You are on page 1of 1

‘’Bionote ni Severino Reyes‘’

Si Severino Reyes ay isang mandudula, direktor, at mangangatha. Sa kaniyang pagsusulat ng


mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang. Kilala siya bilang ‘’Ama
ng Dulang Tagalog’’ at ‘’Ama ng Sarswelang Tagalog’’.
Siya ay nag-aral ng sekondarya sa Colegio de San Juan de Letran, at nagtapos ng Bachelor of
Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Si Reyes ay may naisulat na 26 sarsuwela at 22 drama. Nandito ang Walang Sugat, Huling Pati,
Minda Moro, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, Ang Bayani ng Puri, Filipinos para los
Filipino, Ang pagbibili ng Pilipinas sa Hapon, at marami pang iba. Ilan naman sa dramang
naisulat niya ang Sigalot ng mga Filipino at Amerikano, at Ang Sigaw ng Balintawak.
Siya ay natanghal na pangunahing mandudula na nagpalaganap ng sarsuwela sa Pilipinas. Ang
kaniyang dulang ‘’R.I.P’’ na itinanghal noong 1902 ay tumudyo at pumatay sa moro-moro at
komedya. Tagapagtatag ng ‘’Gran Compania De Zarzuela Tagala’’ na tumangkilik at
nagpalaganap ng dulang Tagalog. Siya rin ang tagapagtatag at unang patnugot ng Lingguhang
‘’Liwayway’’.

You might also like