0% found this document useful (0 votes)
844 views6 pages

Filipino 8

Ang dokumento ay tungkol sa ikatlong markahang pagsusulit sa Filipino 8 para sa taong panuruan 2016-2017. Naglalaman ito ng mga panuto para sa iba't ibang bahagi ng pagsusulit tulad ng pakikinig, pag-unawa sa binasa, paglinang ng talasalitaan at wika at gramatika. Ang mga tanong ay tungkol sa pag-unawa at paglalarawan ng mga binasang teksto at pagbibigay ng kahulugan sa mga kontemporaryong termino at konsepto.

Uploaded by

Roziel Montalban
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
844 views6 pages

Filipino 8

Ang dokumento ay tungkol sa ikatlong markahang pagsusulit sa Filipino 8 para sa taong panuruan 2016-2017. Naglalaman ito ng mga panuto para sa iba't ibang bahagi ng pagsusulit tulad ng pakikinig, pag-unawa sa binasa, paglinang ng talasalitaan at wika at gramatika. Ang mga tanong ay tungkol sa pag-unawa at paglalarawan ng mga binasang teksto at pagbibigay ng kahulugan sa mga kontemporaryong termino at konsepto.

Uploaded by

Roziel Montalban
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- MIMAROPA
SANGAY NG MARINDUQUE
Boac

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


Taong Panuruan 2016 - 2017

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na panuto. Isulat ang napiling
sagot sa sagutang papel.
I. PAKIKINIG
A. Panuto: Makinig nang mabuti at unawain ang akdang babasahin ng guro. Sagutin ang mga ibibigay na
katanungan. Isulat lamang ang titik ng napiling sagot. (1-5)
1. Tungkol saan ang opinyon na inyong napakinggan?
A. Karapatan ng mga kabataan C. oportunidad sa kabataan na maipahayag ang
napapanahong isyu
B. Epektibong pagsasalita D. mahusay at epektibong komentaryo
2. Paano nagiging makabuluhan ang isang opinyon sa mga kabataan?
A. Maging epektibong tagapagsalita C. natututong magsulat
B. Nagiging bukas sa pagbabago D. nawawalan ng pakialam sa isyu

B.Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ayon sa iyong pagkaunawa at napakinggan.

Hinuha Opinyon Sariling Interpretasyon


3. 4. 5.

II. PAG-UNAWA SA BINASA


A.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga mga sumusunod na talata. Paghambingin ito sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng napiling sagot.

Teksto 1
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang
panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at estilo ng pamumuhay ng
bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala , at paninindagan
sa buhay. Isa sa mga higit na nakakaimpluwensya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng modernong teknolohiya.
Idiniriin sa atin ang konsepto ng Globalisasyon at ang paglitaw ng teoryang Global Village kung saan ang mundo, ang
bawat bansa at bayan na naririto ay wala nanag anumang mga hadlang o tagapamagitan lalo na sa larangan ng
pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype, at iba pa upang mas higit na mapadali at
mapabilis ang komunikasyon.
Halaw sa Pintig, Ligalig, at Daigdig
ni Jet Oria Gellecanao

Teksto 2
Emcee: Ang susunod naman pong magpapakita ng kaniyang talento ay si candidate number 7.
Estudyante ni Miss Maglinao, kinder, section Pussycat, 7 years old, math ang favorite subject niya: Maria Natalia
Bustamante Gascon.
Sisiksikin si Lea papunta sa unahan, nakaumang na ang camera. Kasunod niya sina Ding at Ojie.
Lea: Excuse me po! Excuse me po! Sa stage, uumpisahan na ni Maya ang kanyang tula.
Kumpleto sa acting.
Maya: Ang tiyan ng nanay, malakit mabilog.
Ano iyon? Tanong ni Ojie sa nanay.
Bola? Bola ng basketbol?
Hindi, iba.
Puwedeng paglaruan?
Hindi at may laman.
Ano ang laman, ha Nay?
Sorpresa, sorpresa!
Ang sorpresa nang lumabas, ako pala!
Paanong ang bola ay naging si Maya?
Biglang tawa si Nanay:
Paglaki mo na Ojiesaka mo malalaman.
Halaw sa Bata, BataPaano Ka Ginawa?
( Screenplay) ni Lualhati Bautista
6. Ang teksto 1 ay patungkol sa mga pagbabagong dulot ng Globalisasyon samantalang ang Teksto 2 ay
patungkol sa ____________.
A. Pagdadalang-tao
B. Kawalang-malay ng isang bata
C. Pagbubuo ng pamilya
D. tula ng isang bata

7. Ano ang layunin ng dalawang teksto na iyong binasa?


A. magbigay-kaalaman at magbigay-parangal
B. maglahad at magsalaysay
C. maglarawan at magpaliwanag
D. mag-isa-isa at manghikayat
8. Sa aling bilang ng teksto nangingibabaw ang tono ng pagtataka ng pangunahing tauhan?
A.Teksto 1 B. Teksto 2 C. Teksto 1 at 2
9. Sang-ayon sa iyong pag-unawa alin sa mga sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan sa
teksto 2?
A. Ang makulit na isipan ng isang munting bata
B. Ang mga anak na kulang sa gabay ng magulang
C. Ang mga kabataan sa modernong panahon
D. Ang Globalisasyon at ang mga dulot nitong pagbabago
10. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto 1?
A. Pagtanggap sa mga pagababago
B. Impluwensya ng makabagong teknolohiya
C. Pagbabago sa kilos, estilo at paniniwala ng tao
D. Paglitaw ng Global Village

