You are on page 1of 5

PANITIKAN NG PILIPINAS

KAHULUGAN NG PANITIKAN

• Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na makilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,
aestetikong anyo, pandaigdaigang kaisipan, a kawalang-malíw (Webster, 1974)
• Ito ay katumbas ng "literatura" sa wikang Kastila at "literature" naman sa wikan Ingles.
• Ito ay mula sa salitang Latin na "litera" na ang ibig sabihin ay "letra"o titik (Mateo, 1996). Ito ay isang salamin
ng lahi (Bisa, 1987). Anyo ng Panitikan

ANYO NG PANITIKAN
ANYONG TULUYAN
• ang anyo ng panitikan napatalata o ang karaniwang takbo ng pangungusap at gumagamit ng payak at
direktang paglalahad ng kaisipan.
ANYONG PATULA
• malayang taludturan at gumagamit ng masining at matalinhagang. Ang anyo ng panitikan na pataludtod,
may sukat at tugma o malayang taludturan at gumagamit ng masining at matalinhagang pagpapahayag.

MGA URI NG ANYONG PATULA


Tulang Liriko - tulang naglalahad ng mga masidhing damdamin, imahinasyon, at karanasan ng tao at kadalasang
inaawit
Tulang Pasalaysay - nagsasalaysay ng mga pangyayari sa paraang pataludtod
Tulang Padula - tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado .
Tulang Patnigan - tula ng pagtatalo, pangangatwiran at tagisan ng talino

PANULAAN
ELEMENTO NG TULA
• Sukat (meter) - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
• Saknong (stanza) - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o
taludtod.
• Tugma (rhyme) - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salitang bawat taludtod
ay magkasing-tunog.
• Talinhaga (figures of speech allegory) -Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng
tula.
• Kariktan (beauty) -Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
• Indayog- himig sa pagbigkas ng tula
• Larawang-diwa- imaheng nabubuo gamit ang mga salitang ginamit sa tula

IBA'T-IBANG URI NG TULANG LIRIKO


Pastoral - naglalarawan ng tunay na buhay sa kabundukan
Dalit - awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen
Pasyon - aklat na naglalarawan ng pasakit at pagdurusa ni Hesukristo
Oda - nagpapahayag ng papuri at masiglang damdamin tungkol sa isang paksa
Elehiya - madamdaming tula tungkol sa patay
Soneto - tulang binubuo ng 14 na taludtod
Kanta - madamdamin na tulang liriko na ang karaniwang pinapaksa ay tungkol sa pag-ibig, pag-asa at kaligayahan
Panubong - mahabang tula ng pagpaparangal o paghahandog sa isang taong nagdaraos ng kaarawan o kapistahan
IBA'T-BANG URI NG TULANG PASALAYSAY
Tulang Pasalaysay - ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, halimbaway
ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma o kagitingan ng mga bayani.
Epiko- ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga
kababalaghan. Itoy nagbubunyi kasaysayan laban sa mga panganib at kagipitan.
Awit- ang mga itoy may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay
mga hari't reyna, prinsipet prinsesa. Ang dalawang itoy nagkakaisa kaharian. Ang awit ay may sukat na
labindalawang [12] pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara,sa
Korido- ito naman may sukat na walong 8 pantig at binibigkas kumpas ng martsa.
Balad - ito ay Sa may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang
panahon at sa kasalukuyan ay napapasama na ito sa mga tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.

IBA'T IBANG URI NG TULANG PADULA


Tulang Pandulaan- tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado.
Trahedya- angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak pangunahing
tauhan.
Komedya isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan
ng manonood. Nagwawakas ito ng masaya. Ang tunggalian ay ng karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga
tauhan na siyang nakapagpapasiya sa damdamin ng manonood.
Melodrama- ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito
ay may kaugnayan sa trahedya tulad din ng parsa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot
ngunit naging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.
Parsa- isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring
nakatatawa.
Saynete- ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook..
Zarzuela- dulang musicall na karaniwang binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot.
Moro-Moro- nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristyano at di-Kristyano
Senakulo- pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan ni Hesus.
Tibag- ang paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa krus nga pinagpakuan ni Hesus.
Panunuluyan- nagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para doon isilang ang sanggol na si
Jesus

