You are on page 1of 11

JOHN ALDIN V.

CARMONA
Sino nga ba si Severino
Reyes?
• Nakilala sa tawag na LOLA BASYANG
• Sumulat ng dulang “Walang Sugat”.
• Ama ng Sarsuwelang Tagalog
• Nagsimula sumulat ng dula noong 1902
Kwento sa likod ng pangalang LOLA
BASYANG

• Si Severino Reyes ay naging kilala


sa mga kwentong isinulat niya tungkol kay
Lola Basyang.
• Nagsimula ang Lola Basyang noong siya (Reyes)
ay naging punong-patnugot sa Liwayway.
• Nang sinabihan siya ng kanyang mga patnugot na wala
ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit
na ispasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan
niyang magsulat ng isang kwento upang umabot sa
takdang oras.
• At ng kanyang matapos isulat ang kuwento, nag-isip siya
ng ibang pangalanan na maaaring ilagay bilang may-
akda ng istoryang ito.
• Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng
kanyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng
babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa
Tandang Basyang.
• Kaya naman, matapos nito, ang mga kwento na
sinusulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang.
Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa
Liwayway noong 1925.
Ang Sarsuwela at ang mga Uri
ng Dula ayon sa Anyo
Ano ang
SARSUWELA
?
• Isang komedya o melodramang may
kasamang awit at tugtog na
nahihingil sa mga punong damdamin
ng tao o tungkol sa mga suliraning
panlipunan/pampolitika.
• Magkahalong diyalogong ginagamit dito-
patula at pasalita.
• Bukod sa diyalogo, ito ay ginagamitan
ng komposisyon na maaring awitin.
• Ito ay binubuo ng tatlong yugto.
• Ang mga tagpo ay magkahalong
seryoso at katatawanan. (Melodrama o
Tragikomedya)
• Ipinakilala noong panahon ng
Espanyol.
Uri ng Dula Ayon sa
1. Anyo
KOMEDYA
- katawa-tawa
2. TRAHEDYA
- nakakaiyak, nakakalunos ang mga tauhan,
nagwawakas ng malungkot
3. MELODRAMA o SOAP OPERA
- namimiga ng luha ng mga manunuod, puro
problema ang kinahaharap ng tauhan
4. TRAGIKOMEDYA
- katatawanan at kasawian; sa huli nagiging
malungkot dahil nasasawi ang bida
5. SAYNETE
- paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o
katutubo
6. PARSA
- puro tawanan walang saysay
7. PARODYA
- mapanudyo; ginagaya ang mga kilos,
pananalita at ugali ng isang tao; katawa-tawa
ngunit nakakasakit ng damdamin
8. PROBERBYO
- ang dula ay may pamagat na hango sa mga
bukambibig na salawikain; nagsisilbing
huwaran ng tao sa kanyang buhay.

You might also like