You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY
NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SY 2022-2023

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Pangalan: ______________________________Taon at Pangkat:__________________Iskor:_____

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto/pahayag. Itiman ang bilog katapat sa titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

Para sa Bilang 1-12

Komentarista 1: Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner!


Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong dyan ang pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas
na ‘yan!
Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na ‘yan eh.
Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang buwis mula sa mga kampanya ng sigarilyo at alak
dahil dito.
Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil
marami sa kanila ang maaring mawalan ng trabaho.
Komentarista 2: kaya naman pala todo papogi ang mga re-electionist na senador na bumoto laban sa bill na ‘yan!
Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamamatay dahil sa kanser sab aga, Manalo lang sa eleksyon!
Komentarista 2: Tumpak !

1. Alin sa sumusunod ang paksa sa komentaryong panradyo?


A. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak.
B. Pagpasa sa Sin Tax Bill
C. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill
D. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill
2. Sa iyong pagbabasa sa usapan sa pagitan ng mga komentarista, ano kaya ang tono ng mga ito?
A. paghanga C. pag-asampananabik
B. Seryoso D. kasiyahan
3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________.
A. manghikayat C. magbigay-parangal
B. makiusap D. magbigay-kaalaman
4. Batay sa binasang akda, ano kaya ang pangunahing kaisipan nito?
A. Bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan.
B. Bahala na ang kabataan kung kilala sila.
C. Manood palagi ng mga dokumentaryo.
D. Tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran.
5. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan?
A. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwaliaan sa pamahalaan.
B. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid.
C. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito.
D. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz.
6. Alin sa mga sumusunod na broadcast media ang naglalaman ng mga opinyon sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan
at sumusunod sa pamantayan ng radio broadcasting.
A. Dokumentaryong Pampelikula C. Dokumentaryong Pantelebisyon
B. Dokumentaryong Panradyo D. aklat at pahayagan
7. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon?
A. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado
B. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill.
C. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill.
D. Tinutulan ng ilang Senador ang pagpasa ng panukalang batas.
8. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag?
A. Kasado na raw ang Sin Tax sa Senado.
B. Tama ka dyan! Nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY!
C. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill
D. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompana ng sigarilyo.
9. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, Manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinahihiwatig na
opinyon sa pahayag?
A. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.
B. May mga politiko na hindi pumpayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na
eleksyon.
C. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas.
D. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa paninigarilyo.
10. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal?
A. Pati na rin C. Ayon kay
B. Dahil dito D. Kaya naman
11. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang
angkop na salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag?
A. upang C. nang sa gayon
B. dahil sa D. Kung
12. Pero ayon kay La Union Representative Victor Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil marami sa kanila
ang maaring mawalan ng trabaho. Ano ang gamit o relasyon ng salitang dahil sa pangungusap?
A. dahilan at bunga, C. layunin at paraan
B. paraan at resulta D. kondisyon at bunga o kinalabasan.

Para sa bilang 13-16

“ Sana all”
Parang broken ang peg noh? yung tipong may Nakita kang magjowa na sweet sa isa’t -isa o di kaya’y
mga taong pasosyal kung rumampa ay mapapa “ sana all” ka na lang talaga sa inggit o di-kaya sa tuwa. Isa
lamang ito sa mga ekspresyong kasalukuyang nauuso sa loob ng paaralan at patuloy sa ginagamit sa bawat
araw ng pakikipagtalastasan.

13. Ano ang ibig sabihin ng salitang “ Sana all” para sa mga kabataan?
A. Mapasama sa nakararami. C. Gustong makisabay sa uso.
B. Makukuha ang ninanais na mithiin. D. Maging matagumpay sa piniling larang.
14. Ano ang tono ng may-akda sa loob ng teksto?
A. Nalulungkot sa mga pangyayari. C. Kawalang pag-asa.
B. Masaya sa katayuan ng iba D. Naiingit sa naging kapalaran ng iba.
15. “ Parang broken ang peg noh? Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Nanunudyo C. Nalulungkot
B. Nagbibiro D. Seryoso
16. Sa palagay mo, alin sa mga sumusunod ang kadalasang naglalahad ng ganitong pahayag?
A. Melinyal (born 1980-1994) C. Generation Z (born1995-2012)
B. Generation X (born 1965-1979) D. Generation Alpha ( born 2013-2025)
17.
“Mag-jowa sa sobrang sweet sa isa’t-isa “
Alin ang sariling pagpapakahulugan o ebalwasyon sa pahayag na nasa itaas?
A. Hinahayaan ang kabataan na gawin ang nais nila.
B. Madaling maunawaan ang damdamin ng mga kabataan.
C. Makabago na ang kilos ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
D. Malayo na ng nararating ng teknolohiya
Para sa bilang 18-22

