period dahil sa arkitektura,pinta, sayaw at musika.

Kalagitnaang Panahon

Pagtapos ng Gupta Dynasty ang India ay nahati sa maliliit na kaharian. Paglilipat ng


tahanan at pananakop ang daan upang magkaroon ng ugnayan sa sibilisasyon ng mga
Chinese at Arab. Nagpatuloy ito hanggang sa nagkaroon ng Mogul Empire noong 16 th
Century. Sinundan ng mga impluwensya ng mga muslim at
pananakop ng mga Europa.

19 Siglo

Ipinaglaban ni Mahatma Ghandi ang India noong 15 Agosto


1947 laban sa mga taga Europa .Ang pinakaunang ambag ng
India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon:
Hinduismo, Budhismo, Sikhismo, at Jainismo.

Source: Grolier Family Encyclopedia


Grolier Incorporated
Danbury,Connecticut
Mga Tao

Ang India ay may pinamalaking populasyon ng mga magkakaibang lahi ng mga


tao. Sa mga nagdaang panahon maraming lumipat ng mga tahanan o nanatili sa India.
Kalaunan ang malaking pangkat ng mga Indian at ang mga dayuhan ay nagkaisa at
nagkaroon ng isang kultura at tradisyon.Ang mga naunang Indians ay dumayo sa
Australia at sa iba pang bansa upang manakop.Ang pagkakaiba ng lahi,wika at kultura
ay hindi naging batayan sa klasipikasyon ng pagiging Indian.

Wika

Base sa kanilang Indian Constitution Part XVII bilang 343:

(1) The official language of the Union shall be Hindi in Devanagari script. The form of
numerals to be used for the official purposes of the Union shall be the international form
of Indian numerals.

(2)Notwithstanding anything in clause (1), for a period of fifteen years from the
commencement of this Constitution, the English language shall continue to be used for
all the official purposes of the Union for which it was being used immediately before
such commencement: Provided that the President may, during the said period, by
order_306 authorise the use of the Hindi language in addition to the English language
and of the Devanagari form of numerals in addition to the international form of Indian
numerals for any of the official purposes of the Union.

(3) Notwithstanding anything in this article, Parliament may by law provide for the use,
after the said period of fifteen years, of-

(a) the English language, or

(b) the Devanagari form of numerals, for such purposes as may be specified in the law.

351. Directive for development of the Hindi language.

It shall be the duty of the Union to promote the spread of the Hindi language, to develop
it so that it may serve as a medium of expression for all the elements of the composite
culture of India and to secure its enrichment by assimilating without interfering with its
genius, the forms, style and expressions used in Hindustani and in the other languages
of India specified in the Eighth Schedule, and by drawing, wherever necessary or
desirable, for its vocabulary, primarily on Sanskrit and secondarily on other languages.

Ang Devanagari Script ay may 47 na letra,14 ang patinig at 33 ang katinig.


Ekonomiya

Ang Ekonomiya ng India ay ang pampitong pinakamalaking ekonomiya


sa buong daigdig na batay sa Nominal GDP at pangatlong pinakamalaking
ekonomiya sa buong daigdig na batay sa Purchasing Power Parity (PPP).Ang
India ay isa sa mga bansang kabilang sa newly industrialized country .Ang
Ekonomiya ng India ay ang pinakamabilis na paglago na mayoryang ekonomiya
sa buong mundo .Ang Ekonomiya ng India ay inilalarawan bilang isang
ekonomiyang may extensive regulation, konsepto ng protectionism at
pampublikong pagmamay-ari ng mga Malalaking monopolyo. Economy of the
Indus Civilization – Noong panahon ng Kabihasnang Indus, ang mga taga-Indus
ay nagsasagawa ng praktis ng pagtatanim at pagsasaka, paghahayop
(domestication), paggawa ng mga materyales at sandata, at pakikipag-kalakalan
sa iba pang lugar.Noong Panahon ng Imperyong Mughal, naglabas ang
pamahalaan ng mga perang barya. Ito ay maaaring nasa anyo ng ginto o pilak
na barya. British Era – Noong simula ng ika-19 na siglo, ang paglawak ng British
East India Company ay nagpabago sa polisiyang pang-ekonomiya ng India.
Noong tinanggal na ang mga restriksyon sa bisa ng Charter of 1813, Tumaas
ang pakikipag-kalakalan ng India sa iba’t-ibang lugar. Ngunit noong panahon na
malapit na matapos ang pananakop ng Imperyong British sa India, namana ng
India ang isang ekonomiya na isa sa mga pinakamahirap sa pag-unlad sa buong
mundo. Ang mga pinuno ng Nasyonalismo ng India ay sinisisi ang mga Briton at
ang kanilang pananakop sa naging estado ng ekonomiya ng India.

