You are on page 1of 18

1.

Sagot: Baril
2. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
3. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
4. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
5. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
7. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta

9. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.


Sagot: Kandila
10. Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
Magandang pamintana, masamang pang kusina.
Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na “magandang idispley na siyota, pero tamad sa
kitchen!” O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma.

Kadalasan, ang karikta'y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli Noong ibig ipahamak.
Paliwanag: Totoo hangga ngayon, at ginagamit pa ring padron kahit sa telenobela, gaya ng Marimar. Ang pisikal na
ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang tao.

Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.


Paliwanag: Ang “dangal” at “puri” ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa “honor” sa Ingles. Kaugnay ng
“puri” ang “chastity,” “virginity,” at “respect” ngunit hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na
loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ng Katipunan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.


Paliwanag: Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging
dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay
nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalo pang
maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.


Paliwanag: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.


Paliwanag: Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.


Paliwanag: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang
humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng
kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga
magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Paliwanag: Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.


Paliwanag: Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang
hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.


Paliwanag: Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang
nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.


Paliwanag: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti
ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang
ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Paliwanag: Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong
tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.
Alamat ng Sampaguita - Second Version

Noong unang panahon, si Datu Dangal na puno ng Barangay Maynila ay matalik na kaibigan ni Datu
Tapang na puno naman ng Barangay Balintawak. Laging nagtutulungan ang kanilang mga tauhan upang
mapaunlad at mapaganda ang kani-kanilahg lugar. Kapag uhaw sa tubig ang mga pananim ni Datu
Dangal ay pinatutulong ni Datu Tapang ang mga kabig upang sumalok ng tapa-tapayang tubig na
ipinandidilig sa malalawak na kabukiran ng karatig barangay. Bilang pagtanaw ng utang na loob, kapag
taggutom naman sa Barangay Balintawak ay buong puso namang ipinahahatid ni Datu Dangal sa
kaibigan ang mga kinatay na baka upang pagsalu-saluhan ng mga kawal ng kapalagayang loob na lider.
Lagi silang nagpapalitan ng mga aning palay at mais. Nagbibigayan din sila ng mga alagang pabo at
manok o kaya naman ay pinanday na punyal at itak. Kung nangangailangan ng tulong ang isa, madaling
mag-aabot ng kamay ang kaibigan niya. Magkaibigang-magkaibigan si Datu Dangal at Datu Tapang.
Hangad nila ang pag-unlad ng bawat isa. Dasal nila ang pagtatagumpay ng bawat barangay na
pinamumunuan nila.

Si Datu Dangal ay may kaisa-isang anak na dalaga na kapuri-puri sa pag-uugali at hinahangaan sa angking
kagandahan. Sapagkat inaakala ni Datu Dangal na bata pa sa ngalan ng pag-ibig ang anak, lagi niya itong
ipinakikilala na anak niyang dalagita na pinagdidiinan niyang nagngangalang Gita.

Kapag may mga mangangalakal sa iba't ibang barangay na naiimbitahan si Datu Dangal, lagi at laging sa
ganito nauuwi ang usapan:

"Napakaganda ng anak ninyo, Datu Dangal! Maaari bang makapanhik ng ligaw ang binata ko?"

"Bata pa si Gita. Paghintayin mo ang binata mo. Darating din ang panahong magiging ganap na dalaga
ang aking dalagita."

Kahit nakangiti ay nakatiim ang mga bagang ni Datu Dangal sa katotohanang maaaring ilayo ng
sinumang mangingibig ang kaisa-isang anak.

Upang hindi gaanong mapagkita ng mga kabinataan, si Gita ay laging pinababantayan ni Datu Dangal sa
ilang piling dama na kaniyang pinagkakatiwalaan.

Hindi alam ng mga dama na sa isang pagtitipon sa palasyo ay nakilala ni Gita ang natatanging anak na
binata ni Datu Tapang. Sa dahilang nabighani ang binata sa ganda at ugali ni Gita ay hindi nito napigil ang
sariling magtapat ng pag-ibig. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung bakit may kakaibang misteryo kapag
kausap niya ang binata. Sinuri niya ang sariling damdamin. Hindi naglihim si Gita sa mga dama.
Ipinagtapat niya ang pagmamahal niya sa binatang umiibig din sa kaniya.

