You are on page 1of 54

Kultura: Ang Pamana ng

Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan
Ni Patrocinio V. Villafuerte
Patrocinio V. Villafuerte
• Si Patrocinio Villafuerte o mas kilala
bilang Pat V. Villafuerte ay isang guro at
manunulat sa Filipino.

• Bachelor of Science in Elementary


Education

• Master of Arts in Filipino

• Editor

• Manunulat
Patrocinio V. Villafuerte

• Carlos Palanca Memorial Awards


for Literature

• Gawad Surian Gantimpalang


Collantes
Kultura: Ang Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan
Ni Patrocinio V. Villafuerte
Tulang Naglalarawan

Nagpapahayag ng pagpapahalaga
o maaaring pagkamuhi ng makata o
may-akda sa isang kalagayan, pook,
o pangyayari.
Ano-ano ang kulturang Pilipino
ang hindi na natin magawa
ngayong panahon ng
pandemya?
Pagmamano
Pista
Kasal, binyag, lamay
misa
NOON

Pagtahak sa matuwid na landas,


malapit/malayo
makitid/malawak
kaunti/marami
mabagal/mabilis
pahintu-hinto/tuloy-tuloy
NOON

pinuhunan ng pawis
dugo at luha
may ritmo ng pag-awit
may kislot ng pagsayaw
may lambing ng panunuyo
may haplos ng pag-aalay
NGAYON

Panahon ng pagkamulat at
maraming pagbabago
Nag-uumapaw sa ating diwa
Sinubok ng maraming taon
Pinayayabong nang may halong
sigla at tuwa
NGAYON

Patuloy na sumisibol at ipinupunla ng


tradisyon
Marangal na kilos
Kapuri-puring ugali
Pinayayabong nang may halong
sigla at tuwa
NGAYON

Sinubok ng maraming taon


Nag-aakyat sa ating kaluluwa
BUKAS

Itinudla ng nakaraan
Repleksiyon ng kabutihan
Magalang sa bata’t matanda
May respeto sa babae’t may
kapansanan
Pagbabayanihan
pagkakapatiran
BUKAS

Magkakapantay
Magkakapit-bisig
Magsasama-sama/magkakapantay
Magiting
Kapuri-puri
marangal
Nakatulong ba ang mga
salitang ginamit ng may akda
upang malinaw na mailahad
ang pangunahing kaisipan ng
tula?
Mga kulturang nabanggit sa tula

Pagsamba
Pasko
Prosisyon
Pistang Bayan
Paggalang sa matatanda
Pagbabayanihan
Mga kulturang nabanggit sa tula

Respeto sa kababaihan
Pagbabayanihan
Mga Awiting-bayan
Katutubong sayaw
Pasyon, atbp
Tula-Kahulugan, Sangkap at
mga Karaniwang Paksa
Tula
Tinatawag ding panulaan
Isang uri ng sining at akdang
panitikan na naglalarawan ng
buhay, hinango sa guniguni,
ipinararating sa ating damdamin at
ipinapahayag sa panitikang may
angking aliw-iw.
Tula
Malayang paggamit ng wika sa iba’t
ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman sa pamamagitan ng
paggamit ng Tayutay.
Mabisang paraan ng pagpapahayag
ng kaisipan, damdamin, imahinasyon, at
mithiin sa buhay.
Tula
Naiiba sa ibang uri ng panitikan dahil:
• Nangangailangan ito ng masusing
pagpili ng mga salita
• Pagbilang ng mga pantig
• Paggamit ng mga magkakatugmang
salita
Mga Uri ng Tula
1. Tulang Liriko- pandamdaming tula

Halimbawa:
Sa Dalampasigan ni Teodoro
Agoncillo
Mga Uri ng Tula
2. Awit- tungkol sa pag-ibig

Halimbawa:
Florante at Laura ni Francisco
Baltazar
Mga Uri ng Tula
3. Dalit o Himno- tungkol sa pagpapala
sa diyos, awit ng papuri, luwalhati,
kaligayahan, o pasasalamat

Halimbawa:
Dalit kay Maria
Mga Uri ng Tula
4. Elehiya- mapanglaw; tungkol sa
kamatayan o kalungkutan

Halimbawa:
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
Mga Uri ng Tula
5. Oda- matatayog na damdamin o
kaisipan (paghanga o pagbibigay
parangal)

Halimbawa:
Manggagawa ni Jose Corazon De
Jesus
Mga Uri ng Tula
6. Soneto- binubuo ng 14 taludtod o
linya; nangangailangan ng mabigat o
matinding pagkukuro-kuro

Halimbawa:
Soneto 130 ni William Shakespeare
Mga Uri ng Tula
7. Patnigan- isang uri ng pagtatalong
patula na ginagamitan ng
pangangatwiran at matalas na
pag-iisip

Uri: Karagatan, Duplo, Balagtasan


Mga Uri ng Tula
7. Patnigan- isang uri ng pagtatalong
patula na ginagamitan ng
pangangatwiran at matalas na
pag-iisip

Uri: Karagatan, Duplo, Balagtasan


Mga Uri ng Tula
8. Padula o Drama- isang tula na
itinatanghal at ang paraan ng
pagsasalita ay tinutula, may tunog at
may tugma

Halimbawa: Moses, Moses ni Rogelio Sikat


Mga Sangkap ng Tula
1. Saknong- Mga grupo ng
mga salita sa loob ng isang
tula na may dalawa o higit
pang taludtod.
Mga Sangkap ng Tula
1. Saknong