IBA'T-IBANG URI NG TULANG PATNIGAN


Duplo - paligsahan sa pangangatwiran na kadalasang paglalamay sa patay.
Balagtasan - tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa pamamaraang patula .
Karagatan - dula tungkol sa isang prinsesa na sadyang humulog sa isang singsing sa dagat. Kung sinoman ang
lalaking makakakuha ng singsing'ay pakakasalan niya.
MGA AWITING BAYAN
An-Anoy- inaawit habang ang mga magsasaka ay gumagawa ng pilapil sa kanilang bukirin
Ayoweng - inaawit sa pagkabyaw ng tubo
Daeleng - awit tungkol sa mga pista pagdiriwang
Dalit O Himno- awit sa pagpuri o pagsamba. Ito ang isa sa pinakamatandang awit ng pagdalangin sa Birhen.
Diona - awit kasalan
Dung-Aw - awit na nagpapahayag ng kalungkutan at pagdurusa
Hiliraw At Panambat - mga awit sa pag-inuman
Indonalin At Kutang - awiting panlansangan. Awit ng lasing na naglalayong magpatawa, magpasaring o manukso.
Kalusan - isang uri ng "lundawit" (awit sa lunday)
Kumintang - sa simula ito'y awit sa pakikidigma (battle songs) subalit sa paglakad ng panahon, ang diwang ito'y
nawala at sa halip ay naging sayaw at awit sa pag-ibig.
Kundiman At Balitaw - awit ng pag-ibig
Maluway - awit sa sama-samang paggawa
Mayeka - isang awit na panggabi ng mga lgorote
Oyayi - awit sa pagpaptulog ng bata o paghehele sa sanggol
Panilan - inaawit sa pagkuha ng bahay-pukyutan
Papag - inaawit sa tuwing may bayuhan ng palay
Salagintok - awit sa pakikipagkaibigan.
Sambotani - awit sa tagumpay
Soliranin - awit sa pagtatrabaho
Talindaw- awit sa paggaod ng Bangka
Umbay - awit sa paglilibing

DULA - sinasadula at tinatanghal sa tanghalan ALAMAT- nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay


ELEMENTO NG DULA
• Iskrip/Manuskrito O Nakasulat Na Dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang- alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
• Gumaganap O Aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa
dula.
• Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan;tanghalanang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula.
• Tagadirehe O Direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip
mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
• Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang
tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal
dapat mayroong makasaksi o makanood.
• Eksena-ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
• Tagpo- ito ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

URI NG DULA BATAY SA DAMDAMIN


• Komedya - isang uri ng dula na katawa-tawa. Magaan sa loob dalhin ang tema at ang mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.
DALAWANG URI
Panunuyang Komedya (satiric comedy) halimbawa: Ang Kiri ni Servando Angeles
MAROMANSANG KOMEDYA (romantic comedy) halimbawa: Ang Anak ng Dagat ni Patricio Mariano Trahedya
- Napabibilang sa uring ito ang isang dula kung ang tema nito’y mabigat, nakasasama ng loob, nakaiiyak,
nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan at maging sa kamatayan.

• Melodrama O Soap Opera- Napabibilang sa uring ito ang mga dulang sadyang namimiga ng luha sa manonood na
parang wala ngmasayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa
araw-araw. Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas sa telebisyon.

• Tragikomedya - Ito ay magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may
mga tauhang katawa-tawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang
mga bida.

• Saynete- Ang paksa nito ay nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang
pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa.

• Parsa - Mga dula na puro tawanan lamang kahit walang saysay ang kuwento. Ang layunin nito ay ang magpatawa sa
pamamagitan ng kawili-wiling mga pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.

DULA AYON SA ANYO (KAIKLIAN O KAHABAAN NG DULA)


Iisahing Yugtong Dula O Dula-Dulaan-maiikli na binubuo lamang ng isang yugto.
Dadalawahing Yugtong Dula-katamtaman ang haba, hindi gaanong maikli, hindi gaanong mahaba.
Tatatluhing Yugtong Dula - mahaba na binubuo ng tatlong yugto
Inihanda ni: Diane A. David, LPT
Prepared by: Diane A. David (TOP2 January 2022 LET)

You might also like