Nalaman ni Datu Dangal ang panunuyo ng binata sa kaniyang dalagita. Lubhang nabagabag ang ama ni
Gita. Pinagsabihan nito ang mga dama na 'lalong higpitan ang pagbabantay sa anak niya. Ipinaliwanag ng
mga dama na dalaga na si Gita at sa tingin nila ay may karapatan na itong pumili ng binatang mamahalin.
Winalang halaga ni Datu Dangal ang mga paliwanag. Binigyang diin niya na ang utos ng hari ay di
mababali.

Nag-iiyak nang nag-iiyak si Gita. Inisip niyang hindi siya nauunawaan ng ama niya. Naniniwala siyang
hindi iginagalang ni Datu Dangal ang sagradong pagmamahal niya. Tanging ang mga dama lamang ang
nakakaintindi kay Gita. Sapagkat may mga puso ring marunong magmahal kaya nauunawaan ng mga
dama ang saloobin ng dalaga.

Minsan, nang makatanggap ng isang sulat mula sa mangingibig ay nagmakaawa si Gita sa mga
tagabantay na payagan siyang makipagkita sa minamahal. Bagamat natatakot ay pumayag na rin ang
mga dama sa pagmamakaawa ni Gita. Pinakiusapan ng mga dama ang dalaga na kailangan niyang
makabalik kaagad upang di mapansin ni Datu Dangal ang pagkawala niya. Nangako naman si Gita.

Sa Lihim na Burol nagpunta si Gita. Doon sila magkikita ng mangingibig niya. Ang nasabing Burol ay
nakapagitna sa kaharian ni Datu Dangal at Datu Tapang. Tanging ang mangingibig ng dalaga ang
nakaaalam sa nasabing lugar na itinuro niya kay Gitang minamahal. Sapagkat may kataasan ang Burol
kaya kinakalag pa ng binata sa dalawang puno ang mahabang duyan na ibinababa upang pasakayin ang
minamahal.

"O sampa na Gita, sampa Gita!"

Sumampa na si Gita sa duyang unti-unting itinataas ng binata. Masuyong inabot ng mangingibig ang mga
kamay ng dalaga nang bumaba na sa duyan at maidantay na nito ang mga paa sa tuktok ng bueol.
Maluha-luha sa kagalakan ang dalaga nang makita ang binata. Lalong nag-ibayo ang kagandahan ng
paligid sa Lihim na Burol sapagkat nakalundo ang mabilog na buwan sa kalangitan na parang sadyang
tumatanglaw sa pagtatagpo ng dalawang nagmamahalan.

Matagal ding nag-usap ang dalawa. Binigyang diin ng binata ang labis na pag-ibig niya sa dalaga.
"Tandaan mo Gita na ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw lang! Aalagaan kita, mamahalin at
ipagtatanggol."

Pinigil ni Gita ang damdamin kahit kumikislap sa tuwa ang mga mata. Matagal ding nag-usap ang nag-
iibigan. Pero katulad ng dapat asahan, dumating ang oras ng paghihiwalay. Tumupad ang dalaga sa
ipinangako niya. Umuwi rin siya kaagad.

Ipinagtapat ni Gita sa mga dama ang muling paghahain ng pag-ibig ng binata. Pinayuhan ng mga damang
pag-aralan muna raw ni Gita ang damdamin niya. Sinabi nilang ang pag-aasawa ay hindi parang kaning
isusubo na iluluwa kapag napaso.

Maraming pagkakataon ding pinayagang makipagkita si Gita sa binata. Tumagal din ng mga linggo,
buwan at mga taon bago pormal na sagutin ng dalaga ang mangingibig niya. Naniniwala si Gita na
marapat lamang na sagutin ang iniluluhog na pag-ibig sapagkat bukod sa anak ng datu ang binata, ito ay
marangal at may paninindigan. Nakikini-kinita ni Gitang ang binata ay magiging mabuting asawa at
maipagkakapuring ama ng mga iaanak niya.

Planong ipagtatapat na sana ng magkasintahan ang balak nilang pagpapakasal nang mapabalita ang
nagbabantang pagsalakay ng mga mandarambong na dayuhang pinamumunuan ni Limahong. Napahiya
raw ang lider na dayuhan nang hindi payagan ni Datu Dangal na makapanhik ito ng ligaw kay Gita.

