You are on page 1of 6

FILIPINO REVIEWER

Persiya
 ngayon ay tinatawag na Iran. ,pinalitan noong 1935.
Paano nakilala ang Persiya?
 Nasyonalisasyon ng Langis [Prime minister Dr. Mohammad Mosaddeq]
 World war 2 [Allied Forces (Russia, America, France at China) 1941
Africa
 Binubuo ng 54 na bansa , Sahara (widest desert) and Nile (longest river) , 2nd biggest land
area and most populated , 2,000 wika ang ginagamit , mainit at tuyong klima
Apartneid
 inuuri sila base sa kulay, bumagsak sa ilalim ng itim na presidente Nelson Mandela.
“Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi”
Ilog Zambezi – ikaapat na pinakamalaking ilog sa Africa. -umiikot sa anim na bansa
Kariba Dam – tirahan ni Diyos Nyaminyami -pinakamalaking dam sa mundo, 128 meters tall and
579 meters long -nabuo noong 1960.
Mga Tauhan:
Nyaminyami
Siya ay isang diyos ng ilog na labis na ginagalang ng mga mamamayan ng Tonga dahil sa
taglay na kabutihan nito. Biglang gumulo at nagbago ang sana’y tahimik na pamumuhay dahil sa
panghihimasok ng mga dayuhang mapagmalabis. Naging sanhi ito ng pagbugso ng kaniyang
galit. Galit na walang maihahalintulad at maituturing na likha ng isang makapangyarihan.
Masasabing angkop ang mga katangiang ipanapakita ng tauhan sapagkat walang sinumang tao
ang naghahangad na masira ang likas na kayamanan at napakahalagang bagay para sa kanya.
Mamamayan ng tribong Tonga
Sila ay mga taong naninirahan sa magkabilang pampang ng Ilog Zambezi na may labis na
paggalang sa kalikasan lalong-lalo na kay Nyaminyami. Ang mga taong ito ay pawang biktima
lamang sa naudyok na labanan ng kabutihan at kasamaan. Sila ay mga taong wala namang
kinalaman sa mga nangyayari ngunit labis ring nabago ang pamumuhay subalit mas piniling
gawin ang tama. Angkop lamang ang kanilang ipanapakitang katangian sapagkat sila ay
naglalarawan ng isang pamayanang pinahahalagahan ang angking kagandahan ng kanilang
paligid.
Mga dayuhan
Sila ay mga dayuhang puti na sumira sa mapayapang buhay nina Nyaminyami pati narin sa
mga mamamayan ng Tonga. Taglay nila ang katangiang mapagmalabis at walang awang
sumisira sa kalikasan para lamang sa sariling kagustuhan. Sila rin ang mga taong kumakapit sa
sariling desisyon at paninindigan sa kabila ng mga naranasang kabiguan sa kanilang kagustuhan
dulot ng galit ni Nyaminyami.
Mahahalagang Kaisipan/ Aral na taglay ng Akda:
Ang pagmamalasakit sa kalikasan ay pagpapakita narin ng pagmamahal sa ating
Diyos. Sa mitolohiya, sinasabing si Nyaminyami, ang diyos ng ilog, ang lumikha ng malaking
sakuna na sumira sa maraming kabahayan at maraming buhay. Isa sa mga aral na nakapaloob sa
kwento ay ang pagbibigay galang at importansya sa bawat kayamanan at angking kagandahan ng
ating daigdig. Huwag hayaang masira ang bawat bagay na ito, maliit man o malaki sapagkat ang
mga ito ay ipanagkaloob sa atin ng Diyos. Tungkulin nating alagaan ang lahat ng ito. Huwag
nating hayaang umiral ang pera at makasariling desisyon upang palitan ang bawat halaga ng mga
espesyal na bagay dito sa mundo. Ang pinakamahalaga sa lahat, walang mas titimbang pa sa mga
bagay na nilikha ng Diyos para sa sarili nating kapakanan.
Ang PAGSASALING-WIKA ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na
mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.
Halimbawa:
Orihinal: GIVE HIM A HAND
Literal na salin: Bigyan mo siya ng kamay Totoong kahulugan/mensahe: Tulungan mo siya
Ang PAGSASALING-WIKA ay kinakailangang mapabatid nang tama ang mensahe ng
isinasalin kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o
pamantayan sa pagsasaling wika.
MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA
1. ALAMIN ANG PAKSA NG ISASALIN - Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at
magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. BASAHIN NANG ILANG BESES ANG TEKSTONG ISASALIN - Tiyaking nauunawan mo
ang nilalaman ng teksto o lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit
pa wala ang orihinal sa iyong harapan.
3. TANDAAN NA ANG ISINASALIN AY ANG KAHULUGAN O MENSAHE AT HINDI
LANG MGA SALITA - Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa
wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan.
4. PILIIN ANG MGA SALITA AT PARIRALANG MADALING MAUNAWAAN NG
MAMBABASA - Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawan din ng
mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin.
5. IPABASA SA ISANG EKSPERTO SA WIKANG PINAGSALINAN O SA ISANG
KATUTUBONG - nagsasalita ng wika ang iyong isasalin. Makatutulong nang malaki ang
pagpapabasa ng isinalin sa isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang
mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin.
6. ISAALANG-ALANG ANG IYONG KAALAMAN SA GENRE NG AKDANG
ISASALIN.- Makatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre na
kinabibilangan ng isasalin.
7. ISAALANG-ALANG ANG KULTURA AT KONTEKSTO NG WIKANG ISASALIN
AT NG PAGSASALINAN - May mga pagkakataon ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento
sa isang wika dipende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya't
dapat din itong bigyang-pansin ng magsasalin.
8. ANG PAGIGING MAHUSAY NA TAGAPAGSALIN AY NALILINANG SA
PAGDAAN NG PNAHON AT NAPAGBUBUTI NG KARANASAN - Habang tumatagal sa
ganitong gawain at nagkakaroon nang mas malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at
magkakaroon ng kahusayan sa gawaing ito.
DEBATE
• Ay isang pakikipagtalong may estruktura.
• Isinasagawa ito ng dalawang grupo o pangkat na may magkasalungat na panig tungkol sa isang
napapanahong paksa; ang dalawang panig ay ang proposisyon (o sumasang-ayon)at ang
oposisyon (o sumasalungat)
• May isang moderator na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok
ang mga tuntunin ng debate.
• Sa pagtatapos ng debate ay may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang
nakapanghihikayat.
• Ang bawat kalahok sa isansg pormal na debate ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon
upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng pagpapabulaan o rebuttal.
• May nakatalagang timekeeper sa isang debate upang matiyak na susundin ng bawat
tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila
Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang mapaghandaan ng
dalawang panig ang kani-kanilang mga argumento
Mga Uri o Format ng Debate
1. Debateng Oxford
⮚ ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsa, maliban na lang sa unang tagapagsalita
na wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng
kanyang pagpapabulaan sa huli.
⮚ Sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang
kanyang patotoo (constructive remark) at pagpapabulaan (rebuttal)
2. Debateng Cambridge
⮚ Ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita.una, para ipahayag ang
kanyang patotoo (constructive remark) at ikalawa, para ilahad ang kanyang pagpapabulaan
(rebuttal).
El Filibusterismo
Ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal
na nangangahulugang “Paghahari ng Kasakiman”
Sinimulang isulat sa London noong 1890.
Natapos sulatin noong MARSO 29, 1891 sa palimbagang F. Meyer van Loo sa Ghent,
Belgium at ipinadala ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino.
Ito ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa
Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos,
at Padre Jacinto Zamora o mas kilala bilang GOMBURZA.

