You are on page 1of 77

International Billionaires 3:...

Author's Note: [International Billionaires 3:...]

            Dear Reader,

Thank you in advance for reading this story. This is my first ever solo series so I
hope you enjoy reading it as much as I enjoy writing it.

Sana makabili rin kayo ng published/physical copy. Available pa po siya sa PPC


bookstores, online store and ebook store. 45 pesos only.

Kung nahihirapan po kayo bumili sa mga site, I can recommend you some authorized
resellers. Some of them you can buy with my signed copy, too. <3

Sana rin ay magfeedback kayo sa story. Read, vote and comment. It will mean so much
to me. Feel free to message me rin. Hindi po ako nangangain. Hehe

You can also follow me on Booklat: @cadylorenzanaphr I'm planning to post the three
other International Billionaires there. :)

PS: This is an unedited copy of the story. Sorry for the wrong grammar/spellings.

Love,

Cady Lorenzana

        Teaser: [International Billionaires 3:...]

            Ibinigay ni Alyssa kay Ed ang sarili para sa isang pakiusap na hiningi


niya. Hindi na niya inaasahan na makipag-ugnayan pa sa binata pagkatapos, hanggang
sa magbunga ang mainit nilang pinagsaluhan.

Inalok siya ng binata ng kasal. Pero bakit siya magpapakasal sa lalaking hindi
naman siya mahal? Isama pa na may masamang reputasyon si Ed sa mga babae dahil sa
pagiging playboy.
Pero sobrang lakas lang ba ng charms ni Ed o mahina lang si Alyssa? Dahil kaunting
kilos pa lang nito pagdating sa kanya ay naghuhumiyaw na sa pag-“oo” ang taksil na
puso niya sa alok na kasal ng binata.

        1. New Life [International Billionaires 3:...]

            "PRINCE at Princess? Sigurado po kayo, sister? Gusto nila akong ampunin?"

In shock pa rin si Ed nang ipaalam sa kanya ng madre sa ampunan na gusto raw siyang
ampunin ng nag-iisang miyembro ng royal family na pumunta sa Safe Haven Orphanage
para mag-ampon. Siyam na taong gulang na si Ed at simula nang mamatay ang kanyang
mga magulang at dalhin siya ng kinauukulan sa bahay ampunan na iyon noong anim na
taong gulang siya, walang kahit sino ang nag-interes na kumuha sa kanya. Hindi
dahil sa inilalayo niya ang sarili para ampunin. Iyon ay dahil sa lahat yata ng mga
bata sa Safe Haven Orphanage, siya ang pinakamaloko.

Hindi nagugustuhan ng mga nadalaw sa Safe Haven ang ugali niya. Masyado daw siyang
malikot. Pilyo. Nasa nature na yata ni Ed iyon kaya kahit ilang beses na siyang
napapagsabihan ng mga madre sa orphanage, hindi niya pa rin maggawang baguhin iyon.
He was just being himself though. Ganoon pa man, hindi siya makapaniwala na
mayroong magkakainteres sa kanya.

Nakilala na niya si Mr. and Mrs. Ferreira noong isang araw at napansin niyang ang
mag-asawa ang isa sa mga pinakamabait. Ito ang nag-sponsor ng mga pagkain na
masasabi ni Ed na noon lang niya natikman sa buong buhay niya. Napakasarap noon at
bilang isa sa mga bata na mahilig sa pagkain, tinanaw niyang malaking utang na loob
sa mag-asawa ang ibinigay ng mga ito. Napansin niyang natuwa ito sa kagiliwan na
ipinakita niya sa mga ito. Pero hindi inaasahan ni Ed na kagigiliwan rin siya ng
mga ito pagkatapos noon.

Niyakap siya ng madre. "Napakasuwerte mo, Edmundo. Mukhang napakabait ng mag-asawa.


At hindi lang sila basta-basta. Makapangyarihan at sikat pa sila. Baka ito na ang
pagkakataon mo para matupad na ang matagal mo ng pinapangarap na sumikat,"

Ngumisi si Ed. Hindi lihim sa mga kasamahan niya sa ampunan ang matagal na niyang
pangarap---ang sumikat, ang maging isang celebrity. Dahil mababait ang mga kasama
niya roon at nag-aalaga sa kanila, suportado siya ng mga ito. "Sister naman. Talaga
bang naiisip niyo na kailangan ko pa ng back-up para lang sumikat ako? Hindi ba
sapat na makita ng madla ang mukha ko para sumikat ako?" hinaplos-haplos pa ni Ed
ang baba niya.

Pinisil ng madre ang kanyang pisngi. "Sige na nga. Papayag ako basta ba mangangako
ka sa akin na tatanggalin mo muna ang taba sa katawan mo,"

Napasimangot si Ed. Matakaw siyang kumain kaya naman may katabaan siya sa karamihan
ng bata roon. Kaya sa kabila ng pagsuporta sa kanya ng mga kasamahan, nararamdaman
rin niya na minsan ay hindi bukal sa loob ng mga ito ang sinasabi. Ganoon pa man,
hindi siya mawawalan ng pag-asa na balang araw, magiging matagumpay rin siyang tao.
Mataba man o hindi, makakamit niya ang mga pangarap niya.
Isang tipikal na bata si Ed. Mahilig siyang maglaro at manood ng telebisyon. Dahil
madalas siyang nanonood ng telebisyon ay nahilig na rin siya sa mga artista. Palagi
niyang sinusubaybayan ang mga palabas ng paborito niyang mga action star. Pati
buhay ng mga ito ay nagkakaroon na rin siya ng interes. Sa pag-alam ng mga iyon,
nangarap rin siya na balang araw, magiging kagaya rin siya ng mga ito. Tinitingala
at kailanman ay hindi naggawang ipahiya ng mga tao dahil sa estado ng buhay ng mga
ito.

Hindi kaggaya ng naging buhay ni Ed bago pa siya mapunta sa Safe Haven Orphanage.

Hindi maganda ang nakaraan ni Ed. Mahirap lang ang pamilyang kinalakihan niya.
Lumaki siya sa poder ng kanyang ama dahil ayon rito ay iniwan raw siya rito ng
kanyang ina noong sanggol pa lamang siya. Sugalero ang kanyang ama. Puro kapabayaan
ang palaging ginagawa nito sa kanya. Bukod kasi sa pagkalulon nito sa sugal,
mahilig rin ito sa mga babae na ayon sa mga kapitbahay nila ay dahilan para iwanan
ito ng kanyang ina.

Sa murang edad ni Ed, namulat na siya sa masamang gawain ng kanyang ama. Palagi
kasi siyang pinagsasabihan ng mga kapitbahay nila na pagsabihan raw niya ito. Gusto
rin naman niya na magkaroon ng magandang pamilya pero inamin sa kanya ng ama na
huwag na raw siyang umasa. Wala raw itong kakayahang magmahal at nasa lahi raw nila
iyon. Kahit ang Lolo raw niya ay hindi kailanman nagpakasal kaya huwag na raw itong
umasa na mabibigyan pa siya nito ng isang kompletong pamilya. Inamin rin nito sa
kanya na hindi na rin siya babalikan ng kanyang ina dahil may bago na itong pamilya
at sa ibang bansa na nakatira. Hindi rin daw alam ng pamilya nito ang existence
niya.

Wala siyang naramdaman na kahit anong pagmamahal mula sa kanyang totoong pamilya.
Napakagulo rin noon kahit na ba sila lang naman ng kanyang ama ang magkasama. Wala
na kasi itong iba pang kapatid o kamag-anak man at bago pa man siya ipinanganak ay
namatay rin ang ama nito na siyang nagpalaki rito. Dahil walang matinong trabaho
ang kanyang ama, madalas na nangungutang ito. Dahilan para mabaon sila sa utang.

Sa kabila ng pagtrato ng ama ni Ed sa kanya ay pinahahalagahan pa rin naman niya


ito. Maraming beses na kinutsa ang pamilya nila dahil na rin sa ugali nito at sa
laki ng utang ng kanyang ama para lang maka-survive sila sa pang-araw-araw. Kahit
siya ay nadamay sa pangungutsa. Ilang beses siyang halos kaladkarin ng mga ito para
lang ituro niya ang kanyang ama na nagsisimula nang magtago dahil hirap na
makapagbayad. Ilang beses na nasabihan siya ng hampas lupa. Kinutsa. Tinapak-
tapakan.

Hindi gustong mangyari ni Ed pa muli ang mga iyon. Naging napakasamang pangyayari
noon sa buhay niya lalo na at hindi lang ganoon ang ginawa ng mga ito sa kanyang
ama. Pinapatay rin ng inutangan ng kanyang ama ito. Dahil wala na siyang iba pang
kamag-anak, dinala siya sa bahay ampunan.

Kahit maganda ang trato sa kanya roon, naging napakahirap kay Ed na makalimot.
Ganoon pa man, nangarap na lang siya nang malaki kaysa naman gupuin niya ang sarili
sa lahat ng sakit na dinanas niya. Magiging matagumpay siya. Hindi na muli siya
aapak-apakan ng kung sino. Titingalain siya ng lahat. At sa nangyari ngayon sa
buhay niya, hindi na malabong mangyari iyon. Aampunin lang naman siya ng isa sa mga
makapangyarihan sa buong mundo.

Sinong nagsasabing sa pelikula at kuwento lang nangyayari ang ganoon? From rags to
riches. Tila isang pangarap. Tila hindi totoo. Pero nangyayari na kay Ed ang lahat.

Ito na ang simula sa bagong buhay niya.

        2. Royal Life [International Billionaires 3:...]

            NAGING malaki ang pagbabago ng buhay ni Ed nang ampunin siya ng isa sa mga
prinsipe at prinsesa ng Medoires Island---isa sa mga tinitingalang lugar sa bansang
Portugal. Ang Medoires island ay isang independent state dahil iba ang sistema ng
gobyerno sa naturang isla. Monarchy ang sistema roon na ang ibig sabihin, mga hari
at reyna lamang ang namumuno. Dahil napapalibutan ang isla ng magagandang tubig at
buhangin, isa iyon sa tinaguriang pinakamagandang tourist destination sa bansa.
Isama pa na marami rin ang napa-fascinate sa independent state dahil na rin binubuo
iyon ng iba't ibang royal houses na ang pinagmulan ay siya pang mga linya ng dating
royal o nobility family na namumuno sa Portugal bago pa naging democracy ang
sistema ng gobyerno roon.

Sa Royal House of Ferreira kabilang si Ed. Ang Royal House of Ferreira ang siyang
pangunahing namumuno sa Medoires. Ang kapatid ng kanyang ama na si King Carlitos
III ang sa ngayon ay namumuno roon. Dahil legal na siyang inampon nina Prince Henry
at Princess Amelia, nakuha na rin niya ang titulo bilang isang Prinsipe. Ngunit
kahit ganoon, malayo sa posible na mamuno rin siya bilang hari ng isla.
Naipaliwanag na iyon ng mga magulang niya sa kanya.

Tanging ang mga unang anak lang ng mga maharlika ang mamumuno sa independent State
of Medoires. Dahil pangalawang anak ang kanyang ama, hindi ito ang magmamana ng
trono. Exception na nga lang kung walang kakayahang mamuno ang nasa linya ng unang
anak o maaga itong mamatay. Wala namang kaso kay Ed kung hanggang prinsipe lang ang
maging titulo niya. After all, masuwerte na siya na hindi lang basta-basta ang mag-
aampon sa kanya.

Masuwerte rin na maituturing ni Ed ang sarili dahil mabait ang mag-asawa. Napag-
alaman niyang minsan na palang nagkaanak ang mga ito pero namatay ito ilang taon na
ang nakakaraan. Dahil hindi na maaring muling magkaanak, napagpasyahan na lang ng
mag-asawa na mag-ampon kaya sumama ang mga ito sa mga kaibigan ng mga itong
foreigner na kapwa nag-ampon rin ng mga bata sa Safe Haven Orphanage. Itinuring
siya ng mag-asawa na parang sarili na rin na mga anak ng mga ito. Siya ang pumuno
sa kalungkutang naranasan ng mga ito nang mamatay ang nag-iisang anak ng mga ito.
Naikuwento sa kanya ng mag-asawa na naalala ng mga ito sa kanya ang dating anak
dahil kaggaya niya ay makulit rin daw si Duarte.

Kahit na ampon lang siya ay hindi siya tinuring na iba ng mga ito. Ganoon rin ang
iba pang pamilya ng mga ito pati na rin mga tauhan sa palasyo. Prinsipeng-prinsipe
ang tingin at turing ng mga ito sa kanya.

Ganoon pa man, hindi sa lahat ng bagay ay masaya si Ed. Maganda at masagana nga ang
buhay niya sa palasyo, pero nakakainip rin. Sa Safe Haven Orphanage ay marami
siyang kalaro. Marami siyang kaibigan. Sa palasyo naman, kahit kasing edad lang
niya ang pamangkin ng kanyang ama na si Prince Rodrigo, hindi ito kaggaya ng
karamihan sa mga bata. Seryoso ito sa buhay. Palaging gusto lang nitong mag-aral at
magkulong sa library. Hindi naman sa hindi siya pinapansin nito. Binibigyan rin
siya ng pansin ng pinsan. Kaya nga lang ay hindi talaga sila magkapareho ng
interes. Paano kasi ay matagal ng itinatak ng mga magulang nito ang dadalhin nitong
responsibilidad sa hinaharap kaya todo ang pagpupursigi nito para maging matagumpay
sa hinaharap.

Hindi lumaki sa ganoon si Ed kaya nahihirapan siya sa kanyang sitwasyon. Madalas ay


tahimik ang palasyo. Nakikipaglaro sa kanya ang ilan sa mga tauhan pero siyempre,
iba pa rin ang pakiramdam kapag kasing edad mo lang ang mga kalaro mo. Kaggaya ng
mga kabarkada niya sa Safe Haven na sina Nikos, Jet, Cedric, Vincent at Augustus.
Kung sana nga lamang ay madali lang niyang mapapunta ang mga ito sa Medoires
Island. Pero magiging mahirap iyon. Kahit inampon ang mga ito ng kaibigan ng
kanyang mga magulang, malayo pa rin ang bansa ng mga ito sa kanya. Isama pa na bata
pa sila para payagan ito ng mga umampon sa mga ito na magbiyahe na lang basta-
basta.

Wala namang choice si Ed. Home study siya kasama si Rodrigo kaya wala siyang mga
kaklase na maari rin niyang maging kaibigan. Wala siyang social life. Ngunit kahit
ganoon, minabuti niyang huwag ipahalata iyon sa mga magulang. Ayaw niyang isipin ng
mga ito na nagrereklamo siya o hindi niya gusto ang ganoong buhay. Naging
napakabuti ng mga ito sa kanya. Dalawang taon rin ang lumipas sa pagsusubok na
maka-adjust ni Ed sa sitwasyon. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maiwasang
malungkot at hirap pa rin siyang maka-adjust.

"Is there any problem, Ed?" tanong sa kanya ni Amelia nang ipahalata niya rito ang
nararamdaman.

Sinabi ni Ed sa mga ito ang nararamdaman. Niyakap siya ni Amelia.

"Its gonna be all right. Maybe its been years yet we understand that its hard for
you to adjust. Being in a royal family is not that easy as it seems. But we'll find
a way. And speaking of which, I think it would be a good idea if we'll let you come
to us in a party that we will be joining next week."

"Party?" nasabik si Ed sa narinig. Ito ang unang beses na isasama siya ng mga
magulang sa isang kasiyahan. Madalas na um-attend ang mga ito ng party pero naiiwan
siya. Palaging sinasabi kasi ng mga ito na pang mga matatanda lang daw ang party na
dinadaluhan ng mga ito. Ganoon rin naman si Rodrigo sa mga magulang nito kaya
naisip niya na baka boring talaga kaya hindi na siya nagpumilit pa.

"Yes, a party. We have noticed that last time, most of our colleagues bring their
children into the party. And we'll be going to the Royal House of Braganni this
time. Sebastian and Henrietta has two daughters that almost has the same age as
you. As the party will be held in the place, they will surely be in there. You
could be friends with them. The youngest daughter is a friend of Duarte, you could
be friends with her, too."

Gustong mapasimangot ni Ed sa narinig. Daughters? Ibig sabihin ay hindi niya kabaro


ang mga batang puwede niyang makalaro. Magiging magandang ideya ba iyon? Hindi siya
madalas nakikipaglaro sa mga kasama niya sa ampunan na babae dahil mas sanay siya
sa mga kabarkada niya. Ngunit dala sa pagkainip at kasabikan na makatakas sa
palasyo, pumayag si Ed sa gusto ng mga magulang.

        3. Friend [International Billionaires 3:...]

            MALI si Ed sa pagpayag niya sa paanyaya ng mga magulang. Sobrang nakakainip


pala dumalo sa mga pang-maharlikang kasiyahan. May mga nakikita nga siyang mga bata
na kasama ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang. Pero kung hindi naman mas bata
sa kanya ang anak ng mga ito, malaki naman ang tinanda. Wala ni isa siyang
magustuhan at makasundo sa lahat ng mga batang dumalo sa party.

"Don't worry, filho. You haven't met the Braganni princesses. Trust me, you'll
surely love them," pagpapakalma naman kay Ed ng ama.

Duda si Ed kung magugustuhan niya nga ang mga ito. Ilang prinsesa na ba sa mga
royal houses ang nakasalamuha at nakita niya? Magaganda ang mga ito, oo. Pero lahat
ng mga ito ay mukhang maiilap. Masusungit. Tila mga seryoso rin sa buhay kaggaya ni
Rodrigo. Ganito na ba talaga ang magiging buhay niya ngayon?

Ilang sandali pa ay ipinakilala na ang isa sa mga prinsesa ng Royal House of


Braganni. Nalaman niyang Aliciana ang pangalan nito. Sa tantiya ni Ed ay kasing
tanda nga niya ang prinsesa. Maganda rin ito. Pero kaggaya ng mga nakilala niya,
mukhang suplada rin si Princess Aliciana. Hindi niya gustong makasalamuha rin ito.

"Can I just go outside, mae? I've seen the garden. It looks so good. I might just
spend my time there,"

Tumango ang kanyang ina. "Okay, I'll just let Emanuelle accompany you," anito na
tinutukoy ang bodyguard ng pamilya.

Umiling si Ed. "No, I'll be fine. I'm a big boy now, remember?"

Sa sinabing iyon ni Ed ay pinayagan siya ng mga magulang na lumabas sa loob ng


palasyo ng mag-isa.

Nagmuni-muni si Ed sa hardin. Naglakad siya at nilibot ang hardin. Hindi siya


nagsisinungaling sa mga magulang nang sabihin niya na maganda ang hardin ng mga
Braganni. Malawak iyon at maraming bulaklak. Sa kanyang paglilibot ay napansin rin
niya ang isang man-made lake na may kalayuan na sa palasyo. Dahil curious siya na
malapitan iyon, pumunta siya sa lugar.

"Nakakainis!"

Nagulat si Ed nang marinig ang boses na iyon. Ilang buwan na rin simula nang
makarating siya sa Medoires at nasasanay na siya na hindi magsalita ng wikang
Filipino o makarinig man nang nagsasalita noon.
Sino ang nagsalita at bakit marunong ito ng wika sa bansang pinagmulan niya?

"Disgusting clothes! Kainis talaga," narinig niyang wika pa ng maliit na tinig na


iyon.

Nagtago si Ed sa mga halaman malapit sa lawa. Mula roon ay nakita na niya ang
maliit na babae na sa tantiya niya ay dalawag taon ang bata sa kanya---mga sampung
taong glang ito. Tinanggal ng bata ang maraming raffles na bestida nito at natira
na lang ang manipis na sando at shorts sa may pagkapatpatin pa na katawan nito.
Pagkatapos noon ay tumalon ang bata sa lawa.

Napasinghap si Ed sa ginawa ng bata. Nagulat. Dahilan para lumabas siya sa


pinagkukublian para tignan ito. May katagalan na rin ang bata sa lawa kaya naman
kinabahan na siya.

"Hoy bata---"

Hindi pa tapos si Ed sa sasabihin nang maramdaman niyang may dalawang kamay na


humawak sa mga paa niya. Nanlaki ang mga mata niya at kinabahan, lalo na nang mga
sumunod na sandali ay hinila ng mga kamay ang paa niya papunta sa tubig.

"What the---" hindi na napigilan ni Ed na mapamura sa nangyari sa kanya. He was


soaking wet!

Tumawa lang ang batang nanghila sa kanya sa lawa. "Malamig ba?"

Napatigil si Ed sa pagrereklamo nang magsalita na naman ito. Pinakatitigan niya ang


mukha ng babae. Wala namang ipinagkaiba sa karamihan sa Portuguese na babaeng
nakakasalamuha niya ang itsura nito. Dark eyes, long eyelashes, at thick dark hair.
Mediterranean ang ganda ng babae. Mukhang isa talaga itong mamamayan ng Medoires.
Pero bakit marunong itong mag-Tagalog?

"Y-you can speak Filipino..."

Ngumiti ang babae. "Yes. Sinadya ko talaga 'yun. I knew you are a Filipino. Bago ka
pa magpakilala sa akin, nakita na kita. Ikaw ang inampon nina Princess Amelia, tama
ba ako? Narinig ko na nag-ampon sila ng batang Filipino. Kaibigan ako ni Duarte,
ang namatay nilang anak. Ako nga pala si Alyssa," inilahad pa nito ang kamay sa
kanya.

Nakipagkamay siya sa bata. May kung anong naramdaman si Ed nang magdait ang mga
kamay nila. Nanibago siya dahil sa halip na lumamig iyon dahil na rin sa
pagkakabasa mula sa lawa, nakaramdam pa siya ng init. Nang salubungin niya muli ang
tingin ni Alyssa, parang tumibok naman nang malakas ang puso niya. Ano nga ba
talaga ang nangyayari sa kanya?
"Ako nga pala si Ed. Tama ka, ako nga ang inampon nila. Pero nakakapagtaka lang at
bakit marunong ka na magsalita ng Tagalog?"

"Ah, yun ba? Natutunan ko 'yun sa Yaya ko. Filipina ang Yaya ko at palagi ko siyang
kasama kaya tinuturuan niya rin ako ng lenggwahe niya. Sa kasamaang palad, she
passed away a month ago."

"I'm sorry to hear that,"

Tumango-tango lang ito. "Mabuti na lang nagkakagulo sila ngayon sa palasyo. Wala
akong bantay. Malaya akong nakakagala rito sa palasyo namin."

"Kung ganoon ay isa ka sa sinasabi nila na prinsesa ng mga Braganni,"

Sumimangot ito. "Not really a princess. Our family is in the lines of dukedoms in
Portugal then. My parents are duke and duchess. Kaya mas angkop kung tatawagin mo
akong Lady. Iyon ang tawag sa anak ng mga Duke at Duchess na babae. But it was
okay. Prinsesa rin naman ang madalas na akalain sa akin ng mga tao. Iyon ang
madalas na kasanayan. But then, it life sucks. Nakakasakal," sabi nito saka
inulubog muli ang sarili sa lawa. "Tara race tayo!" itinuro nito ang dulo ng lawa
na sa tantiya niya ay may limampung metro ang layo mula sa kinaroroonan nila.

Napaisip si Ed. Hindi ba at masyado na siyang naiinip sa palasyo? Nami-miss na nga


niya na gumawa ng kalokohan na hilig niya noong nasa Safe Haven pa lamang siya. Ito
na ang pagkakataon niya para kahit papaano ay maging masaya. Pagkatapos ng lahat,
basa na rin naman siya.

Pumayag siya sa gusto ni Alyssa. Sa tantiya niya naman ay hindi ganoon kalalim ang
lake. Sa ngayon nga ay umaabot lang ang lalim noon sa may baywang niya. Marunong
rin siyang lumangoy.

Mabilis lang na nakarating si Ed sa dulo ng lawa. Ang laki pa ng ngiti niya dahil
nauna siya kay Alyssa. Nakita niyang na-stuck ito sa gitna, hindi naman ito mukhang
nalulunod dahil nakatayo ito mula roon. Pero nakita niyang hawak-hawak nito ang
dibdib nito.

Kinabahan si Ed sa maaring mangyari kay Alyssa kaya pinuntahan niya ito. Napansin
niyang habol-habol nito ang hininga. "Alyssa, anong problema? May masakit ba sa
'yo? Ano?"

"I-inhaler," she said between breaths. Hinihika ito!

"Inhaler? Nasaan? May dala ka ba?"

"Dress. Bulsa---" wika nito at itinuro ang lugar na kinaroroonan nila kanina.
Mabilis pa sa alas kuwatro na naglangoy si Ed patungo sa kinaroroonan nila kanina.
Nakita niya ang inhaler na sinasabi nito at mabilis rin na maingat na dinala sa
babae. Kinuha nito iyon at maagap na ginamit. Maya-maya pa ay naging maayos na ang
paghinga ni Alyssa. Binuhat ito ni Ed patungo sa dulo ng lawa.

"S-salamat, Ed. Kung wala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko." Wika ni Alyssa nang
maibaba niya ito sa damuhan.

"Ayos lang. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kinailangan mo pa akong
yayain na maglangoy samantalang alam mo na may hika ka pala,"

Umingos ito. "Ito na lang ang pagkakataon na maggawa ko ang mga ganitong bagay.
Paniguradong kapag nagpaalam ako, hindi nila ako papayagan dahil sakitin ako."

"Hindi mo pa rin dapat ginawa iyon. Pinakaba mo ako," hindi maintindihan ni Ed kung
bakit nga nadarama niya iyon. Bihira siyang mag-alala. Lalo na ang maging concern
sa isang babae. Naalala tuloy niya ang kaibigan niyang si Augustus sa best friend
nitong si Melanie. Masyado rin ito kung mag-alala sa batang iyon. Ilang beses
niloloko ni Vincent si Augustus na kaya raw ganoon ito sa isa sa mga kasamahan nila
sa ampunan ay dahil may crush raw si Augustus kay Melanie.

Ganoon rin ba ang nararamdaman niya kay Alyssa ngayon?

Hindi masama, naisip-isip ni Ed. Maganda si Alyssa at mukhang mabait rin ito. May
kalokohan rin na taglay na lalo niyang nagustuhan rito. Magkakasundo sila ni
Alyssa. Sa kauna-unahang pagkakataon na dumating siya sa Medoires, mayroon na
siyang gustong maging kaibigan.