Kampante si Datu Dangal na malakas ang barangay niya na kayang lumaban sa alinmang grupo ng mga
dayuhang mandirigma. Subalit mali siya sapagkat marami na rin palang bataan si Limahong. Nakapag-
ipon na rin ito ng maraming sandatang nanggaling sa mga tinalo o kinaibigang mga dayuhang
mangangalakal na galing pa sa malalayong karagatan. Ang pagsalakay ni Limahong ay naging isang
problema kay Datu Dangal. Nang mapansin ng dalagang marami-rami na rin ang napapatay sa kanilang
mga kawal ay mabilis itong nagtatakbong palabas ng kanilang kaharian. Tinungo niya ang Lihim na Burol
kung saan naghihintay ang matapat niyang kasintahan. Nang matanawan ng binatang humahangos ang
dalaga kasama ang mga dama ay mabilis nitong kinalag ang duyan at inilundo sa burol.

"Sampa na Gita, madali! Sampa Gita!"


Isinampa ng mga dama ang nanginginig pa sa takot na dalaga. Nang abutin ng binata ang kamay ng
kasintahan ay dali-dali silang nagyakap. Maluha-luhang isinalaysay ni Gita ang malakihang pagsalakay
nina Limahong. Alalang-alala si Gita sampu ng kaniyang mga dama sa mapanlinlang na pakikipagdigmaan
ng mga dayuhang mandarambong.

"Ma... mahal ko... tulungan mo ang amang datu ko. Maraming sandata ang mga kaaway namin. Marami
nang nangamatay sa aming barangay." Nangangatal ang buong katawan ni Gita habang humihingi ng
saklolo sa kasintahan niya.

"Napag-usapan na namin ng aking ama ang dapat naming gawin. Ako raw Gita ang mamumuno sa mga
kawal namin. Ako ang magpapatumba sa mga kawal ni Limahong!"

Nagimbal si Gita sa sinabi ng kasintahan. Alam niyang hindi biro na pamunuan ang isang barangay na
nakikipagdigmaan. Pero inalo siya ng kasintahan.

"Huwag kang matakot mahal ko. Ako ang tagapag-mana ng aming kaharian. Dapat ko lang itong
pamunuan sa oras ng pakikipagdigmaan! Dito ka lang sa Lihim na Burol. Mamatay man ako o mabuhay
sa labanan ay mamahalin kita hanggang Ubingan."

Mabilis na nagpadausdos sa isang mahabang lubid ang binata. Naiwang nag-aalala si Gita sampu ng mga
dama. Ang Lihim na Burol na isang munting paraisong nalalatagan ng mga luntiang damuhan ay lugar
ngayon na pinaghaharian ng kalungkutan at pag-aalala.

Matapang at sanay sa pakikidigma ang binata. Marami siyang nagaping kawal ni Limahong. Sa isang iglap
ay nakaharap niya ang mandirigmang lider ng mga dayuhan. Nagkadikit ang mga kilay ni Limahong sa
sobrang galit. Matapang ito at parang diyablo sa pakikipagpatayan. Pero higit na mabilis na parang lintik
ang binata na inspirado sa pagmamahal ni Gita.

Ulos dito. Ilag diyan. Taga sa tagiliran. Saksak sa likuran. Latang-lata si Limahong. Pawisang-pawisan ang
binata. Sa huling ulos ay nasentruhan ng binata ang dibdib ng dayuhan. Lagapak sa batuhan ang
gahaman. Nakita pala ng kanang kamay ni Limahong ang ginawang pagpapatumba sa kanilang lider.
Isang grupong kabig ni Limahong na may matitipunong pangangatawan at higit na matatalim na sandata
ang sumugod sa binata. Marami ring ulo ang tinagpas ng binata subalit isang matulis na sibat mula kay
Gogol na kanang kamay ni Limahong ang itinarak sa kanyang dibdib. Bagsak siyang umiikot ang paningin.
Ang malakas na sigaw ng kamatayan ay dinig ni Gita sa mataas na burol na kinarororoonan. Binuo ng
dalaga sa sarili na kailangang ipaghiganti niya ang mahal na kasintahan. Kahit na pinipigil ng mga
damang alalay ay nagpumilit ang dalagang sumampa sa duyan, bumaba sa burol at makipaglaban sa mga
ganid na kaaway. Sa bendisyon ng ama ng kasintahan at ng tunay na amang pinakamamahal ay
nagkaroon ng dagdag na lakas si Gita. Nag-iibayo ang tapang ng dalaga sa tuwing maririnig niya ang
malakas na tinig ng kasintahang malakas na sumisigaw na, "Sampa na Gita! Sampa na Gita! Sampa na
Gita!"