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin
Mga Sangkap ng Tula
2. Sukat- Bilang ng pantig ng
tula
Mga Sangkap ng Tula
2. Sukat

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig-12


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,-12
Sanlang kalayaan nasa ring masapit-12
Katulad ng ibong nasa himpapawid-12
Mga Sangkap ng Tula
3. Sining o Kariktan- Paggamit
ng pili, angkop at maririkit na
salita. Nagbibigay ng
pangkalahatang impresyon
sa bumabasa.
Mga Sangkap ng Tula
4. Talinhaga- tumutukoy ito sa
paggamit ng
matatalinhagang salita at
tayutay.
Mga Sangkap ng Tula
5. Anyo- tumutukoy sa porma
ng tula

Tradisyunal
Malayang Taludturan
Mga Sangkap ng Tula
6. Tono o Indayog- ito ang
diwa ng tula
Mga Sangkap ng Tula
7. Persona- tumutukoy sa
nagsasalita sa tula; ito ay
maaaring nasa una, ikalawa,
o ikatlong panauhan
Mga Karaniwang Paksa
1. Tulang Makabayan
2. Tula ng Pag-ibig
3. Tulang Pangkalikasan
4. Tulang Pastoral
Pagpapahayag ng
Damdamin/Emosyon
Paano magpahayag ng emosyon?
Sa pagpapahayag ng ating emosyon,
parehong puwedeng gamitin ang mga
salita at mga kilos. Ito ang
komunikasyong berbal at di-berbal. Ang
berbal ay tumutukoy sa paggamit ng
wika sa pasalita o pasulat na paraan;
samantala, ang di-berbal ay tumutukoy
sa kilos at galaw ng katawan na ginagamit
sa pakikipagtalastasan.
Ang halimbawa ng komunikasyong berbal
ay ang pangungusap na pasalaysay na
naglalahad ng impormasyon o kuwento,
ang pangungusap na patanong na
ginagamit sa pag-usisa ng impormasyon,
at ang pangungusap na pautos na
nagsasaad ng pagkilos o aksiyon. Ang
mga pangungusap na nagsasaad ng
masidhing damdamin ay halimbawa rin ng
komunikasyong berbal, madalas gamitin
sa mga pangungusap ang mga sambitla.
Karaniwan sa mga tao ang
pagpapahayag ng damdamin o
emosyon tulad ng tuwa, lungkot,
galit, awa, takot, at iba pa. May
mga damdaming maipapahayag sa
mga pangungusap na pasalaysay o
paturol lamang.
Halimbawa:

Natutuwa ako sa pagdating mo sa


aking kaarawan.

Naiinis ako sa ginawa mong


kalokohan sa buong klase.
Maaari ding ipahayag ang damdamin sa
pamamagitan ng isang tanong.

Halimbawa:

Bakit kaya hindi siya nagsasawang


tumulong sa kapwa?

Paano mo nagawa ang mga bagay na ito?


Kapag matindi ang damdamin,
pangungusap na padamdam ang nabubuo
at ipinahahayag.

Halimbawa:

Naku, hindi ko maatim na kumopya ng


sagot na pinaghirapan ng iba!

Grabe, ang sakit ng ginawa nilang


panlalait sakin!
Ang sambitla ay mga iisahin o
dadalawahing pantig na salitang
naghahayag ng matinding
damdamin

Hal. Naku!, Aha!, Aray!, at Hoy!


Pangungusap na pahanga - ang
pangungusap na pahanga ay
nagbubulalas ng matinding
damdamin ng paghanga.

Hal. Kay lamig ng hangin!,


Ang galing naman!
Pormulasyong panlipunan - ito
ay mga nakagawiang pagbati,
paggalang na maituturing nang de-
kahon sa komunikasyong Pilipino.

Hal. Magandang umaga!,


Nakikiramay po., Mabuhay!
Sa kabilang banda, ang anomang
bahagi ng ating katawan ay maaari
din gamitin sa pagpapahayag ng
mensahe at damdamin. Ang mga
sumusunod ay ilan lamang sa mga
halimbawa kung paanong ang ating
boses, kilos, at galaw ay
nakapaglalahad ng emosyon at
naituturing na komunikasyong di-
berbal.
Tinig- ang mataas na tono ng
boses ay nagpapakita ng galit,
paghihinala, pagkagulat, kilig, o
tuwa;

samantala, ang mababang tono ay


nagpapakita ng damdaming
mahinahon, malungkot, o seryoso.
Kumpas ng kamay- sa pagtatalumpati,
ang nakalahad na palad ay
nangangahulugan ng pagiging bukas,
mahinahon, at kahandaan sa
pagtanggap; ang nakataob na palad ay
pagtanggi, pag-iwas, o kalungkutan; at
ang nakakuyom na palad o nakasarang
kamao ay maaaring magbadya ng
matinding galit.
Mukha- ang pagtataas ng kilay ay
maaaring tanda ng pagsusungit o
pagtataray; ang pagsasalubong nito ay
nangangahulugan ng pagkainis o
pagkadismaya; ang mga matang
nanlilisik ay hudyat ng matinding galit;
ang mga matang nanlalaki ay maaaring
gulat o puno ng pagtataka; at ang
labi/bibig ay ginagamit sa paglalahad ng
kasiyahan (ngiti) o kalungkutan
(paghihinagpis).

You might also like