"Meu Deus, Alyssa!" mula sa kung saan ay narinig si Ed nang sigaw. Sabay pa silang
napalingon ni Alyssa para hanapin kung nasaan at sino ang sumisigaw. Isang
magandang babae na may maganda at mahabang bestida ang nabungaran nila. Sa tantiya
ni Ed ay matanda-tanda lang ng ilang taon sa kanila ang babae. Nakilala niya na ito
ang nakakatandang anak ng babae sa namumuno ng Royal House of Braganni na
ipinakilala kanina. Ito si Aliciana. "What did you do? And you are wet!"

Nalipat ang tingin ng babae sa kanya. Naningkit ang mga mata nito. "You did this to
her!"

"Aliciana, no! I-I was---"

Hindi na naituloy ni Alyssa ang pagtatanggol sa kanya nang magsalita muli ang
babae. "How dare you drag my sister into this kind of mess? Filha da puta!
Bastard!" galit na galit na wika nito saka kinaladkad si Alyssa palayo sa kanya.

Naiwang natulala si Ed sa mga sinabi ni Aliciana. Nakaramdam siya ng sakit dahil sa


mga salitang binitawan nito. Naalala niya ang mga masasakit na salita ng lalaking
inutangan ng kanyang ama. Ang pangungutya ng mga ito sa kanya. Ed felt very bad.
Ganoon pa man, hindi nakaapekto ang mga iyon sa kasabikan niya na makasama muli si
Alyssa. Gagawa siya ng paraan.

        4. Neglected [International Billionaires 3:...]

            LAKING pasasalamat ni Ed nang payagan siya ng mga magulang niyang bumisita


sa Royal House of Braganni ilang araw pagkatapos ng kasiyahan sa lugar. Inamin niya
sa mga ito na naging kaibigan niya si Alyssa na siyang kilala rin ng mga ito dahil
kay Duarte. Natuwa ang mga ito sa kaalaman na naging kaibigan niya ang kaibigan ng
namatay na anak ng mga ito. Ganoon pa man, sa pagbisita niya ay hindi niya kasama
ang mga magulang. Masyadong abala ang mga ito para masamahan siya.

Ayos lang iyon kay Ed. Naiintindihan niya ang mga magulang. Isama pa na malaki na
siya. Ano rin naman ang gagawin ng mga magulang niya samantalang gusto niyang
mapagsolo sila ni Alyssa? Gusto niyang makalaro ito. Naging masama man ang huli
nilang pagkikita, gagawa siya ng paraan para maayos iyon. Siguro naman ay
nakapagsalita na si Alyssa sa kapatid at magulang nito. Malinis na ang pangalan
niya sa mga ito.

Pagdating niya sa palasyo ng mga ito ay hinarang pa siya ng mga guwardiya. Tinanong
ng mga ito ang pangalan niya.

"I'm Prince Edmundo of the Royal House of Ferreira. I want to talk with
Princess---," napatigil si Ed nang maalala ang sinabi sa kanya ni Alyssa. Lady nga
pala ang dapat rito. "Lady Alyssa. I am her friend," puno ng kompiyansa na
pagpapakilala ni Ed.

Nagkatinginan ang mga guwardiya ng palasyo. "You mean, you are the adopted Prince."

Kumunot ang noo ni Ed. Eh ano kung siya ay isang ampon na prinsipe? Sa sarili nga
nilang palasyo ay walang makapagsalita sa kanya ng ganoon, bakit dito sa mas mababa
pang royal house ay tila kinukutsa yata siya?

"Does it matter? I am friend with the Lady."

Tinawanan siya ng guwardiya. "Duarte is the lady's friend. Not you. You are only an
adopted child. You don't have a royal blood. The Lady shouldn't mingle with someone
like you,"

Nainis si Ed sa narinig. He felt so low. Akmang magsasalita na sana siya nang may
lumabas mula sa pinto. Nakilala agad niya si Aliciana. Kasunod nito ang isang
matanda na carbon copy nito. Mukhang ito ang ina ni Alyssa.

Sa pagkakalapit niya ngayon sa panganay na prinsesa ay napansin niya na may


pagkamature na pala ang mukha nito. Sa tantiya niya ay mas matanda ito sa kanya ng
mga dalawang taon. Nasa mukha nito ang katarayan na nakapinta rin sa mukha ng ina
ni Alyssa.
Nagtanong si Aliciana sa mga guwardiya sa wikang Portuguese. Dahil hindi pa siya
ganoon kabihasa sa wika, hindi niya naintindihan iyon. Ganoon rin ang nangyari nang
sagutin ng guwardiya ang tanong.

Naniningkit ang mga mata ni Aliciana nang magsalita muli sa kanya. Hinawakan pa
nito ang balikat niya. "Friend? Hah! After what you did to my sister? You can't be
her friend! My sister shouldn't be friend with someone like your attitude!"

Sa gulat niya ay tumawa ang reyna. Gusto niyang mapakunot noo. Hindi man siya
lumaki sa isang magandang pamilya, marunong pa rin siya ng mga tamang asal. Tila
pinapaboran pa ng reyna ang pangungutsa sa kanya ng anak nito. "Oh, is he the one
you are talking about, Aliciana? The one Alyssa met on the party?"

Tumango si Aliciana. "Yes, mae. Alyssa shouldn't be friend with someone like him.
Such a rustic attitude. But how can we blame him? He wasn't raised by a royal
family. He doesn't have a real royal blood. He's only an adopted child. What a
pity!"

Pinaikot pa ni Lady Aliciana ang mata nito pagkatapos ay inilabas ang pamaypay.
Hindi naman nagsalita ang ina nito sa halip ay pinagtaasan lang siya ng isang
kilay. Mukhang maayos lang rito ang sinabi ng anak rito. Sa lagay ni Ed ngayon,
naalala niya ang mga kontrabida sa pelikula sa itsura nito. At sa lagay niya
ngayon, siya ang inaapi-api ng kontrabida.

Mali yata si Ed ng akala na magkakaroon na siya ng bagong simula sa piling ng mga


Ferreira. Ang akala niya ay hindi na muli niya mararanasan na kutyain ng iba. Pero
nakalimutan niyang nasa piling pa rin siya ng mga mayayaman. Hindi ba't ang mga ito
nga ang madalas na magaling mangutya sa mga taong hindi naman talaga dapat
kabilang?

Kung dati ay ang pagiging mahirap ni Ed ang nagiging dahilan kung bakit tinitignan
siya ng mababa, ngayon ay ang pagiging ampon naman niya. Hindi na ba talaga
matatapos ang pangungutya sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama. Ang gusto
lang niya ay magkaroon ng kaibigan. Ang magkaroon ng kalaro.

Pero hindi lahat ng suwerte ay nasalo ni Ed.

Ganoon pa man, pinapangako niya, balang araw, ang mga ito ang luluhod sa harapan
niya.

        5. Dethroned [International Billionaires 3:...]

            "IT IS so beautiful, Aliciana. I'm so happy for you," sinserong wika ni


Alyssa sa nakakatandang kapatid niya nang ipaalam nito sa kanya ang isang
napakagandang balita. Ibinalita nito na nagpropose na si Charles rito. Ikakasal na
si Aliciana. Matagal na niyang ninanais na mangyari iyon sa kapatid. After all, she
was not getting any younger. Pero ang pinakanakapagpasaya kay Alyssa ay ang
katotohanang ikakasal ito sa isang napakabuting lalaki.
Si Alyssa ang unang nakakilala kay Charles. Naging kaibigan niya ito nang mag-aral
siya ng kolehiyo sa bansang London. Magkaiba ang kurso nilang dalawa pero dahil
kapitbahay niya ito sa apartment na tinitirahan niya roon ay naging malapit sila sa
isa't isa. Siya ang naging daan para magkakilala sina Charles at ang Ate niya.

Nang unang beses na ipakilala ni Alyssa kay Charles ang kapatid niya ay nabighani
na ito sa angking ganda ni Aliciana. Ganoon pa man, hindi makaggawa ng move ang
kaibigan sa kanyang kapatid. Her sister was kind of a playgirl. Hindi ito nawawalan
ng nobyo. Isama pa na lahat ng nobyo nito ay mayayaman. Estudyante pa lamang sila
noon ni Charles at isama pa na hindi rin ganoon kayaman sina Charles noon. Isang
small-time businessman lang ang ama nito. Ngunit kahit ganoon, hindi nawalan ng
pag-asa si Charles na isang araw ay maari rin itong mapansin ng kapatid niya.

Nagsikap si Charles sa buhay. Ang mga maliliit na business ng ama nito ay pinalago
nito at sa edad nito ngayong treinta'y kuwatro anyos ay naging matagumpay na ito.
Ang maliit na business ay naging isang malaki ng korporasyon at si Charles na ang
CEO noon. Nang maabot ni Charles ang ganoong estado ng buhay ay napansin na ito ng
kapatid niya. Isang taon rin ang itinagal ng relasyon nito---ang pinakamahaba ni
Aliciana kaya masasabi niyang seryoso na rin ito sa kaibigan.

Masayang-masaya si Alyssa sa mga nangyari. Kahit hindi niya ganoong kagusto ang
ugali ng kapatid niya at hindi sila magkasundo sa maraming bagay, kapatid pa rin
niya ito. Magkadugo sila. Masaya siya sa tagumpay nito. Ganoon rin naman siya kay
Charles. Umaasa siya na sa pagsasama ng dalawa ay magbabago na ang kapatid niya.
Hindi nga ba at wala na siyang napag-alamang naggawa nitong kalokohan simula nang
maging ito at si Charles? Kontento na ito sa kaibigan niya. Alam rin naman niya na
masaya si Charles dahil matagal na nitong pinapangarap ang kapatid niya.

"Of course its beautiful. How can it not? The ring is from Tiffany's! And it has a
round brilliant cut. Don't you know that the round brilliant cut is argurably the
quintessential diamond and certainly among the most radiant? I absoulutely love it!
I can't say no to it!" ngingiti-ngiti pang wika ng kapatid niya habang pinapahili
sa kanya ang singsing.

Napakunot ang noo ni Alyssa. Bakit ganoon makapagsalita si Aliciana? Bakit parang
ang lagay ay tinanggap lang nito ang proposal ni Charles dahil sa singsing na
ibinigay ng lalaki rito? Mali ba siya nang isipin niya na mahal talaga ni Aliciana
si Charles kaya ito pumayag sa gusto ng kaibigan niya? Tama ba hinala ng mga
nakakarami na kaya lang tumagal ang relasyon nina Aliciana at Charles ay dahil
masyadong generous ang kaibigan niya sa kapatid nito? Ibinubuhos ng kaibigan niya
ang kayamanan nito sa luho ng kanyang kapatid. Alam kasi ni Charles na magiging
masaya si Aliciana roon.

Nagbubulag-bulagan ba si Alyssa? Ayaw niyang isipin. Lalo na at ramdam niyang


masaya si Charles sa durasyon ng relasyon nito at ng kapatid niya. Palagi siyang
binabalitaan nito. Pero paano kung nagbubulag-bulagan rin si Charles? Pagkatapos ng
lahat, ito ang inspirasyon ng kaibigan niya sa mga narating nito. Ang pinapangarap
nitong babae.

Hindi naman niya masisisi si Aliciana na mataas ang pangarap nito. Na gusto nitong
maging mayaman, makapangyarihan. Naging mahirap para sa kanyang kapatid ang
nangyari sa buhay nila halos isang dekada na ang nakaraan kung saan tinanggal na
bilang isa sa mga royal houses ng Medoires Island ang Royal House of Braganni. Ang
palasyo kasi nila ang pinaka wala namang naggawa sa buong Medoires kaya minabuti na
lang na tanggalin iyon. Maraming royal houses sa Medoires at kaya pinanatili iyon
dahil ang mga nobility family na nagtuloy ng linya ay ang mga tumutulong para sa
lalong ikagaganda ng Medoires. Sa kaso raw nila, sa loob ng maraming taon ay halos
walang kumikilos para maging maayos ang sistema sa Medoires kaya minabuti na lamang
na huwag na iyong kilalanin pa.

Nawalan ng kapangyarihan ang pamilya nila sa monarkiyang independent state ng


Portugal. Tuluyan ng nawala ang linya nila sa buong Portugal. Ikinalungkot iyon ng
kanilang mga magulang kaya naman napabayaan ng mga ito ang negosyo ng mga ito
dahilan para malagay sa alanganin ang pang-pinansyal nila.

Dahil sanay sa mga luho at hindi matanggap ni Aliciana ang pagkawala ng


kapangyarihan at kayamanan nila. Kaya para maibsan iyon, sumama ito sa mga
mayayamang lalaki na siyang pupuno sa mga luho nito. Dahil maganda si Aliciana,
hindi naging mahirap para rito na gawin iyon. Sa mga nakalipas na taon ay ganoon
ang naging takbo ng buhay nito.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nagpaalam na si Aliciana na aalis ng apartment na


tinitirahan niya. Mukhang sadyang dumaan lang ito roon upang ipahili ang singsing
na natanggap nito. Hindi na naman ipinagtaka ni Alyssa roon. Bihirang pumunta ang
kapatid niya sa maliit na apartment niya. Sa klase ng pamumuhay na mayroon ito
ngayon, hindi niya ito masisisi. Her sister live elegantly while she was living a
simple life.

Nag-aral ng fashion design si Alyssa sa London pero sa halip na pagyamanin niya ang
natapos niya sa ibang lugar kung saan siya sisikat ay minabuti na lang niya na
magsilbi sa Medoires Island. Malaki naman ang Medoires Island at hindi man iyon
ganoon kasikat at karangya kaggaya ng mga bansang London at France kung saan gusto
ng mga magulang niyang buuin niya ang career niya ay masaya siya roon. Marami pa
raw magandang oportunidad sa kanya kung sinubukan lang niya na palawakin pa ang
pinag-aral niya

Hindi raw ganoon ang buhay na nababagay sa kanya. Sa kabilang banda ay


naiintindihan naman niya ang mga ito. Lumaki sila sa yaman. Matapobre ang ina niya.
Mapagmataas kagaya ng kapatid niya. Siyempre ay gugustuhin ng mga ito ang mataas
rin para sa kanya. Ngunit hindi kaggaya ni Alyssa ang mga kinilalang pamilya. Gusto
lang niyang mamuhay ng simple.

Maganda naman ang dressing company na pinapasukan niya. It was actually a dressing
company specializing in wedding dresses and the likes. Iyon ang pinakamalaki at
pinakamagara sa buong Medoires at madalas pa nga ay dinadayo iyon ng iba pang mga
malalapit sa isla na lugar sa Portugal dahil sikat iyon. Dahil roon, madalas siyang
abala na siya namang ikinababahala ng karamihan dahil napapabayaan na raw niya ang
sarili niya. Paano raw kasi ay lagpas na sa tatlumpu ang edad niya ay hindi pa raw
siya nagkakanobyo kahit kailan.

Minsan ay naiisip ni Alyssa na hindi na siguro darating ang lalaki para sa kanya.
Marami naman ang nagtatangka na sumilo sa kanya pero sa tuwina ay wala siyang
makita na kagusto-gusto ang mga ito. Sinubukan naman niya na makipag-date at tignan
kung may mararamdaman. Pero ni isa ay walang nakapagparamdam sa kanya ng damdamin
na nararamdaman dapat ng taong umiibig. Walang pakiramdam na kaggaya ng naramdaman
niya noong---

Itinigil ni Alyssa ang pag-iisip. Sa tuwina ay naiinis siya sa sarili dahil madalas
niyang hinahanap ang ganoong pakiramdam kaya hanggang ngayon ay single pa siya.
Napakabata pa niya noong naramdaman niya iyon. Masasabi niya ba na pag-ibig iyon?
And for all she knew, baka nga hindi na siya naalala ng lalaking iyon. Sa dami ng
babae nito ngayon, malamang ay talagang hindi na nga.

Itinuon na lang ni Alyssa ang pansin sa paggawa ng ilan sa mga trabaho niya.
Naalala niyang nagtext sa kanya ang isa sa mga co-designer niya at may ipinadala
itong design nito sa email niya na gusto raw nitong tanungin kung ano ang verdict
niya. Binuksan ni Alyssa ang kanyang email pero bago pa niya maggawang mag-sign in
ay umagaw ng kanyang atensyon ang balitang nabasa sa home page ng mail site.

Isang balita mula sa House of Ferreira---ang pinakanamumunong royal house sa buong


Medoires. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang buong artikulo.

Nasa alanganing sitwasyon ang buong Medoires.

        6. The Choice [International Billionaires 3:...]

            "WOULD you be all right, man?" naniniguradong tanong ni Augustus kay Ed.
Isang linggo rin na nanatili ang mga malalapit niyang kaibigan sa Medoires upang
damayan siya. Ngayon ay nasa isang malaking krisis ang buong Medoires Island.
Kasalukuyang nasa maselan na kondisyon ang kanyang pinsang si Rodrigo dahil sa
isang malagim na aksidente at sa kasamaang palad ay namatay pa dahil roon ang asawa
nito. Nasa isang matinding pagluluksa ang buong isla dahil na rin sa malagim na
nangyari.

Kakatapos lang ilibing ni Victoria---ang asawa ni Rodrigo at reyna ng Medoires. Sa


buong durasyon ng burol nito ay nasa tabi niya sina Nikos, Vincent, Jet, Cedric at
Augustus para damayan siya sa mabigat na pinagdaraanan niya. It was a very tragic
incident for his family. Nahihirapan si Ed na hawakan ang sitwasyon. He was not
used to this. Puno ng kalungkutan ang palasyo. Isama pa na alam niyang lubos na
naapektuhan si Julia, ang anak ni Rodrigo, sa mga nangyayari.

Simula nang sumikat si Ed bilang modelo ay bihira na siyang umuwi ng Medoires. Kung
may kasiyahan na lang o kaya may importanteng pangyayari na kailangan ng presensiya
niya. Masyado na siyang abala sa buhay niya sa labas at sa career niya. Isama pa na
hindi naman malaki ang responsibilidad niya sa Medoires dahil sa kanyang
pangalawang linya. Si Rodrigo na ngayon ang namamahala roon and he was doing very
well. Naniniwala siya na hindi na nito kailangan ng tulong niya. Pero mali pala na
basta na lang pinayagan ni Ed ang pinsan at hindi na nag-abala pang tumulong sa mga
gawaing pampalasyo.

"I'll be all right. Ano namang tingin niyo sa akin? I can handle this,"
paninigurado niya sa kaibigan.
Hinawakan ni Nikos ang balikat niya. "Nag-aalala lang kami sa 'yo. Alam namin na
mabigat para sa 'yo ang lahat ng ito. Ilang taon pa lamang simula nang mamatay si
Tita at pagkatapos ay ang nangyari naman kay Rodrigo at sa pamilya niya. Alam namin
na hindi kayo malapit sa isa't isa ng pinsan mo pero pamilya mo pa rin siya. A
family is still a family. And with all the responsibilities that he left---"

Itinaas ni Ed ang kamay para patigilin sa pagsasalita ang kaibigan. "I know, I
know. Nandiyan naman si Benjamin. Aalalayan niya ako," aniya na ang tinutukoy ay
ang kanang kamay na tauhan ni Rodrigo na siya na rin na nagpresinta sa kanya na
tutulungan siya sa pag-aasikaso ng mga naiwang gawain ng pinsan niyang ngayon ay
hari na ng Medoires.

Tumango-tango si Nikos. "All right. Kung may problema ka, you can always call us.
Kilala namin ikaw. Hindi magiging madali para sa 'yo ang lahat ng ito dahil hindi
ka naman sanay sa leading. We are your friends and we are also the one who take
care of your shares in our company. We'll always be here for you. But we are hoping
that everything will be fine soon,"

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mga ito sa kanya. Nagpasalamat siya nang husto
sa mga ito dahil ang presensiya ng mga ito ang nag-divert sa isip niya para huwag
isipin ang realidad. Nagpasalamat siya sa pagsuporta ng mga ito sa mabigat na
pinagdadaanan niya sa kasalukuyan. Kaya naman sa pag-alis ng mga ito ay purong
kahungkagan ang nararamdaman niya.

Time to face the reality, Ed. Sulsol ng isang bahagi ng utak niya. Pagkaalis nina
Nikos ay dumiretso siya sa library ng palasyo. Doon ay kinuha niya ang folder na
nakapatong sa may dulong lamesa. Napatiim-bagang siya kahit hindi niya pa nababasa
ang laman noon. Paano kasi ay naipaliwanag na iyon sa kanya ni Benjamin kahit hindi
niya pa nababasa. Hindi niya gusto ang nalaman niya kaya hindi na siya nag-abala pa
na buksan o sabihin iyon sa kanyang mga kaibigan. Pero hindi na niya puwedeng
takasan pa ang kanyang kapalaran.

Walang kasiguraduhan ang maaring mangyari kay Rodrigo. Naging masama para rito ang
aksidente at malubha ang kalagayan nito. Isang linggo na itong comatose at hindi pa
rin masabi ng mga Doctor kung hanggang kailan ito sa kondisyon na iyon.

Dahil sa nangyaring trahedya, marami ang nagtatanong kung ano na raw ang maaring
mangyari sa isla. Hindi maaring si Julia ang mamumuno dahil walong taong gulang pa
lamang ito. Wala pa itong kakayahan. Technically, si Ed ang papalit bilang hari. Sa
mga nakalipas na taon kasi ay nagging hindi maganda ang pangyayari sa aspetong
pangkalusugan ng pamilya Ferreira. Namatay sa sakit sa puso ang ama ni Rodrigo
sampung taon na ang nakakaraan. Ilang taon naman makatapos noon ay ang ina nito
dahil sa depresyon. Sina Amelia at Henry naman ay ganoon rin. Si Amelia ay namatay
dahil sa sakit na breast cancer at si Henry naman ay dahil rin sa komplikasyon sa
puso. Wala ng sino man ang maaring mamuno galing sa Royal House of Ferreira kundi
si Ed. At kahit hindi pa man sigurado ang lagay ni Rodrigo ay nagsisimula ng mag-
panic ang mga tao sa maaring imposibleng pagkabuhay nito kaya inihahanda na siya
kung sakali man na mangyari iyon. Pero bago mangyari iyon, may mga certain
requirements muna bago niya makuha ang titulo.

Binuklat ni Ed ang folder at tumambad sa kanya ang iba't ibang larawan ng mga
babae. Pinaraanan ni Ed ng tingin ang bawat larawan. They all looked beautiful,
sophisticated and elegant. Pero walang kahit sinong babae ang umagaw ng atensyon
niya sa mga profile ng babaeng ibinigay ni Benjamin na siyang maaring kandidata
bilang maging reyna niya.

Kailangan ni Ed ng magiging reyna niya kung siya ang papalit kay Rodrigo sa puwesto
nito. Sa lahat ng sinabi sa kanya ni Benjamin na responsibilidad niya ngayong nasa
malubhang kalagayan si Rodrigo, para sa kanya ay ang requirement na iyon ang
pinakamahirap.

Hindi naman sa may problema siya sa mga babae. Kilala siya bilang playboy. Hindi
naman niya itinatanggi iyon. Pero iba na ang usapan ngayon. It is a lifetime
commitment.

Hanggang ngayon, hindi pa makita ni Ed ang sarili na nakikipag-commit sa isang


babae. May pagkakataon na rin naman kung saan tinangka niya na subukan iyon pero
kahit na wala naman siyang nakikitang kahit anong problema sa babae, hindi pa rin
iyon nag-work out.

Thirty-two years old si Ed nang subukan niya na makipagrelasyon na ng seryoso sa


isang babae. Mabait, maganda at mayaman rin ang pamilyang kinabibilangan ni
Karylle. Wala siyang makitang problema rito. She was a good catch. Alam niya na
magiging perpektong tao ito para maging asawa niya at maging ina ng magiging anak
niya. Ngunit wala pang isang buwan ang itinagal ng relasyon nila ay hindi rin niya
nakayanan na panagutan ang relasyon. Nakakaramdam pa rin kasi siya ng atraksyon sa
ibang kababaihan at dahil ganoon rin ang mga ito sa kanya, hindi niya napigilang
patuluan ito. Ed realized he couldn't be faithful. Kahit na ba ibinigay na sa kanya
ang isang perpektong babae, hindi pa rin pala niya kayang mahulog rito.

Sa tingin ni Ed kaya ganoon siya ay dahil na rin sa sinabi sa kanya ng biological


father niya noon. May lahi raw na hindi nagpapatali at babaero ang pamilya. Wala
silang kakayahan na magmahal. Noong bata pa siya ay hindi siya naniniwala roon.
Isama pa na napalaki naman siya nang maayos nina Amelia at Henry. Ngunit kahit
ganoon, sa tuwing nakakita siya ng mga babae ay wala siyang maramdaman na kakaiba
maliban na lang sa pagnanasa sa mga ito. Crushes he had, but love? Hindi niya
masasabi. Masaya lang siya sa company ng babae. Ng iba't ibang babae---actually.
Parang sa isang fashionista na babae sa damit, na kapag naisuot na, pakiramdam ay
hindi na uso muli. Isama pa na ang mga ito ang unang lumalapit sa kanya. Nagiging
mabait lang siya sa mga kagustuhan ng mga ito. Pero ganoon pa man, walang babae na
nakasilo ng puso niya.

And now, it was his problem. Ngunit masisisi ba ni Ed ang sarili? Gusto niyang
maniwala sa pag-ibig dahil nakita na niya ang dalawang malapit na kaibigan na
tinamaan niyon. Nikos may hate Irene in the beginning, but he saw how happy,
contented and in love was he to his wife today. On the other hand, Augustus was the
same. Alam nila na sa simula pa lang ay matindi na ang tama nito sa matalik na
kaibigan nito. Gusto rin na maramdaman iyon ni Ed pero tila wala ng pag-asa. Walang
sino man, kahit ang mga babaeng nasa larawan ang nakapagpatibok ng puso niya nang
malakas, nakapagparamdam sa kanya ng intense na damdamin kaggaya na lang ng
sinasabi ng mga kaibigan niya na nakaramdam ng pag-ibig. Kahit si Karylle na
perpektong babae na ay hindi iyon naggawa sa kanya. Siguro nga ay tama ang kanyang
ama. Nasa lahi nga nila iyon.
Tinawagan ni Ed si Benjamin nang pinasadahan niya muli ang mga larawan ay wala
siyang makitang kainte-interes sa mga babaeng iyon. "Are these just all my
choices?"

"Not really, Your Highness. You can choose a commoner as long as she lives in the
island, too. The profiles I gave you were just the ladies and princesses from the
other royal houses. It would be more recommended if you choose from one of them."

