You are on page 1of 8

DULA 10-OHS

ANO ANG DULA?


Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng
pangagagya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
Ipinapakita nito ang realidad sa buhay ng tao
gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos at
isinasaad.
Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing
salamin ng buhay na naglalayong makaaliw,
makapagturo o makapagbigay ng mensahe.
May yugto ang nobela kung baga sa nobela ay
ang kabanata. Ito ang malalaking hati ng dula.
IBA’T IBANG ANYO NG DULA
Komedya – katawa-tawa, magaang paksa o tema at
mga tauhan ay lagging nagtatagumpay sa wakas.
Trahedya – Ang tema o paksa nito’y mabigat o
nakasasama ng loob, nakaiiyak, mabibigat na suliranin,
kabiguan, kawalan nang pag-asa at maging kamatayan.
Melodrama – Sadyang namimiga ng luha sa manonood
na para bang walang masayang bahagi sa buhay kundi
pawing problema at kaawa-awing kalagayan na lamang
ang nangyayari sa araw-raw. Ito ay karaniwang teleserye
sa ating telebisyon.
Tragikomedya – Magkahalo ang katatawanan at kasawian
kung saan ang mga tauha’y katawa-tawa ngunit sa huli’y
malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng tauhan.
Saynete – Isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon
ng Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa ay tungkol sa paglalahad
ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo sa kanyang
pamumuhay.
Parse – Dulang puro katatawanan at walang saysay ang
kuwento. Walang ibang ginawa kundi ang magpaluan,
maghampasan, at magbitiw ng mga kabalbalan. Ito ay
karaniwang mapapanood sa comedy bar.
Parodiya – Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang
mga kakatwang ayosm kilos o pagsasalita at pag-uugali
ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o
kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit may tama
sa damdamin ng kinauukulan.
Proberbyo – Kapag ang dula ay may pamagat na hango
sa isang salawikain, ang kuwento’y pinaiikot dito upang
magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.
ELEMENTO NG DULANG PANTANGHALAN
Simula – Tauhan (ginagampanan, bida o
kontrabida), Tagpuan, Panimula ng kwento
Gitna – Banghay o pagkasunod-sunod ng tagpo o
eksena, Diyalogo, saglit na kasiglahan, tunggalian,
kasukdulan.
Wakas – Kakalasan at Wakas ng kwento
Aspektong Teknikal – Mga tugtog/tunog, effects,
musika, ilaw (lighting)

You might also like