You are on page 1of 9

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat

2. Saknong

3. Tugma

4. Kariktan

5. Talinhaga

6. Anyo

7. Tono/Indayog

8. Persona

Sukat

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:

isda – is da – ito ay may dalawang pantig

is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Mga uri ng sukat

1. Wawaluhin –

Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles

Nasa loob ang kaliskis

2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

Sa bait at muni, sa hatol ay salat

3. Lalabing-animin –

Halimbawa:

Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

4. Lalabingwaluhin –

Halimbawa:

Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay

Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong

Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

2 linya - couplet

3 linya - tercet

4 linya - quatrain

5 linya – quintet

6 linya - sestet

7 linya - septet

8 linya - octave

Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.


Tugma

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag
ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa
pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma

1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung

saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa:

Mahirap sumaya

Ang taong may sala

Kapagka ang tao sa saya’y nagawi

Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng

isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.

Halimbawa:

a a a

a a i

a i a

a i i

2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan

ang salita ay nagtatapos sa katinig.


a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t

Halimbawa:

Malungkot balikan ang taong lumipas

Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y

Halimbawa:

Sapupo ang noo ng kaliwang kamay

Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan

Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din
mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga

Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan

upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo

Porma ng tula.

Tono/Indayog

Diwa ng tula.

Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Si Nyaminyani, Ang Diyos ng Ilog Zambezi

Buod:

Ang napakagandang ilog Zambezi ay may itinatagong isang hindi pangkaraniwang hiwaga na
magpahanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng marami, lalo na ng mga mamamayan ng Tonga. Ayon sa
mitolohiya, sa loob ng napakahabang panahon, mapayapang namumuhay si Nyaminyami, ang diyos ng
ilog, kasama ng kaniyang asawa. Sinasabing si Nyaminyami ay isang dambuhalang may habang hindi
magawang hulaan at may ulo ng isang isda at katawan ng isang ahas. Sa kabila ng walang patunay na
ebidensya, iginagalang parin siya ng mga mamamayan dahil sa taglay na kabutihan nito. Kinilala ng mga
Tonga si Nyaminyami at naniniwala silang pinoprotektahan sila nito kahit wala silang masyadong naging
ugnayan sa labas.

Lahat ng mapayapang buhay ng mga tao ay biglang nagbago dahil sa panghihimasok ng


pamahalaang may kagustuhang ipatayo ang Dam ng Kariba. Sinasabing ang dam na ito ay itatayo sa
mismong tabi ng malaking batong pinaniniwalaang tahanan ni Nyaminyami at ng kaniyang asawa. Dahil
sa takot na baka magalit ang diyos ng ilog, nakiusap at nagbigay ng babala ang mga tao sa mga
manggagawa ng dam ngunit pinagtawanan lamang sila. Sinimulan nila ang gawain sa pagpapalipat ng
mga mamamayan sa mas mataas na bahagi ng ilog at pagputol ng mga dayuhan sa libo-libong
matatandang puno. Dahil sa mga gawaing ito, isang pangyayaring hindi karaniwang nagaganap sa lugar
na ito ang bumayo at nagdala ng napakalaking baha sa buong lambak ng Zambezi. Maraming nasira na
kabahayan at maraming hayop ang nasawi. Pinaniniwalaan ng mga mamamayan na likha ito ni
Nyaminyami. Sa kabila ng mga naranasan, ipanagpatuloy parin ng mga dayuhan ang pagpapatayo ng
dam. Mas tumindi ang galit ni Nyaminyami at muli na namang bumaha ng mas malakas pa. Maraming
nasawi kabilang na ang buhay ng mga manggagawa. Muling pinaniniwalaan ng mga tao roon na ang
lahat ng ito ay dulot ng labis na pagkagalit ni Nyaminyami sa kadahilanang ang pagtatayo ng dam ang
naglubog ng batong tirahan ng diyos ng ilog. Ang mas masaklap, sinasabing naiwan daw sa kabilang
bahagi ng dam ang kaniyang pinakamamahal na asawa.