"We have a lot of royal houses but these ladies are just few. Are you sure it is
complete?"

"Yes, it is except for some royal houses that been evicted in the monarchy like the
royal house of Braganni, royal house of---"

Pinatigil ni Ed sa pagsasalita si Benjamin nang marinig ang pinakakontrobersyal na


royal house para sa kanya. Nagpanting ang tainga niya nang marinig iyon pero sa
kaparehong oras ay naging interesado rin siya roon. Nalaman niya ang balita na ilan
sa mga royal houses sa Medoires na walang masyadong nagagawa para sa state. Isa sa
mga iyon ang Royal House of Braganni.

"The Braganni line had two ladies, right? Give me their profile right away."

Tumalima naman agad si Benjamin sa kanyang utos. Wala siyang kaibigang maituturing
sa Medoires dahil simula ng nangyari sa kanya sa palasyo ng mga Braganni ay hindi
na niya muling nilapit ang sarili niya sa iba. Nakontento na lang siya sa sariling
palasyo. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay nakalimot na siya sa lahat...

Ilang sandali ang lumipas ay nasa kanya na ang larawan ng dalawang dating prinsesa.
Unang natagpuan ng mga mata ni Ed ang larawan ni Aliciana. Hindi na kataka-taka ang
kagandahan nito. Sa nakita niyang ugali nito noong dalawang dekada na ang
nakakaraan, duda pa ba siya na pahuhuli ito sa karamihan? She still had that
elegant princess beauty even if she already lose the royal title. Masasabi rin niya
na sa lahat ng larawan ng mga prinsesa na ibinigay sa kanya ni Benjamin, si
Aliciana ang pinakamaganda. She had the beauty that could really fit a description
of a queen.

Pinagsawa muna niya ang tingin kay Aliciana bago tinignan ang larawan ng kapatid
nitong si Alyssa. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang napakalaki ng pagkakaiba
nito sa nakakatandang kapatid. Napakasimple lang ng itsura ni Alyssa. Kaunting
make-up sa mukha, simple at pangkaraniwang damit lang ng mga normal na tao ang
itsura nito. Wala sa itsura nito na dating prinsesa ang babae. Pero ipinagtataka pa
ba niya na maging ganito si Alyssa ngayon? After all, hindi ba't kinaiinisan rin
nito ang bestidang suot nito noong una niya itong nakita sa kasiyahan?

Hindi niya pa rin nakakalimutan si Alyssa sa kabila ng lahat. Ito ang dahilan kung
bakit niya naranasan na makutya muli ng mga tao. Dapat ay magalit siya rito dahil
hindi man lang siya nito naggawang ipagtanggol noon dahil kung ginawa man nito
iyon, bakit siya pinagmalupitan ng ina at kapatid nito? Ganoon pa man, bakit
nakaramdam si Ed ng kakaiba sa tibok ng kanyang puso ngayong nakita niya muli si
Alyssa kahit sa larawan lamang?

Napahawak si Ed sa kanyang baba habang pinagpapalit-palit niya ng tingin ang


larawan ng mga babae. Hanggang sa tumuon na lang ang kanyang mga mata sa iisang
larawan dahil may naiisip siya kapag nakikita niya.

A wicked smile formed into Ed's lips after a few minutes.

        7. Royal Command [International Billionaires 3:...]

            NAPASUGOD si Alyssa sa bahay na tinitirahan ni Aliciana nang malaman niya


ang isang hindi kaaya-ayang balita. Break na ang engagement nito kay Charles. Dahil
sobrang nasaktan ang kaibigan niya ay tumawag ito sa kanya. Miserableng-miserable
ang lagay. Ilang beses niyang tinanong kung bakit pero sinabi lang nito na mabuting
tanungin na lang niya ang kanyang kapatid.

Mabilis naman na natagpuan ni Alyssa si Aliciana. Natagpuan niya ito sa may sala ng
bahay at base sa bihis nito ay mukhang paalis ang kapatid. Ngunit hindi nagpapigil
si Alyssa upang komprontahin ito.

"Explain everything to me, Aliciana," demand ni Alyssa sa kapatid.

Naglihis ito ng tingin sa kanya. "It was not my fault and neither Charles. Its
unexpected. I can't break royal commands,"

Kumunot ang noo ni Alyssa. "Royal commands?"

Huminga ito nang malalim. "I was chosen by the Prince to be her future Queen."

Nanlaki ang mga mata ni Alyssa. Dahil nakatira siya sa Medoires ay updated siya sa
balita. Walang kakayahan si King Rodrigo at sino man na nasa linyanito na maaring
mamuno kaya may usap-usapan na si Prince Edmundo o mas kilalang Prince Ed ay
maaring pumalit rito. Hindi niya lubos akalain na magiging ganoon kabilis iyon.

Ngunit ang mas hindi inakala ni Alyssa ay kung bakit si Aliciana pa sa lahat ng
babae sa buong Medoires ang napili ni Ed. Oo, tanggap niya na maganda si Aliciana.
Malaki ang ganda nito sa karamihan. Pero hindi lang naman sa ganda nasusukat ang
lahat. Sa ugali rin. Isang panghabang buhay na commitment ang kasal. Siguro naman
ay alam iyon ni Ed. Bakit pipiliin nito si Aliciana samantalang sinaktan nito ang
lalaki dalawang dekada na ang nakakaraan? Nakalimutan na ba iyon ni Ed kaya naggawa
nitong piliin si Aliciana?

Puwes kung ganoon, hindi pa rin nalilimutan ni Alyssa ang lahat ng nangyari noon...

        8. Fight [International Billionaires 3:...]

            NANLAKI ang mga mata ni Alyssa nang makita niya mula sa bintana ng palasyo
na dumating ang isang magarang karwahe sa palasyo nila. Kaagad na lumakas ang tibok
ng puso niya nang makilala ang karwahe. It was from the Royal House of Ferreira.
Wala siyang maisip na maaring bumisita sa kanya na taga roon kundi si Duarte
lamang. Pero namayapa na ito. It should only be one person.

Ed.

Nasabik si Alyssa. Bumaba siya at akmang pupunta na sa main entrance ng palasyo


nila kung saan alam niyang didiretso si Ed para salubungin ito. Pero natigil siya
nang marinig niya ang pagsita ng mga guwardiya nila kay Ed. Kasunod noon ay narinig
rin niya ang mga mapanglait na salitang binatawan ngi Aliciana pati na rin ng
kanyang ina. Maaring bata pa si Alyssa pero matalas ang isipan niya. Hindi
magagandang salita ang binatawan ng mga ito. Paniguradong nasaktan si Ed sa mga
salitang iyon at sa kaalamanang nasaktan ito ay tila ganoon rin siya. Hindi dapat
ito ginanoon ng pamilya niya. Napaiyak siya dahil hindi niya naipagtanggol si Ed.
Matagal-tagal rin siyang nakakilos sa puwesto niya dahil masyado siyang nabigla sa
narinig. Nakabalik na mula sa main entrance ang ina niya at si Aliciana nang sa
wakas ay maggawa na niyang kumilos.

"You shouldn't do that to him! You hurt him!" akusa niya sa pamilya.

"Hah! He deserves it. He should know where he should just stand. He is a man full
of confidence. And I still can't forgive him after what he did to you on the lake!
He really had a rustic attitude. But what do you expect from a guy without roots?"
sagot sa kanya ni Aliciana. Mature na ang isip nito sa kabila ng batang edad pa
lang nito dahil madalas na kasa-kasama ito ng kanyang ina. Hindi ito mahilig
makihalubilo sa mga bata.

"How many times did I have to tell you that it wasn't his fault? Its mine! I
persuaded---"

"Shut up, Alyssa! I wouldn't believe that you would do it. You are a royal child.
You are my sister. I didn't expect it from you so don't blame yourself." Pagkatapos
noon ay iniwan na siya ng dalawa.

Tama naman si Aliciana. Hindi nga inaasahan na gawin ng isang kaggaya niya ang
ganoon. Lalo na siyang sakitin pa. Iyon ang unang beses na ginawa ni Alyssa ang
ganoong bagay at masasabi niyang nag-enjoy siya sa karanasan na iyon. How can she
not? She was too tired of living in a royal family. Gusto naman niyang makaranas ng
ginagawa ng normal na bata. Sa kasiyahan lang na iyon siya nagkaroon ng pagkakataon
dahil abala ang lahat. Nakatakas siya sa kasiyahan. Bonus pa na nakasama niya si
Ed. He seems adventurous, too. Naalala niya rito ang namatay niyang kaibigan na si
Duarte. Nami-miss niya ang kaibigan. Masaya siya na kasama ito. Pero sa kung anong
kadahilanan, pakiramdam niya ay doble ang sayang naramdaman niya nang makasama niya
si Ed. May kung ano rito na hindi niya maipaliwanag.

Ngunit alam niya na dahil sa nangyari, hindi na niya matutuklasan pa ang kung ano
na iyon. Simula sa araw na iyon, paniguradong kamumuhian na ni Ed ang pamilya niya.
Sa isipin na iyon, ginupo ng matinding kalungkutan ang puso ni Alyssa...
        9. Ruthless [International Billionaires 3:...]

            NAPAGDESISYUNAN ni Alyssa na dumalaw sa Royal House of Ferreira---ang


pinakamalaki at pinakamakapangyarihang Royal House sa buong Medoires. Ang pamilya
ng Ferrreira ang pangunahing namumuno sa buong Medoires at alam niyang doon rin
matatagpuan ang lalaking kailangan niyang kausapin.

Hindi na lang basta hahayaan ni Alyssa na mangyari ang ganoon sa relasyon ng


kanyang kapatid. Hindi rin niya gusto na nasasaktan si Charles sa sitwasyon. Hindi
naman niya masisisi ang dalawa kung walang maggawa ang mga ito. It was a royal
command. Mahirap suwayin iyon. Ramdam niya na takot ang dalawa kaya hindi
maipaglaban ng mga ito ang pag-iibigan. Ngunit gusto niyang ibahin ang sarili sa
dalawa. Gagawa siya ng paraan.

Magiliw naman na tinanggap siya sa palasyo. Namukhaan siya ng mga guwardiya kahit
hindi na siya nakasuot ng damit na palaging sinusuot ng mga galing sa royal
families. Gusto tuloy mapahiya ni Alyssa sa mga nangyari. Mainit na tinanggap siya
sa palasyo pero noon ay malayong-malayo ang naging trato sa ngayon ay magiging hari
na ng Medoires. But she couldn't turn back the time. Kailangan na lang niyang
mabuhay sa kasalukuyan at harapin ang lahat kahit alam niya na maari siyang mabigo.

"The Prince is playing with Princess Julia at the moment. If its okay for you to
wait for---"

"Its okay. No worries," nakangiti na wika ni Alyssa. Ano ba ang isang oras na
paghihintay? Alam niyang magiging malaking pabor ang kanyang hihingiin. Isama pa sa
hindi naging magandang pinagdaanan nila. Nararapat lang ang ganoon para sa kanya.

Hindi naman ganoong katagal na naghintay si Alyssa at nakita niyang bumaba sa isang
grandyosong hagdan si Ed. Nasa balikat pa nito si Princess Julia na may malaking
ngiti sa labi. Tila may humaplos sa puso ni Alyssa na makita na nasa magandang
kalagayan ang prinsesa. Naging mabigat ang pinagdaanan nito sa mga nakalipas na
araw at kung siguro ay siya ang nasa katayuan nito ay magiging mahirap para sa
kanya na tanggapin iyon. But there was Ed. He was beside her. Hindi nito iniwan ang
pamangkin kahit na ba kilala ito bilang iresponsableng prinsipe. Bihira itong
pumunta sa palasyo, makialam sa mga royal duties nito. Ngunit ngayong nasa krisis
ang pamilya nito, hindi naman talaga masasabing iresponsable ito. He must be known
as a playboy but he had a heart, too. May kung anong gumulo sa isip at puso ni
Alyssa sa naisip na iyon.

Please let him have a heart to hear me out, too.

"A-Alyssa?" bahagya pang nagulat si Alyssa nang makilala siya ng prinsipe.


Pagkatapos ng ginawa rito ng pamilya niya ay hindi na muling nagtagpo ang landas
nilang dalawa. Simula noon ay sa mga royal news at magazines na lang niya
nasusubaybayan ang buhay nito.

Sa mga pahayagan na talaga namang hindi mo pinapalampas basta at may artikulo


tungkol sa kanya! Sulsol ng isang bahagi ng isip ni Alyssa. Gustong mairita ni
Alyssa dahil sa mga naiisip. Pero bago niya pa maggawa, nawala na ang lahat ng iyon
nang magtama ang tingin nila ni Ed.
Bata pa lang si Alyssa ay may asthma na siya. Kapag napapagod siya ay madalas
siyang hinihika, kinakapos ang hininga. Sa pagkakataong iyon, kahit hindi naman
siya napagod ay tila nangyayari sa kanya. By simply looking Ed, she felt that her
breath was taken away from her.

Pero hindi masisisi ni Alyssa ang sarili. Napakagandang nilalang ni Ed. Hindi na
kataka-taka ang narating na career nito. He was a celebrity prince. An
international model. Noong mga bata pa sila ay hindi niya naisip na sasabak ito sa
ganoon. May katabaan kasi si Ed. Pero nagbago ito noong nagbinata ito. He became
lean and his body became a fantasy of a lot of people. At kahit ngayon ay nakasuot
lang ito ng simpleng T-shirt at pantalon ay hindi maiwasan ni Alyssa na paganahin
ang imagination niya. Isama pa na sa T-shirt na iyon ay mababakat ang tila pandesal
na abs nito. Dapat yata ay isang Greek couple na lang ang nag-ampon kay Ed. Dahil
sa lagay nitong iyon? He would certainly beat every Greek God in having a goddman
good body like that.

But wait! There's more! Umaakma ang sikat na linyang iyon sa isang marketing
advertisement sa pagpapagana ng imahinasyon ni Alyssa. Paano ay hindi lang naman
kasi ang magandang katawan ni Prince ang napansin niya sa pagkikita muli nila sa
personal. Kasama na roon ang mukha nitong maari naman niyang iakma sa pamosong
sinasabi kay Helen ng Troy---a face that could launched a thousand of ships.
Everyone shouldn't miss those big and daring brown eyes, the perfectly symmetrical
nose and full lips of this devastatingly handsome Prince. Pero ang pinakanagustuhan
ni Alyssa sa mukha nito ay tila naglalarawan iyon na kaya nitong protektahan ang
kahit sino man na malapit rito at sa kaparehong oras ay nagtataglay rin ng
gentleness na nagpapakita ng pag-aalaga.

He was perfect. Hindi na nga siguro kataka-taka na maging ganoon kaeratiko ang
tibok ng puso ni Alyssa sa simpleng pagtingin lang rito. Kakaiba, oo. Kaggaya ng
mga nararamdaman niya makita lang niya ang mga larawan nito sa magazines na tanging
si Ed lang ang nakakapagbigay sa kanya. Iyon ba ay dahil sa ultimate crush niya
lang ito o may iba pang dahilan roon? Gusto niyang isipin ang ibang dahilan. But
she knew, she doesn't stand a chance on him. Sa dami ng babae ni Ed, papansinin pa
ba nito ang kaggaya niyang simpleng namumuhay lang?

Pero bakit siya naalala nito? Bakit siya kilala nito?

Sa naisip na iyon ay nabuhayan ng loob si Alyssa. Ngunit gusto rin niya na sapukin
ang sarili ng maalalang ikakasal nga pala ito kay Aliciana. Surely, nagresearch
naman siguro ito tungkol sa magiging asawa nito, hindi ba? Kaya malamang ay kilala
na siya nito.

Ambisyosa!

"Your Highness," nang makahuma si Alyssa ay nagbigay galang siya sa prinsipe.


Akmang magba-bow siya rito nang hawakan nito ang balikat niya para pigilan siya.
Napansin ni Alyssa na tila may kakaibang dumaloy sa balat niya sa ginawa nitong
iyon.
"Cut the formalities, Alyssa."

"Its okay, I---"

Ngumisi si Ed. Nagliwanag yata ang buong palasyo sa ginawa nitong iyon kahit na ba
ramdam ni Alyssa na may kakaiba sa ngiti. It seems a little wicked. Pero nababaliw
na yata siya dahil pakiramdam naman niya ay "na-bewitch" siya sa ngisi lang na
iyon.

"May narinig ka na ba na nakilala sa royal house namin bilang matapobre?" there was
sarcasm in his voice.

Nagbalik sa realidad ang isip ni Alyssa. Nawala lahat ng mga magagandang iniisip
niya tungkol kay Ed. "Kung ganoon ay hindi ka pa rin talaga nakakalimot,"

Kung gaano diretso ang pananagalog ni Ed ay ganoon rin ang kay Alyssa. Natuto
siyang magsalita ng Filipino dahil sa nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Hindi
ganoon kagaling sa ingles ang yaya niya kaya para makausap niya ito nang maayos ay
minabuti na lang niya na magpaturo ng wika nito. Dahil matalas ang isipan niya
kahit bata pa lang siya ay mabilis siyang natuto. Naggamit rin niya ang kaalaman
niya sa wika na iyon nang magkolehiyo siya sa London dahil mayroon siyang naging
malapit na kaibigan na isang Pilipina. Sa tuwina ay sinasanay nila ang sarili na
magsalita sa ganoong lenggwahe kapag magkasama sila kaya hanggang ngayon ay bihasa
pa rin siya roon.

"What are you talking about, tio?" curious na tanong ng pitong taong gulang na
prinsesa.

Itinuon ni Ed ang tingin sa pamangkin. "Just something you shouldn't hear about. So
I think it would be good if you come to your nanny. I'll get back to you later,
okay?"

Tumingin sa kanya si Julia saka tumango kay Ed. Sumama ito sa yaya nito.

"I presume you come to the palace for some important matter. Tama ba ako?" wika ni
Ed sa kanya ng mapag-isa na lamang sila sa hall ng palasyo.

"Tungkol ito kay Aliciana," diretsahang sabi na ni Alyssa. "Siguro naman ay


nararamdaman mo na kung bakit kailangan pa kitang kausapin tungkol rito,"

"Kung ganoon ay importante nga iyon. Would you mind if we talk about this
somewhere? Perhaps, in the garden while strolling?"

Sandaling nag-isip si Alyssa sa mas ikabubuti ng sitwasyon nila ngayon. Inisip niya
kung appropriate na maglakad sila sa hardin ng mga ito. Minsan nakarating na siya
sa hardin ng palasyo at alam niya na bukas iyon sa publiko. Appropriate ba na
makita siya ng publiko kasama ang prinsipe na ito?
"Don't worry, I'm going to take you in the maze garden at the back. Hindi iyon
bukas sa publiko at kung natatakot ka naman na maligaw, well, saulo ko ang bawat
pasikot-sikot noon,"

Sa sinabing iyon ni Ed ay napapayag na si Alyssa. Nag-umpisa silang maglakad sa


maze garden na hindi naman ganoon kalayuan sa hall dahil may shortcut pala papunta
roon. Sinalubong si Alyssa ng berdeng paligid dahil ang pader ng maze na iyon ay
nababalutan ng mga halaman.

"Kumapit ka sa akin," wika ni Ed nang magsimula silang maglakad.

Kumunot ang noo ni Alyssa. "Bakit ko gagawin?"

"Baka maligaw ka,"

Nagtaas siya ng isang kilay. Sinasabi lang ba nito iyon dahil nag-aalala ito sa
kanya? O gusto lang siya nitong matsansingan?

Hah! Ambisyosa ka talaga, Alyssa. Bakit naman gagawin ni Ed iyon samantalang ang
gusto nito ay si Aliciana?

Umiling si Alyssa kapagkuwan. "I can manage. Isa pa, baka may makakita sa atin dito
kahit na---"

"I've told you, private ito. Saka ano naman kung may makakakita sa atin rito? All
people knew that I am about to marry your sister. Iisipan pa ba nila ako ng
masama?"

Iniisip niya ang mga hardinero ang maaring makakita sa kanila. May punto si Ed.
Pero malanding nilalang ito. Kilala na niya ito nang husto. What if he hits two
birds in one stone?

"Isa iyon sa problema. You are about to marry my sister which everyone knew you
hate,"

Tumaas ang isang kilay nito. "Huh? Everyone? As far as I knew, hindi ko kailanman
sinabi sa publiko ang ginawa ng kapatid mo sa akin noon,"

Alyssa snapped. "So that's it! Hindi mo naman talaga ang gusto ang kapatid ko. I
knew it. Tama ako. You did it to make her look like a fool. Hindi ko papayagan
ito,"

"Sino ka para sabihin sa akin 'yan? After what your family, especially your sister
did to me---"
"Napakatagal ng panahon noon. Bakit kailangan mong gawin ito, Ed? Hindi mo
itinangging galit ka pa rin kay Aliciana. Alam ko ang lahat ng mga nangyari noon.
Ramdam ko rin na nasaktan ka kaya ikinabahala ko ang lahat ng mangyari. Ginagawa mo
ba ang lahat ng ito bilang paghihiganti kay Aliciana?"

"It doesn't matter if that was the reason. Mukhang gusto rin naman niya ang
maikasal sa akin. Hindi siya tumanggi,"

"Iyon ay dahil natatakot siya sa 'yo. So please, Ed. Please spare my sister. May
fiancée na si Aliciana. Ikakasal na siya sa iba."

"With your news, parang mas lalo pa akong ginanahan na pakasalan siya,"

Tumingin siya kay Ed. There was a glimpse of naughtiness in his eyes. Devil. Iyon
ang nakikikita niya rito ngayon. But a beautiful one indeed. Sagot naman ng
maarteng isip niya. "You're ruthless!"

"And I accept. I know, its not a rational thing to do. Revenge. Hah! Pero malay mo
naman, kapag nagkasama na kami ay magbago iyon. I've seen Aliciana. She was very
desirable. Lahat ng lalaki ay gugustuhing makasama siya. She's beautiful, too. Her
beauty fits to be a queen."

But not her attitude! Gusto sana niyang isulsol. Ganoon na lang ba talaga ang lahat
ng lalaki ngayon sa mundo? Ang habol lang sa babae ay ganda? Saka bakit si Aliciana
lang ang maganda? Marami rin naman ang nagsasabi na maganda rin siya. Siguro nga ay
simple lang ang kagandahan niya. Pero okay lang naman iyon hindi ba? Hindi sobra,
hindi kulang. Sakto lang.

Pero bakit niya ba naiisip ang mga iyon? Iyon ba ay dahil gusto niyang mangarap na
sana siya na lang ang pinili nitong pakasalan? Na kahit alam niyang ganti lang iyon
ay magiging maayos siya dahil gusto naman niya ito?

"And besides, kahit pigilan mo ako ngayon, I don't think I will change my mind. It
was already announced in public. Ayaw kong mapahiya. Kinakailangan ko ng reyna,
approve man iyon ng nakakarami o hindi. And I was attracted to Aliciana. Oo,
maaring galit ako sa kanya at ginawa kong ganti ang pagpili sa kanya pero hindi
naman iyon maituturing na ganti talaga 'di ba? Because she'll be a queen. She'll
live a luxurious life...again."

Tama naman ito. Pero malay ba niya kung anong gagawing pagtrato rito ni Ed. Paano
kung ang maging ganti ni Ed kay Aliciana ay gawin lang nitong trophy wife ang
kapatid niya. Walang pagmamahal. Walang affection. Kaya ba ni Aliciana na mamuhay
nang ganoon?

"Kung ganoon ay wala na ba talaga akong magagawang paraan para baguhin ang isip mo?
I'm concerned about my sister as well as her fiancé. Kaibigan ko si Charles.
Nasasaktan siya sa mga nangyayari. Ngayong alam ko na ang lahat ng balak mo, mas
lalo akong nagkaroon ng urge na pigilan ka. Hindi ito ang tama, Ed. Gagawin mong
trophy wife si Aliciana para lang makapaghiganti sa kanya? You'll let her feel
neglected, ganoon ba ang plano mo? Aliciana doesn't deserve that. Maaring nakagawa
siya ng kasalanan sa 'yo noon pero hindi mo ba kayang magpatawad? Napakatagal ng
panahon noon. Baka nga hindi na niya naalala iyon."

"So you're telling me, time heals all wounds. Not really, minha querida. Not for
me. Pero tungkol sa unang tanong mo, may paraan pa rin naman,"

Ngumisi na naman si Ed. Parang iyon ang paborito nitong ekspresyon. Iyon rin ba ang
dahilan kung bakit nito nahuli ang puso nang maraming babae? Kaya iyon rin ang
dahilan kung bakit sa kabila ng inis niya rito ay hindi niya matuluyang mainis.
Kainis rin!

"Tell me. I'll do everything just to change your mind," naggawa ng sabihin ni
Alyssa sobrang kadesperahan niya na makagawa ng paraan para sa ikasisiya ng iba.

Ngumiti naman ngayon nang nakakaloko si Ed. Napansin rin niyang unti-unti itong
lumapit sa kanya kaya napaurong siya hanggang sa naramdaman na lang niya na
napasandal na siya sa madamong pader ng maze. He was so close to her. Napalunok si
Alyssa sa ginawa nitong iyon. Ano ba ang iniisip ng lalaking ito? Mamatay na yata
siya sa sobrang lakas ng tibok ng puso ngayong ang sumunod naman na ginawa nito ay
ang ituon ang dalawang kamay nito sa pader para lalo siyang ma-corner at mailapit
nito ang sarili sa kanya.

"You'll do everything for your sister, huh? That desperate? Paano kung ang gusto
kong kondisyon ay siya namang makakasama para sa 'yo?"

"I-I'll try to endure it. Dahil kung ako lang ang mapapaasama, it would be okay
dahil isa lang naman ako. I want Charles happiness, too. His happiness is Aliciana
so let her free!" gustong palakpakan ni Alyssa ang sarili dahil kahit papaano ay
naggawa niyang sabihin iyon sa kabila ng sitwasyon niya. Pakiramdam kasi niya ay
kaunti na lang at bibigay na ang tuhod niya sa sensasyong dinadala ng lalaking ito
sa kanya. "And would you please let me free, too? What are you doing was one
example of a thing not enduring!"

Dahil mamatay yata ako sa kilig!

