You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

1. Ay sitwasyong pangwika na tumutukoy sa pagpapahayag ng mga kasalukuyan at di karaniwang


pangyayari sa loob at labas ng lipunan.
A. Pamamahayag B. Tanging-lathalain C. Balita D. Broadcasting
2. Pag-uulat o pagbabalita na naghahatid ng mga pangyayari sa kaalaman ng mga mambabasa.
A. Pamamahayag B. Tanging-lathalain C. Balita D. Broadcasting
3. Paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon
B. A. Pamamahayag B. Tanging-lathalain C. Balita D. Broadcasting
4. Si Joseph ay palaging nakikinig sa mga balita sa radyo. Sa anung paraan o midyum ipinahayag
ang balita batay sa sitwasyon ni Joseph?
A. sa pamamagitan ng broadcasting B. Sa pamamagitan ng pamamahayagan
C. Sa pamamagitan ng pakikinig D. wala sa nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng pagsusulat ng balita.
A.malinaw B. Sariwa ang impormasyon C. May kinikilingan D. may kawastuang paktuwal
6. Bakit kailangan ang wastong gamit ng salita o pahayag sa mga social networking site?
A. Upang madaling maintindihan ng mga mambabasa ang nais ipahayag.
B. Upang magmukhang matalino sa mata ng mambabasa
C. Upang maging sikat o di kaya’y magkakaroon ng maraming followers.
D. Upang magiging magaan ang loob.
7. Isang akademikong gawain ang pagsulat ng isang kritikal na pagsusuri. Ang mga sumusunod ay
mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang kritikal na pagsusuri maliban sa isa.
A. dapat laging isipin ang layunin
B. Walang kinikilingan
C. Tiyak na alam ang nilalaman ng susuriin.
D. Pwede lang na hindi tiyak ang batayan sa pagpapahayag.
8. Tumutukoy sa mga makabagong paraan ng libangan sa lipunang Pilipino
A. Komiks B. Kulturang popular C. Pelikula D. dula
9. Isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay sa kuwento.
A. Dula B. Balita C. Komiks D. Pelikula
10. Ito ay kilala rin bilang sine at pinilakang-tabing
A. Dula B. Balita C. Komiks D. Pelikula
11. Akdang pampanitikang na nasa anyong tuluyan na dapat itanghal sa entablado
A. Dula B. Balita C. Komiks D. Pelikula
12. Ito ay proseso ng pagsusuri na binibigyang pansin ang mga elemento gaya ng: iskrip,
sinematograpiya, direksiyon, pagganap ng artista at iba pa.
A. suring-basa B. Suring-pelikula C. Suring-elemento D. wala sa nabanggit
13. . Ito ay proseso ng pagsusuri na binibigayang pansin ang lingguwistika, kultural na aspeto, o
implikasyon sa lipunan batay sa nabasang teksto o akda.
A. Suring-teksto B. Suring –akda C. Suring- basa D. suring- pelikula
14. Pinagsusulatan ito ng mga pahayag o usapan ng mga tauhan sa komiks.
A. speech balloon B. Speech gallon C. Balloon D. speech circles
15. Dahil sa paglaganap ng internet malaki ang nagging pagbabago ng pagpapahayag sa
pamamagitan ng mga social networking sites. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga sites
na ito?
A. Facebook B. Newspaper C. Twitter D. Lahat ng nabanggit
Ang tanging lathalain ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagpapaliwanag at may
sanligan at impresyon ng sumulat. Layunin nitong manlibang o magpabatid. Ito’y nag-uulat at
nagpapaliwanag ng mga makatotohanang bagay o pangyayari batay sa pag-aaral, pananaliksik o
pakikipanayam at isinulat sa paraang kawili-wili. Maaari itong isulat sa anumang anyo o estilo.

II. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
nagpapahiwatig ng katangian na dapat taglayin ng isang tanging-lathalain at MALI naman kung
hindi.

16. Walang tiyak na haba, maaring maikli, maaring mahaba nang ayon sa nilalaman ng ibig isulat.
17. Batay sa katotohanan na maaaring may kaugnay sa balita.
18. Maaaring sulatin sa anumang anyo, estilo o pamamaraan, ngunit kailangang ito ay naaangkop sa
nilalaman at layunin nito.
19. Nasusulat sa himig na payak na parang nakikipag-usap lamang.
20. Maaring gumamit ng una , ikalawa, o ikatlong panauhan.
21. Pinakamahalaga sa lahat ng uri ng journalistik.
22. Maaaring gumamit ng matatalinhagang pahayag tulad ng tayutay o idyomatikong pahayag
hangga’t kailangan.
23. May panimula, wakas at walang katawan
24. Nagtataglay dapat ng mga matatalinhagang salita o pahayag.
25.Makatotohanan at kawili-wili.

III. Panuto: Suriin ang mga salitang may salungguhit kung angkop sa diwa ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
TUMPAK kung angkop ito LIGWAK naman kung hindi.

26. Masasabing mataas na ang nagging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating
bansa
27. Sa pelikula man o telibisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo an gating nababasa na tumatalakay
sa iba’t ibang paksa o isyu.
28. Nahihilig ang maraming kabataan sa pagbabasa ng mga pocketbook, komoks at magasin.
29. Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan
ng paglaganap ng teknolohiya.
30. Naglalaman ang magasin ng maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
31. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula ng magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa
sariling bansa.
32. Ang magasing entrepreneur ay para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo
33. Tunay ngang bahagi na ng ating buhay ang broadcast media.
34. Isang mekanismo ng pagbabago at pag-unlad ng kulturang Pilipino ang broadcast media.
35. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili ang telebisyon.
36. Mayaman sa impormasyon ang anumang balita.
37. Maayos na maayos ang mga pangyayari sa pinanood na telenobela.
38. Malayang pamamahayag ang kailangan.
39. Isang libangan ang pagtingin sa pelikula.
40. Maaaring manood din ng mga balita sa teleradyo

IV. Hanapin sa mga sumusunod ang gampanin ng wika batay sa mga kasanayang ibinigay. Isulat
ang tamang sagot.
Representatib komisib deklaratib
Direktib ekspresib

41. isaysay, sabihin, isulat, ipahayag


42. pagmumungkahi, pag-uutos pakiki-usap
43. pangangako, pananakot
44. pasasalamat, pakikiramay, pagbati, pagtanggap

V. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salita o pahayag na ginamit sa bawat pangungusap na
nagpapahayag ng pagsasalaysay ng kasaysayan ng wikang pambansa.

45. Noong 1935, pagkalipas ng dalawang taon, Tagalog ang nagging wikang pambansa ng Pilipinas
46. Pinahahalagahan pa rin hanggang ngayon ang pag-aaral ng iba pang wika sa Pilipinas
47. Noong unang panahon, may sariling palabaybayan na ang Pilipinas at tinatawag na baybayin.
48. Ipinagdiriwang ang buwan ng wika tuwing Agosto taon-taon
49. Nagsimulang ang mga balita ay ginawang wikang Filipino bilang pagpapahalaga sa wika.
50. Kumilos ang Komisyon sa Wikang Filipino nang lumabas ang jejemon.

You might also like