You are on page 1of 23

Ang Unang

Pagbabalik
Apat na Dahilan ng kanyang
Pagbabalik
1. Upang magamot at maoperahan ang
kanyang inang may katarata.
2. Upang mapagsilbihan ang mga
kababayang Pilipino na pinahihirapan ng
mga Espanyol.
3. Upang makita si Leonor Rivera

4. Upang matuklasan kung ano ang


epekto ng kanyang mga isinulat
partikular ang Noli Me Tangere sa
mga kababayan sa Pilipinas.
• Hulyo 3, 1887 – lumulan siya sa bapor
“Djemnah” sa Marseilles, France

• Hulyo 30, 1887 – sinapit ang Saigon at


lumipat sa bapor “Haipong”

• Agosto 6, 1887 – nakarating sa Maynila

• Agosto 8, 1887 – umuwi sa Calamba.


Ayon sa isang liham ni Rizal kay Dr.
Blumentritt ukol sa kanyang pagbabalik,
sinabi nya
“ Naging maligaya ang aking
paglalakbay. Natagpuan ko ang
aking mga kaanak na malulusog at
nag-uumapaw ang aming
kaligayahan sa aming muling
pagkikita. Sila’y lumuha sa
kaligayahan at ako’y kailangang
sumagot ng sanlibong tanong ng
sabay-sabay.”
Mga Pinagawa ni Rizal habang
nasa Calamba
1. Bahay - palakasan (gymnasyum)
2. Bahay – pagamutan (klinika)
Habang nasa Calamba...

 Nagpinta siya ng magagandang mga


tanawin
 Nagsaling-wika sa Tagalog ng mga tula
ni Von Wildernaths
 Pinakilala ang mga larong eskrima
(fencing), gymnastiko at shooting mula sa
Europya.
Malulungkot na Sandali sa
Calamba

O Hindi nila pagkikita ni Leonor Rivera

O Pagkamatay ni Olympia, ang pang-apat at


nakatatandang kapatid ni Rizal.
Ang Pagpapatawag kay
Rizal sa Malacañang
O Gob. Hen. Emilio Terrero – nagpatawag kay
Rizal sa Malacañang
O Tinyente Jose Taviel de Andrade – inatasan
ni Gob. Gen. Terrero na magtanggol kay
Rizal
Mga Kumakalaban sa
Nobelang “Noli Me Tangere”
O Padre Pedro Payo – Arsobispong Dominiko
ng Maynila na nag-utos ng imbestigasyon at
rekomendasyon ng nobela
O Padre Gregorio Echevarria - rektor ng UST na
nag-utos na pag-aralan ang nobela sa UST
O Padre Matias Gomez
O Norberto del Prado
O Fernandes Asias
- mga itinalaga ni Padre Echavarria na bumuo
ng lupong mag-aaral sa nobela.
Pinagtibay ng lupon na ang nobela ay “erehe,
laban sa relihiyon, iskandalo sa orden ng
relihiyon, di makabayan, mapaghimagsik sa
kapayapaan, makapipinsala sa pamahalaan ng
Espanya at mga gawain nito sa Plipinas”.
O Padre Salvador Font – pinuno ng
Palagiang ng Komisyon ng Sensura,
gumawa ng ulat sa pamahalaan na
nagsasabing ipagbawal ang Noli
- ipinalimbag pa ang ulat upang siraan
ang nobela
O Padre Jose Rodriguez
- naglathala ng pampletang pinamagatang
“Caiingat Cayo” na nagsasaad na sinumang
bumasa ng Noli ay gagawa ng isang mortal
na kasalanan.
- sumulat din ng munting aklat na nasusulat
sa Kastila at katutubong wika na may
pamagat na Questiones de Sumo Interes
(Mga Katanungan sa Mahalagang Interes)
Ang kaguluhang nilikha ng Noli ay
nakarating Sa Espanya ng kalabanin ng
isang manunulat na Kastila na si:

O Vicente Barrantes – binatikos ang


nobela at lumabas ang atake sa “La
España Moderna”, isang pahayagan sa
Madrid
Sa Cortes ng Espanya ay kinalaban
ang nobela sa iba’t-ibang
pagkakabasa ng mga Senador na
sina:

Fernando Vida
Luis de Pando
Jose de Salamanca
Mga Nagtanggol sa
Nobelang “Noli Me Tangere”
O Padre Francisco Sanchez
O Marcelo H. Del Pilar – sa ilalim ng sagisag
na “Dolores Manapat” naglathala ng
munting aklat na pinamagatang “Caiigat
Cayo” bilang sagot sa “Caiingat Cayo” ni
Padre Rodriguez.
O Don Segismundo Moret
O Rev. Fr. Vicente Garcia
– Pilipinong Katolikong paring-skolar
– sa ilalim ng sagisag na Justo Desiderio
Magalang ay sumulat ng nobelang
nagtatanggol sa Noli na inilathala sa
Singapore

O Gob. Hen. Emilio Terrero


O Noong mga panahong ding yaon humingi
ng tulong ang mga taga-Calamba kay
Rizal tungkol sa problema nila sa lupa.
O Lalong nagalit ang mga kalaban ni Rizal
sapagkat masyadong malaking problema
ang kanyang panghihimasok.
O Iniutos ng Gob. Hen. Terrero na siya’y
muling umalis sa Pilipinas.
O Bago lumisan si Rizal sa Calamba,
pinagbigyan niya ang kahilingan ng mga
kaibigan na sumulat ng isang tula na
aawitin sa pagdiriwang ng pagiging
lungsod ng Lipa, Batangas.
O Ang tula ay pinamagatang “Himno Al
Trabajo” – Awit o Himno sa Paggawa na
inihahandog niya sa masisipag na tao ng
Lipa.
O Upang huwag magulo ang kaligtasan ng
kanyang pamilya at sa paniniwalang
makalalaban siyang mabuti sa kanyang mga
kaaway at higit na makapaglilingkod sa
kanyang bayan sa pamamagitan ng pasgsulat
ay napagpasyahan niyang lisanin ang bayang
kanyang sinilangan.
O Umalis siya noong Pebrero 1888 nang siya’y
27 taong gulang.

You might also like