"Too bad, minha querida. Too bad. Kasi ito ang gusto kong kapalit," unti-unting
inilapit ni Ed ang labi nito sa kanyang tainga. "I'd like you to give yourself to
me,"

        10. Low [International Billionaires 3:...]

            PATAPOS na si Alyssa sa trabaho niya para sa araw na iyon nang tawagin siya
ng manager ng dressing shop na si Manuela. Ni-request raw siya mismo ng special na
customer para gumawa ng damit na isusuot nito para sa kasal nito. Napansin niya ang
kakaibang kasabikan ng manager at pati na rin ng mga empleyado sa shop habang
naglalakad siya patungo sa lugar kung nasaan ang special customer na sinasabi ng
mga ito.
"You better really be good, Alyssa." Pagpapaalala sa kanya ni Manuela.

Hindi nag-alala si Alyssa na maaaring hindi niya ma-meet ang expectation ng


customer. Naniniwala siya sa sarili niya at lahat rin ng mga naging customer niya
ay satisfy sa lahat ng mga ginawa niya. Pero hindi niya maiwasan na magtaka na
ganoon na lang ang kapanabikan ng manager at co-employees niya tungkol sa proyekto.
"This customer is really that special?"

"Yes. But maybe for you, not that special. You already know him..."

Napakunot ang noo ni Alyssa sa sinabi ni Manuela pero bago pa man siya
makapagtanong ay nasa lugar na sila kung nasaan ang special na customer na sinasabi
nito. Iniwan siya ng manager pagkatapos.

Tama si Manuela. Kilala nga niya ang customer. Dapat ay inasahan na rin niya ito,
hindi ba? After all, ikakasal ito. Dapat na pumunta nga ito sa dressing shop nila.
Pero dahil ayaw niyang isipin iyon dahil para sa kanya ay isang malaking kamalian
iyon, hindi pumasok sa isip niya si Ed.

"Hindi ka pa rin tumitigil, ano?" gusto niya na makita si Ed. Gusto niya ang lakas
ng tibok ng puso niya ngayong nasa harap niya ito. Pero nawawala ang sarap kapag
naiisip niya ang purpose kung bakit nandoon ito.

Ikakasal si Ed. Mali pa dahil isang paghihiganti ang dahilan noon. Mali rin dahil
hindi siya iyon.

"Bakit naman ako titigil?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Ed. "I've already
told you about it."

Nagtagis ang mga bagang ni Alyssa. "I won't give in to you."

"Alam ko. Kaya nga ako nandito. Itutuloy ko ang kasal ko at ikaw ang gusto kong
gumawa ng damit ko."

"Ed---"

Itinaas ni Ed ang kamay nito. "Stop the talk, Alyssa. I'm serious about marrying
Aliciana. Kahit na nalaman mo ang tunay kong plano, hindi pa rin ako papipigil sa
gusto kong gawin. Now, be a professional. Sukatan mo na ako."

Gustong magprotesta muli ni Alyssa pero muling itinaas ni Ed ang kamay para
patigilin siya. Sa naniningkit na mga mata ay kinuha niya ang mga kagamitang
pangsukat at sinunod ang gusto ni Ed.
Sanay si Alyssa na magsukat ng mga customers. Wala rin kaso kung lalaki man iyon.
Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba ngayong si Ed ang sinusukatan niya.
She knew she was trembling. Kung dahil iyon dahil sa naiinis siya rito o dahil sa
epekto ng pagdadait lang nila, hindi niya masigurado. Nang maramdaman ni Ed ang
nangyayari sa kanya ay pinatigil siya nito.

"P-pasmado lang ako," sagot naman agad ni Alyssa kahit hindi pa man nagtatanong si
Ed. Sa gulat niya, sa halip na bilhin at umayon na lang si Ed roon ay kinuha nito
ang kamay niya.

"A-anong ginagawa mo?" lalo yatang nanginig si Alyssa sa ginawa ng lalaki.

Ipinagdikit ni Ed ang mga kamay niya at dinala sa bibig nito. Hinipan nito iyon.
Lalo yata siyang nangatal sa ginagawa nito sa kanya. "Makakatulong ito para mawala
ang pagkapasma ng kamay mo..."

No it would never help! Gustong sumigaw ni Alyssa. She felt trapped. Anong gagawin
niya ngayon? Hindi naman talaga siya pasmado. Epekto lang iyon ng pagkakalapit niya
kay Ed. Aware na aware siya sa katawan nito at may kakaibang epekto iyon sa kanya.
"H-hindi ako naniniwala diyan. Ilang beses ko na rin naggawa 'yan pero nanginginig
pa rin ako."

Please buy my excuse, Ed! Alam ni Alyssa na mapapahamak lang siya kung sasabihin
niya rito ang totoong dahilan.

Nagkibit-balikat si Ed. Binitawan ang kamay niya. Sandaling nakaramdam naman ng


panlulumo si Alyssa. Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon 'di ba? Mali. Oo, gusto
niya si Ed. Pero dahil nalaman niya na ganoon pala ang ugali nito, dapat ay ma-turn
off siya rito. Magalit. Pero malakas pa rin ang epekto nito sa kanya. Hindi niya
maikakaila na gusto niya ang tibok ng puso niya sa kabila ng mga kamalian.

Sinubukan ni Alyssa na maging professional kagaya ng sinabi ni Ed. Pinigilan niya


ang sarili. Ginawa niya ang trabaho. Nagpatuloy siya sa pagsusukat kay Ed kahit na
ba ramdam na ramdam niya ang presensiya nito at tila napakahirap na mag-
concentrate.

Pagkatapos sukatan ni Aliciana ang waist ni Ed ay ang dibdib naman nito ang
isinunod nito. Matangkad si Ed at malaki ang katawan kaya naman kinailangan pa
niyang tumingkayad para masukatan ito ng ayos. Dahil na rin sa kanyang ginawa ay
sandaling nabuwal rin siya. Sa kondisyon niyang tila nalilito na nasa paligid ito,
inaasahan na niya iyon. She was being clumsy. Hindi tuloy niya alam kung kaiinisan
niya iyon o magugustuhan dahil nagbibigay naman iyon ng masarap na damdamin sa
kanyang dibdib. Hindi naman siya binigo ni Ed sa ka-clumsy-han niya. Inalalayan
siya nito.

Nakakunot ang noo nito nang ilayo siya mula sa dibdib nito. "May sakit ka ba,
Alyssa?"

Was he talking about my red cheeks now? Huwag naman po, please! Kailangan kong mag-
deny. "What? Wala, ha!" tanggi naman niya.

"You're trembling. Tapos nabubuwal ka pa. Sabihin mo sa akin at---"

"I-I'm just tired. Iyon lang siguro iyon," sagot ni Alyssa kahit na ba alam niya na
mas naayon yata kung sinabi na lang niya na "That's happening to me because I want
you to catch me since I am already falling. And its not just literally..." Ngunit
hindi pa siya ganoon kabobo para aminin sa lalaking ito na matagal na siyang may
crush rito. Hindi bagay.

"You sure?" paninigurado pa nito na tila concern na concern sa kanya.

"Yup!" pinilit niya na pasiglahin ang boses.

Ngumisi si Ed. "But for a moment there, I thought, malakas lang talaga ang epekto
ko sa 'yo kaya ka nanginginig. Because you know, girls always feel that to me all
the time. Nervous because of my over powering charm. At 'yung mga sadyang pambangga
nila sa akin, they do that para mapansin ko sila o 'di kaya ay ma-tsansingan ako.
Pero bakit ko ba iisipin iyon sa 'yo? You would never stoop that low, right?"

Gustong magngitngit ng ngipin ni Alyssa dahil alam niya na tumama si Ed. Hindi
naman niya sinasadya pero may malaking parte rin na gusto niyang mag-take advantage
rito. Pero dapat rin niya na alalahanin ang sinabi ni Ed. She should never stoop
that low. At alam niyang kapag hinayaan niya pa na overpower siya ng pakiramdam na
dala nito sa loob niya, malamang ay maging mababa na nga siya.

        11. Crazy [International Billionaires 3:...]

            HINDI makatulog si Ed. Kanina pa ginugulo ni Alyssa ang isipan niya.


Naiinis na siya dahil halos noong nakaraang gabi ay ganoon rin ang nararamdaman
niya. Malakas ang epekto sa kanya ni Alyssa dahil kahit hindi naman niya gustong
isipin ito at hindi dapat, iyon at paulit-ulit pa rin ito na pumapasok sa isipan
niya. He wondered if she was getting tired because of it.

Parang sinusundot ang konsensiya ni Ed sa inalok niya ritong kondisyon kapalit ng


pagpapalaya niya sa kapatid nito. Sa totoo lang ay hindi naman niya gustong saktan
si Alyssa. Hindi naman siya nagsisinungaling na gusto niya ito at gusto niyang
ibigay nito ang sarili sa kanya. He was being honest...but in a very ruthless way.
Pero hindi naman niya gagawing madali na lang ang pagpapalaya niya sa kapatid nito
na balak niyang gantihan kahit na ba matagal na ang nangyari noon.

Tama si Alyssa nang hula. Ginawa lang niyang ganti ang lahat kaya si Aliciana ang
pinili niyang maging reyna. Alam niya na maraming tutol. Kahit rin naman siya ay
hindi iyon ganoong maatim. But he was going to use her. Gagawin niya itong trophy,
neglected wife. Ito ang magiging ganti niya sa ginawa nito sa kanya noon. Maaring
huli na pero kahit ganoon, hindi pa rin siya nakakalimot. Hindi siya nabigyan ng
pagkakataon noon, puwes, bakit hindi niya gawin ngayon? Tutal ay malalaki na naman
sila hindi kaggaya noon na napakabata pa ni Aliciana para madamay sa gulo kung
magsusumbong siya. Isama na rin na hindi niya gusto na magkaroon ng gulo ang
dalawang pamilya kapag nalaman ng mga magulang niya ang masamang asal ng mga
Braganni. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na kinikilala bilang nobility
family ang mga Braganni. Hindi na niya masisira ang pangalan ng mga ito kung sakali
man na maghiganti siya. Ang tanging maapektuhan na lang ay si Aliciana---ang
babaeng kumutya sa kanya noon.

Ed had revenge tendencies, all right. Pero masyado na siyang naghirap noon. Naging
masakit para sa kanya na maulit ang mga pangungutya lalo na noong akala niya ay
hindi na muli mangyayari iyon. Alam rin niya na mali ang ginagawa niya. Ngunit
hindi niya basta-basta nalimutan ang ginawa sa kanya ng mga Braganni. Maaring
bahagya niyang nalimutan at nawalan siya ng pagkakataon na maghiganti pero ito na
ang pagkakataon niya. Maaaring unfair rin dahil hindi kagaya sa mga nang-api sa
kanya noong bata pa lang siya, hindi na niya naisip na gantihan ito. Pero dahil
napag-isip-isip rin naman niya na may mali rin sila noon, ipinagsawalang-bahala na
lang niya. Hindi ganoon ang sitwasyon nila ni Aliciana. Wala siyang masamang ginawa
rito o kahit sa sino man na pamilya nito pero pinagmalupitan pa rin siya ng mga
ito. Nararapat naman dapat talaga na maghiganti siya rito.

Naisip-isip ni Ed na dahil wala rin naman siyang kakayahan na magmahal, bakit hindi
na lang ganoon ang gawin niya? Kahit kailan ay hindi niya pa nararamdaman ang
pakiramdam ng magmahal. Iyong tipo ng mag-care para sa isang babae kaggaya na lang
ng kaibigan niyang si Augustus kay Melanie. Sa naisip na iyon ay tila gustong
sapukin ni Ed ang sarili. May naalala siya bigla. Naramdaman na pala niya iyon. Kay
Alyssa. Noong bata pa sila. At ngayong malaki na sila, nararamdaman naman niya na
hindi niya gusto ang pakiramdam na nasaktan niya ito.

Playboy siya at hindi na sikreto sa kanya na may mga babae na rin siyang nasaktan.
Ngunit kailanman ay hindi siya nakonsensya ng ganito.

Pero sa kabila noon, umasa ka pa rin na papayag siya! Sigaw ng isang bahagi ng utak
ni Ed.

Nakonsensiya sa ginawa niya kay Alyssa pero naggawa niya pang puntahan ito ngayong
araw. Nagpakita pa siya rito at tila lalong sinaktan ito sa pagpili rito para lang
maging designer ng suit na isusuot niya sa kasal nila ni Aliciana. Pero dahil gusto
niyang makita ito ay ginawa niya iyon. It seems like he couldn't get enough of her.
He wanted to see her... Kahit nakokonsensya siya sa inalok niya rito ay umaasa pa
rin siya na papayag ito sa kondisyon niya. He wanted Alyssa...

Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Kaya ba nangyayari iyon sa kanya dahil mali
ang ginagawa niya? Karma niya ba ang lahat ng ito?

He was affected by the mere thinking of Alyssa getting close again to him. He still
could feel the sensation when their bodies got close. Maganda rin naman si Alyssa.
Hindi imposibleng maramdaman niya ang pagnanasa rito. But she doesn't seem to be
the kind that he usually goes for. Iyong mga babaeng pangkama lang. A mistress. She
was far away from that. She was a girl worth keeping for.

At naniniwala siya na hindi niya deserved ang kaggaya nito. Kaya nga mas pinili
niya ang kapatid nito kaysa rito mismo.
Ngunit kaya ba niyang panindigan ang paniniwala niya gayong kahit alam niyang mali
ay ginugulo pa rin nito ang isipan niya? Kahit napakasama ay gusto niyang umasa na
papayag ito sa gusto niya?

Ed really felt mad and crazy. Ito ba ang epekto sa kanya ng lahat ng biglaang
responsibilidad na napatong sa kanya? Umaasa siya na sana nga ay ganoon lang. Dahil
kung hindi, he knew he will be in a big trouble.

        12. Pity [International Billionaires 3:...]

            "I REALLY couldn't lose your sister, Alyssa. She is everything to me..."
madamdaming wika ni Charles kay Alyssa. Ngayon ay dumayo pa ito sa Medoires para
lang may karamay ito sa pinagdadaanan nito. Sinubukan rin kasi nitong kausapin si
Aliciana tungkol sa sitwasyon. Ngunit dahil ayaw itong kausapin ni Aliciana ay
pinili na lang nitong sa kanya mag-confide ng problema bilang nag-iisang kilala
nito sa isla. Hindi maggawang makipag-usap rito ni Aliciana sa dahilang maaring
magkaroon ng malaking issue kapag kumalat ang balita na nakikipag-usap ito sa ibang
lalaki gayong marami ng may alam na ito ang piniling maging asawa ng hari.

"I tried to talk to him, Charles. But he won't listen. He won't give an escape...."
Pakiramdam ni Alyssa ay may bumikig sa kanyang lalamunan pagkatapos naman niyang
sabihin iyon. Alam niya na may paraan. But she couldn't take it. How can she? Ang
pagkakaintindi niya sa sinabi ni Ed ay gagawin siya nitong babae nito. Isasama sa
mga koleksyon nito ng babae na kapag pinagsawaan na nito ay basta na lang nito
ididispatsa. Could she live with that? Could she live to give herself to a person
she knew who couldn't love her?

Aminado naman siya na may gusto siya kay Ed. Na nahihiling niya na sana ay siya na
lang ang pinili nito at hindi si Aliciana. Pero iba pa rin pala ang pakiramdam.
Lalo na at hindi ipinahiwatig sa kanya ni Ed na siya ang gusto nitong pumalit sa
puwesto ni Aliciana. He just simply wanted her to be her mistress---not a wife. She
felt so low and it just hurts. Iniwan niya si Ed sa sobrang sakit.

Hindi niya makakaya ang kondisyon nito sa kanya. Ngunit makakaya rin ba niya na
makitang nasasaktan si Charles at ganoon rin si Aliciana? Hindi man niya nakikita
ng personal si Aliciana ay sigurado naman na nasasaktan ito dahil napilitan lang
naman ito sa lahat. Si Charles dapat ang pakakasalan nito. Pumayag ito sa gusto ni
Charles kaya siguradong nag-aalala rin ito sa kaibigan niya. Naiipit lang talaga
ito sa sitwasyon.

"If I only had the same power with the Prince, I would have fight him. Damn it! I'm
so miserable, Alyssa. What should I do? This pain is killing me..."

Niyakap ni Alyssa si Charles. Kahit siya ay naawa rito. Gusto niyang tulungan ito
hindi lang dahil sa kaibigan siya nito. Malaki rin ang utang na loob niya kay
Charles. Nang mga panahong nagkaproblema siya ng problemang pangpinansiyal dahil
unti-unti ng nararamdaman ang pagkabagsak ng Royal House of Braganni at
nakakalimutan ng mga magulang niya na padalhan ng panggastos niya sa London ay si
Charles ang tumulong sa kanya. Kahit hirap rin sa pera ay ginawan ng paraan ni
Charles na mabuhay pa rin siya kaggaya ng dati. Tinipid nito ang sarili para lang
gumaan ang sa kanya. Napakabuti nitong kaibigan kaya hindi niya gustong nasasaktan
ito. Hindi iyon nararapat para dito.
"I would die without her. She is my dream. The love of my life. I can't lose
her..." pagkatapos ay lumagok na naman ng alak si Charles. Kanina pa nito nilulon
ang sarili roon na hindi naman normal na ginagawa nito.

Ganoon ba talaga ang nagmamahal? Hindi pa sigurado ni Alyssa ang nararamdaman niya
para kay Ed kaya hindi niya masasabi kung minamahal nga ba niya ito. Nalulungkot
isipin na kailangan pang dumaan sa ganoon ang mga pangyayari dahil lang sa isang
paghihiganti. Gusto man niyang sabihin ang mga natuklasan ay wala naman siyang
magagawa. Naisip kasi ni Alyssa na maaring makasama pa iyon sa sitwasyon kung
malalaman ni Charles o Aliciana ang totoo. Pero maatim ba talaga niya na masaktan
ang dalawa kung may magagawa naman siya?

Mahal niya ang dalawang taong ito na nasasaktan. Dalawa ang nagdudusa samantalang
kung papayag siya sa kondisyon ni Ed ay iisa lang siya. Isama pa na gusto rin naman
niya si Ed, hindi ba? Ito ang sikretong sinisinta niya. Sikreto lang dahil hindi
naman siya umaasa na mapapansin rin nito.

Hanggang ngayon.

He wanted her. She likes him. Ilang magazines na ba ang nabili niya dahil rito?
Hindi siya mahilig magbasa ng mga magazines---lalo na ng mga pang-showbiz magazines
pero dahil kay Ed ay bumili siya. Isa lang siya sa mga libo-libong babae na
nagkakagusto rito. He was her fantasy. Would it be bad if she gave herself to him?
Hindi ba at magbe-benefit pa nga siya roon?

Ngunit tama ba ang lahat kung ganoong alam niyang hindi naman masusuklian ang
lahat? There's no love. Only lust.

Gulong-gulo na ang isipan ni Alyssa.

        13. Wanted [International Billionaires 3:...]

            SA KABILA ng kaba ay pinilit ni Alyssa na maging mukhang kampante at


kalmado nang sumugod siya sa Royal House of Ferreira. Hindi na niya kaya pa ang
lahat ng ito. Kailangan na niyang gumawa ng paraan. Kailangan na niyang kumilos.

Kaninang umaga ay natagpuan niya si Charles na may hawak na kutsilyo at muntik ng


kitilin ang buhay nito dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman sa sitwasyon. Awang-
awa na siya rito. He'd gone crazy over her sister. He'd gone crazy because of the
situation. Nasasaktan rin siya sa nangyayari kaya nakapagdesisyon na siya.

Kailangan niyang pumayag sa gusto ni Ed gaano man kalupit iyon.

"The Prince would see you in his study," sabi ng isang staff at inalalayan siya
para makapunta sa lugar kung nasaan si Ed.
"Obrigada," pagpapasalamat siya sa staff at nagpaiwan na para makapasok siya ng
study. Madali naman niyang nakita roon si Edna nakakunot pa ang noo nang makita
siya kahit na ba inaasahan na niya na iyon ang magiging reaksyon nito kapag nakita
siya.

Siguro ay maaring isipin ni Ed na hindi siya si Alyssa na nakilala nito. Well,


kahit siya rin naman ay hindi makilala ang sarili niya. She transformed into a
different woman. Ngayon ay nakasuot siya ng hapit sa katawan na damit na sa buong
buhay niya ay ngayon lang niya ginawa. And she put make-up on her face. Ginawa niya
ang mga iyon dahil gusto niyang maging kaakit-akit para kay Ed. Hindi ba at sinabi
nitong gusto nito ang ganda ni Aliciana? Ganoon mag-ayos ang kapatid niya.

He desired her? She just made it easy for him. Kahit na ba tila mababang babae siya
sa lagay niya ngayon kagaya ng hindi nito inaasahan sa kanya, gagawin niya para na
rin sa kasiyahan ng dalawang tao na mahalaga sa kanya.

"Meu Deus, Alyssa! What have you done to yourself?"

Bakit sa halip na masiyahan si Ed ay tila galit pa ito sa nakitang itsura niya?

"Payag na ako sa kondisyon mo, Ed. Just leave my sister alone." Pinilit ni Alyssa
na tatagan ang kanyang boses. Nilapitan rin niya si Ed. Giving him an entire view
of herself. Para tigilan na siya nito. Para matapos na ang dapat matapos.

Lumapit si Alyssa kay Ed. Hinawakan ang mga balikat nito. Pakiramdam niya ay
nanginginig pa siya. Kahit kailan ay hindi niya pa naggawa sa isang lalaki na
makipaglapit ng ganoon. Ang mang-seduce. Pero gusto na niyang matapos ang lahat ng
ito. Maaring malaki ang mawala sa kanya pero sa ikabubuti naman ng dalawang tao.
Iyon na lang ang iisipin niya. Isama pa na tumatanda na siya. Mahigit treinta na
ang edad niya at ni hindi man lang niya nararanasan ang ganito at kung papatagalin
pa niya, maaring hindi na nga dumating sa kanya. Mabuti na rin ang ganito lalo na
at may nararamdaman naman siya kay Ed. Hindi na rin ganoon kasama ang lahat.

Naramdaman niyang tila natensyon si Ed sa ginawa niya. "What do you think you are
doing?!"

"Nasabi ko na sa 'yo. Payag na ako sa kondisyon mo. Ibibigay ko ang sarili ko sa


'yo kapalit ng paglaya ni Aliciana. Handa na ako, Ed. Gagawin ko ang lahat para
lang mapatawad mo na siya, ang makalaya siya sa sitwasyon niya..."

Matagal na nakatingin lang si Ed kay Alyssa. Tila namangha sa sinabi niya rito.
Tila hindi makapaniwala. Pagkatapos ay unti-unting nagdilim ang anyo nito. Mukhang
galit. Naglaro ang tanong na bakit sa utak ni Alyssa. Iyon ba ay dahil sa hindi
siya nito natagpuan na kaakit-akit? Hindi pa ba siya sapat rito? Sinubukan naman
niyang gawin ang lahat ng makakaya niya para pumabor siya rito. Tapos iyon pa ang
makukuha niya?

Lalong nasaktan si Alyssa. Ngunit hindi siya puwedeng sumuko. Kailangan niyang
gawin ito kahit gaano man kasakit.
Huminga nang malalim si Alyssa para kumuha ng lakas ng loob. Just looking at this
devastatingly handsome Prince made her knees shake already. Paano pa kaya kapag
hinalikan na niya ito? Kapag niyakap siya nito? Crush her into his arms. Writhe
under him....Paniguradong matutunaw si Alyssa. Tuluyan na bibigay ang puso niya.
But it was the consequence. It was the condition. And she was bound to do all of
this without a choice...

Ginawa ni Alyssa ang alam niyang nararapat niyang gawin sa sitwasyon. Kailangan
niyang sirain ang lahat ng tensyon. Kailangan niyang mas akitin ito.

She kissed him.

Hindi iyon ang unang beses na humalik si Alyssa sa hindi niya kabaro. Minsan na
niyang nasubukan iyon pero ngayon niya napatunayan ang lahat ng mga sinasabi ng mga
umiibig tungkol sa halik. That there is something in it. Like a magic. Ngayon ay
alam na niya na totoo iyon. Tila naging kabayo na napabayaan ang tibok ng puso niya
sa bilis. Naging gelatin ang tuhod niya. Hindi siya makahinga...sa saya.

She had kissed the one she has liked for so long. Nahahawakan niya ito. Tila isang
pangarap. And she felt like exploding when she felt that Ed gave the kissed back.

Nag-init si Alyssa sa paraan ng pagresponde ni Ed sa halik niya. Maaring matagal


bago nangyari iyon pero nakakalunod ang sarap na naramdaman niya. Tila bigla rin na
nagningas ang katawan niya sa ginawa nito.

"Meu deus, you taste so sweet. I felt like I could kiss you forever. So
addictive..." bulong ni Ed sa pagitan ng halik nila. Halos hindi na makahinga si
Alyssa sa paraan ng paghahalikan nila. It was so passionate. It was so wild. Tila
makakapagpailaw sa buong bayan ang init na pinagsasaluhan nilang dalawa.

Naramdaman niya ang mga kamay ni Ed na naging mapaglaro sa katawan niya. Sandali
siyang natensyon. So this is really happening. Ngunit sa halip na makaramdam ng
kahit anong pag-aalinlangan o pagsisisi, purong saya ang nararamdaman ni Alyssa.
Gusto niya ito. Gusto rin niya ang damdamin na ibinibigay sa kanya ni Ed.

Ngunit sandaling tumigil ang magical moment na iyon nang naramdaman niyang nanigas
ito at tumigil sa paghalik sa kanya. Tumingin ito sa kanya. Ngayon ay wala na ang
galit sa mukha at mata nito. His eyes were full of passion. Nakikita rin niya ang
apoy mula roon. It was desire. For her. Or so she thought.

"A-are you really sure you want to do this?"

Kumunot ang noo niya. "Ito ang gusto mo. Ito ang kondisyon mo. Gusto mo ako bilang
kapalit ni Aliciana, I offer myself to you. I don't care what the consequences are,
I---"
Napatigil siya nang makita ang galit na naman ngayon sa mukha nito. "Nagkamali
ako."

Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ba nagustuhan ni Ed ang performance niya? Hindi ba
siya nito nagustuhan? She stoop that low then he'd just say this things? Damn him!

"I'm sorry, Alyssa. I don't do this. Masyado akong nagpadalos-dalos sa sinabi ko sa


'yo noon. Nagulat lang ako. Its not really my intention to say those to you.
Nabigla ako."

"Kung ganoon ay sinasabi mong wala naman talagang kuwenta ang lahat? Walang halaga
dahil hindi mo rin palalayain si Aliciana? Damn you, Ed!"