Ang pagsampa ni Gita ay hindi na sa duyang naghahatid sa kaniya sa Lihim na Burol kundi sa mabikas na
kabayong pandigmaang maghahatid sa kaniya sa umaatikabong labanan. Dala ang duguang sandata ng
kasintahan, napagtagumpayang itaboy ni Gita ang mga dayuhan. Sa kasamaang palad ay tinamaan ang
dalaga ng isang ligaw na sibat mula sa kampo ng tumatakas nang mga kaaway. Duguan siyang sumadsad
sa maalikabok na daan. Bago siya pumanaw ay ipinakiusap niya kay Datu Dangal at kay Datu Tapang na
sana ay ilibing silang magkasintahan sa Lihim na Burol na nag-uugnay sa dalawang barangay. Iginalang
ng dalawang datu ang kahilingan. Sa halip na ipagluksa ang kamatayan ng magkasintahan ay
ipinagdiwang ng lahat ang isang dakilang pag-iibigan.

Lumipas ang maraming taon. Takang-taka ang marami nang may tumubong halaman sa pinaglibingang
Lihim na Burol. Ito ay may mapuputi at mababangong bulaklak. Sa dahilang tuwing gabi lalo na't bilog
ang buwan ay may tila bulong na hangin ng isang binatang umiibig na nagsasabing, "Sampa na Gita!
Sampa na Gita." Ang bulaklak na puting-puti sa kabusilakan ay tinawag na Sampagita bilang pagpupugay
sa isang pagmamahalang nagniningning sa buhay man o sa kamatayan.Iyan ang pinanggalingan ng
alamat ng Sampagita.
Wikang Pambansa

Tayo'y taga-Luson, sila ay Bisaya

At kayo nama'y sa Mindanaw mula;

Iisa ang ating sinilangang bansa,

Sa iisang lahi, tayo ay nagmula.

Ipinagkaloob sa atin ng "Ama"

Ay mga wikain na magkakaiba,

Kung kaya nga tayo noong dakong una

Sa isip at puso'y hindi magkaisa.

Pa'nong di gayon? Dito sa 'ting bayan

Mga katutubo'y magkakahiwalay

Dahilan sa ating mga karagatan

At mataas nating mga kabundukan.

Ang tumulong sa 'tin sa problemang ito

Ay Pangulong Quezon na dakilang tao;

Siya ang nagsikap na magkaro'n tayo

Ng Wikang Pambansa, wikang Pilipino.

Pasalamat tayo sa Pangulong mahal

Dahil sa ang wika'y kanyang itinanghal;

Tunay na umunlad bayan nating mahal

Sa tulong ng wika, Pilipinong hirang.


Ang Alibughang Anak

May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng bunsong anak na ang
manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang makuha na ng bunso ang
kanyang mana ay ipinagbili niya agad ito makalipas lamang ang ilang araw. Matapos ito ay umalis siya at
nagtungo sa malayong bayan. Dito niya walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom sa bansang iyon ay isa
na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng mga baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang
kainin pati pagkain ng mga baboy na alaga niya. Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kanya ng
kanyang amo.

Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito ay kumakain nang
maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad siyang nagpasyang bumalik sa dating
tahanan.

Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang nagbalik na anak.
"Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na maging anak mo. Ituring mo na
lang akong isa sa iyong mga alila," sabi ng anak sa ama.

Ngunit inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng pinakamagarang kasuotan.
Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing, at binigyan ng sapatos para sa kanyang mga paa.
Ipinagpatay din siya ng isang matabang baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang pagdiriwang.

"Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang pagbabalik," ang sabi ng
nagagalak na ama.

Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Itinanong niya sa isang
katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na
lamang ang kanyang galit kaya't di napigilan ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama.

"Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo naipagpatay
kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha ninyong anak na lumustay ng inyong
kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at magdiriwang!"
Sumagot nang marahan ang ama, "Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo. Tayo'y
nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala at muli
nating nakita."