Mga suliranin ni Rizal habang sinusulat ang nobela:


1. Suliranin sa pamilya
 Nalaman niya na ang kaniyang pamilya ay inaapi ng mga pari (prayle) dahil sa usapin
sa lupa at sa maling paratang.
2. Suliranin ng mga magsasaka sa Calamba
 Kaniyang ipinaglalaban ang suliraning ito ngunit siya ay nabibigo at tila ba’y hindi ito
nalulunasan.
3. Kawalan ng pondo
 Kinapos sa pananalapi si Rizal kaya naman halos lumiban siya sa pagkain makatipid
lamang.
 Isinanla niya rin ang kaniyang mga alahas at gamit upang magkaroon lamang ng salapi
para sa pagpapalimbag ng kaniyang aklat.
4. Suliranin sa puso
 Nalaman niyang ang kaniyang kasintahang si Leonor Rivera ay ipinakasal ng
magulang nito sa ibang lalaki.
5. Suliranin sa mga kaibigan
 Lumayo kay Rizal ang mga kasama niya sa La Solidaridad dahil sa mga isyu na
kinaharap ng bayani.
 Noong Hulyo 5, 1891, nilisan ni Rizal ang Brussels para magtungo sa Genta.

Mga dahilan niya sa paglipat sa Genta:


1. Ang halaga ng pagpapalimbag doon ay mas mababa kaysa sa Brussels.
2. Makaiwas sa paghahalina ni Petite Suzanne.

 Naging mahirap ang buhay ni Rizal sa Genta. Ang kaniyang paghihirap ay ikinuwento ni
Rizal kay Basa.
 Nang katapusan ng Mayo 1891, ang El Filibusterismo ay natapos na at makalipas ang ilang
araw nakahanap ng mas murang imprentahan.
Mga naging suliranin ni Rizal sa pagpapalimbag ng aklat:
1. Suliranin sa pera
 Maraming kaibigan niya ang may kaya ang nangakong magtutulong-tulong upang
bayaran ang halaga ng pagpapalimbag ng aklat pero wala namang nagpadala ng
kanilang perang ipinangako.
 Sa unang linggo ng Agosto ay nagkaroon ng saloobin na baka hindi na matuloy ang
pagiimprenta.
 Noong ika-6 ng Agosto 1891, ang pagpapalimbag ng aklat ay itinigil sapagkat wala na
siyang maibayad sa imprenta.
 Noong Setyembre 18, 1891, nailabas na rin sa imprenta ang El Filibusterismo.

Si Rizal na masayang-masaya ay nagpadala ng dalawang kopya sa Hong Kong, isa para


kay Basa at ang isa para kay Sixto Lopez. Hindi niya maaaring kalimutan na padalhan ng kopya
ang naglig tas sa El Filibusterismo, ang kaibigang si Valentin Ventura na nasa Paris nang mga
panahong iyon. Ilang komplimentaryong kopya rin ang ipinadala kina Blumentritt, Mariano Ponce,
Graciano Lopez Jaena, Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna, at iba pang kaibigan.
Mga taong tumulong kay Dr. Jose Rizal upang mabuo ang El Filibusterismo:
1. Jose Alejandrino
 Nakilala ni Rizal si Jose Alejandrino nang siya ay tumungo sa Genta.
 Kahati niya sa upa sa Genta at kahati rin sa pagkain.
2. Jose Basa
 Si Basa ay isa sa mga kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Sa kaniya sinasabi ni Rizal ang mga
hinaing nito sa buhay.
 Inutangan siya ni Rizal upang maipalimbag ang El Filibusterismo.
 Muli niyang binigyan ng salapi si Rizal nang maubos ang lahat ng salapi nito.
3. Rodriguez Arias
 Binigyan niya ng dalawandaang (200) piso si Rizal bilang kabayaran sa kaniyang aklat
ukol kay Morga na naipagbili sa Maynila
4. Valentin Ventura
 Siya ang nagpadala ng pera kay Rizal nang malaman nito ang suliranin ng kaibigan.
Dahil sa kaniyang tulong, matagumpay na naipalimbag ang El Filibusterismo.
1. Simoun
 Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral.
 Makapangyarihan siya kaya’y iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng
mga prayle man.
 Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik
niyag paghahasik ng rebolusyon; linisin ang bayan; at lipulin ang lahat ng masasama kahit
pa siya mismo ay inuusig din ng kaniyang budhi sa paraang kaniyang ginagawa.
2. Padre Florentino
 Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino.
 Pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kaniyang panata.
 Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa magulang.
3. Padre Irene
 Isang paring Kanonigo na minamaliit at ‘di gaanong iginagalang ni Padre Camorra.
 Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang
magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante.
 Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago.
4. Juliana o Juli
 Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales.
 Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para
makatulong sa pamilya.
 Tunay siyang mapagmahal sa pamilya.
 Tapat at marunong din siyang maghintay sa katipang si Basilio.
5. Tata Selo
 Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya
sibil sa Noli Me Tangere.
 Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales.
 Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano.
 Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.
6. Tano/Carolino
 Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang
siya’y magsundalo.
 Nawala nang matagal na panahon.
7. Basilio
 Nilampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
 Nagpunyagi siya sa pag-aaral.
 Nilunok niya ang pangmamaliit sa kaniya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa
kaniyang anyo at kalagayan sa buhay.
 Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng
pagtatapos.
8. Tadeo
 Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng
propesor.
 Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa.
 Siya ay may kahambugan; walang ambisyon sa buhay; at malaswang magsalita.
 Nagdudunung-dunungan siya at nagyayabang sa mga walang-muwang na nilalang.
9. Paulita Gomez
 Isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki.
 Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani.
 Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
10. Maria Clara delos Santos
 Ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kaniyang buhay.
 Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas.
 Nais siyang kunin at itakas ni Simoun mula sa monasteryo.

You might also like