You are on page 1of 1

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong.

Piliin at
bilugan ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.
1. Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga
mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa.
Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na
makatutulong sa pag- unlad ng bansa MALIBAN sa sa.
a.Tamang pagbabayad ng buwis c. Pagnenegosyo b.Pagtangkilik
sa dayuhang produkto. d. Tamang Pagboto
2. Ang mga sumusunod ay mga gampanin ng mga mamamayan na
makakatulong sa pag-unlad ng bansa MALIBAN sa isa.
a.Tamang pagbabayad ng buwis c.Pagnenegosyo
b.Pananahimik sa isyung panlipunan d. Tamang Pagboto
3. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang
mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may
obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa
kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong
gawin upang makatulong sa bansa?
a. Maging mulat sa anomalyang nangyayari sa lipunan.
b. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
kaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
c. Tangkilin ang produktong sariling atin.
d. Wala sa nabanggit
4. Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen,
kanyang Ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung
“mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng
ekonomiya nito” na ang ibig sabihin ay.
a. Hindi ganap na maipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-
unlad ng bansa.
b. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin
ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
c. Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
d. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na
panukat.
5. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng
paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi
naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na
korapsyon. Paano dapat kumikilos ang mga mamamayang Pilipino
upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang
ito?
a. Hinahayaan na lamang ang pamahalaan at ang hukuman ang
umusig sa tiwaling opisyal ng gobyerno.
b. Mulat ang mga Pilipino sa anomalya at korapsyon kaya’t
nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
c. Idinadaan na lamang nila sa protesta ang kanilang mga hinaing
ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.
d. Ipinagsawalang kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga
maling nagaganap sa ating bansa.

You might also like