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: https://m.pinoyedition.com/parabula/ang-alibughang-anak/

Ang Barumbadong Gansa

Isang batang-bata subalit barumbadong Gansa ang isinama ng kaniyang mga tiyuhin at tiyahin upang
makapagsanay sa paglipad. Inilagay siya sa hulihan upang makita ang wastong pagkampay ng mga
pakpak. Itinuturo ng mga tiyuhin at tiyahin sa batang Gansa kung bakit kailangan ang disiplina sa
paglipad. Gusto nilang matutuhan ng batang Gansa kung paano tumingin sa kaliwa at sa kanan. Itinuturo
rin nila kung paano lumipad nang mataas at mababa, nang mabilis at mabagal.

Minsan ay nawalan ng disiplina ang batang Gansa. Sa halip na sumunod sa mataas na paglipad ay
nagpaiwan ito at nakipaglaro sa mapuputing ulap.

Hinaltak siya ng mga tiyuhin at tiyahin at kinagalitan nang lumapag sila sa ilug-ilugan.

"Ikaw, bata ka. Huwag na huwag kang lalayo sa iyong mga kasama. Matuto kang sumunod sa batas ng
disiplina."

Binigyang diin ng mga tiyo at tiya na hindi pa gaanong matibay ang mga pakpak ng batang Gansa. Ang
mga payo ay winalang halaga nito. Sa narinig na hindi pa matibay ang mga pakpak, nagrebeldeng
nagpaikut-ikot sa paglangoy ang suberbiyong Gansa at tinampi-tampisaw ang tubig bilang panunudyo.
Sa sobrang inis ng mga tiyo at tiya ay umahon sila sa ilug-ilugan at iniwang mag-isa ang pamangkin nila.
Kinabukasan, nagpumilit na namang sumama ang batang Gansa sa paglipad. Ayaw na sana itong isama
subalit naghukay ito nang naghukay at nagpagpag nang nagpagpag ng buhangin sa mga pakpak ng
tiyuhin at tiyahin. Upang hindi na magwala pa ay napilitan na naman nila itong isama.

Nang nasa kalawakan na sila ay napalingon sa silangan ang batang Gansa at naakit sa napakagandang
mga kulay ng bahaghari, tulad ng nakagawian, humiwalay na naman itong muli.

Sapagkat mabilis ang paglipad ng mga tiyuhin at tiyahin, hindi nila napansin ang pasilangang direksiyong
tinungo ng pamangkin. Lingid sa kaalaman ng batang Gansa, nakaabang pala sa dakong silangan ang
isang malaking Agila. Sa isang iglap ay dinagit ng Hari ng Kalawakan ang kaawa-awang batang Gansa.
Malayo na ang Agila nang matanawan ng mga tiyuhin at tiyahin ang dinagit nilang pamangkin.

Aral: Magkaroon ng tiwala sa karanasan ng mga nakatatanda.

Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.

Source: https://m.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-barumbadong-gansa/
Aries
Aries (March 21 - April 20): Katulad ng Aquarius, maaaring nakaranas ka ng matinding pagsubok mula pa
noong taong 2013. Kaya't ngayong taon ay panahon na upang makadama ka ng kaginhawahan. Gamitin
mo ang unang tatlong buwan ng taon upang lalo mo pang mapagbuti ang iyong trabaho at upang
matuklasan mo ang iba mo pang potensyal sa pamamagitan ng pagsangguni sa iyong guro o ibang
tagapayo.
Maswerte ang mga Aries sa 2017. You will have reason to smile as you start off 2017 with great potential
for a whirlwind romance.
Continue: Sikretong swerte o buwenas sa 2017 horoscope ng Aries.

TAURUS
Taurus (April 21 - May 21): Ang taong ito ay panahon upang pakawalan mo ang kung anuman ang
nagbibigkis sayo sa nakaraan nang sa gayon ay matuklasan mo ang iba pang oportunidad na nag-aabang
sayo sa hinaharap. Natutunan mong pagtibayin ang iyong kalooban sa pagharap sa mga pasakit at
suliranin. Higit sa lahat, natutunan mong maging mapagpasalamat sa kung ano ang iyong natamo.
Ngayong taon, kailangan mong matutunan na walang perpekto kaya't may mga panahon na kailangan
mong sumunod sa agos at maging mapamaraan.
Continue: Sikretong swerte at buwenas sa 2017 horoscope ng Taurus.

