You are on page 1of 2

9-OHS

MGA KATAGA O PAHAYAG SA PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN


1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri
Hal: Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika.
2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag-an, pagka- at kay-, pinaka, ka- an upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
Hal: Napakaganda ang wika nating mga Pilipino.
Nagtatangkaran ang mga dayuhan sa pagtitipon.
Pagkasaya-saya ng mga dayuhang bumisita sa bansa.
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay, lubhang, at ng pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na
katangian ng pang-uri.
Hal: Walang kasinsarap sa pandinig ang wikang Filipino.
Sakdal husay ang galing ng mga Pilipino sa pagbigkas ng tula.
4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
Paggamit ng panlaping magpaka-

Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing anyo

magsipag magpakasipag

4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa


Paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat

Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing anyo


magsalita magsasalita

Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-uulit sa unang pantig

Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing anyo

bumili magbibilihan

gumawa maggagawaan

Pagpapalit ng panlaping -um sa panlaping magpaka-

Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing anyo

tumalino magpakatalino

humusay magpakahusay

5. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa gaya ng …


Padamdam – Nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito
Halimbawa: Sugod! Ang tapang! Kay hirap ng buhay! Laban!
Maikling Sambitla –Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Naku! Aray! Grabe! Ay!

You might also like