Sa airport, handa nang lumipad papauwi ng Pilipinas si Joy Marie Fabregas(Kathryn Bernardo), isang
college graduate ng nursing na namamasukan bilang Domestic Helper sa Hongkong. Sa nakaraang apat
na buwan kung saan isinasalarawan ang mga hirap na dinaranas ni Joy maitaguyod lang ang pamilya,
makikilala niya si Ethan Del Rosario (Alden Richards). Sa umpisa ay binara-bara niya ang mga patutsada
nito, pero kalaunan ay magkakalapit din sila. Ayaw dibdibin ni Joy ang relasyon nila ni Ethan dahil
nangingibabaw sa kanyang isipan ang mga napipintong katuparan ng kanyang pangarap na maginhawang
buhay sa Canada. Ang dating pabling naman na si Ethan ay seryoso ng maghahanda para sa kinabukasan
nila ni Joy bilang mag-asawa.

18. Ano ang kahulugan ng salita na patutsada ayon sa pagkakagamit ng akda?


A. Panunuyo C. Paglalambing
B. Parinig D Pagpapansin
19. Ang dating pabling naman na si Ethan ay seryoso ng maghahanda para sa kinabukasan nila Joy bilang mag-
asawa. Ano ang mahihinuha mo sa pahayag?
A. Maadli lamang ang buhay mag-asawa.
B. Panatilihin ang pagiging pabling o playboy.
C. Dapat paghandaan at seryosohin ang pag-aasawa.
D. Baguhin ang sarili para sa isang babae.
20. Alin sa mga sumusunod na pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng konseptong may kaugnayang lohikal?
A. Sa airport, handa nang lumipad papauwi ng Pilipinas si Joy Marie Fabregas.
B. Ang dating pabling naman na si Ethan ay seryoso ng maghahanda para sa kinabukasan nila ni Joy bilang mag-
asawa.
C. Sa nakaraang apat na buwan kung saan isinasalarawan ang mga hirap na dinaranas ni Joy maitaguyod lang ang
pamily.
D. Wala sa nabanggit.
21. Sa Paraan at Layunin, ipinapakita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong
ng isang paraan. Alin sa mga sumusunod na pahayag nag nagpapakita ng konseptong ito?
A. Nag-aaral siyangmabuti upang matuto nang husto.
B. Nag-aaral siyang mabuti kaya siya nang husto.
C. Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kanyang husto.
D. Lahat ng nabanggit.
22. Ang mga sumusunod ay mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal maliban sa
______________.
A. Konsepto ng pananaw C. Paraan at resulta
B. Layunn at paraan D. Kondisyon at bunga o kinalabasan
Para sa bilang 23-27

Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay sa
iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o midyum
upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw.
Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga
katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat
maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi
mapasusubaliang katotohanan.
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng
pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng
inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan.

23. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng
bawat indibidwal?
A. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
B. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
C. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
D. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.
24. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’ ayon sa pagkakagamit sa akda?
A. walang masyadong iniisip C. walang katotohanan
B. hindi mapasisinungalingan D. hindi angkop sa sitwasyon
25. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha sa pahayag?
A. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko.
B. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.
C. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin.
D. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.
26. Batay sa binasang akda, bakit mahalaga ang paglikha ng mga dokumentaryo?
A. Upang matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan.
B. Para maipalabas lamang sa madla ang mga ito.
C. Para panoorin ang dokumentaryo at masiyahan.
D. Upang maaksiyunan lamang ang mga pangunahing problema
27. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling talata?
A. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
B. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
C. Maging isang lider upang maging sikat.
D. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.
28. Anong uri ng kulturang popular ang palabas na “ PARAISONG UHAW” ng
I-Witness sa pag-uulat ni kara David?
A. Dokumentaryong pampelikula C. Komiks
B. Dokumentaryong pantelebisyon D. Programang panradyo
29. Anong paksa o isyung panlipunan ang tinalakay sa dokyumentaryong “Paraisong Uhaw” ni kara David?
A. Kalusugan
B. Kawalan ng sapat na mapagkukunan ng malinis na tubig.
C. Edukasyon
D. Kawalan ng katarungan
30. Ano ang kahulugan ng salitang French na “Cinema Verite”?
A. Film subject o pinaka paksa ng dokyumentaryo C. Travelougue
B. Film truth o pelikula totoo D. Filmmaker o tagalikha ng pelikula
31. Paano nakatutulong ang Dokumentaryong Pampelikula sa lipunan?
A. Tinutulungan nito ang mga tao sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay.
B. Ito ay nagbibigay impormasyon, nanghihikayat, naipapamulat ang kaisipan ng tao na magbago para sa kanyang
lipunan.
C. Layunin nitong irekord ang panlipunang kaganapan na mahalagang maipaalam sa lipunan.
D. Manghikayat sa mga manonood na magbago.
32. Anong elemento ng pelikula ang tumutukoy sa pagkasund-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula?
A. Sequence Iskrip C. Pag-eedit
B. Sinematograpiya D. Pagdidirihe
33. Ano ang tawag sa isinasagawang rebuy at pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng pinanood na pelikula?
A. Blog post C. Ulat aklat
B. Survey D. suring-pelikula
34. Anong elemento ng pelikula ang nagbibigay buhay sa isang eksenang malungkot, galit, takot at hinagpis. Ito ang
kadalasang dahilan kung bakit naaapektuhan ang manonood ng pelikula?
A. Direksyon C. Paglalapat ng musika
B. Paglalapat ng tunog D. Screen play
35. “Magaling ang pagpuputol at pagdudugtong ng mga eksena. Lahat ng eksena ay angkop.” Anong elemento ng
pelikula ang tinutukoy sa pahayag?
A. Tunog at Musika C. Pag-eedit
B. Sinematograpiya D. Pagdidirihe
36. “Napaibig ako sa pelikula na iyon sa mga wastong anggulo na ipinapakita sa bawat eksena. Wasto pa ang timpla
ang ilaw at lente.”
A. Tunog at Musika C. Pag-eedit
B. Sinematograpiya D. Pagdidirihe
37. Tumutukoy sa mga kuha at anggulo ng kamera para sa isang partikular na eksena. Sa pamamagitan nito,
naipakikita ang emosyong nais idiin ng isang senaryo.
A. Camera Shots and Angles C. Cinema Verite
B. Cinema truth D. Advocacy

38. Mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na buksan ang
kamalayang panlipunan ng mamamayan.
A. TV Program
B. Dokumentaryo
C. Independent / Indie Films
D. Komentaryong Panradyo
39. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa mga eksena
sequence script at iskrip na pandiyalogo?
A. Dapat maging makatotohanan ang script upang higit itong maging kapani-paniwala.
B. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang maging malikhain.
C. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo.
D. Huwag gumamit ng iba’t ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo.
40. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Broadcast Media sa kasalukuyan?
A. May malaki ang papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang
maipaalam sa mga mamamayan.
B. Ang media ang nagbibigay sa atin ng balita tungkol sa mga kaganapan sa ating lipunan.
C. Mahalaga ang mga ito para sa pag-unawa sa kultura at makabuo ng mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip.
D. Lahat ng nabanggit

Inihanda: Iniwasto at Sinuri:


MA. THERESA JANE M. MERCADO BETSY COCHING NELIA R. MONTAÑO
IDAH M. SAYRE
Guro Chairman Co-Chairman Co-Chairman

Pinagtibay:

RHODA V. DINOY
Principal IV

Address: Brgy. Don Felipe Larrazabal, 6541 Ormoc City


Telephone No.: (053) 561-5715
Email Address: 303658@deped.gov.ph

You might also like