You are on page 1of 15

Ang dula ay isang uri ng panitikang

tuluyan na nahahati sa ilang yugto


na maraming tagpo. May mga pag-
uusap o diyalogo. Pinakalayunin
nito ay ang itanghal sa tanghalan o
entablado.
Sa pamamagitan ng dula,
nailalarawan ang buhay ng tao na
maaaring malungkot, masaya,
mapagbiro, masalimuot at marami
pang iba. Ang pagpapahalaga sa
dula ay matatamo sa pamamagitan
ng panonood nito.
Ang dula ay maaaring hango sa
tunay na buhay o bunga ng malaya
at malikhaing kaisipan ng
manunulat.
Mga Uri ng
Dula
Trahedya
karaniwang nagwawakas ang
dulang ito na ang pangunahing
tauhan ay nasasadlak sa
kamalasan, kabiguan o
pagkasawi.
Komedya
ito ay kasiya-siya sa mga manonood
dahil ang mga tauhan ay nagbibiro o
gumagawa ng mga nakatatawang kilos
at ito ay nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay
magkakasundo.
Melodrama

may malungkot na bahagi


ngunit natatapos nang
kasiya-siya para sa mga
pangunahing tauhan.
Parsa

ang layunin nito’y


magpatawa sa pamamagitan
ng mga eksaheradong
pananalitang nakatatawa.
Saynete

ang karaniwang paksa rito ay


patungkol sa pag-uugali ng
tao na nauukol sa mga
popular na tauhan.
Sarsuwela
isang komedya o
melodramang may kasamang
awit at musika na nahihingil sa
mga damdamin ng tao.
HALIMBAWA
NG DULA
Romeo at Juliet
Isang dulang trahedya na isinulat ni
William Shakespeare tungkol sa
dalawang maharlikang mga angkan na
nagkaroon ng alitan kung kaya’t naging
magkaaway. Isinalaysay rito ang wagas
na pag-iibigan hanggang kamatayan ni
Romeo at Juliet
Moses, Moses
Isang sikat na dulang trahedya na isinulat
ni Rogelio R. Sikat. Layunin nito na
maipakita ang masasaklap na katotohanan
tungkol sa lipunan. Kasama rin ang
kabuktutan ng pamahalaan at mga opisyal
nito. Ipinakikita rin dito ang kasawian sa
buhay na hindi dapat takasan.
Walang Sugat
Ito ay dulang sarsuwela na ibinatay ng
manunulat na si Severino Reyes sa
panahon ng rebolusyon noong 1896.
Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang
tinatamasa ng mga Pilipino noong
panahon ng mga Kastila.
Ang mga temang ginamit dito ay
pagmamahalan sa gitna ng digmaan,
sakripisyo, pagkawalay at
kontradiksyon ng indibidwal sa
pamilya. Isinulat ito ni Severino Reyes
upang ipakita sa lahat ang kanyang
pahayag laban sa imperyalismo.

You might also like