"N-no, I---" napatigil si Ed sa pagsasalita nang makita nitong unti-unti ng pumatak


ang luha sa mga mata ni Alyssa. A while ago, she was overwhelmed with happiness and
now, she was overwhelmed with the pain. "Meu Deus, don't cry!"

"Gagawin ko ang lahat para lang palayain mo siya. Pero bakit kahit ginagawa ko
naman ang lahat ay hindi mo nagustuhan? Nagdahilan ka pa! Sabihin mo na lang sa
akin na hindi mo talaga ako gusto. That I am a lame lover. That I am an
inexperience one. Hindi ako naging sapat sa inaasahan mo! Goddamn it! Just tell the
truth!"

Nagtiim ng bagang si Ed. "Kinokontrol ko lang ang sarili ko, Alyssa. Alam ko na
hindi ikaw ang isang babae na nababagay para rito. And I don't care if you are an
inexperience one. Nakikinig ka ba sa sinabi ko sa 'yo kanina? I found your lips so
addictive so how can I not want you?!"

Napatigil si Alyssa sa sinabi ni Ed. Tinignan niya ang muli ang mukha nito. "I
wanted you, minha querida. Pero hindi ko kayang gawin ang lahat ng ito na alam kong
napipilitan ka lang. Na hindi mo ito gusto. I'm sorry---"

"Don't be sorry. Because I wanted it, too,"

Rumehistro ang gulat sa mukha ni Ed. "Alyssa, I---"

"Bakit ang dami mo pang sinasabi? You wanted me. I wanted you. Lets just get over
this," pagkatapos ng mga sinabi ay hinalikan muli niya si Ed. Hindi na ito muling
nagsalita at ipinagpatuloy ang mga ginagawa nila kanina.

Hindi alam ni Alyssa kung ano ang pumasok sa loob niya at naging ganoon kalakas
iyon. Pero pagkatapos ng lahat ng naumpisahan nila ni Ed? Hindi niya yata lubos
maisip na matapos na lang basta iyon. She wanted Ed. She wanted the feeling. Gusto
niyang ipagpatuloy ang mga naumpisahan. Gusto niyang palawakin pa lalo ang
karanasan na ito.

Bahala na ang bukas.


        14. Left [International Billionaires 3:...]

            NAGISING si Ed na kulay kahel na ang paligid. Nagpapahihiwatig lang iyon na


hapon na. Sa tantiya niya ay nasa isang oras rin siya nakatulog pagkatapos ng
ginawa nila ni Alyssa. Sa naisip ay awtomatikong kinapa niya ang katabing espasyo
ng kama niya na narating nila pagkatapos ng mainit na pangyayari.

Napakunot noo si Ed nang wala siyang makapa. Ibinaling rin niya ang tingin sa
katabi at nagulat nang malaman ang dahilan kung bakit wala siyang makapa. Alyssa
was not there.

Napatiim bagang si Ed nang mapagtanto kung ano ang ginawa nito. Umalis si Alyssa.
Iniwan siya nito. Pinaglalaruan ba siya ng babae? Pagkatapos ng lahat ay...

Pero bakit ba niya naiisip na pinaglaruan siya nito? Hindi ba at iyon ang mga gusto
niya sa mga naka-affair niyang babae? Ang wala na ang mga ito pagkatapos ng lahat
ng pangyayari?

Sanay si Ed na pagkatapos niyang makipagniig sa babae ay hindi na niya matatagpuan


ang mga ito kinabukasan. He always set rules to women before he went on. Isang one-
night stand lang palagi ang affairs niya. Kapag natapos na siya sa isang babae ay
hindi na siya umuulit. Wala pang kahit sino ang nakapag-satisfy sa kanya nang
malaki para hilingin pa niya na magkaroon ng panibagong pagkakataon sa mga ito.

But not with this lady...

Hindi maintindihan ni Ed kung bakit nagagalit siya rito. Iyon ba ay dahil sa unang
pagkakataon ay masasabi niyang talagang na-satisfied siya sa kama? Pero bakit naman
ganoon ang mararamdaman niya samantalang si Alyssa ang pinaka-inexperience na
babaeng nakasama niya sa kama?

It must be the feeling. Nais mainis ni Ed sa sarili. There was something he


couldn't explain whenever he touched Alyssa. May kung anong kuryente. May kakaibang
init. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang ganoong klase at napakasarap noon
na siyang naging dahilan kung bakit nasiyahan siya at kung bibigyan ng pagkakataon
ay gusto muli iyong maulit.

Ngunit paano niya gagawin iyon na iniwan na siya nito ngayon? Binigyan siya nito ng
senyales na nagsinungaling ito. She doesn't want him. Dahil kung gusto siya nito,
hindi ito aalis.

But she was a virgin... Sigurado naman na isa rin ito sa mga babae na pinangalagaan
ang katayuan ng mga ito. Ganoon na lang ba talaga ito kadesperada na ibigay na lang
sa kanya ang sarili para lang sa kapatid nito? Duda si Ed. There must be something
more to it. Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin maalis sa isip niya na
pinaglaruan lang siya ni Alyssa. Hindi niya gusto iyon. Naiinis siya.
Bumangon si Ed sa kama. He was still fully naked. Pakiramdam niya ay nanlalagkit
siya. It must be the sweat because of the lovemaking. Karaniwan naman na ganoon. Sa
sobrang intense ng nangyari, hindi na iyon kataka-taka. Hinawakan niya ang kanyang
pagkakalaki para tanggalin ang madalas na inilalagay niya roon bago makipagniig.
Ngunit wala siyang makapang kahit anong plastic.

Napamura si Ed. Hindi siya gumamit ng proteksyon!

Lahat na lang ba ng mangyayari sa babaeng ito ay first time?

Lalong nagngalit si Ed. How can be such an idiot? Sa sobrang pagmamadali niya
kanina na maangkin ito ay nalimutan na niya ang tungkol roon. Ang lakas talaga ng
epekto sa kanya ng babaeng ito. Kaya naman sa nalamang iyon, nakumbinsi niya ang
sarili. Sa kabila ng galit ay kailangan niyang ipahanap si Alyssa.

Ngunit bago niya pa maggawa iyon ay may isang pamilyar na boses ang sumigaw mula sa
pintuan ng kanyang silid.

"Tio?Tio Ed! Are you there? Hurry up, Dad has risen! Lets go to the hospital now. I
want to see him!"

        15. Pregnant [International Billionaires 3:...]

            One Month Later

"I-I'M PREGNANT?" tila may bumikig sa lalamunan ni Alyssa nang ulitin niya ang
sinabing resulta ng Doctor sa test na ginawa nito sa kanya.

"Yes, hija. You are four weeks pregnant. Congratulations!" masaya pang pagbati ng
Doktora sa kanya.

Pakiramdam naman ni Alyssa ay namutla siya sa narinig. Natulala rin siya. This
couldn't be happening.

"Its okay. First time mom ka ba? Normal na nangyayari 'yan sa mga unang beses na
mabuntis. Matagal mo na bang inaantay ito? Hindi ka makapaniwala?" tumingin ang
Doctor sa record niya. "Oh, you are already in your thirties."

Tumango si Alyssa kahit na ba hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit talagang
natatakot siya sa nalaman.

"Okay lang iyon. Kabilang ka pa rin naman sa early thirties. At ang mga bagong ina
sa early thirties ay marami pang lakas para alagaan ang anak nila. Walang maaring
problema basta alagaan mo ang sarili mo. Less stress dapat, ha? 'Yung mga
nararamdaman mo naman ngayon na pagsusuka, pagkahilo... normal lang iyan sa mga
unang buwan ng pagbubuntis. Mawawala rin iyon. But if you want to take meds to ease
the pain, its okay. May mga available naman tayong gamot na safe. Ililista ko rito
pati na rin ang mga vitamins na kailangan mong i-take,"

Hinayaan ni Alyssa na magsalita nang magsalita ang Doctor. Naririnig niya ito pero
pakiramdam niya ay tumatagos rin sa kabilang tainga niya ang mga iyon. Hindi niya
kayang i-digest agad ang sitwasyon.

Inaasahan na ni Alyssa na maaring mangyari iyon. Hindi sila gumamit pareho ni Ed ng


proteksyon. Pero ayaw niyang pakaisipin ang posibilidad dahil alam niyang
makakasama lang iyon sa sitwasyon.

Wala silang relasyon ni Ed pero kahit ganoon ay hindi niya masasabing aksidente ang
nangyari. Ginusto niya iyon. Siya pa nga ang nagpumilit rito. Kailangan niyang
harapin ang mga consequences ngayon.

Lumabas si Alyssa ng clinic na gulong-gulo pa rin ang isip. Doon ay sinalubong siya
ng kaibigan niyang si Jenny. Ito ang naging malapit na kaibigan niyang Filipina
noong nag-aaral pa siya sa London. Ito ang kasama niya na magpunta sa clinic.

"O, ano? Positive?" bira agad nito. Ang kaibigan niya ang nag-udyok sa kanya na
magpatingin nang maramdaman niya ang ilang sintomas kaggaya ng pagkahilo at
pagsusuka ng walang dahilan ilang araw na ang nakakaraan. "Hah! I knew it!"

Napaka-insensitive ng reaction ng kaibigan niya sa pinagdadaanan ngayon ni Alyssa.


Ngunit iyon ang normal na ugali ni Jenny. May pagkataklesa kasi ito. Minsan nga ay
naiisip niya kung paano sila naging magkaibigan samantalang marami ang nagsasabi na
siya ang kabaliktaran nito. May pagkamahinhin kasi siya.

"Anong plano mo ngayon?"

"Bear with it," wika ni Alyssa saka bumuntong-hininga.

"Alam ko na iyon ang gagawin mo, gaga! Akala mo ba papayagan kita na ipalaglag
'yan? I maybe a lot of things pero hindi ako masamang tao at hahawaan ko ang mga
kaibigan ko ng ugali kong iyon. Ang ibig kong sabihin, kung sasabihin mo ba sa ama
niyan ang naging bunga?"

Hindi sikreto kay Jenny ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Ed. Hindi niya
nakayang magtago sa kaibigan nang tanungin nito ang dahilan kung bakit sa wakas ay
nakumbinsi siya nitong pumunta ng Pilipinas para magtrabaho para rito.

Nagmamay-ari si Jenny ng fashion boutique at wedding dress and accessories shop sa


Pilipinas. Kadalasan ay matataas na tao ang sinseserbisyuhan nito---lalo na sa
wedding dress shop nito. Hindi rin basta-bastang fashion designer ang inuupahan ni
Jenny sa business nito na iyon. Dahil kilala siya ng kaibigan, alam niyang magiging
malaking tulong siya para maging mas lalo pang matagumpay ang negosyo nito. Pero
dahil mas nais niyang pagsilbihan sana ang lugar kung saan siya lumaki ay hindi
siya pumayag.
Exception ang pagpayag niya ngayon. Kailangan niyang lumayo sa Medoires. Sa mga
alaala at sa mga alam niyang masasamang alaala niya sa isla. Maaring magdulot ng
eskandalo ang nangyari at gusto niyang iwasan iyon. Umalis siya sa palasyo nang
maramdaman niyang nakatulog si Ed dahil hindi niya kayang salubungin ang mangyayari
pagkatapos.

Malaking kamalian ang ginawa ni Alyssa. Hindi dapat siya basta-basta na umalis na
lang pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Ed. Ni hindi pa nga siya sure kung
tutuparin nito ang kasunduan nila na kapag ibinigay niya ang sarili rito ay
kakanselahin na nito ang kasal nito at ng kapatid niya. Pero dahil kinain siya ng
pagkapahiya sa kapangahasan na ginawa niya ay umalis siya ng palasyo. Sakto namang
pagkauwi niya pagkatapos ng magandang pangyayari sa pagitan nila ni Ed ay tinawagan
siya ni Jenny. Masinsinan siya nitong kinausap dahil kulang na kulang daw ang tao
sa negosyo nito ngayon.

Gusto siyang papuntahin ng kaibigan sa bansang sinilangan nito para tumulong dahil
ang kailangan nito ay hindi lang basta-basta na fashion designer. Dahil graduate
siya sa isang world class fashion design school sa London, umaasa ito sa kanya.
Isama pa na designer rin siya sa isang malaking dressing company sa Medoires.
Naniniwala ito sa kanya.

Nagdalawang isip si Alyssa sa pagpayag sa alok ni Jenny dahil kailangan pa rin niya
ng assurance sa pagtupad ni Ed sa plano niya. Hindi dapat siya basta-basta na
lamang umalis pagkatapos ng lahat. Pero dahil sumabog agad ang balita na naggising
na ang hari ay naisip ni Alyssa na maaaring hindi na nga matuloy talaga lalo ang
kasal. Ipinilit lang naman si Ed na humanap ng babaeng papakasalan para roon. At
tama naman ang naging hinala niya. Tinupad ni Ed ang pangako. Inanunsiyo na rin sa
buong Medoires ang pagkansela ng kasal. Tila nasayang rin ang effort niya dahil
maaaring mas malaking epekto ang sa paggising ng hari. But after all, wala na rin
naman siyang magagawa. Nangyari na ang nangyari.

Hindi iyon ang unang beses na nakapunta si Alyssa sa Pilipinas. Minsan na siyang
isinama ni Jenny roon para magbakasyon. Maganda ang Pilipinas at nagkaroon siya ng
masayang oras nang bumisita siya roon. Gusto niya ang pakikisama ng mga tao. At sa
pagbalik niya ngayon ay masasabi rin ni Alyssa na halos wala siyang naging
problema.

Maliban sa nalaman niya ngayon.

"I-I am yet to decide, Jen. Gulong-gulo pa ang isipin ko ngayon. Sumagi sa utak ko
na maaring mangyari ito pero---" tuluyan nang bumigay si Alyssa. Napaiyak siya.

Huminga nang malalim si Jenny. "Its okay. Its going to be okay. Nandito naman ako
para sa 'yo. Tutulungan kita,"

Tumango si Alyssa. Gusto niyang umasa sa sinabi ng kaibigang si Jenny lalo na at


may karanasan na rin naman ito sa pagiging ina. May anak na rin si Jenny, isang
apat na taong gulang na babae. Pero wala itong asawa. Isang dalagang ina si Jenny
at alam niyang hindi magandang karanasan iyon.
Dahil kaibigan niya ito ay alam niya ang pinagdaanan nito. Hindi tanggap ng pamilya
nito ang nangyari at walang kahit ano itong nakuha mula sa ama ng anak nito. Solo
na hinarap nito ang mga problema sa pagbubuntis at pati na rin ang pagpapalaki ng
bata na siyang ngayon ay ang pinakamahirap na pinagdadaanan nito. Lalo na ngayong
kinukuwento sa kanya ni Jenny na nagsisimula na raw magtanong ang anak nito kung
bakit wala ang ama nito.

Alyssa fears everything. Lalo na at hindi lang bastang tao ang ama ng anak niya.
The child she was bearing right now is a prince heir. Isama pa na pinapahalagahan
nang husto ang pamilya sa Medoires. Kung sakaling malaman ni Ed ang tungkol sa
kalagayan niya, malaki ang hinala niya na pananagutan nito ang bata at pati na rin
siya. Ngunit gugustuhin niya ba na mangyari iyon gayong alam niya na walang
pagmamahal ito sa kanya? Ni hindi nga siya nito hinanap pagkatapos ng nangyari.

Ibig sabihin lang noon ay wala itong pakialam sa kanya.

O baka talagang abala lang talaga siya, may isang maliit na bahagi ng isip ni
Alyssa ang nagsasabi.

Maaring pakinggan ni Alyssa iyon. Nang mga panahong umalis siya sa Medoires ay
sakto namang naggising si King Rodrigo. Nagdiwang ang palasyo pero ramdam ni Alyssa
na mahirap pa rin ang sitwasyon. Dahil galing ito sa isang maselang kondisyon, ibig
sabihin lang noon ay mas mahirap itong makaka-recover. Bukod sa pagtingin ng lagay
ng hari ay ang pamamalakad pa rin ng isla. Marami siyang naisip na bagay na maaring
pagkaabalahan ni Ed.

Pero tama ba na umasa si Alyssa na talagang hindi intensyon ni Ed na hindi siya


hanapin samantalang kilala si Ed bilang lalaking palagi lang naka-one night stand?
Iyon lang naman talaga ang gusto nito 'di ba? Nasigurado na rin naman niyang
tumupad ito sa usapan nila. Hindi na dapat rin niya ito iniisip dahil roon. Tumupad
ito sa usapan nila. Pero sa pagdating ng balitang iyon sa kanya, alam ni Alyssa na
mas madalas pa kaysa sa dati na papasok sa utak niya si Ed.

Gulong-gulo si Alyssa. Nakakaramdam siya ng kasiyahan na may isang buhay na


sumisibol mula sa kanya ngunit mas kinakain siya ng takot. Ng mga what-if's. Ano ba
ang dapat niya ang gawin? Tama ba na ipaalam niya kay Ed? Pero paano kung ipilit
nito ang sarili sa kanya? Sa kabila ng nararamdaman niya rito, hindi niya pa rin
kayang mabuhay kasama ang isang tao ng walang pagmamahal.

        16. The Visit [International Billionaires 3:...]

            TATLONG araw pagkatapos ng nalamang balita ni Alyssa ay hindi pa rin siya


nakakapagdesisyon kung tama ba na sabihin niya iyon kay Ed. Gusto niya munang
ayusin ang sitwasyon, ang i-digest nang ayos ang balita. Isama pa na hindi niya
alam kung anong lagay ni Ed kahit na ba madalas niyang tinitignan ang website ng
Medoires para malaman ang mga bagong pangyayari lalo na sa royal family. Naging
mabilis ang recovery ni Prince Rodrigo at malapit na raw ito muling mamuno.
Kinailangan rin niya na maging updated dahil kahit na ba nalaman niya na kinansela
na ang kasal, hindi pa rin niya masisisgurado ang mangyari. Kailangan pa rin niya
ng assurance sa ginawa niyang pabor kay Ed.
As for her sister and Charles, hindi niya pa lubos na maintindihan ang sitwasyon ng
mga ito. Pero nang tawagan naman niya si Charles nitong nakaraan ay naramdaman niya
na maayos na ito sa kabila ng kalamigan na narinig niya sa boses nito. Sinabi
nitong bumalik na ito muli sa London para asikasuhin ang business nito.

Sa paggaling ng hari ay halos wala ng problema ang lahat. Maliban sa kanya. Ngunit
pinilit ni Alyssa na huwag pakaisipin ang problema. Pinayuhan siya ni Jenny na
huwag mag-isip masyado dahil baka makaapekto iyon sa kondisyon niya. Kaya para
ialis sa isipan ang problema, minabuti na lamang niya na igugugol ang panahon sa
trabaho.

Hindi naman ganoon kaselan ang pagbubuntis ni Alyssa. Nagsusuka at nahihilo rin
siya paminsan-minsan pero madalas ay tuwing umaga lang iyon. Bago siya umalis ng
bahay para sa trabaho ay maayos na rin ang pakiramdam niya. Nagagawa niya nang
maayos ang trabaho niya at maganda rin ang feedback ng mga customers sa mga design
niya. Hindi lang basta-basta ang mga nagiging customer niya kaya lalo siyang
nagiging proud sa sarili niya dahil nagugustuhan ng mga ito ang designs niya.

"Alyssa, hindi ba patapos ka na sa gown ni Miss Saquilon? Puwede ka na bang


tumanggap muli ngayon ng isa pang bigating customer?" wika sa kanya ni Zyrene, ang
manager ng Wedding Belle---ang wedding dress and accessories shop na pagmamay-ari
ni Jenny. Kapag wala si Jenny sa shop, kaggaya ng araw na iyon, ay ito ang
umaasikaso sa kailangan ng mga customers.

"Yes. Finishing touches na lang. Sure thing. Nandiyan ba sa labas ang customer?"

Tumango si Zyrene. "Gusto ni Ma'am na siya ang magbigay ng idea ng wedding gown
niya kaya gusto sana niya na makausap ng personal ang fashion designer,"

Pinagbigyan ni Alyssa si Zyrene. Nilabas niya ang sinasabi nitong customer. She
looked lovely and nice, too. Sa unang tingin pa lang ay nararamdaman na ni Alyssa
na wala siyang magiging problema sa demands nito. Hindi naman nagkamali si Alyssa.

Mabait na kausap ang customer na nalaman niyang Melanie ang pangalan. Hinayaan pa
nito na mag-first name basis sila. Isama pa na gusto rin niya ang mga ibinigay na
ideas nito. Mabilis niya na na-picture out.

"For sure, you will look lovely with the dress. Isama pa na napakaganda mo,"

Bahagyang namula si Melanie. "Salamat. I also want to please Augustus. My groom


deserves something really beautiful."

Napakunot ang noo ni Alyssa nang marinig ang pangalan ng magiging asawa nito.
Kanina pa niya napapansin na parang pamilyar ito sa kanya. At nang sabihin nito ang
pangalan ng groom nito ay tila nagkakaroon na siya ng ideya kung bakit pamilyar si
Melanie...
"Ah, ano nga ulit ang pangalan ng groom mo?"

"Augustus. Augustus Foresteir. Ring a bell?" ngiti-ngiting wika ni Melanie. "Sayang


nga lang at hindi siya nakasama. Mayroon kasi siyang importanteng meeting na hindi
puwedeng basta-basta na lang i-cancel. But its okay, I understand. Isa pa, hindi
naman talaga niya ako pinabayaan. Mamaya susunduin ako ng isa sa mga kaibigan ni
Augustus at---" hindi na naituloy ni Melanie ang sasabihin nito nang napansing may
nagbago sa ekspresyon ng mukha ni Alyssa. "Alyssa, namumutla ka. Mayroon bang---"

Itinaas niya ang kamay niya para patigilin ito. Pakiramdam niya ay sumama ang
pakiramdam niya sa pagkarinig pa lamang ng isang tao na alam niyang may malaking
kinalaman kay Ed. Dahil matagal na siyang may gusto rito, madalas na binibili niya
ang mga magazines kung saan napi-feature ito. Minsan na na-feature ito kasama ang
ilang matatalik nitong kaibigan at kasama roon si Augustus. Alam rin niya na may
Group of Companies na itinayo ang mga ito at isa sa mga on hand na namamahala roon
si Augustus. Kasama si Augustus sa mga tinaguriang "International Billionaires".

"Excuse me, Melanie. Biglang sumama ang pakiramdam ko," wika niya at lumabas ng
shop. Pakiramdam ni Alyssa ay kailangan niya ng fresh air. Huminga siya nang
malalim, pinilit na ayusin ang sarili. Isa rin siguro iyon sa mga epekto ng
pagbubuntis niya.

Sa pagpapaayos ni Alyssa ng sarili ay may Rolls-Royce na pumarada sa harap niya.


Pakiramdam yata niya ay lalo pang sumama ang pakiramdam niya kaysa sa karamihan ng
mga tao sa labas na namangha sa nakitang magarang sasakyan. Pamilyar rin kasi iyon
sa kanya. Ngunit ayaw niyang isipin kung sino.

Hindi naman talaga niya ako pinabayaan. Mamaya susunduin ako ng isa sa mga kaibigan
ni Augustus,

Could it be?

Nanlabo ang paningin ni Alyssa nang lumabas ang pangunahing tao sa Rolls-Royce. And
the next thing she knew, everything went pitch dark.

        17. No Love [International Billionaires 3:...]

            NAGGISING si Alyssa sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Nahulaan na ang


dahilan kung bakit dahil mabilis na nagbalik sa isip niya ang mga nangyari kanina.
Nahimatay sita at malamang ay dinala siya ng kung sinong tumulong sa kanya sa
ospital---base na rin sa kulay ng kuwarto na puro puti. Ngunit kinilabutan si
Alyssa sa isipin na kilala niya kung sino ang tumulong sa kanya. Hindi naman
nagkamali ang pakiramdam niya.

"So you're awake. How are you feeling now, minha querida?" Ed sounded relieved.
Malayong-malayo sa nararamdaman ni Alyssa ngayon.

"I-I'm fine. I think I could handle my condition on my own now," tatayo sana siya
kung hindi lang siya nakaramdam nang kung anong masakit sa kaliwang kamay niya.
Doon lang niya napagtanto na naka-dextrose pala siya.

"What the hell?"

"Lumabas sa diagnosis mo na dehydrated ka,"

"Right. Iyon lang ba?" nanalangin si Alyssa na sana ay iyon nga lang ang sinabi sa
kanya ng Doctor. "Kung ganoon ay---"

"Nope. Hindi lang iyon. Alam ko na ang lahat, Alyssa."

Inaasahan ni Alyssa na makakarinig siya ng galit sa tinig ni Ed. Pero mahinahon


lang ito. Tumungo siya. "I'm sorry..."

"So you knew. Bakit kailangan mong itago sa akin? Kailan mo pa nalaman?"

"Just a few days ago," sinabi ni Alyssa ang dahilan niya kay Ed.

"I understand," tumango-tango si Ed at hindi na muling nagsalita. Mahinahon ito


pero mukhang may iniisip. Nagkaroon ng oras si Alyssa para pakatitigan ito. Hindi
ganoon ang naiisip niyang reaksyon ni Alyssa na magiging reaksyon nito. Naiisip
niya na magagalit ito dahil masamang balita iyon.

Kilala niya si Ed. He was a player and being like that, she was expecting he
wouldn't like the news. Isang malaking responsibilidad rito ang bata at maaring
maging dahilan iyon para matali ito sa isang babae. Gugustuhin ba ng isang lalaking
kaggaya nito ang ganoon?

"I'll marry you," kapagkuwan ay sabi ni Ed.

"No! Hindi mo gagawin iyon!" naisip na ni Alyssa na maaring isuhewistiyon iyon ni


Ed kaya mabilis siyang nakaresponde.

Ginanap ni Ed ang kamay niya at tila lahat ng lakas ng loob ni Alyssa ay natunaw.
"Hindi ko hahayaan na magkaroon ako ng anak na bastardo. Isa pa, taga Medoires ka.
Alam mo ang kultura. Kailangan kitang pakasalan,"

"Nasa modernong panahon na tayo. Don't be so old fashioned. We can live well on our
own. Ang mahalaga ngayon ay nalaman mo na. Iyon lang naman talaga ang gusto kong
iparating sa 'yo," iniwas ni Alyssa ang mukha mula rito.

