You are on page 1of 10

MGA URI NG DULANG

PANTANGHALAN AYON
SA ANYO
Ayon kay Aristotle-
ang dula ay isang
sining ng panggagaya
o pag-iimita sa
kalikasan ng buhay.
KOMEDYA-
–Katawa-tawa , magaan ang
mga paksa o tema, at ang
mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.
TRAHEDYA-
–Ang tema o paksa nito’y mabigat o
nakasasama ng loob, nakaiiyak , nakalulunos
ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa
kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan,
kawalan, at maging sa kamatayan.
–Karaniwang nagwawakas nang malungkot.
MELODRAMA-
–Ito ay sadyang namimiga ng luha sa
manonood na para bang wala nang
masayang bahagi sa buhay kundi
pawang problema at kaawa-awang
kalagayan na lamang ang nangyayari sa
araw-araw.
TRAGIKOMEDYA-

Magkahalo ang katatawanan at kasawian


kung saan may mga tauhang katawa-tawa
tulad ng payaso para magsilbing
tagapagpatawa, subalit sa huli ay nagiging
malungkot dahil sa kasawian o kabiguan
ng mahahalagang tauhan.
SAYNETE-
–Ang paksa nito’y tungkol sa paglalahad ng
mga kaugalian ng isang lahi o katutubo , sa
kanyang pamumuhay, pangingibig , at
pakikipagkapwa.
Hal. La India Elegante Y Negrito Amante ni
Francisco Baltazar
PARSE-
–Dulang puro tawanan at halos walang saysay
ang kwento
–Ang mga aksiyon ay puro slapstick na walang
ibang ginawa kundi magpaluan,
maghampasan , at magbitiw ng mga
kabalbalan. Karaniwang napapanood sa mga
comedy bar.
PARODYA-
–Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang
mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita , at
pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng
komentaryo o pamumuna o kaya’y
pambabatikos na katawa-tawa ngunit may
tama sa damdamin ng kinauukulan.
PROBERBYO-
–Dula na hango sa bukambibig
na salawikain , ang kuwento’y
pinaiikot dito upang magsilbing
huwaran ng tao sa kanyang
buhay.

You might also like