You are on page 1of 1

Pangalan: Ralph Terence P.

Caminero
Seksyon: Grade 8 courage

ANG SARSUWELA

Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at


tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig,
kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at iba pa o kaya naman ay tungkol
sa mga suliraning panlipunan o pampolitika. Ayon sa kasaysayan nito, ito ay
sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang
diyalogong ginagamit dito patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang
diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon
na maaaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng
mga katulong na tauhan. Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga
tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o
kaya'y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay
nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap
operatic.

Ang sarsuwela, bagama't ipinakilala noong panahon ng mga Espanyol, ay


lubos na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa
pangunguna nina Severino Reyes na kilalá sa taguring Lola Basyang sa kanyang
dulang Walang Sugat; Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas;
Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak
ng Katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda; at iba pa.

Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bahisa ang bodabil o


stage show. Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at
sayawan lamang ang nangyayari kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging
purong panlibangan na lamang ang teatro

Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring


ginagawa sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang, na may
kinalaman sa pananampalatayang Katolisismo at upang talakayin ang mga
suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.

You might also like