You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 9

th
4 Quarter Examination

Test I. Piliin ang titik ng tamang sagot, isulat sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa
maliban sa:
a. likas na yaman b. yamang-tao c. teknolohiya d. kalakalan
2. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa,
marami pa ring mga Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na
korapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan ng matuldukan ang
napakatagal na problemang ito?
a. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at mga hukuman ang umusig sa mga
tiwaling opisyal ng gobyerno.
b. Idinadaan na lamang nila sa mga samu’t saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak
na korapsyon sa pamahalaan
c. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at mga korapsyon, maliit man o malaki, kaya’t nakahanda
silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
d. Ipagsawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
3. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang
mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa
kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa
bansa?
a. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
b. Makisangkot sa pagpapatupad at makikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa
komunidad.
c. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
d. Wala sa nabanggit
4. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa
agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sector ng agrikultura?
a. pagmimina b. pangingisda c. paggugubat d. paghahayupan
5. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling
pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayayri ito?
a. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
b. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
c. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm to market road)
d. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang maabilidad?
a. Bumuo o sumali sa kooperatiba b. Tamang pagboto
c. Tamang pagbabayad ng buwis d. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang maalam?
a. Bumuo o sumali sa kooperatiba b. Tamang pagboto
c. Tamang pagbabayad ng buwis d. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang mapanagutan?
a. Bumuo o sumali sa kooperatiba b. Tamang pagboto
c. Tamang pagbabayad ng buwis d. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang makabansa?
a. Bumuo o sumali sa kooperatiba b. Tamang pagboto
c. Tamang pagbabayad ng buwis d. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa
10. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awiting “ Ako’y Isang Mabuting Pilipino”?
a. ang magagandang ugali ng mga Pilipino b. ang pagsakay at bababa sa jeepney
c. ang tamang pagtawid sa kalsada d. ang pagmamahal sa ating bayan

Test II. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. 5points each
1. Anu-ano ang bumubuo sa sektor ng agrikultura?
2. Paano makatutulong ang sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng tao sa komunidad?
3. Sa iyong palagay, sapat ba ang naitutulong o pagtugon ng sektor ng agrikultura sa mga
pangangailangan ng maraming Pilipino? Bakit?
4. Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?

You might also like