GEMINI
Gemini (May 22 - January 21): Sa pagsisimula ng taon, maaaring makaranas ka ng ilang pagsubok. Dahil
dito, hindi mo dapat hintayin lamang kung ano ang mangyayari sayo . Maaari kang malito sa iyong
gagawing desisyon o maging negatibo ang iyong pananaw kung kaya't tatanggihan mo ang oportunidad
na ibibigay sa iyo. Ngayong taon, iyong matatanto na tinutulungan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng
hakbang upang tulungan ang kanilang sarili.
Continue: Swerte ba o malas sa 2017 horoscope ang Gemini.

CANCER
Cancer (June 22 - July 22): Ang taong ito ay magiging mabuti para sa iyo lalung-lalo na sa usaping
pinansyal. Maraming oportunidad ang nagaabang sa iyo upang maparami pa ang iyong salapi. Dahil dito,
maganda rin ang taong ito para sa pagbili ng ari-arian tulad ng bahay.
Continue: Sikretong swerte at buwenas sa 2017 horoscope ng Cancer.

LEO
Leo (July 23 - August 23): Kahit na hindi maganda ang iyong kita ngayong taon, nararapat na patuloy mong
pagsikapan at pagbutihin ang iyong trabaho. Bukod dito, ang iyong buhay pag-ibig ay patuloy na magiging
matimyas sapagkat buo ang suporta at pag-unawa ng iyong kabiyak.
Continue: Sikretong swerte o buwenas sa 2017 horoscope ng Leo.

VIRGO
Virgo (August 24 - September 22): Ngayong taon, kailangan mong maging maingat sa pagbibitiw ng salita.
Kailangan mo ring pagibayuhin ang iyong trabaho upang magkaroon ng karagdagang kita at kung maaari,
iwasan ang pagpapautang sa iyong mga kakilala.
Continue: Sikretong swerte o buwenas sa 2017 horoscope ng Virgo.

LIBRA
Libra (September 23 - October 23): Sa unang anim na buwan ng taon, ang mga nakakakilala sa iyo ay
mapapansin ang isang malaking pagbabago sapagkat matututunan mong makisalamuha sa maraming tao
kaya't mas marami kang makikilala at magiging kaibigan. Sa panahon ding ito, maaring mabawasan ang
dati mong kakilala lalung-lalo na ang ilan sa mga taong hindi magdudulot ng maganda sa iyong buhay.
Continue: Sikretong swerte o buwenas sa 2017 horoscope ng Libra.

SCORPIO
Scorpio (October 24 - November 22): Ang taong ito ay taon ng tagumpay at oportunidad upang makamit
mo ang matagal mo nang minimithi. Ngunit ang pagyayabang tungkol sa iyong mga naging tagumpay ay
maaring maging hadlang upang mabigyang karangalan ang iyong mga nakamit at upang mapaunlad ang
iyong talento.
Continue: Sikretong swerte o buwenas sa 2017 horoscope ng Scorpio.

SAGITTARIUS
Sagittarius (November 23 - December 21): Ang taong ito ay puno ng mga hindi inaasahang bagay. Maaring
sa unang bahagi ng taon ay makaranas ka ng matinding pagsubok at sa mga susunod na buwan ay
matamasa mo ang kaginhawahan. Ang iyong determinasyon, pagsisikap at ambisyon ay makakatulong sa
iyo upang magtagumpay.
Continue: Sikretong swerte at buwenas sa 2017 horoscope ng Sagittarius.
CAPRICORN
Capricorn (December 22 - January 20): Ang taong ito ay maaaring mawalan ng kulay at saya dahil sa labis
mong pagtutuon ng pansin sa isang bagay na lubos mong mahal - ang iyong trabaho. Sa kabila ng iyong
pagiging abala, kailangan mo ring humanap ng panahon para sa iyong sarili upang iyong maintindihan
kung sino ka at ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang bawat bagay.
Continue: Sikretong swerte at buwenas sa 2017 horoscope ng Capricorn.

AQUARIUS
Aquarius (January 21 - February 18):
Dahil nagsumikap ka noong nakaraang taon mula 2012, ang taong ito ay panahon
upang anihin ang bunga ng iyong itinanim. Dahil dito, hindi lamang magiging
masagana ang taon para sa iyo sapagkat ang iyong ipinamalas na pagtitiyaga at
paghihirap noon ay nagbigay daan din upang makuha mo ang respeto at paghanga ng iyong mga kaibigan
at kasama sa trabaho.
Continue: Sikretong swerte at buwenas sa 2017 horoscope ng Aquarius.