Doon na lumalabas ang inaasahan niyang galit kay Ed. "You can't just simply put
things like that! Anak ko ang batang 'yan. Kailangang kasali rin ako sa pagpapalaki
sa kanya. We will get married. Whether you like it or not!"
"Inaasahan ko na maaring gawin mo ito. Pero ayaw ko, Ed. Hindi ako magpapakasal
dahil lang sa kinakailangan o dahil sa isang responsibilidad. I will marry because
of---"

"Love," putol ni Ed. "I should have known."

"I-I don't love you," bahagyang nautal si Alyssa nang sabihin iyon. Pakiramdam kasi
niya ay nakapagsalita siya ng isang kasinungalingan dahil hindi man niya maamin sa
sarili niya, pakiramdam niya ay may higit pa siyang nararamdaman kay Ed bukod sa
paghanga. Pero ayaw niyang aminin iyon dahil alam niyang sa huli, masasaktan lang
siya. Isama pa na sandali pa lang naman ang pinagsamahan nila. Tanging sa mga
artikulo at showbiz news niya lang nasubaybayan ito. Doon nakilala nang husto. She
couldn't love someone that far, could she? "And we all know that you aren't capable
of loving,"

Sandaling natahimik ito. "Siguro nga. But I do care for you. I do care for our
child, too. Poprotektahan ko kayong dalawa, Alyssa. I won't let anything harm you
that would surely happen if you won't agree with me. Gusto mo bang mailagay sa
eskandalo? Nabuntis ka ng isang lalaking hindi ka pinanagutan..."

Napapikit siya. Walang sinoman na babae na gugustuhin iyon. Kahit siya ay ayaw rin
na mapahiya. But she had values in life, too. Hindi niya kayang maatim na pakasalan
si Ed ng walang pagmamahal. Masyado siyang may romantic bones sa katawan para hindi
sundin ang values niya. "Pero magiging miserable tayo..."

"I don't think so. Ayaw mo bang bumalik sa dati mong buhay, Alyssa? I know what
happened. I know what you have been through. You were once a princess. Kapag
nagpakasal ka sa akin ay babalik ang titulo mo na iyon. Magiging mas maayos ang
buhay mo. A wealthy life, a---"

"Hindi ko kailangan iyon. Hindi ako ganoon kadesperada. The princess life kind of
suffocates me. Bakit ko naman babalikan pa iyon?"

Hinawakan ni Ed ang balikat niya. "Kung ganoon ay itatanggi mo sa anak natin ang
isang magandang buhay, isang pamilya dahil lang sa paniniwala mong iyon?"

Natigilan si Alyssa. May punto si Ed. Maatim ba niyang dahil lang sa mga paniniwala
niya sa buhay, hahayaan niyang mabuhay ng walang ama ang anak niya? Hahayaan niyang
maging anak ito out of wedlock? Ang tuksuhin paglaki nito?

"Ayaw kong maging duty bride mo lang, Ed. You know how I hate it when I've known
that you'll just use my sister. Ganoon rin ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw kong
gamitin mo lang. Ayaw kong magpakasal ng wala tayong nararamdaman...."

Sa sinabi niyang iyon ay inilapit ni Ed ang sarili sa kanya. Sigurado si Alyssa na


maayos na ang pakiramdam niya pagkagising niya. Pero sa pagkakalapit nilang iyon ni
Ed, pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng sakit sa puso. Bumilis ang takbo ng puso
niya na ramdam niyang hindi na iyon normal. Pero hindi ba't palaging ganoon ang
pakiramdam niya kapag lumalapit ito nang husto sa kanya? Kinakatakot niya iyon. Mas
matindi pa sa takot na nararamdaman niya kung may sakit nga siya sa puso.

"Wala nga ba, minha querida? Hindi mo ba naramdaman ang "passion" nang ginawa natin
ang bata? Didn't you like it? Hindi pa ba sapat na dahilan ang mga iyon para
magpakasal tayo?"

Napalunok si Alyssa. Mukhang malapit na siya nitong mapa-oo. Dahil alam niyang
malaking dahilan iyon para magsama silang dalawa.

Pero hindi papatalo ang insecurity na nararamdaman niya. "But surely, you have felt
it for the other girls, too. I am inexperienced so I'm not an exception. I am not
special...."

"You first gave me yourself. Ikaw ang kauna-unahang babae na nag-alok sa akin nang
ganoon. You are special. At sa mga nakalipas na buwan, sa kabila ng pagiging abala
ko sa maraming bagay, hindi ka mawala-wala sa isip ko. Even if you are out of my
sight, you're always running in my mind. Especially the thought of having you again
in my bed..."

"You—you what? You do?" lalo yata siyang aatakihin sa pinagsasabi nito!

"Even if I want you again, alam ko na hindi ako nararapat na lalaki para sa 'yo.
You are so beautiful. So innocent. So pure. Samantalang hindi maganda ang record
ko---lalo na sa mga kabaro mo. Pero nagbago na ang lahat ngayon. Kailangan natin na
magpakasal para sa bata. It matters a lot now. Pero hindi lang iyon ang dahilan
kung bakit gusto kitang maging asawa. Gusto kita, minha querida. I want you."

Pagkatapos ng mga sinabi ay tinawid ni Ed ang kaunting espasyo na naglalayo sa


kanilang dalawa. Hinalikan siya nito. May isang bahagi ng isip niya na gustong
magprotesta sa ginawa nito. Pero malaking bahagi noon ang bumigay sa halik.
Napapikit pa si Alyssa ng mga mata. Sensation was enveloping her body as his lips
took wreckless possession of hers. Ngunit hindi niya maggawang magprotesta. Alyssa
felt like a slave in his kiss. Sa halip ay naggawa niya pang ibalik iyon. She felt
crazy---lalo na nang mapagtanto kung nasaang sitwasyon sila. Anumang oras ay
maaring may pumasok sa hospital room niya.

"E-Ed...no," kahit binabalot siya ng nakakakiliting sensasyon ay sinubukan ni


Alyssa na pigilan iyon.

"Don't refuse me. Alam ko na gusto mo rin ito."

"But the nurses, they can---"

Tumigil si Ed sa ginagawa. Mukhang nakuha na nito ang ibig niyang sabihin nito.
Inayos nito ang sarili. "All right. But don't try to refuse me again, minha
querida. I will marry you. I want you. I will have you---for forever."
Muling nagulo ang isipan ni Alyssa. "All right. I do want you, too. Pero hindi kita
kayang pakasalan..."

Nagdilim ang mukha nito. Tumiim ang mga bagang. "For the same reason again?"
umiling ito. "Forget your values, Alyssa. Forget your beliefs. Instead, think of
our baby. Of his sake. Of his future. At kung sa tingin mo ay kulang pa iyon dahil
wala naman tayong pagmamahal sa isa't isa, gagawa ako ng paraan."

Kumunot ang noo niya. "Anong paraan?"

"I once hear that love was a gift. Love was always a gift. Even if the person you
loved chose not to love you back. Sa mga salitang ito, maari naman na kahit isa ay
magmahal 'di ba? And we all know that I am not capable of loving. I am heartless. A
player. Siguro naman ay nakikinita mo na ikaw dapat iyon. You were a good girl.
Vulnerable. Kayo ang mga madaling magmahal kaya naniniwala ako na hindi ako
mahihirapan sa 'yo. I can't love so you will. Gusto mo ng pagmamahal sa isang
relasyon? Puwede naman, kahit isa hindi ba? And I will do everything to do that. To
make you love me if that what makes you go to marry me."wer

        18. Ways [International Billionaires 3:...]

            "TELL me how did you make Melanie love you?" maawtoridad na tanong ni Ed sa
kaibigang si Augustus. Dahil may problema siya, niyaya niya ang mga matatalik na
kaibigan na samahan siya para makapag-confess. As usual, naging tambayan na naman
nila ang Golden Cash Clubhouse Resort na silang pinupuntahan nila kapag may mga
gusto silang pag-usapan.

"Seriously, Ed. Nagyaya ka sa Golden Cash para lang itanong 'yan?" natatawa pero
bahagyang naiinis rin na wika ni Augustus.

Kumunot ang noo niya. "Magkakaibigan tayo. We should share everything."

Tumikhim si Jet. Ito, si Augustus at Nikos lang ang present sa kanila ngayon dahil
may malaking problema si Vincent sa Korea na hindi nito masabi-sabi sa kanila at
baka magtagal raw ito roon. Si Cedric naman ay nasa Pilipinas rin pero kasalukuyan
itong nasa private island nito at hula nila ay naglilihim rin sa kanila. Ayon kasi
sa bali-balita ay may nali-link raw na babae rito. Sa tantiya nila ay iyon ang
model na hinahabol nito noon dahil nakagawa ang babaeng iyon ng malaking kasalanan
sa pinakamailap na kaibigan niya. Pero nang kinompronta nila ang pinakamailap sa
kanilang anim ay puro tanggi lang ito.

"Pero alam mo na abala na ang dalawang ito sa buhay nila. May pamilya na si Nikos
at malapit na rin ang kasal ni Augustus. Magkakaanak na rin siya. Sana ako na lang
ang niyaya mo. Magaling rin naman ako sa mga payo, ah,"

Muntik na niyang mabatukan si Jet sa sinabi nito. "Ikaw? Hah! Ang pinakawalang alam
sa pag-ibig sa grupo? Come on," sa kanilang anim ay si Jet ang pinaka-romantiko. Sa
katanuyan ay nakarating na sa lagpas tatlong dekada ang edad nito pero wala pa rin
itong nagiging nobya o kahit sino man na link na babae. Inaantay pa raw kasi nito
ang "The One" nito.

Bumaling si Ed kay Augustus muli. "Sagutin mo ako. Paano mo nga na---"

"Pinakita ko lang na mahal na mahal ko siya. That simple,"

Napangiwi si Ed. Scratch it, hindi niya kayang gawin iyon. Paano niya mapapaamo si
Alyssa sa suhewistiyon ni Augustus kung wala nga siyang pagmamahal na nararamdaman
rito? Tumingin siya kay Nikos. "Ikaw Nikos, paano mo napaamo si Irene?"

Ngumisi si Nikos. "There's no need. Siya ang unang nagkagusto sa akin,"

Napabuntong-hininga si Ed. He felt doomed.

"Bakit mo ba tinatanong 'yan, Ed? 'Wag mong sabihin na may nililigawan kang babae
at kailangan mo siyang mapasagot?" tanong ni Augustus.

"It was worst than that," kinuwento niya sa mga ito ang sitwasyon.

"Holy shit!" halos sabay-sabay na mura ng mga ito.

"Ang babae ba na ito ay ang tinutukoy ni Melanie na nakuha niyang fashion designer
para sa wedding dress niya? Iyong nahimatay daw at dinala mo sa ospital?"

Tumango si Ed. " And I need to marry her. I won't have a son out of wedlock. But it
wasn't just that. I wanted her, too. Inamin ko na iyon sa kanya. Pero hindi pa
sapat ang mga iyon sa kanya. She wanted love in a relationship. Kilala niyo ako.
Hindi niya makukuha iyon sa akin kaya sinabihan ko na siya na lang ang gagawan ko
ng paraan para roon."

"Bad move. Kahit kailan talaga palpak ka sa babae," wika ni Jet.

"NGSB, 'wag mo akong sermunan riyan. Wala ka ngang alam sa babae pero teka, may
inililihim ka na rin ba sa amin?"

Natahimik ito sandali. Napaawang-tiklop ang mga labi. Tumawa ito pero mukhang
kinakabahan. "B-bakit naman ako maglilihim sa inyo? We're almost brothers,"

Gusto pa sana niyang usisain si Jet pero mas matimbang ang problema niya para
problemahin pa kung ano ang mayroon sa buhay nito.

"Hindi mo ba talaga kayang magmahal, Ed?" untag ni Nikos.


"I believe so. 'Yung mga naikuwento dati sa akin ni Augustus tungkol sa
nararamdaman raw sa pag-ibig, hindi ko pa nararamdaman---" napatigil siya nang may
maalala. Ano nga ba ang sinabi sa kanya ni Augustus noon para malaman kung in love
sa isang tao? Malakas ang tibok ng puso kapag magkalapit, gusto mo siyang makasama,
nararamdaman mo na parang hindi ka maka-get enough sa kanya at natatakot ka na may
mangyaring masama sa kanya...

Lumalakas ang tibok ng puso niya kapag magkalapit sila ni Alyssa. Nagiging abnormal
ang takbo noon nang hinalikan niya ito. Gusto niya itong makasama dahil hindi niya
malimutan ang gabing pinagsaluhan nila kaya hindi rin siya maka-get enough rito.
Kahit sa pagiging abala niya sa maraming bagay at nitong nakaraan na lang siya muli
nakaramdam ng kalayaan nang magsimula na muli si Rodrigo sa pamumuno ay gusto niya
pa rin itong hanapin. Hindi nga lang siya nagkaroon ng pagkakataon noon dahil sa
sunod-sunod na nangyari.

Physically ay mabilis lang na naka-recover ang pinsan at ngayon ay hari na muli ng


Medoires na si Rodrigo. Nagkaroon lang ito ng head trauma kaya ito naging
unconscious. Pero nang maggising ito ay magaling na ang mga sugat nito. Ngunit
hindi ibig sabihin noon ay basta-basta na lang niya mapapabayaan ang pinsan. Naging
mahirap naman kasi ang pang-emosyonal nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinamayan
niya ang pinsan. Kaya gustuhin man niyang hanapin si Alyssa ay naging mahirap para
sa kanya. Gumawa naman siya ng paraan at nang malamang umalis ito ng Medoires,
nawalan siya ng pag-asa na magkikita pa sila muli.

Hanggang sa paglaruan siya ng pagkakataon.

Natatakot ka na may mangyaring masama sa kanya. Naalala niyang ang bagay na iyon
ang palagi niyang nararamdaman sa dalaga. Noong bata pa sila, noong umiyak ito pero
ang higit sa lahat, ay iyong nakita niyang bigla na lang itong nahimatay sa kanya.
She brings out all the hellish fears inside him. Natakot siya sa nangyari dito mas
higit kaysa sa nalaman niya na buntis ito. Hindi na niya kailangang magduda pa na
siya ang ama. He felt like trusting Alyssa, too. Siya ang nakauna rito. Isama pa na
kung bibilangin ang panahon kung ilang linggo na ang dinadala nito, siya talaga ang
masasabing ama.

"Pero sinabi mo na gusto mo siya. You wanted her. You are in lust with her. Alam mo
ba na 'yan rin ang inaamin ko na nararamdaman ko kay Irene noon? And it eventually
turned to love. O siguro nga ay mahal ko na talaga siya, hindi ko lang talaga
maamin dahil mas pinanaig iyon ng galit ko kaysa sa kanya. So you better be careful
in your plans, Ed. Not that we don't want you to feel it. It was actually
wonderful. The most amazing feeling you'll ever feel. Its good. Kaya maari ako na
pumusta, ikaw ang madedehado sa huli. Pero iyon lang ba talaga ang nararamdaman mo
para sa kanya?"

Hindi nagsalita si Ed. Ayaw niyang sagutin ang tanong ni Nikos dahil kaggaya nito
kay Irene noon, mukhang masasabi niyang hindi lang rin niya maamin iyon dahil
natatakot siya. Bago sa kanya ang ganitong pakiramdam. Sandaling panahon pa lang
ang pinagsasamahan nila ni Alyssa. Hindi siya kaggaya nina Nikos at Augustus na
matagal ng kilala ang mga nakarelasyon nito. Kailanman ay hindi pa siya
nakakapagsabi ng tatlong salita na iyon sa isang tao. He maybe a lot of things but
he is an honest man. Kailanman ay hindi siya nagpa-asa ng isang tao.
Sinubukan na rin naman ni Ed na magseryoso sa isang babae. Sinubukan na rin niyang
tignan kung magagawa niyang mahalin si Karylle noon dahil alam niyang nababagay ito
sa kanya. Pero hindi ba't kahit anong pilit niya ay hindi niya naggawa na itatak
ito sa puso niya? Naakit siya sa iba. Naging unfaithful siya.

Pero hindi naman siya nakakaramdam ng kakaiba kay Karylle noon hindi kagaya ng
nararamdaman mo kay Alyssa ngayon 'di ba? Nais mapabuntong-hininga ni Ed.
Naniniwala siya na hindi niya kayang magmahal dahil na rin sa karanasan niya na
iyon kay Karylle. Pero si Karylle, naisip niya na maaari sana niyang mahalin ito
dahil perpekto ito. Magiging mabuti ito para sa kanya. Pero iba iyon kay Alyssa.
Maybe she was imperfect but whenever he was with her, everything seems so perfect.
Masaya siya na makita at makasama ito...

Maaari na nga ba niyang maisip na maaaring magbago na ang pananaw niya sa sarili
dahil sa mga nararamdaman na iyon? Pero paano kung sa huli ay sa halip na si Alyssa
ang mahulog sa kanya ay siya iyon? Would it be that bad?

It would be bad because she won't be feeling the same for me. Maaaring gusto siya
nito pero paano kung ang pagkagusto nitong iyon ay kaggaya lang ng nararamdaman
niya sa mga babaeng iyon dati?

Hindi. Hindi dapat magmula kay Ed ang pagmamahal na hinahanap ni Alyssa sa


relasyon. Kung may paniniwala si Alyssa sa buhay na gusto nitong panatilihin,
ganoon rin siya.

        19. Craving [International Billionaires 3:...]

            "TELL me how did you make Melanie love you?" maawtoridad na tanong ni Ed sa
kaibigang si Augustus. Dahil may problema siya, niyaya niya ang mga matatalik na
kaibigan na samahan siya para makapag-confess. As usual, naging tambayan na naman
nila ang Golden Cash Clubhouse Resort na silang pinupuntahan nila kapag may mga
gusto silang pag-usapan.

"Seriously, Ed. Nagyaya ka sa Golden Cash para lang itanong 'yan?" natatawa pero
bahagyang naiinis rin na wika ni Augustus.

Kumunot ang noo niya. "Magkakaibigan tayo. We should share everything."

Tumikhim si Jet. Ito, si Augustus at Nikos lang ang present sa kanila ngayon dahil
may malaking problema si Vincent sa Korea na hindi nito masabi-sabi sa kanila at
baka magtagal raw ito roon. Si Cedric naman ay nasa Pilipinas rin pero kasalukuyan
itong nasa private island nito at hula nila ay naglilihim rin sa kanila. Ayon kasi
sa bali-balita ay may nali-link raw na babae rito. Sa tantiya nila ay iyon ang
model na hinahabol nito noon dahil nakagawa ang babaeng iyon ng malaking kasalanan
sa pinakamailap na kaibigan niya. Pero nang kinompronta nila ang pinakamailap sa
kanilang anim ay puro tanggi lang ito.

"Pero alam mo na abala na ang dalawang ito sa buhay nila. May pamilya na si Nikos
at malapit na rin ang kasal ni Augustus. Magkakaanak na rin siya. Sana ako na lang
ang niyaya mo. Magaling rin naman ako sa mga payo, ah,"
Muntik na niyang mabatukan si Jet sa sinabi nito. "Ikaw? Hah! Ang pinakawalang alam
sa pag-ibig sa grupo? Come on," sa kanilang anim ay si Jet ang pinaka-romantiko. Sa
katanuyan ay nakarating na sa lagpas tatlong dekada ang edad nito pero wala pa rin
itong nagiging nobya o kahit sino man na link na babae. Inaantay pa raw kasi nito
ang "The One" nito.

Bumaling si Ed kay Augustus muli. "Sagutin mo ako. Paano mo nga na---"

"Pinakita ko lang na mahal na mahal ko siya. That simple,"

Napangiwi si Ed. Scratch it, hindi niya kayang gawin iyon. Paano niya mapapaamo si
Alyssa sa suhewistiyon ni Augustus kung wala nga siyang pagmamahal na nararamdaman
rito? Tumingin siya kay Nikos. "Ikaw Nikos, paano mo napaamo si Irene?"

Ngumisi si Nikos. "There's no need. Siya ang unang nagkagusto sa akin,"

Napabuntong-hininga si Ed. He felt doomed.

"Bakit mo ba tinatanong 'yan, Ed? 'Wag mong sabihin na may nililigawan kang babae
at kailangan mo siyang mapasagot?" tanong ni Augustus.

"It was worst than that," kinuwento niya sa mga ito ang sitwasyon.

"Holy shit!" halos sabay-sabay na mura ng mga ito.

"Ang babae ba na ito ay ang tinutukoy ni Melanie na nakuha niyang fashion designer
para sa wedding dress niya? Iyong nahimatay daw at dinala mo sa ospital?"

Tumango si Ed. " And I need to marry her. I won't have a son out of wedlock. But it
wasn't just that. I wanted her, too. Inamin ko na iyon sa kanya. Pero hindi pa
sapat ang mga iyon sa kanya. She wanted love in a relationship. Kilala niyo ako.
Hindi niya makukuha iyon sa akin kaya sinabihan ko na siya na lang ang gagawan ko
ng paraan para roon."

"Bad move. Kahit kailan talaga palpak ka sa babae," wika ni Jet.

"NGSB, 'wag mo akong sermunan riyan. Wala ka ngang alam sa babae pero teka, may
inililihim ka na rin ba sa amin?"

Natahimik ito sandali. Napaawang-tiklop ang mga labi. Tumawa ito pero mukhang
kinakabahan. "B-bakit naman ako maglilihim sa inyo? We're almost brothers,"

Gusto pa sana niyang usisain si Jet pero mas matimbang ang problema niya para
problemahin pa kung ano ang mayroon sa buhay nito.

"Hindi mo ba talaga kayang magmahal, Ed?" untag ni Nikos.

"I believe so. 'Yung mga naikuwento dati sa akin ni Augustus tungkol sa
nararamdaman raw sa pag-ibig, hindi ko pa nararamdaman---" napatigil siya nang may
maalala. Ano nga ba ang sinabi sa kanya ni Augustus noon para malaman kung in love
sa isang tao? Malakas ang tibok ng puso kapag magkalapit, gusto mo siyang makasama,
nararamdaman mo na parang hindi ka maka-get enough sa kanya at natatakot ka na may
mangyaring masama sa kanya...

Lumalakas ang tibok ng puso niya kapag magkalapit sila ni Alyssa. Nagiging abnormal
ang takbo noon nang hinalikan niya ito. Gusto niya itong makasama dahil hindi niya
malimutan ang gabing pinagsaluhan nila kaya hindi rin siya maka-get enough rito.
Kahit sa pagiging abala niya sa maraming bagay at nitong nakaraan na lang siya muli
nakaramdam ng kalayaan nang magsimula na muli si Rodrigo sa pamumuno ay gusto niya
pa rin itong hanapin. Hindi nga lang siya nagkaroon ng pagkakataon noon dahil sa
sunod-sunod na nangyari.

Physically ay mabilis lang na naka-recover ang pinsan at ngayon ay hari na muli ng


Medoires na si Rodrigo. Nagkaroon lang ito ng head trauma kaya ito naging
unconscious. Pero nang maggising ito ay magaling na ang mga sugat nito. Ngunit
hindi ibig sabihin noon ay basta-basta na lang niya mapapabayaan ang pinsan. Naging
mahirap naman kasi ang pang-emosyonal nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinamayan
niya ang pinsan. Kaya gustuhin man niyang hanapin si Alyssa ay naging mahirap para
sa kanya. Gumawa naman siya ng paraan at nang malamang umalis ito ng Medoires,
nawalan siya ng pag-asa na magkikita pa sila muli.

Hanggang sa paglaruan siya ng pagkakataon.

Natatakot ka na may mangyaring masama sa kanya. Naalala niyang ang bagay na iyon
ang palagi niyang nararamdaman sa dalaga. Noong bata pa sila, noong umiyak ito pero
ang higit sa lahat, ay iyong nakita niyang bigla na lang itong nahimatay sa kanya.
She brings out all the hellish fears inside him. Natakot siya sa nangyari dito mas
higit kaysa sa nalaman niya na buntis ito. Hindi na niya kailangang magduda pa na
siya ang ama. He felt like trusting Alyssa, too. Siya ang nakauna rito. Isama pa na
kung bibilangin ang panahon kung ilang linggo na ang dinadala nito, siya talaga ang
masasabing ama.

"Pero sinabi mo na gusto mo siya. You wanted her. You are in lust with her. Alam mo
ba na 'yan rin ang inaamin ko na nararamdaman ko kay Irene noon? And it eventually
turned to love. O siguro nga ay mahal ko na talaga siya, hindi ko lang talaga
maamin dahil mas pinanaig iyon ng galit ko kaysa sa kanya. So you better be careful
in your plans, Ed. Not that we don't want you to feel it. It was actually
wonderful. The most amazing feeling you'll ever feel. Its good. Kaya maari ako na
pumusta, ikaw ang madedehado sa huli. Pero iyon lang ba talaga ang nararamdaman mo
para sa kanya?"

Hindi nagsalita si Ed. Ayaw niyang sagutin ang tanong ni Nikos dahil kaggaya nito
kay Irene noon, mukhang masasabi niyang hindi lang rin niya maamin iyon dahil
natatakot siya. Bago sa kanya ang ganitong pakiramdam. Sandaling panahon pa lang
ang pinagsasamahan nila ni Alyssa. Hindi siya kaggaya nina Nikos at Augustus na
matagal ng kilala ang mga nakarelasyon nito. Kailanman ay hindi pa siya
nakakapagsabi ng tatlong salita na iyon sa isang tao. He maybe a lot of things but
he is an honest man. Kailanman ay hindi siya nagpa-asa ng isang tao.

Sinubukan na rin naman ni Ed na magseryoso sa isang babae. Sinubukan na rin niyang


tignan kung magagawa niyang mahalin si Karylle noon dahil alam niyang nababagay ito
sa kanya. Pero hindi ba't kahit anong pilit niya ay hindi niya naggawa na itatak
ito sa puso niya? Naakit siya sa iba. Naging unfaithful siya.

Pero hindi naman siya nakakaramdam ng kakaiba kay Karylle noon hindi kagaya ng
nararamdaman mo kay Alyssa ngayon 'di ba? Nais mapabuntong-hininga ni Ed.
Naniniwala siya na hindi niya kayang magmahal dahil na rin sa karanasan niya na
iyon kay Karylle. Pero si Karylle, naisip niya na maaari sana niyang mahalin ito
dahil perpekto ito. Magiging mabuti ito para sa kanya. Pero iba iyon kay Alyssa.
Maybe she was imperfect but whenever he was with her, everything seems so perfect.
Masaya siya na makita at makasama ito...

