You are on page 1of 4

FILIPINO REVIEWER NA CI-NRAM KO LANG THIS MORNING TY.

I. TANKA at HAIKU
> Parehong mula sa bansang hapon
> Ang Pilipinas ay may “Tanaga” Isang uri ng sinaunang tula na may apat na taludtod at 7
pantig sa bawat taludtod

TANKA (7-7-7-5-5)
-Tungkol sa pagbabago, pag-iisa at pag-ibig
-Isang uri ng tula na may kabuuang tatlumpu’t isang pantig, at limang taludtod
-Maaring awitin

HAIKU (5-7-5)
-Kalikasan at pag-ibig
-Maikling tulang may labimpitong pantig at tatlong taludtod

II. Ponemang Suprasagmental


-Mabisa ang pagbigkas ng tula, pagbabasa ng kuwento, maging pakikipagusap
-Makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutmbasan ng mga titik sa pagsulat.
Para matukoy ang paraan ng pag-bigkas, ginagamitan ito ng:
NOTASYONG PHONEMIC - Malinaw na maipahayag ang damdamin, saloobin at kaisapang
nais ipahayag o kahulugan sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon at antala o hinto sa
pagbigkas.

PATINIG - a e i o u
KATINIG - b c d ,…

1. Tono - Taas-baba at haba ng bigkas, pantig ng salita, antala sa saglit na pagtigil.


a. KAhaPON b. kaHApon

2. Haba at Diin - Haba ng patinig ng salita, lakas at haba ng bigkas (nagbibigay ng


kahulugan)
a. siKAT b. SIkat

3. Antala/Hinto - Ito ay saglit na pagtigil upang higit na maging malinaw ang mensahe
A. Hindi, totoong siya ay masipag
B. Hindi totoong siya ay masipag

III. PABULA

AESOP - “Ama ng mga sinaunang pabula”


-Aesop’s Tale

-Kathang-isip lamang, para sa aliw at mabuting pangaral


-Ang mga hayop ay may simbolong ugnayan sa bansa at mga mamamayan nito,
sumasagisag sa mga katangian ng tao.
Hawanin - Diyos na humiling ang tigre at aso na maging tao.
-Sinaunang panitikan sa daigdig. Noong Ika-5 at Ika-6 na siglo may itinuring ng pabula ang
mga taga-Inda. Ukol sa buhay ng dakilang tao sa sinaunang HINDU si Kasyapa.
-Napatandyag sa Gresya.

Ahas - taong taksil


Pagong - makupad
Kalabaw - matiyaga
Palaka - mayabang
Unggoy - tuso
Aso - matapat
Rosas - babae at pag-ibig
Bubuyog - mapaglarong manliligaw

Inis - asa - galit -poot


Hikbi - iyak - hagulgol - palahaw

IV. ARGUMENTO
> Pinagtatalunan

PROPOSISYON
-Pinaguusapan; Paksa, tema

Tekstong Argumentatib (Pangangatwiran)


- Ipinagtatanggol ng manunulat ang posisyon sa isang paksa o usapin. Gamit ang
ebidensiya mula sa personal na karanasan (Literatura at pag-aaral, kasaysayan at
pananaliksik)

A. Proposisyon
- Pahayag na inilaan
- Pagtuunan ng pansin
B. Argumento
- Ebidensya o dahilan
- Paglalatag ng dahilan at ebedensiya upan maging makatuwiran ang panig

V. ESTILO NG PASISIMULA AT PAGWAWAKAS NG MAIKLING KUWENTO


>Napapanatili ang kawilihan ng mambabasa
1. Paglalarawan ng Tauhan - Si Bento ay bugtong na anak
2. Pagsasalaysay - Ibinalabal nya ang makapal na kumot sa kaniyang katawan
3. Paglalarawan sa Tagpuan - Takipsilim na nang dumating si kiko sa isang makipot na
daanan
4. Usapan o dayalog - Basta may “Ganito” alam nyo na yun huhu
5. Mahalagang kaisipan - Malaki ang paniniwalang kong tao bago pa ipanganak ay may
kapalaran na
6. Kagulat-gulat - Isang babaeng mahaba ang buhok at mabagsik ang tingin
VI. DULA
1. Napapanuod sa entablado
2. Iskrip mismo, nabibilang sa panitikan

- Tinatawag na dula ang paglalarawan ng buhay


- Kathaing umiiral sa buhay ng tao; Suliranin, pagsubok
- Lumilibang, nagbibigay aral, pumupukaw sa damdamin at humihingi ng pagbabago
- Higit na nagpapakilos, nakikita at naririnig
-
BAHAGI NG DULA
a. Yugto - paghahati ng bahagi (Katumbas ng kabanata sa isang nobela)
b. Tagpo - Pagpapalit ng pinangyarihan ng pangyayari
c. Eksena - ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan

MGA ELEMENTO NG DULA


A. Iskrip - nagsisilbing kaluluwa ng dula, ito ang banghay. Walang dula kung walang
iskrip.
B. Aktor o gumaganap - ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip, bumibigkas ng
dayalogo, nagpapakita ng damdamin sa dula.
C. Tanghalan - lugar kung saan itinatanghal ang dula
D. Direktor - Namamahala a nagpapakahulugan sa iskrip
E. Manonood - Sumasaksi sa pagtatanghal

MGA SANGKAP NG DULA


a. Tagpuan - Panahon at nagbibigay buhay
b. Sulyap sa suliranin - Bungad o tikim na nag papakita sa suliranin
c. Saglit na kasiglahan - Unti-unting nailalantad ang problema at pagtugon ng mga
tauhan
d. Tunggalian - Pagtatagisan ng protagonista sa ibang tao (kalikasan o lipunan)
e. Kasukdulan - Pinakamatindi o pinakamabugsong parte kung paano tuluyang
malulutas ang tunggalian
f. Wakas - Lunas sa tunggalian sa dula

Ang buhay ay tulad ng dula, ikaw ang direktor, artista at scriptwriter.

VII. SIDHI NG PAGPAPAHAYAG


1. Karaniwan
a. Mayaman sa alamat ang bansa
b. Madasalin ang mga PIlipino
2. Katamtamang antas
a. Medyo malamig ang panahon
b. Masipag-sipag sa pag-aaral
PINASIDHI
- Pag gamit ng magkakaugnay na salita ngunit may iba’t-bang sidhi
Hal. Saya, ligaya, lugod, galak, tuwa, maalwan, maginhawa, maniwasa, maunlad, masagana
- Paggamit ng lubha, masyadong, totoo, talaga, tunay at iba
- Paggamit ng panlaping ka-/-an o - han at pagka-
Hal. Napakayaman
-Paggamit ng pariralang hari ng, nuknuan ng, ubod ng
Hal. Ubod ng yaman, hari ng kayabangan

KARANIWAN
- Ang anyong payak o maylapi ng salita, gaya ng mataas, MAyaman, MAlalim
(Maylapi - dinadagdag sa unahan o dulo ng salitang ugat)
E.g; Mayaman - Salitang ugat; yaman. Panlapi; Ma

KATAMTAMANG ANTAS
- Ginagamit ang mga salitang di-gaano, bahagya, kaunti, o, sa, inuulit ang salitang ugat.
Ginagamit din ang “na” o “ng”
E.g; mayaman-yaman, malalim-lalim

Pinakamasidhing antas
A. Mataas na mataas
B. Maraming-marami
C. Napakaganda
D. Lubhang malaki
E. Totoong marami

You might also like