PISCES
Pisces (February 19 - March 20): Ngayong taong 2017, magiging maganda ang iyong buhay pag-ibig ngunit
maaring makaranas ka ng ilang pagsubok pagdating sa iyong trabaho lalo na sa mga buwan ng Hunyo
hanggang Setyembre. Dahil dito, kailangan mong pagbutihin ang iyong trabaho bago dumating ang
panahong ito. Maaaring makatulong sa iyong pagiging produktibo ang paghahanap ng inspirasyon mula sa
musika, tula at sayaw.
Continue: Sikretong suwerte at buwenas sa 2017 horoscope ng Pisces.
Continue Next article: Chinese Horoscope: Ano kapalaran ko sa pera, negosyo at pag-ibig sa 2017?
2. THERMOMETER

Nars : Doc bakit po may thermometer kayo sa tenga?

Doktor : Naku! Kaninong pwet kaya ng pasyente naiwan ko ang ballpen ko.

Nyahahahahaha.

3. YAYA AT ANG ALAGA

Alaga : Yaya look, boats!

Yaya : Dows are not boats, dey’re yatchts.

Alaga : Yaya, spell yatch

Yaya : Yor rayt, they are boats.

4. BARBER SHOP

Barbero : Sir, anong klase gupit po?

Lalaki : Yung uka-uka, masagwa at hindi pantay.

Barbero : Sir anu po yun? Hindo ko alam yun.

Lalaki : Anung hindi, ganun ang ginupit mo sa akin last time!!!

5. MISTER NAGYAYA SA MISIS

Mister : Honey, pwede ka ba ngayon?

Misis : Hindi, pagod ako!

Mister : Is that your final answer?

Misis : Final answer!

Mister : Can i call a friend?

6. JUAN IN ENGLISH SUBJECT

Teacher : Juan, give me a sentence.

Juan : My teacher is beautiful, isn’t she?

Teacher : Very good!! Please translate in Tagalog.

Juan : Ang aking guro ay maganda, hindi naman di ba?


7. JUAN NAKAKUHA NG 99% SA EXAM

Teacher : Ang score ni Juan sa exam ay 99%.

Juan : Ohh anu!!! Kaya niyo yan? Hindi pa ako nag-rereview nyan. Huwag na kayo mag-aral kung ako sa
inyo umuwi na lang kayo. Low IQ!! Mga utak manok kayo! Nangingitlog na naman kayo, sinasayang niyo
lang tuition niyo. (mayabang na sabi ni Juan sa kanyang mga kaklase).

Teacher : The rest 100%

8. ANAK SA LABAS (pinoy jokes)

Pedro : pare anung gagawin mo kapag nalaman mong may anak ka sa labas?

Juan : huh?? Anung klaseng tanung yan pare? Syempre papasukin ko sa loob ng bahay.

9. NAWALANG BATA

Nanay : Oh! Anak kahit anu mangyari huwag kang bumitaw sa pagkakapit sa palda ko.

Mahigit ng isang oras ng mapansin ng nanay na wala na ang kanyang anak.

Nanay : Manong may nakita po ba kayong bata?

Sekyu : Ano po ba ang itsura.

Nanay : May dalang palda po.

10. YAYA NAGPAALAM SA AMO

Yaya : Ma’am magpapaalam po sana akong magbaksayon sa aming probinsiya.

Amo : Oh sige, nakapagpaalam kana ba sa sir mo?

Yaya : Nauna na po siya, doon na lang daw po kami magkikita.

11. GLOBE

Lalaki : Miss, Globe ka ba?

Babae : Ay alam ko na yan, kasi ako lang ang mundo mo.

Lalaki : Makikitext lang ako! Tanga! ang landi mo.


12. HARLEM SHAKE

Pedro : Tara pare, harlem shake tayo.

Juan : Ay!! Ayoko.

Pedro : bakit naman?

Juan : baka mahal eh, coke float na lang.

13. PIZZA TIME

Si Juan umorder ng pizza

Clerk : Sir ilang slice po ang gagawin naming sa pizza mo, 6 or 8?

Juan : 6 slice na lang, baka hindi ko maubos kapag 8 kasi.

. Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang
sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag
nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat.
Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka
ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa
paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng
karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa
sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina
na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa
dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala
ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang
paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

You might also like