Maaari na nga ba niyang maisip na maaaring magbago na ang pananaw niya sa sarili
dahil sa mga nararamdaman na iyon? Pero paano kung sa huli ay sa halip na si Alyssa
ang mahulog sa kanya ay siya iyon? Would it be that bad?

It would be bad because she won't be feeling the same for me. Maaaring gusto siya
nito pero paano kung ang pagkagusto nitong iyon ay kaggaya lang ng nararamdaman
niya sa mga babaeng iyon dati?

Hindi. Hindi dapat magmula kay Ed ang pagmamahal na hinahanap ni Alyssa sa


relasyon. Kung may paniniwala si Alyssa sa buhay na gusto nitong panatilihin,
ganoon rin siya.

        20. Caught [International Billionaires 3:...]

            "WHAT THE HELL do you think you are doing?!" muntik ng mangyari ang
kinatatakutan ni Alyssa nang marinig niya ang katakot-takot na boses na iyon ni Ed.
Hindi pa ganoon kataas ang naakyat niya para maabot niya ang kanina pa niyang
tinititigan na mangga. She was craving to eat it since she first laid her eyes on
the fruit. Hindi siya mapakali kaya naman kahit gabing-gabi na ay napagpasyahan
niyang gumawa ng paraan para ma-satisfy ang craving niya.

Hindi sanay umakyat ng puno si Alyssa pero dahil sa matinding nararamdaman ay


sinubukan niya. Maliwanag naman sa may puno dahil may ilaw sa ilalim ng puno. Hindi
rin naman ganoon kataas ang bunga pero mahirap iyon na sungkitin, isama pa na wala
rin siyang panungkit. Pero dahil hindi siya sanay, bahagyang kinakabahan siya sa
ginagawa. Na siyang tumindi pa nang mahuli siya ni Ed.

Ano ba kasi ang ginagawa nito at pumunta pa ito ng personal roon? Maari naman
nitong tawagan ang bodyguard nito o siya mismo kung gusto nitong malaman ang lagay
niya.

"Come down, Alyssa!" nakaramdam rin si Alyssa nang kaba sa tinig ni Ed. Kung ganoon
ay totoo nga ang sinabi nito sa kanya. He does care for her. Lumundag ang puso niya
sa naisip. Lalo yata siyang kinabahan dahil hindi na lang ang sitwasyon niya ngayon
ang naiisip niya. Pati na rin ang nakakagulong nararamdaman niya kay Ed.

"No. Kailangan kong kuhanin ang mangga," tumingin muli si Alyssa sa pakay. She felt
dying for the craving she was feeling for the mango. Hindi siya papayag na hindi
makuha iyon, lalo na ngayong malapit na rin siya sa inaasam.

"What?! Damn, Alyssa! Baka mahulog ka. Alam mo ang kondisyon mo! Bumaba ka na!"

Umiling pa rin si Alyssa. Pilit na binalewala si Ed. Hindi naman ganoon kataas ang
puno at kung mahuhulog man siya, hindi naman siguro siya ganoong masasaktan. Nag-
umpisa siyang tumulay sa malaking sanga ng puno nang maramdaman niyang may kumagat
sa kaliwang paa niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sobrang sakit ng
pagkakagat. Itinaas niya ang paa para kamutin dahilan para mawalan siya ng balanse.
Sinubukan niyang kumapit sa isang sanga pero may langgam rin na kumagat sa kamay
niya dahilan para mapabitaw siya.

Napasigaw si Alyssa nang maramdaman niyang mahuhulog na siya sa puno. Halos kasabay
naman noon ang mahabang mura ni Ed. Napapikit siya at nagdasal na sana ay walang
mangyari masama sa kanya sa pagkakahulog. Lalo na sa anak niya. Mukhang dininig
naman ng Diyos ang panalangin niya dahil may matitipunong bisig ang sumalo sa
kanya. Nasa mabuting lagay na siya at ang anak niya.

Ngunit hindi ang puso niya.

Maybe Alyssa literally fall for Ed. Pero ang puso niya, lalo na ngayong
nagkatinginan ang mga mata nila nang magmulat? It felt like sinking. Epekto lang ba
talaga iyon nang pagkakahulog niya? Pero hindi. Ganoon rin ang nararamdaman niya
noon. Kapag magkalapit sila ni Ed. Alam niya na may iba pang dahilan pero ayaw
niyang umamin.

Hindi naman siya lubos na pumayag sa sinabi ni Ed na magpakasal sila. Ayaw rin niya
na pumayag sa gusto nitong magiging maayos naman ang lahat kung kahit isa sa kanila
ay magmamahal sa isa dahil alam niya ang gusto nito---na siya ang maging biktima
noon. Para sa kanya ay napakasama noon dahil magmamahal siya pero alam niyang hindi
masusuklian ang pagmamahal na iyon. Paano kasi ay unti-unti na niyang nararamdaman
iyon kay Ed.

Higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya kay Ed. Malinaw na sa isipan niya iyon
pero ayaw niyang aminin, kahit sa sarili. Alam kasi niya na dehado siya. Na
masasaktan siya. At nuncang sasabihin rin niya iyon kay Ed. May pagmamahal siya sa
kanyang sarili. Kaya kung gusto nitong magtagumpay ang plano nito, dapat ay ito ang
magmahal sa kanya. Kailangan niyang turuan ito. Kailangan na ito ang maging
biktima.

Kailangan ni Ed na matutong magmahal para pakasalan niya ito.

Alam ni Alyssa na magiging mahirap iyon. Ngunit hindi imposible. Inamin nito na
gusto siya nito. Ganoon rin naman ang nararamdaman niya kay Ed noong una. Made-
develop rin ito sa kanya kaggaya nang nangyari sa sarili. Kaya hindi na niya
pinigilan si Ed sa gusto nito. Kung gusto nito na paibigan siya, gagawa ito ng
paraan. Lalapit ito sa kanya. Sa ganoong paraan ay maaring mangyari ang gusto niya.
Mahirap pero hindi imposible.

"A-are you all right?" matindi ang pag-aalala ni Ed. Alam niyang nahihirapan ito
dahil malakas ang force ng pagkalaglag niya pero ramdam niyang mas matindi ang pag-
aalala nito sa kanya. Ipinagkrus ni Alyssa ang mga kamay, umaasa na sana ay isang
senyales ang nakikita niyang iyon kay Ed para mahulog ito sa kanya.

Pinakiramdaman ni Alyssa ang sarili. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba


maliban sa mabilis na pagtakbo ng puso niya. "I-I'm all right. Puwede mo na akong
ibaba,"

Pero hindi nito ginawa ang sinabi niya. Nanatili lang itong pangko siya.
"Napakapasaway mo! It's the middle of the night. Paano na lang kung hindi ako
dumating?"

Napakagat labi siya. "W-well, I can't say no to my baby's demands..."

Sa sinabi niyang iyon ay lumambot ang mukha ni Ed. "If you are craving, you could
have asked somebody to do it for you. There's my bodyguard. At ako, puwede mo akong
tawagan kung may kailangan ka,"

"Ayaw kong istorbohin ka. Nang maospital ako ay halos hindi ka na umalis sa tabi
ko. Kinain ko na masyado ang oras mo. Ayaw kong dumepende palagi sa 'yo. As of your
bodyguard, he was asleep at ayaw ko naman siyang istorbohin. Alam kong pagod rin
siya dahil maghapon na rin niya akong binabantayan."

He gritted his teeth. "Ayaw ko na muling mangyari pa ito. Naiintindihan mo? You put
me in hell. I was so much worried about you."

Alyssa felt like melting. "All right,"

Matagal na katahimikan ang pumainlang sa pagitan nila bago muli nagsalita ito.
Tumingin ito sa kanina pa niyang pinag-iinteresan. "You still want the mango?"

Napatingin muli siya sa manga. Bumalik muli ang kanyang paglalaway. Tumango siya.

Ibinaba ni Ed si Alyssa. Ang akala niya ay uutusan nito ang isa sa mga tauhan nito
para kuhanin ang prutas ngunit laking gulat niya nang ito mismo ang umakyat sa
puno.

"B-be careful!" sigaw niya rito nang mag-umpisa itong umakyat. Tumigil si Ed at
tumingin sa kanya. Kindatan siya nito saka nagpatuloy sa pag-akyat.
Mas kinakabahan pa yata si Alyssa kaysa sa sitwasyon niya kanina ang nararamdaman
niya ngayong si Ed naman ang sumalang. Lalo na nang makita niyang nakakagat na rin
ito ng langgam kaggaya ng nangyari sa kanya kanina. Ngunit hindi tumigil si Ed.
Binalewala nito ang mga kagat at matagumpay na nakuha ang pinapangarap niyang
manga.

"Happy now?" wika ni Ed nang makababa ito at iabot sa kanya ang mangga.

"May mga pantal ka---"

Umiling ito. "Don't worry about it. It doesn't matter. What matters now is if I've
made you happy."

Tumango si Alyssa. Niyakap niya si Ed. Naramdaman niyang bahagyang natigilan ito
dahil sa ginawa niya. Naramdaman niya ang tibok ng puso nito. It was racing. Lalong
gumanda ang pakiramdam niya. Kung ganoon ang nararamdaman nito, ibig sabihin lang
noon ay hindi naman talaga hopeless case si Ed. He was not a hopeless case. He was
not that heartless.

It would just take time. He would be capable of loving...soon. Nararamdaman ni


Alyssa.

        21. Efforts [International Billionaires 3:...]

            NASA kalagitnaan si Alyssa nang konsentrasyon niya sa trabaho nang tumunog


ang cellphone niya. She frowned. She felt distracted. Hindi niya gusto ang
naiistorbo sa trabaho lalo na kapag nag-uumpisa pa lang siya. Madalas na naka-
silent mode naman ang cellphone niya pero dahil may inaantay siyang mahalagang
tawag kaninang lunch ay nagdesisyon siyang tanggalin iyon roon para kapag dumating
na ay mabilis niyang malalaman. Nakalimutan naman niyang ibalik sa dati pagkatapos.

Dahil nawala na rin naman ang konsentrasyon ni Alyssa, napilitan siyang tignan ang
cellphone. Hindi naman ganoon kahigpit ang trabaho niya at ang kompanyang
pinapasukan niya kaya maari niyang sagutin iyon. It was Ed. Hindi tuloy
maintindihan ni Alyssa ang reaksyon.

Sinabihan na niya si Ed na huwag itong tumawag kapag oras niya ng trabaho. Madalas
ay ayaw nitong magpapigil. Ginawa na nitong hobby ang pagtingin ng kalagayan niya.
Palagi itong nagtetext at kinukumusta ang lagay niya. He was always concern and
worried about her. Nakakainis dahil naiistorbo siya sa trabaho niya pero sa
kabilang banda ay nakakatuwa rin. Masarap sa pakiramdam na may isang tao na concern
sa kalagayan mo---lalo na kapag ang taong iyon ay gusto mo.

Sinagot ni Alyssa ang tawag. Ang maawtoridad na tono ni Ed ang nabungaran niya.
"Hindi mo daw inubos ang lunch mo?"

Dalawang araw makatapos makalabas ng ospital ni Alyssa ay pumasok na siya muli sa


trabaho. Hindi naman ganoon kalala ang sitwasyon niya kaya maayos lang iyon.
Kinailangan lang naman kasi siyang i-confine dahil inoobserbahan ng Doctor ang
lagay niya. It turns out na wala namang gaanong dapat ipag-alala. Kaya lang naman
siya nahimatay ay dahil na rin sa sintomas ng kanyang pagbubuntis.

Ngayon ay ilang araw na siyang napasok sa trabaho. Noong una ay bahagya pa nilang
pinagtalunan ni Ed iyon. Hindi raw nito gusto na magtatrabaho siya lalo na sa
kondisyon niya. Pero nang ipaliwanag naman niya rito na hindi ganoon kahirap ang
kanyang trabaho ay pumayag ito. In terms na magpapaalaga pa rin siya rito. Hindi
naman niya ito pinigilan. Simula nang pumasok siya ay inihahatid siya nito sa
trabaho at ganoon rin kapag uwian na niya. Pero hindi lang sa ganoon ang pag-aalaga
nito. Pati pagkain niya ay ito rin ang nagme-maintain para maging balanse.

Umupa si Ed ng isang dietician para malaman ang mga do's and don't's sa mga
pagkaing kailangan niya para maging maayos ang kondisyon niya. Ang dietician at ang
team rin nito ang naghahanda ng mga pagkain na iyon. Pinapadala ng mga ito ang
breakfast, snacks, lunch at dinner na kailangan niya. Masasarap naman ang mga
pagkain na pinapadala ng mga ito kaya hindi na siya nagreklamo. Pero kaninang
tanghalian ay inatake siya ng nausea kaya hindi niya naggawang ubusin iyon.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko kanina. Pero ayos na ako ngayon," pinilit
niyang gawing kapani-paniwala na maayos na nga siya dahil puputaktihin na naman
siguro siya ni Ed ng pag-aalala nito kapag pinahalata niya na hindi pa rin siya
ganoon kaayos. Nakakatakot rin minsan ang pagiging worrier nito. Paano kasi ay nang
naramdaman nito na masama ang pakiramdam niya noong isang gabi ay pumunta pa talaga
ito sa apartment niya para tignan ang lagay niya.

"Are you sure---?"

"I am one hundred percent sure. 'Wag ka nang mag-alala, okay? I'm totally fine.
I'll see you later,"

"Okay. Papadala na lang muli ako ng prutas diyan sa office mo para mabawi ang hindi
mo naubos na lunch mo,"

Akmang magsasalita pa sana si Alyssa para pigilan ito pero naibaba na ni Ed ang
telepono. Noong isang araw, sa kabila ng mga pinapadala na pagkain sa kanya, ay
personal na dinadalhan rin siya ni Ed ng prutas. Mabuti raw iyon para sa lagay
niya. Isang basket ang dinala nito kahapon kasama na rin ang isang pumpon ng iba't
ibang kulay na tulips. Halos ni hindi pa niya nagagalaw ang mga prutas pero
magpapadala na naman ito. Napailing-iling si Alyssa. Ngunit sa kabila ng lahat,
lubos na na-appreciate niya ang ginagawa ni Ed.

Alam niya na abala rin naman si Ed. Dahil sa mahigit sa isang buwan na nasa
Medoires ito, napurnada ang mga proyekto nito bilang modelo. Ngayon ay ginagawa
nito ang lahat ng proyektong napurnada pero iyon ay ang mga proyektong pang-
Pilipinas lang. As of his international career naman, kinukuha muli nito ang mga
offer na napurnada sa isang kondisyon: kailangang gawin ang mga shoot sa Pilipinas.
Dahilan nito ay hindi nito gustong umalis ng bansa dahil na rin sa kanya. Alam kasi
nito na hindi siya nito basta-basta mapapaalis ng bansa para lang pagbigyan ang mga
gusto nito.
Sa pagiging abala ni Ed, hindi pa rin siya nito nalilimutan. Palaging nasa isip
nito ang welfare niya. Sa mga pag-iisip ng ginagawang efforts nito sa kanya, lalong
lumalaki ang nararamdaman niya rito. Hindi mahirap mahalin si Ed. Pero nuncang
aaminin niya rito na una siyang naging biktima. Mag-iisang linggo pa lang simula
nang mag-propose ito sa kanya. She was not that easy to get, lalo na at iba ang
gusto niyang mangyari. Ito dapat ang mahulog sa kanya.

Isang oras makatapos ang pag-uusap nila ni Ed ay dumating ito sa shop. He looked
gorgeous without even trying. Simpleng polo at brown na pantalon lang ang suot nito
pero litaw na litaw ang kakisigan nito. Saktong break ito na dumating kaya lalong
umagaw ito ng atensyon. Hindi ito ang unang beses na nagpakita ito sa shop pero
kahit ganoon ay pinagkaguluhan pa rin ito roon. May mga mangilan-ngilan pa rin na
tauhan na nagpa-picture rito. He was that famous. In-entertain naman ni Ed ang mga
iyon.

May dala muli si Ed na isang basket pero kaiba sa una nitong dala, ang iba roon ay
talop na. Ginawa na raw nito iyon para hindi na siya mahirapan pa. Ibinigay nito
iyon sa kanya pati na rin ang isang pumpon na naman ng bulaklak. Kinantiyawan tuloy
lalo siya ng mga kasamahan. Sa kabila ng pagiging crush ng bayan ng ama ng anak
niya, suportado ng mga ito si Ed para sa kanya. Boto ang mga ito sa lalaki. Well,
kailangan pa ba niyang magtaka? He cares too much for her. Kung sana nga lamang ay
hindi lang talaga pagpapahalaga ang nakikita niya kay Ed...

Masaya siya sa ginagawa ni Ed sa kanya. She felt special. Pero alam niyang may
kulang pa rin. Lahat naman ng tao ay nagpapahalaga hindi ba? Pagpapahalaga sa
kaibigan. Pag-aalala sa kaibigan. Maaring ganoon lang ang nararamdaman sa kanya ni
Ed. Isama pa na dinadala niya ang anak nito. Of course, he was totally concern
about their unborn child...Maaring iyon nga lamang talaga ang dahilan kung bakit
ito ganoon sa kanya. Sa isiping iyon ay nalungkot si Alyssa. Pero ayaw niyang
kainin siya ng lungkot. Sinabi nitong espesyal siya. Gusto niyang umasa na maaring
humigit pa iyon roon. Gusto niyang isipin ang mga positibo.

"Aantayin na kita," wika niya kay Ed nang paalisin na niya ito dahil tapos na ang
break.

"Ilang oras pa ang ipaghihintay mo,"

"Its okay. I can wait," ngumiti pa si Ed.

Hinayaan ni Alyssa si Ed sa gusto nito. Alas singko nang matapos ang trabaho niya
at balikan niya ito. Nakakunot noo si Ed nang makita siya. "What's wrong? You look
pale."

Lumunok si Alyssa. Hindi niya alam pero tila sumama ang pakiramdam niya ilang
minuto bago mag-uwian. "I-I don't know. Pagod lang siguro ako. Lets go,"

Inalalayan siya ni Ed patungo sa sasakyan nito. Nang makaupo sila ay pinahiga siya
nito sa dibdib nito para makapagpahinga. Nakaramdam si Alyssa ng ginhawa dahil sa
nangyari. Nararamdaman niya ang pagtibok ng puso ni Ed. Gusto niya ang pakiramdam
na ganoon sila kalapit sa isa't isa. She liked him being close to her. She liked
them being intimate to each other.

But does he feel the same way, too?

Nakaramdam ng kung anong masama sa sikmura si Alyssa sa biglang pumasok sa isip.


Gusto niyang maging positibo pero namumuhay pa rin sa realidad ang utak niya. Hindi
niya rin maiwasang isipin ang mga negatibo. At sa pagkakataong iyon ay nakasama pa
iyon sa kondisyon niya. She felt sick. Napahawak siya sa kanyang bibig. Tinanggal
niya ang sarili sa dibdib ni Ed.

"A-Alyssa? What's wrong?"

"I-I feel sick. Go away!"

Ngunit hindi siya pinakinggan ni Ed. Kinabig siya muli nito sa katawan nito dahilan
para doon niya mailabas ang hindi niya dapat mailabas. She puked in his shirt. She
was so disgusted by her actions and at the same time, so vulnerable. Pero hindi
siya inilayo ni Ed. Hinaplos-haplos pa nito ang likod niya para tulungan siyang
makaahon sa kanyang nararamdaman. Kapagkuwan ay humingi ito ng tubig sa tauhan na
nasa passenger seat ng sasakyan nito. Pinainom nito iyon sa kanya.

"Its all right. Its going to be all right," patuloy ito sa paghaplos ng likod niya.
Kumuha rin ito ng tissue at pinunasan ang namamawis niyang mukha.

"I-I'm sorry..." hindi na napigilan ni Alyssa na mapaiyak. Nahiya siya sa ginawa


niya. She felt so weak, too.

"Meu deus! Don't cry, minha querida. Normal lang ang pinagdaraanan mo..."

"Pero sinukahan kita. I feel so disgusted with myself."

"It doesn't matter, okay? Damit lang ito. Ikaw ang mas nahihirapan sa lagay natin.
'Wag mo akong alalahanin. Your welfare is the one that should be prioritized."

Huminga siya nang malalim si Alyssa at pinakatitigan si Ed. Hinawakan naman nito
ang pisngi niya at pinahid ang mga luha na dumaloy roon.

"I hate to see you cry, Alyssa. I hate to see you hurt,"

"B-but why?"

Sandaling natigilan si Ed. "Its because---" natigilan muli ito. Hindi naipagpatuloy
ang akmang sasabihin. Lalong lumakas ang tibok ng puso niya. Gusto niyang umasa na
may mas malalim na dahilan kung bakit ayaw nitong makitang nasasaktan siya. May mga
romantic bones siya sa katawan kaya nahihilig rin siyang magbasa ng romantic
pocketbooks. Hindi ba't kapag ayaw masaktan ng mga lalaki ang mga babae ay may
nararamdaman ito rito? May pagmamahal ito sa babae?

Posible ba na iyon nga ang nangyayari kay Ed? Pero ano ang pumipigil rito para
sabihin ang mga iyon?

        22. More Than Like [International Billionaires 3:...]

            "YOU'RE okay now?"

Bahagyang natawa si Alyssa nang marinig ang tanong na iyon kay Ed. Kakagising lang
niya ng umaga na iyon at tinawagan siya ni Ed para tanungin ang lagay niya. Gusto
niyang paikutin ang kanyang mata sa concern na ipinapakita nito sa kanya. "Kagabi
mo pa tinanong 'yan."

"I just want to make sure. You scared the hell out of me yesterday,"

Napangisi si Alyssa. "Kapag welfare ko yata, palagi ka na lang natatakot."

Tumawa si Ed. "Yes. You had that kind of power over me. So ano nga? Okay ka na ba
talaga? Do I need to send---"

"I'm fine, okay? Parte lang ng paglilihi ko ang kahapon kaya wala kang dapat ipag-
alala. Wala rin akong morning sickness ngayon. I'm perfectly fine. And I'll be fine
the whole day, too. Wala naman akong pasok." Sabado ngayon kaya off niya. "Pero
teka, how about you? Nasaan ka ngayon?"

"I'm going--"

"Here?" napagkrus ni Alyssa ang mga daliri niya dahil gusto niyang makita si Ed.
Gusto niyang dalawin siya nito. Kahit kahapon lang sila nagkita ay nami-miss na
agad niya ito. Kung parte iyon ng paglilihi niya o dahil sa personal na kagustuhan
lang niya ay hindi na mahalaga. She wanted him to be there.

Pinatunog ni Ed ang dila. "I'm sorry. Baka mamaya pang hapon kita madalaw. May
importanteng appointment ako ngayong araw."

"Like?"

"May feeding program na sponsor ngayon ang HGC. Pinilit ako ni Jet na mag-
volunteer."

"Oh... C-can I come?" Gusto niyang makasama si Ed ngayong araw pero nanabik siya
kung makakasama niya ito sa mga ganoong klase ng okasyon. Bilang dating maharlika,
madalas na ginagawa ng pamilya nila iyon. Pero dahil sadyang may kinaartehan ang
kapatid at ina niya, madalas ay siya ang sugo ng pamilya sa mga ganoong klase ng
proyekto. Naaliw siya kapag tumutulong sa iba.

"Puwede naman. Pero totoo bang maayos na ang pakiramdam mo? Makakaya mo ba?"

"Ang kulit. Sabi ng okay na nga ako. Saka kung sumama naman ang pakiramdam ko,
nandiyan ka naman para alalayan ako. Hindi dapat ako matakot."

"Hmmm.... You trust me that much now, huh?"

You're special to me, Ed. That's why I trust you. Gusto sanang isagot ni Alyssa. "I
trust you, of course. Ang dami mong ginawa sa akin sa mga nakalipas, Ed. Paano pa
ako hindi magtitiwala sa 'yo?"

Narinig niyang tumawa si Ed. Masaya ito na naggawa nitong makuha ang tiwala niya.
Maya-maya pa ay sinabi na nito na mag-ayos na raw siya ng sarili dahil dadaanan na
raw siya nito. Sinunod naman ni Alyssa si Ed. Sakto naman na pagdating nito ay
kakatapos lang niyang ayusin ang sarili.

Marami ng tao sa program nang pagdating nila. Kagaya ng inaasahan ay nagkagulo ang
mga tao nang makita si Ed. Agad na nalayo ito sa kanya dahil na rin pinagbigyan
nito ang mga taong nasabik sa pagkakita rito. Wala naman iyong kaso kay Alyssa.
Gusto niyang makasama si Ed pero mas masarap ang pakiramdam na makitang naaliw rito
at ang mga tao na humahanga rito.

Masaya rin si Alyssa na tumulong sa feeding program. Kasama nila sa feeding program
ang kaibigan ni Ed na si Jet. Napag-alaman niya na kapag pala ganoong mga charity
works ay madalas itong tumutulong. Dahil Doctor ay likas na rito ang pagiging
matulungin. Pinagkakaguluhan rin ito dahil sikat ang grupong kinabibilangan ng mga
ito pero dahil mas sikat si Ed ay halos ito ang hindi na nakatulong. Matatapos na
ang feeding program nang makalapit muli ito sa kanya.

"You're still feeling fine?" nag-aalala na tanong na naman sa kanya ni Ed.

Tumawa si Alyssa. "Ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo. You looked so exhausted."

Nagkamot ng ulo si Ed. "Well, a celebrity life it is. Ito kasing si Jet, ang
kulit," binigyan nito ng tingin ang kaibigan. "But it was good to see their smile
just by seeing me." Ngumiti rin si Ed.

Tumango si Alyssa. Ganoon rin ang nararamdaman niya.

Kumunot ang noo ni Ed. "What? Iyon lang ang reaction mo? But wait, siguro ay dahil
sa itsura ko na ngayon 'no? I looked like a disaster now kaya---"

Pinindot ni Alyssa ang ilong ni Ed. "'Wag ka ngang vain. Ano bang iniisip mo? Na
magugustuhan kita dahil guwapo ka lang?"

Nagkibit-balikat si Ed. "Well, most people are like that."

"Kung ganoon, hindi ako. May factor rin naman ang physical department. Pero mas
malaking puntos ang nanggagaling sa puso." Ngumiti siya. "Bakit ba natin pinag-
uusapan iyan? You should rest. Maupo ka muna. Gusto mo ba ng tubig? Ano---"

Naputol ang pagsasalita ni Alyssa nang tumawa si Ed. "Now you are acting as my wife
now..."

