You are on page 1of 3

PROYEKTO

SA
FILIPINO
Ipinasa kay:
Bb. Dhapny Shane Tupas
Ipinasa ni:
Angela Marie Amparo
SARSUWELA

Sarsuwela
- ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang
musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo.
Binubuo ito ng mga sayaw at tugtugin.
- Si Severino Reyes o mas kilala bilang Lola Basyang
ay itinuturing na ama ng Sarsuwelang Tagalog.

Mga Uri ng Sarsuwela


1. Komedya – katawa -tawa , magaan sa loob dahil ang tema at
ang tauhan ay lagging nagtatagumpay sa wakas.

2. Trahedya – dulang ang tema’y ay mabigat o nakasasama ng


loob, nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila
ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa
kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.

3. Melodrama – dulang sadyang namimiga ng luha sa


manonood na parang wala nang masayang bahagi sa buhay
ng tauhan kundi pawang problema na laman ang nangyayari
sa araw araw.

4. Tragikomedya- dulang magkahalo ang katatawanan at


kasawian na lagging may mga tauhing katawa tawa tulad ng
payaso para mag silbing tagapagpatuwa, subalit sa huli’y
nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida.

5. Saynete – itinuturing na isa sa mga huling taon ng


pananakop sa atin ng mga Espanyol, ang paksa nito ay
nahihinggit sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi
o katutubo, sa kanyang pamumuhay, pangingibig ,at
pakikipag kapwa.
6. Parsa – puro tawanan na lamang kahit walang saysay
ang kuwento , at ang mga aksiyon ay slapstick na walang
ibang ginawa kundi magpaulan o maghampasan at
magbitiw ng mga kabalbalan.

7. Parodya – ito naman ay mapaudyo, ginagaya ang mga


kakatwang ayos, kilos ,pagsalita at pag uugali ng tao
bilang iang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y
pambabatikos na katawa tawa ngunit nakakasakit ng
damdamin ng pinag – uukulan.

8. Proberbyo – kapag ang isang dula ay may pamagat na


hango sa mga bukambibig na salawikain , ang kuwento’y
pinaiikot dito upang magsibing huwaran ng tao sa
kanyang buhay.

You might also like