You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Filipino 8
S.Y. 2022-2023
Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ____________________
Baitang at Seksyon: _____________________________________ Iskor: ____________________
Lagda ng Magulang: _______________________________________
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin ang bawat tanong/pahayag at piliin ang tamang sagot. Isulat ang
LETRA ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Kilala ito bilang digital age o computer age, Ito ay nagsimula noong ika-20 siglo.
a. E-class b. HTML(Hypertext Markup Language) c. Information Age d. Multimedia
_____ 2. Isang popular na image ng file format. Karaniwang ginagamit ito ng mga digital camera upang
mag-imbak ng mga larawan.
a. E-class b. JPEG(Joint Photographic Experts Group) c. Information Age d. Multimedia
_____ 3. Ito ay ang lengguwaheng ginagamit sa paggawa ng webpage.
a. E-class b. HTML c. JPEG d. HTTP (Hypertext Transfer Protocol)

_____ 4. Pag-aaral o pagkatuto na isinasagawa sa pamamagitan ng elektronikong media, karaniwan sa internet


a. E-class b. HTML c. HTTP d. Multimedia
_____ 5. Ito ay ang pinagsama-samang porma ng paglalahad o pakikipag-ugnayan ng isang tao sa
pamamagitan ng mga digital na pamamaraan.
a. E-class b. HTML c. Information Age d. Multimedia
_____6. Tumutukoy sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
a.pelikula b.kuwento c.tema d.diyalogo
_____7.Kilala rin bilang sine at pinilakang tabing,isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
a.pelikula b.kuwento c.tema d.diyalogo
_____8. Ito ang paksa ng pelikula,diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula.
a.pelikula b.kuwento c.tema d.diyalogo
_____9.Mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.
a.pamagat b.tauhan c.diyalogo d.tunog
_____10.Nagsisilbing panghatak ng pelikula at naghahatid ng pinakamensahe.
a.tema b.diyalogo c.pamagat d.tauhan
_____11.Mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
a.tema b.diyalogo c.sinematograpiya d.tauhan
_____12.Matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.
a.tema b.diyalogo c.sinematograpiya d.tauhan
Para sa bilang 13-15
Bakit Dapat Magplano ng Pamilya?
Sa kasalukuyan ay pahirap nang pahirap ang buhay. Isa sa mga dahilan nito ay ang mabilis na pagdami
ng tao. Hindi lumalawak ang lupa sa daigdig kaya dumarami ang mga suliraning kinakaharap ng tao.Nariyan
ang mga suliranin sa langis, sa pagkain, sa tubig, at sa polusyon. Kung magpapatuloy ang ganito kabilis na
pagdami ng ating mga kababayanan ay nahaharap tayo sa mabigat na krisis sa darating na panahon.
Naniniwala akong ang lunas sa suliraning ito ay ang pagpaplano ng pamilya. Hindi lamang malulunasan nito
ang pandaigdig na suliranin sa dami ng tao kundi maging sa maginhawang kinabukasan ng mga anak.
_____13.Masasalamin sa teksto na ang nagsasalita ay labis na __________
a.natuwa b.nalungkot c.nabahala d.nagdalamhati
_____14.LAyunin ng teksto na _______
a.mangaral b.manakot c.magpatawa d. magbabala
_____15.Ano ang paksa ng teksto?
a.Suliraning kinahaharap ng mga Filipino b.Pagtaas ng mga bilihin
c.Pagpaplano ng pamilya d.Pagdami ng populasyon
_____16.Bahagi ng pangungusap na ginagamit para sa pinag-uusapan, o pinagtutuunan ng pansin.
a.layon B.paksa c.tono d.damdamin
_____17.Tumutukoy sa tinig at saloobin ng may-akda kaugnay sa paksang kanyang sulatin.
a.layon B.paksa c.tono d.damdamin
_____18.Pahayag na nais mangyari ,makamit o dahilan ng pagkakasulat ng may-akda sa kanyang teksto.
a.layon B.paksa c.tono d.damdamin
Panuto:Tukuyin ang ugnayang lohikal taglay ng bawat pangungusap, isulat lamang ang TITIK ng
tamang sagot.
a. Sanhi at Bunga b.Paraan at Resulta c.Kondisyon at Resulta d.Paraan at Layunin
e.Pag-aalinlangan at Pag-aatubili f.Pagtitiyak at Pagpapasidhi
_____19.May sirang ngipin si Ada,kaya dinala naming siya sa dentista.
_____20.Sa tulong ng pagsisikap ng aming magulang, ako ay nakatapos ng aking pag-aaral.
_____21.Mababa ang nakuhang grado ni Xyrel sa pagsusulit dahil hindi siya nag-aral.
_____22.Baka gagabihin ako sa pag-uwi,kaya mauna na kayong maghapunan kung gabi na.
_____23.Kung nakinig ka lang sana sa iyong magulang, hindi sana masisira ang iyong kinabukasan.
_____24.Para makatulong siya sa kanyang pamilya,pinili niyang magtrabaho sa ibang bansa.
_____25.Walang dudang makakamit mo ang iyong pangarap sa sipag at tiyaga mong mag-aral.
Panuto: Tukuyin kung LALAWIGANIN, BALBAL, KOLOKYAL, o BANYAGA ang mga salitang
nakasalungguhit.
__________ 26. San tayo pupunta mamaya pagkatapos ng ating klase?
__________ 27. Siya ang lodi ko dahil magaling siyang sumayaw at kumanta.
__________ 28. Spaghetti ang paborito kong pagkain sa Jollibee.
__________ 29. Ang aking bana ay maihahalintulad sa isang kalabaw, masipag at matiyaga.
__________ 30. Ang ganda ng OOTD ni Ada ngayong araw, para siyang Koreana.
__________ 31. Don muna tayo tumambay sa bahay ni Arthemee pagkatapos ng klase natin.
__________ 32. Sana all nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay nagpapahayag ng OPINYON o
KATOTOHANAN.
__________33. Sa aking palagay, siya ang napangasawa ni Zarah.
__________ 34. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibgan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
__________ 35. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang out-of-school youth.
__________ 36. Si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas.
__________ 37. Nakasaad sa Philippine Constitution Article XIV Section VI na ang ating wikang pambansa ay
Filipino.
Panuto: Buuin ang teksto gamit ang mga sumusunod na ekspresyong pananaw na nasa loob ng kahon.
Sang-ayon Batay sa Alinsunod Sa paniniwala ni Ayon kay Sa
kabilang dako
_____38._______Secretary Briones, noon pa man ay ginagawa na ang pamamaraan ng blended learning tulad
ng printed modules.
_____39._______Pangulong Quezon, mas mabuti pa ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga
Filipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.
_____40._______saligang batas tayong mga mamamayang Filipino ay may karapatang pumili ng gustong
relihiyon, karapatang bumuo, karapatang mabuhay ng marangal at karapatang ipagtanggol ang sarili.
_____41.______Deped magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang baiting sa
Setyembre 13,”21.
_____42.______sa patakaran na ipinatupad n gaming barangay ay ipinagbabawal ang pagtatapon ng mga basura
kung saan-saan.
_____43.______,mabuti na rin sigurong nangyari iyon, upang matauhan siya sa kanyang nagawang kamalian.