Sa kabila ng babala at pakiusap ng mga mamamayan, mas pinili parin ng mga dayuhan na pumanig
sa sarili nilang paninindigan at paniniwala. Muli na naman nilang ipinagpatuloy ang pagpapatayo ng dam
at muling nabigo. Ngunit sa kabila ng kabiguan, hindi parin sumuko ang pamahalaan at sa wakas ay
natapos ang pagpapatayo ng dam. Makikita naman ang rebulto ni Nyaminyami sa itaas na bahagi ng Ilog
Zambezi at nakatanaw na tila ba nagbabantay sa kabuoan ng Dam ng Kariba. Ang mga Tonga naman ay
patuloy paring naninirahan sa itaas na bahagi ng ilog at nakararamdam parin ng pagyanig sa paligid.
Naniniwala silang ito ay ang pagkakataong galit si Nyaminyami at nagpipilit maabot ang kaniyang kabiyak
sa kabilang bahagi ng dam. Subalit sa lahat ng mga nangyari, umaasa parin ang mga mamamayan na
sana’y hindi na muling magkaroon ng trahedyang walang katulad dahil sa idudulot nito sa mga taong
wala namang kinalaman. Patuoy na lamang nilang pag-iingatan at aalagaan ang kanilng kapaligiran bilang
pagbibigay-pugay sa kanyang alaala.

Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan.
Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkaslungat na panig tungkol sa isang
partikular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang oposisyon o
sumasalungat. May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang
daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate. Pagkatapos ng debate, may mga
huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang
mga hurado ay dapat walang kinikilngan sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa
isa’t-isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang
maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t-isa.

Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok
ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patoo
gayundin ng pagpabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na
masusunod ng bawat tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang
debate ay ibinibigay nang mas maaga upang makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang
mga argumento.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat
kaya’t kailangang isaalang-alang ng isang debater.

1. Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debaterpatungkol sa panig na


kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon
sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawak na
pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat
at patunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag.
2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at
sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito
ang linaw at lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.

3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung
paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin makikita kung gaano kahusay ang
pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang
magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra
sa mga sasabihin ng iba.

Mga Uri o Format ng Debate

Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang
mga debateng may uri o format na Oxfordat Cambridge.

Sa debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa unang
tagapagsalita ma wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng
kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtinding ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na
niyang inilalahad ang kanyang patotoo at pagpapabulaan.

Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay para
ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan.

Sagutin natin:

1. Ano ang debate? Ano-anong kasanayan ang nalilinang ng debate sa isang taong nagsasagawa nito?

2. Ano-ano ang dalawang panig ng isang debate?

3. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang taong mahusay makipagdebate?

Gawin natin:

Magsasagawa ka at ang iyong mga kapangkat ng paghahanda para sa isang pakikipagdebate.

1. Alamin ang paksa ng debate:Mababasa sa ibaba ang magiging paksa nito.


"Dapat ba o Hindi dapat galawin o sirain ang kalikasan upang magbigay-daan sa pag-unlad o sa mga
Proyektong makabubuti sa buhay ng mamamayan?"

2. Makipagpangkat sa mga kamag-aral na kapareho mo ang pinapanigan sa paksa.

Pagsasaling-Wika

Sa pagsasaling-wika kailangang maipahatid nang tama ang mensahe ng isinasalin kaya naman
mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o pamantayan sa pagsasaling-wika:

Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon nang mas
malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.

Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o
muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y tandaang hindi ka basta
magpapa-paraphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o
mensahe ng iyong isinasalin.

Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita. Makatutulong ang
malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Hindi kasi
sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang
wika dahil literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang tunay na diwa ng
isinasalin.

Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang mga salitang
gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa
upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin.

Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong
isinalin. Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin ng isang taong eksperto o katutubong
nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito
ba’y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.

Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin. Makatutulong sa epektibong pagsasalin
ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre ng kinabibilangan ng isasalin. Halimbawa, hindi basta
makapagsasalin ng isang tula ang isang taong walang gaanong alam sa matatalinghagang salita at mga
tayutay na karaniwang ginagamit sa isang tula. Idagdag pa rito ang kaalaman ukol sa magkakatugmang
salita lalo na kung may sukat at tugma ang tulang isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangang lumabas pa
rin itong isang tula at hindi prosa. Kung ito’y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan ng tagapagsaling
mapanatili rin ito.
Isaalang-alang ang kultura at kontaksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan. May mga pagkakataon
kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento ng isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay
naiiba sa wikang pagsasalinan kaya’t dapat din itong bigyang-pansin ng magsasalin.

Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at pagbubuti ng karanasan.


Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang makapagsalin nang halos kahimig
ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkaroon nang mas
malawak ng karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan sa gawaing ito.

Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

Ngayon naman ay gamitin ang mga natutuhan mong pamantayan sa pagsasalin ng sumusunod na mga
karaniwang pagbati mula sa wikang Ingles patungong wikang Filipino.

1. How are you?

2. What can I do for you?

3. I'm pleased to meet you.

4. Can you show me the way?

5. Where did you come from?

Isalin nang hindi literal ang sumusunod:

6. Sleep tight

7. Sing softly

8. Study hard

9. Take a bath

10. Fall in line

You might also like