Pinakamalaking prodyuser ng kuryente sa buong mundo noong 2013 .Indian


Rupee – pangunahing salapi na ginagamit sa India
Kultura

1. Ang pagkain nila ay naimpluwensiyahan ng Turkish, Arab, at European. Isa sa


mga tanyag na pagkain sa bansang ito ay ang curry. Kilala sa paggamit ng
maraming "herbs at spices" ang pagkain nila.
2. Pagbati gamit ang salitang “Namaste”. Ito ay tanyag na salita kapag bumabati sa
kanilang kakilala o hindi.Inasagawa ito gamit ang dalawang kamay na ipinagdikit
at yumuyuko Sa pamamagitan nito ginagalang ang kanilang kultura.Sa Hinduism
ang ibig sabihin nito ay “I bow to the divine in you.”
3. Ang pananamit ng mga Indians ang sari kasama ang choli , lehenga at dupatta
para sa mga babae sa hilaga at silangang bahagi ng India at simpleng sari para
sa mga babaeng mula sa timog.Para sa lalaki ay Achkan/Sherwani,
Bandhgala,Lungi,Kurta,Jama and Dhoti o Pajama.
4. Paglalagay ng Tilaka o bindi na ibig sabihin ay ang ikatlong mata. Ang diyos ay
nagbigay ng dalawang mata para mkita ang mundo at ang ikatlo ay upang
makita ang tunay na nangyayari sa ating spiritwal na aspeto.
5. Ang pagsuot ng mga babaeng ikakasal ng singsing sa ilong na ibig sabihin ay
hindi mahihirapan ang babae sa kanyang panganganak at hindi masasaktan sa
tuwing siya ay may buwanang daloy.
6. Ang pagpatay sa mga baka ay pinagbabawal. Sa artikulo 48 ng Kontitusyon ng
India ay ipinagbabawal ang pagpatay sa mga ito.
7. Ang pag-alaga ng mga daga sa Karni Mata Temple ay lubos na ginagalang dahil
naniniwala silang ang mga anak na lalaki ng angkan na ito ay mabubuhay ulit at
magiging daga dahil sa biyaya ng diyos ng kamatayan na si Yama.
8. Ang sati o suttee ay isang kulturang isinasagawa sa nakaraang panahon na kung
saan kapag namatay ang asawa ng babae siya ay sasama sa pamamagitan ng
pagtalon sa apoy.
9. Naniniwala ang mga Indian sa Reincarnation dala ng relihiyong Buddhism at
Hinduism.
10. Ang pagtrato sa elepante na kanilang diyos. Si Lord Ganesha ay pinaniniwalaan
na isang diyosa ng karunungan na gumagaya sa ulo ng isang elepante. Ang ulo
ng elepante ay nangangahulugang karunungan. Si Indra ay isang diyos na may
puting elepante na si Airavata na kanyang sinasakyan.Kaya lubos na minamahal
at inaalagaan ang mga elepante sa India.
11. Pagbibigay ng Dowry sa lalaki ng pamilya ng babae bago ang kasal.
Ritwal

Ang Pilgrimage sa Ganges River o Kumbh Mela Festival

Ito ay pinaniniwalaan na ang tubig dito ay galing sa langit at kung sinuman ang
maliligo dito ay mawawala ang kanyang mga kasalanan. Maraming paniniwala
na si Lord Vishnu o ang pinakadakilang diyosa na naging si Krishna ay nakatira
sa Gokul mula sa ibang ilog na kaugnay nito. Si Lord Ganesh o ang diyosa na
nag-aalis ng mga problema ay nakitang lumalakbay sa ilog na ito.

Kasal

Bago ikinakasal ang babae sa lalaki kailangang dumaan siya sa isang ritwal na
kung saan kailangang malaman ang kanyang birth sign .Kapag ang babae ay
ipinanganak sa “manglik” o mars-bearing kailangang maikasal ang babae sa
isang puno ng saging o Peepal .Naniniwala ang mga Indians na ang mga babae
ay isinumpa at magbibigay ng maiksing buhay sa kanyang asawa . Maaaring
ikasal din ang babae sa ginto o pilak na istatwa ni Vishnu.

Yoga

Ritwal ng mga Indians na kanilang namana mula sa Vedas na naglalaman ng


tungkol sa ispiritwal at paniniwala na isinasagawa ng mga pari. Inaaalis nito ang
pagiging makasarili ng isang tao,pagkakaroon ng balanse at pagkakaroon ng
malinis na isipan.Kilala ang Indian sa yoga.

Sayaw

Bharatanatyam 
-sayaw mula sa Timog India na kung saan isinasayaw
lamang ng isang babaing Indian sinasabayan ito ng musikang
Carnatic. Ipinapakita sa sayaw na ito ang tema ng relihiyon ng mga
Indian ang Shaitism, Vaishnavism at Shaktism. Sa panahon ng
pananakop ng Britanya pinagbawalan ang pagsasayaw nito .
Kathakali

katha na ibig sabihin ay kwento at kali ay isagawa (Story play).


Isinasagawa ito ng mga kalalakihan lamang na may mga
kalorete sa mukha, kasuotan at maskara. Ipinapakita sa sayaw
na ito ang mga paniniwala ng Hinduism sa kanilang mga diyosa.
Ang galaw sa sayaw na ito ay hango sa dating martial arts at
athletic tradition ng timog india.

Kathak

nagmula sa hilagang India na nagpapakita ng mga kwento


tungkol sa kanilang diyosa na si Krishna at tungkol sa kaharian
ng India. Kagaya ng mga nauna ito rin ay tungkol sa kwento.
Hindi ipinahintulutan ang sayaw na ito sa panahon ng British Era.
Inasagawa ito gamit ang mga paa at maliit na bell

Sources:
Source: Grolier Family Encyclopedia
Grolier Incorporated
Danbury,Connecticut
Music, Arts, and Architectures of India: https://ankurcivilservice.files.wordpress.com/2015/06/india1.jpg
http://profile.ak.fbcdn.net/hprofile-ak-snc4/161920_103876409687142_8246450_n.jpg
http://i.telegraph.co.uk/multimedia/archive/01958/islam_1958725c.jpg
:Indus Valley River: http://www.travel-pictures-gallery.com/images/pakistan/karakoram-hunza/karakoram-hunza-
0003.jpg
http://www.karachiglidingclub.com/wp-content/uploads/2015/07/moenjodaro-9.jpg
http://previews.123rf.com/images/vectomart/vectomart1201/vectomart120100047/11779494-illustration-of-abstract-
Indian-flag-with-grunge-Stock-Vector-india.jpg

You might also like