B. Panuto: Basahin ang halimbawang teksto sa ibaba. Itala sa talahanayan ang titik ng bawat pangungusap na
nagpapahayag ng negatibo at positibong pahayag. Para sa bilang 11-15

A. Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of


Positibo Negatibo Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
B. Oo nga Partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay
11. Freedom Of Income, eh malamang nagkukumahog pa ang mga
politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!
C. Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang mga
12. tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na
naman yan! Demanda dito, demanda doon!
13. D. Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa
mga mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng
14. pamahalaan.
E. Sa tingin ko partner eh makakatulong pa nga yan dahil mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga korup na
15.
opisyal.

III. PAGLINANG NG TALASALITAAN

A. Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga lingo na karaniwang ginagamit sa mundo ng multimedia sa Hanay
A .Piliin ang titik ng sagot sa mga pagpipilian sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
16. Sinematograpiya A. Ito ay ang pagpuputol, pagdudigtong-dugtong muli ng
ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na.
17. Tunog at Musika B. Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
18. Pagdidirihe C. Ito ang nagpapalutang ng bawat tagpo at nagpapasidhi sa
sa ugnayan ng tunog at linya ng mga dayalogo.
19. Sequence Skrip D. Ito ay ang pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari.
20. Pag-eedit E. Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo na nakakatulong sa makatotohanang detalye
ng palabas.
F. Mga paraan at diskarte ng director kung paano patatakbuhin
ang kuwento sa telebisyon o pelikula.

B. Panuto: Punan ng titik ang crossword puzzle upang matukoy ang mga kontemporaryong babasahin o
anyo ng panitikan na inilalarawan sa bawat bilang. Gawing gabay ang bilang na nakikita sa bawat
kahon.
21. Naglalaman ng mga balita sa araw-araw, mabibili ito sa daan at karaniwang nakasulat sa wikang
Filipino.
22.Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento.
23. Ito ang naghahatid sa ibang mundo tulad ng facebook at twitter na nagpapatunay sa pag-unlad ng
teknolohiya at pag-usbong ng social media sa bansa.
24. Babasahing hitik sa mga larawan at impormasyon tungkol sa mga sikat na artista at
maimpluwesiyang tao sa lipunan.
25. Kagamitang elektroniko na naghahatid ng aliw sa bawat tahanan.

21

22 23
M

24
N

25
E N

IV. WIKA AT GRAMATIKA


A. Panuto: Punan ang patlang ng mga ekspresyong lohikal na bubuo sa diwa o kaisipan ng
pangungusap. Piliin ang sagot mula sa kahon.

A. Sang-ayon B. Sa akala C. Ayon D. Batay E. Hinggil

26. ______ nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. Hindi mamamatay ang
komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto.
27. ______ din sa Surian ng Wikang Pambansa, mayaman daw ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan
ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga salita niyon.
28. ______ ng mga taong bayan ay mabilis lamang makamit ang pagbangon sa kahirapan.
29. Bibigyan ng pansin ang pagpapataas sa kalidad ng edukasyon sa bansa ______ sa inihaing
plataporma ng humahalal na kandidato.
30. Marami ang nagbigay ng komento at pala-palagay ______ sa napapanahong isyu patungkol sa
kanya.

B. Panuto:Suriin ang mga larawan. Bumuo ng makabuluhang pangungusap patungkol dito.Gamitin ang
apat na ugnayang lohikal na nakatala sa ibaba. ( 2 puntos )
31-35.
Dahilan at Bunga o Resulta Paraan at Resulta o Kinalabasan
Kondisyon at Bunga Paraan at Layunin
B. Panuto: Pansinin ang tatlong larawan sa bawat kahon na nagpapakita ng ibat ibang
sitwasyon.Lagyan ng usapan ang komik istrip. Gumamit ng mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) 36-45

V. PAGSULAT
Panuto:Bumuo ng kampanya tungo sa kamalayang panlipunan (social awareness campaign)
Pumili sa mga kontemporaryong anyo ng panitikan na nakata sa ibaba kung paano mo ito
isasagawa. (5 puntos)
Komiks
Pahayagan
Komentaryong panradyo
Rubric sa Pagbuo ng Social Awareness Campaign

Makabuluhan ang paksang napili at komprehensibo ang


mga impormasyong nakalap

Maingat at epektibo ang gamit ng wika

Malinaw ang mensaheng nais ipahatid sa madla

Masining at malikhain ang pagkakabuo ng kampanya

Interpretasyon

5 Napakahusay
4 Mahusay
3-2 Katamtaman
1 Kailangan pa ng pagsasanay

Teksto para sa PAKIKINIG Ikatlong Markahan sa Filipino 8

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy,


Koordinaytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin
kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang
napiling talakayan at pagtutuunan ng pansin. Ang pagbibigay
opinion ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang
kabataan ay higit na maging epektibong tatagapagsalita. Ayon pa
arin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang
mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang
sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

You might also like