MGA BANTAS Panuto:Basahing mabuti ang talataan, lagyan ng angkop na bantas ang mga pahayag.
44. _____Opo, Nanay. Magsasaing na po ako,_____sagot ni Maricel.
45. Nagluto ako ng almusal_____ naglaba_____nagwalis sa sala_____at saka nagpahinga.
46. Ipinanganak si Bb. Lena Flores noong ika____7 ng Agosto 1990.
47.Mag-uumpisa nang 6_____00 ng umaga ang prusisyon mula sa simbahan.
48. Ang huling tula na isinulat ni Jose P. Rizal ay ang _____Mi Ultimo Adios._____
49.Ano_____ano pala ang kanyang mga sinabi sa iyo kahapon?
50.Iba’t ibang prutas at gulay ang ibinibenta ng may____ari ng tindahan.

“Ang mga taong agad sumusuko ay hindi nananalo. Ang mga taong laging panalo ay hindi kailan man sumusuko”
Inihanda ng mga guro sa Filipino8

SUSI SA PAGWAWASTO:
1.C 33.OPINYON
2.B 34.OPINYON
3.B 35.KATOTOHANAN
4.A 36.KATOTOHANAN
5.D 37.KATOTOHANAN
6.B 38.Ayon kay
7.A 39.Sa paniniwala ni
8.C 40.Batay sa
9.B 41.Alinsunod
10.C 42.Sang-ayon
11.B 43.Sa kabilang dako
12.C 44. “”
13.C 45. ,
14.D 46. -
15.C 47. :
16.B 48. “”
17.C 49. -
18.A 50. -
19.A
20.B
21.A
22.E
23.C
24.D
25.F
26.KOLOKYAL
27.BALBAL
28.BANYAGA
29.LALAWIGANIN
30.BALBAL
31.KOLOKYAL
32.BALBAL

You might also like