Hindi nakapagsalita si Alyssa. Namula ang mga pisngi niya.

"But wait, bakit ba ako tumawa? Well, I'm happy. Kung ganyan ang magiging asawa ko
ay---"

"Shut up!" hindi pa siya pumapayag sa gusto nito kaya kailangang hindi pa siya
magpadala sa mga sinasabi nito. At kung nagpaparinig ito ngayon ay kailangan niyang
ikatakot iyon. Hindi pa niya masasabi na handa na siya kahit alam niya sa loob-loob
niya na gusto niya. Marami pa rin takot sa isip niya.

Itinaas ni Ed ang kamay nito. "Fine, fine. But can you please do me a favour? Pagod
talaga ako."

"Okay. Tubig ba ang gusto mo---"

"No. Ito ang gusto ko..." bago pa man makapagsalita si Alyssa ay hinapit na agad ni
Ed ang katawan niya papunta rito at walang pasabi na hinalikan siya. Nagulat si
Alyssa pero hindi sa damdamin na naramdaman niya sa halik na iginawad nito. It was
wonderful.

"E-Ed, hindi mo dapat ginawa 'yun!" kahit nagustuhan ang halik ay naging aware rin
siya sa paligid.

"Halos wala ng bata sa lugar and as of other people, let them watch. Kung gumawa
man sila ng tsismis, it doesn't matter. I want the world to know that you are mine.
At ikaw rin ang nakakapagpawala ng pagod ko. Ikaw at ang halik mo. Hindi na ako
makapaghintay pa na dumating ang araw na hindi na kita kailangan pang pilitin na
mahalikan. The day I can have full access of you. The day you'll be totally
mine..."

Tinignan niya si Ed. His face looks sincere. Seryoso at tila umaasa rin iyon. She
felt touched. Mukhang pinahahalagahan talaga niya ito.

Ngunit sapat na ba talaga ang pagpapahalaga nito para maging maayos sila? Sapat na
ba na siya lang ang may nararamdaman pa na higit roon para pumayag na siya sa gusto
nito? Nararamdaman naman niya na tila may higit pa roon pero walang kahit anong
inaamin sa kanya si Ed. He seems like he liked her. Or more than like. Hindi sapat
iyon kay Alyssa. Ngunit ramdam niya na sandali na lang, kaunting pilitan na lang at
mapapa-oo na rin siya nito sa kabila ng kulang pa rin na nararamdaman nito para sa
kanya...

        23. A Life Together [International Billionaires 3:...]

            ISANG linggo ang nakalipas pero bigo pa rin si Alyssa na malaman kung higit
pa nga ba sa pag-aalala at pagpapahalaga sa kanya si Ed. Patuloy pa rin silang
naging malapit sa isa't isa ngunit kahit ganoon, wala pa rin itong inaamin sa
kanya. Minsan, pakiramdam niya ay ayaw na niyang umasa pa na magagawa nga niya ang
imposible. Paano kasi ay tila hanggang doon na lang ang lahat.

Nagkakalapit sila sa isa't isa physically---pero madalas ay magkayakap lang.


Hinahalikan rin siya ni Ed pero hindi iyon ganoon kalalim kaggaya ng pinagsaluhan
nila noon. Minsan ay naiisip rin niya kung totoo nga bang gusto siya nito. Dahil
kung ganoon, bakit hindi pa nila muling maggawang maging intimate sa isa't isa
bukod sa mga yakap at halik?

Hindi man sila nagsasama ni Ed sa isang bahay ay hindi naman niya iyon desisyon.
Ito ang umaalis at tanging ang bodyguard lang nito sa labas ang nagbabantay sa
kanya sa gabi. Iniisip niya minsan na gusto rin siya nitong irespeto kaya ginagawa
nito iyon. He didn't take advantage of her. Pero tila may mali. Dahil sa mga
ginagawa nitong iyon, nakakaramdam siya ng kahungkagan. She felt unwanted.

Kahit nasa tabi niya palagi si Ed ay iba pa rin pala ang pakiramdam. Bakit puro
pagpapahalaga lang ang nakikita niya rito?

Pero may mali rin naman ako dahil umasa ako kahit tinapat na niya ako sa simula pa
lang...

Gusto niya si Ed. Aminado na siya sa sarili niya na mahal siya nito. Madali lang
naman itong mahalin---lalo na sa mga pinapakita nito sa nakaraan. Kung tutuusin ay
maari na siyang pumayag sa gusto nito dahil may nagmamahal na sa relasyon nila.
Iyon lang naman ang mahalaga 'di ba?

Love was a gift. Love was always a gift. Even if the person you loved chose not to
love you back. Minsang sinabi ni Ed. She wanted to hold on with that. To cherish
the gift. Pero hindi siya nito mahal. Masakit iyon. Walang katugon ang pag-ibig
niya. Ngunit mas magiging masakit kung iiwan na lang niya si Ed. Kung mawawala ito
sa piling niya.

At ang anak nila. Maatim ba niya na maari itong tawaging bastardo dahil hindi nito
dinadala ang pangalan ng ama nito? Na lumaki ito sa pamilyang buo? Ipagkakait ba
nito ang pagkakataon na magkaroon ng buong pamilya?

Mature na siya. Ina na rin siya. Hindi lang dapat ang sarili niya ang iniisip niya.
Pero hindi pa ganoon kabuuo ang desisyon ni Alyssa. Gusto niyang maramdaman muna
kahit papaano na gusto pa rin siya ni Ed. Na gusto siya nito hindi sa dahilan na
dinadala niya ang anak nito. Gusto niyang makita muli na totoo ang sinasabi nito na
gusto talaga siya nito bilang isang babae.

Ngayong araw ay day-off ni Alyssa. Wala rin trabaho para sa araw na iyon si Ed ayon
rito. Magkasama sila ngayon at sa pagkakataong ito ay walang sino man na bodyguard
o driver silang kasama. Tila isang ordinaryong couple lamang sila habang si Ed ay
nagmamaneho at siya naman ay nasa passenger seat. Sinabi nitong may pupuntahan raw
sila pero sorpresa raw kung saan. Hindi man alam ang maaring mangyari ay nakaramdam
ng kasabikan si Alyssa.

Lalong nasabik si Alyssa nang pumasok si Ed sa isang ekslusibong subdivision sa may


Makati. Tumigil sila sa tapat ng isang maganda at may kalakihan na bahay. Iyon ba
ang bahay ni Ed? Hindi niya sigurado kung saan natira si Ed kapag nasa Pilipinas o
nasa Maynila ito pero sa lagay ng status nito sa buhay, maaring sa ganoong
subdivision at ganoon kalaking bahay nga ito natuloy. Iyon ang unang beses niya na
makarating roon.

"Your house?" tanong niya rito nang pagbuksan siya nito ng kotse.

Umiling si Ed. Nagtaka si Alyssa.

"Mamaya ka na magtanong. Tara sa loob," inalalayan siya ni Ed na bumaba at maglakad


patungo sa loob ng bahay.

Masasabi pa ni Alyssa na maganda ang bahay nang makapasok siya sa loob. Maganda ang
interior noon at bumagay ang mga furnitures na nasa loob. Nakaka-at home rin ang
ambiance ng bahay. Hindi nakaka-suffocate sa sobrang laki at gara ng mga gamit
kaggaya ng nararamdaman niya noong prinsesa pa siya. Kompleto na iyon sa mga gamit
at tila kulang na lang ay titira. Sa tantiya niya ay bagong gawa lang rin ang bahay
dahil napakagaganda pa ng gamit.

"Like it?" tanong ni Ed habang patuloy pa rin niyang inililibot ang tingin sa
paligid.

"Yeah. Ganitong klase ng bahay ang gusto ko. Ang gusto kong tirahan habang buhay.
May kalakihan pero mukhang simple lang."

"Gusto mo ito kahit sa Pilipinas ito located?"

Tumango si Alyssa. "Kahit sandaling panahon pa lang ang ginugugol ko sa bansa ay


nagustuhan ko na rito. Masaya ako sa paligid, gusto ko ang mga kasama ko sa
trabaho. Pero kanino nga kasi ito?"

Ngumiti lang si Ed saka niyaya siyang umakyat. Binuksan nito ang isang kuwarto.
Bumalaga sa kanya ang kulay berdeng kulay noon---napakasarap sa mga mata. Pero
hindi lang ang kulay ng pader ang umagaw ng atensyon ni Alyssa. Mas umagaw sa
atensyon niya ang mga nakalagay roon na mga laruan at malaking crib sa gitna. Isang
nursery ang kuwarto na iyon.

Tila may bumikig sa lalamunan ni Alyssa nang unti-unti niyang mapagtanto kung bakit
dinala siya roon ni Ed...

"Halos wala pang dalawang buwan ang pinagbubuntis ko..."

"So? Unisex naman ang mga gamit na pinamili ko. And I am excited." Mababakas ang
saya sa boses nito.

Lumakas ang tibok ng puso ni Alyssa. "So this house..."

Pinaharap siya ni Ed sa harapan nito. Hinawakan nito ang balikat niya. "Is not
mine. It is ours."

"Ed..." Alyssa's eyes started to water.

Hinawakan nito ang pisngi niya. "Hindi pa ako sumusuko, minha querida. I still want
to marry you. We are going to be a family."

May kung anong humaplos sa puso niya sa sinabing iyon ni Ed. A family. Dati, dahil
naging isang simpleng taga-hanga lang nito ay pinapangarap lang niya na makalapit
rito. O 'di kaya ay muling maging kaibigan nito kaggaya ng dati. Pero ngayon ay
niyaya na siya nitong magpakasal. Magiging asawa siya nito. Magiging pamilya na
sila. She felt so happy.

Tinignan niya ang mata ni Ed. It looks so sincere. Para bang pinapangako nito sa
pagtingin nito sa kanya na walang masama kung papayag siya sa gusto nito. Kahit
wala itong sinasabing pagmamahal, tila sapat na ang mga iyon para pumayag siya sa
mga gusto nito.

Hinawakan niya ang mukha ni Ed. Kinuha niya iyon at inilapit sa kanya. Hinalikan
niya ito para ipahiwatig rito na gusto niya ang sinabi nito. Para iparating rito na
maayos na ang lahat dahil may pagmamahal na sa relasyon nila na hinihingi niya. But
she could only tell it with the actions because she was afraid to say the words.

Bigo man sa pagmamahal ni Ed ay hindi naman siya bigo sa naging pagtugon nito.
Ibinalik nito ang halik niya. Mas marahas, mabagsik. Nanginig ang katawan niya sa
klase na iyon. Her heart rate is speeding up and all her nerve-endings are
uncurling in such anticipation.

Lumalim pa ang mga halik ni Ed. Bumaba iyon sa kanyang leeg. Hindi mapigilan ni
Alyssa na mapaungol dahil sa sarap ng mga halik nito. She felt happier than ever.
Dahil sa mga ginagawa nito ngayon ay napatunayan na niya na gusto pa rin siya ni Ed
bilang isang babae.
Tumigil si Ed. "D-do you like to see the masters bedroom now?" he grinned, which
made him looks so devilishly handsome and desirable. Hindi siya anghel para
makayang pigilan na maakit sa demonyong kaggaya nito.

Tumango si Alyssa, may mapaglarong ngiti rin sa labi. Pinangko siya ni Ed patungo
roon. Pinilit tignan ni Alyssa ang kuwarto pero ang tanging naging kapansin-pansin
lang sa kanya ay ang kama. Masyado na siyang distracted sa ginawa ni Ed para
mapansin pa ang mga detalye.

Ed showered her with passionate kisses as he laid her in the huge bed. His sensual
mouth on hers was like a fire that the flames are hard to douse. Pumaloob ang dila
nito sa kanyang labi. Lalong nagliyab ang kasabikan ni Alyssa para rito. Naglingas
ang buong katawan niya.

His lips travelled into her body. She felt shaking...because of the overwhelming
level of mind-blowing pleasure. She was spellbound by everything he did to her and
there is no escape. But who cares with the escape? Parang gusto na niyang makulong
sa sumpa na iyon kung ganoon rin naman kasarap ang mararamdaman niya.

Sensation engulfed in her entire body as he teased the tiny bud between her thighs.
Lalong napaungol si Alyssa. "Ed..."

"I want you, minha querida..." bumaba ang labi nito roon. It was so intense and she
was so awash with the exquisite bliss Ed was giving into her body.

"I-I want you, too, Ed. Now! Now!" sunod-sunod na sabi niya na may kasamang ungol.

Hindi naman binigo ni Ed si Alyssa. He plunged into her, slower at first. Pero nang
nagtagal ay lumalim na iyon. Ed made itmore sensual with his exquisite thrust.
Pinaligaya siya nito sa eksperto nitong paggalaw. Pakiramdam ni Alyssa ay mamatay
siya sa sobrang sarap, sa sobrang intense ng nararamdaman niya. She was writhing
under him. She was burning.

Matagal na sandali rin ang lumipas hanggang sa ma-satisfied sila sa isa't isa.
Parehong may masayang ngiti sa labi nilang dalawa nang matapos. Nakayakap siya kay
Ed at nakaunan sa dibdib nito.

"Gusto ko ang bahay na ito. Gusto kong tumira rito,"

Ngumiti si Ed. Hinalikan siya sa ulo. "May kondisyon ang kagustuhan mo, minha
querida..."

Tumaas ang isang kilay niya.

"Kailangang pumayag ka muna na magpakasal sa akin,"


Ngumiti si Alyssa. Hindi na nagulat sa sinabi nito. "If that so, nasaan ang
singsing?"

Napansin niyang bahagya naman na nagulat si Ed sa sinabi niya. Ngunit maya-maya ay


ngumiti rin ito. Bumaba ito sa kama at kinuha ang pantalon. Mula sa bulsa noon ay
may inilabas itong singsing. Akmang isusuot na nito ang singsing sa daliri niya
nang pigilan niya ito nang magsalita siya.

"Magiging mabuting ama ka ba sa anak natin? Mamahalin mo ba siya?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Ed. "But of course!"

Ngumiti si Alyssa. Hindi man siya mahal ni Ed, magiging sapat na sa kanya na
malamang magkakaroon naman ng pagmamahal mula rito ang anak niya. "Then this is
really I do. Sapat na sa aking malaman na may pagmamahal sa relasyon. Hindi man sa
ating dalawa. Pero pagmamahal para sa ating anak. Now, I can accept this marriage
without love..."

Isinuot ni Ed ang singsing sa mga daliri niya pero may naramdaman siyang lamig
roon. Ganoon rin ang nakita niya nang tignan niya ang mga mata nito pagkatapos.

Teka, may mali ba sa nasabi niya?

        24. Selfish [International Billionaires 3:...]

            DALAWANG linggo pagkatapos mag-propose ni Ed kay Alyssa ay itinakda ang


kasal nila. Dahil pareho silang mamayan ng Medoires ay napagpasyahan nilang doon
ikasal. Lumipad sila ni Ed isang linggo bago ikasal para ayusin ang mga dokumento
na hindi maaring maayos ng wedding planner na kinuha nito.

Sa Royal House of Ferreira tumuloy si Alyssa. Doon siya tutuloy hanggang sa araw ng
kasal niya. Ed doesn't like him far away from him since the day she said yes to his
proposal. Hindi nito gustong mawala siya sa paningin nito.

Wala namang kaso kay Alyssa kahit sa pamilya ni Ed ang pagtuloy niya sa palasyo.
Masaya pa nga ang mga ito dahil kahit hindi natuloy ang kasal ni Ed at ni Aliciana
ay may mangyayari pa rin na kasal. Nagustuhan rin ni King Rodrigo na nagpakasal ang
pinsan nito hindi dahil sa tungkulin nito sa palasyo. Nagpakasal raw ito sa pag-
ibig kaggaya ng nangyari rito at sa reyna nito. Ramdam niya na masakit pa rin para
kay Rodrigo ang pagkawala ng asawa pero unti-unti rin naman na nakaka-move on ito
dahil pinauuna nito sa isip ang mamayan at pati na rin ang natitira sa buhay nitong
nag-iisang anak na si Julia.

Ang buong akala ng mga ito ay magpapakasal sila ni Ed dahil sa pag-ibig kaya masaya
ang mga ito. Sa wakas raw ay nakahanap na ng katapat si Ed ng hindi pinipilit.
Gusto niyang itama ang mga ito pero ayaw rin naman niya na sirain ang pantasya ng
mga ito. Isama pa na napag-usapan nila ni Ed na huwag na munang sabihin ang tungkol
sa pagbubuntis niya dahil baka maging malaking issue pa iyon at maging masakit ang
magiging reaksyon ng mga tao tungkol roon. Pumayag siya dahil natatakot rin siya sa
iisipin ng mga ito.

Hindi nagustuhan ni Alyssa ang buhay niya noon bilang prinsesa. Pakiramdam niya ay
nasasakal siya, lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanya. Parehong vain ang ina at
kapatid niya. Gustong-gusto ng mga ito ang titulo ng pagiging prinsesa kaya naman
pati siya ay pilit na hinahawaan ng mga ito. Hindi niya gusto ang ganoong
personalidad pero wala siyang pagpipilian. Kaya nang tanggalin ang pamilya nila sa
komunidad ng mga royal families ay naging masaya pa siya. She felt free.

Pero napagtanto ni Alyssa na hindi naman pala ganoon kasama na maging prinsesa
dahil ngayong nasa palasyo siya ng mga Ferreira ay malaki ang pinagkaiba sa kanila.
Mababait ang mga tao roon at hindi mapagmataas---hindi kaggaya ng pamilya niya.
Kahit ang mga katiwala ay pinapayagan na kaibiganin, hindi kaggaya niya noon na
nang ilapit ang sarili sa yaya niya dati ay madalas pang pinagagalitan. Ibang-iba
ang mga tao sa palasyo ng Ferreira. She liked it here. And she was going to be a
princess under the highest royal house in the whole Medoires Island.

Hindi man kaggaya ng isang fairy tale ang kuwento ni Alyssa ay masaya na rin siya.
Pinipilit niya na gawing kontento ang sarili sa kung ano ang natatanggap niya kay
Ed. Passion and care. Sapat na siguro iyon para mapanatili ang isang masaya na
relasyon.

Dalawang araw bago ang kasal ni Alyssa ay dumating si Aliciana sa palasyo.


Bahagyang kinabahan siya dahil hindi naging maganda ang pag-uusap nila nang aminin
niya rito ang tungkol sa kanya ni Ed.

"So you are really decided to marry him, huh?" tila may inis sa boses nito nang
komprontahin siya.

"Aliciana, why do you look so irritated? We all know I didn't steal him from you.
You were just engaged because of royal command. Technically, I---"

"You shouldn't be in that place, Alyssa! How many times did you tell me you really
don't want to be a princess? That you don't like the life of a royal? Then now you
are marrying a Prince? Hah! Who are you kidding?"

"I-I fell in love with him. We can't choose who to love, right?"

"Love?" tumawa si Aliciana. "Love is just for fools. Do you think a heartless man
like him could love you? Think again little sister,"

Naguluhan si Alyssa sa sinabi ng kapatid niya. "What are you talking about? You
love Charles. If you said that---"

"I love Charles? Do you really believe that?" tumatawa pa si Aliciana. "Oh yeah,
maybe I love him. I love him because of his money, all right! You're such a fool to
believe that I fell in love with him. I'm not born to do that."
Namutla si Alyssa sa narinig. "You don't mean that..."

"I am not feeling bad that Ed chooses to marry me. How can I? I am born a lady, a
princess, a royal and it took everything away for me when I lose the title. And
even if I have a hint that he would just do that for revenge because of what I did
to him when we were younger, it doesn't matter. I only wanted the title. The life.
The life that I lose..."

"You're greedy! Selfish!" hindi na niya napigilan na akusahan ito.

"So what? At least, I am not a hypocrite. And I won't be a hypocrite to tell you
that I hate you because you'll have the life that I wanted. The life that should be
mine!" inis na inis si Aliciana.

Hindi alam ni Alyssa kung ano ang gagawin. Hindi rin niya alam kung ano ang
mararamdaman. Iniligtas niya ang kapatid sa akala niya ay kapahamakan nito, sa
akala niya na magiging kalungkutan nito. Pero nagkamali siya. All the time, gusto
talaga ni Aliciana ang ikasal kay Ed kahit alam nito na lolokohin lang ito ng
binata. All for her selfish love for being a princess... for having a royal life.

Naawa siya kay Charles. Masyado itong nabulag sa kanyang kapatid na hindi naman
pala talaga ito mahal. Pero ganoon nga yata talaga ang pag-ibig. Kahit alam o may
nararamdaman na mali, mahirap pa rin na pigilan. Patuloy pa rin na nagmamahal dahil
napakamakapangyarihan noon. Alam iyon ni Alyssa dahil ganoon rin siya.

Mahal niya si Ed kaya naman kahit alam niyang hindi nito masusuklian ang
nararamdaman nito sa kanya ay pumayag siya sa gusto nito.

        25. Bothered [International Billionaires 3:...]

            NAGULAT si Alyssa nang kinabukasan ay makita niya si Aliciana sa palasyo.


Pagkatapos ng nangyari sa kanila kahapon ay umalis na lang ito basta-basta sa
kanya. Simula noon ay hindi na niya ito muling nakita kaya inakala niya na umalis
na ito. Pero ngayon ay nasa hapag ito kung saan mag-aalmusal siya.

Si Aliciana lang ang natagpuan niya sa malaking formal dining room ng palasyo.
Inaasahan na rin naman niya na wala siyang magiging kasabay dahil tinanghali siya
ng gising. Nitong mga nakaraan ay mas lumalala pa ang mga nagiging sintomas ng
pagbubuntis niya. Isa na roon ang madalas na tanghali niyang paggising.

Alam rin ni Alyssa na wala si Ed ngayong umaga sa palasyo. Ayon rito ay may
aasikasuhin raw ito kasama ang pinsan na si King Rodrigo. Mamayang hapon pa ang
balik nito kaya hindi talaga siya nito masasabayan.

"Finally, you are awake, minha irmã," nakangiti pang wika ni Aliciana. Mukhang
maayos na ito kaysa kahapon. Pero nandoon pa rin ang sarkasmo sa boses nito.
"What are you doing here?"

"Why, tomorrow is my little sister's wedding. Don't tell me I am not invited, huh?
I need to be here to watch you. I am the only family you have. Besides, let me
experience to have some royal life again even if its just a little bit, okay?
Surely, you won't deny me that?"

"After Ed and I got married, we won't live in the palace," napagdesisyunan nila ni
Ed na bumase sa Pilipinas sa kagustuhan niya. Kahit maganda sa palasyo ay hindi
niya pa rin gusto ang ganoong buhay. Gusto niya pa rin na magmukhang ordinaryo
kaggaya noong nasa Pilipinas siya. It sounds a little weird but she felt belong to
a foreign country. Kung dati ay gusto niyang magsilbi sa sinilangang lugar, nagbago
ang pananaw niya ng makapagtrabaho siya sa Pilipinas. Gusto niya ang mga kasamahan
niya roon, ang lugar.

"That was not so nice to hear," komento ni Aliciana. Wala na ang ngiti sa mga labi
nito.

"I am not a little girl anymore to have your approval so I don't need the comments.
We will live the life we want it to be,"

Hindi nagsalita si Aliciana. Umupo si Alyssa sa hapag pero napatayo rin dahil
nakaamoy siya ng hindi kaaya-aya. Napahawak siya sa kanyang bibig. Napatakbo siya
papunta sa banyo ng formal dining room dahil pakiramdam niya ay masusuka siya na
siya ngang nangyari. She felt weak.

"You are an early riser, Alyssa. Now you woke up late. And the vomiting... Tell me,
are you pregnant?"

Nang magsalita si Aliciana ay saka lang niya nalaman na sumunod pala ito. Inayos ni
Alyssa ang sarili bago humarap rito.

"That's why you are marrying the Prince because he got you pregnant?!" halos isigaw
ni Aliciana ang naisip. "Why, that was worse than his marriage proposal to me!"

Tinignan niya nang masama si Aliciana. Pero hindi man lang ito natinag.

"I should have known. Ed was a heartless Prince. He was a playboy. How can someone
believe he would really marry because of love? He would just marry because of duty.
Because he got someone pregnant. Oh what a pity!

"Do you really want to live like this, Alyssa? You are different to me. You didn't
deserve a life without love. He would just make you a fool."

"Ed wouldn't do that to me... He cares for me," alam ni Alyssa na kakaunti lang ang
laban niya sa maaring iakusa sa kanya ni Aliciana pero gusto niyang lumaban.
"But he doesn't love you. Care is different from love. Love is powerful. I wouldn't
worry if he loves you. But care? We can give care to everyone. Even to our friends.
And because you'll going to be a mother of his child, that will be inevitable. He
is protecting his child inside you so he does really care for you.

"Alyssa, look at my point. Ed is a playboy. He is heartless. You should know that.


He'll just fool you. He can't stick with only just woman. If gets tired with you,
what he will do? He will go to the other girls. He'll have mistresses. Can you live
with a life like that, Alyssa?

"I always knew you as a good girl. As an innocent one. You don't deserve someone
like him. I maybe mean most of the times to you but I also do care for you. You
still have time. Think about it,"

Nagulo ang isip ni Alyssa sa mga binitawan na salita ni Aliciana. May punto ito.
Tama ang mga sinabi nito. Ano ba ang mga ipinangako sa kanya ni Ed? Hindi ba at
poprotektahan lang naman siya nito at ang kanilang anak? Aalagaan siya nito.
Ibibigay ang pangalan sa kanya, para sa anak nila, magpo-provide sa pamilya. Pero
hindi kasama sa mga ipinangako ni Ed na magiging loyal ito sa kanya.

Mahal niya si Ed at pinipilit niya na tanggapin na hindi nito maibabalik sa kanya


ang nararamdaman. Maatim niya iyon pero makaya ba niyang maatim na makita si Ed na
may kasamang iba kaggaya ng naiisip sa kanya na maaring gawin nito sa kanya?
Malaking katibayan ang nakaraan nito para maisip niyang posible iyon.

Sa pag-iisip pa lamang ng mga iyon ay lubos ng nasasaktan si Alyssa. Paano kung


nangyayari na?

I can't do this...

Gulong-gulo si Alyssa. Hindi maaring mangyari iyon. Lalo na bukas ay ikakasal na


siya. Ikakasal sa isang taong walang pagmamahal sa kanya...

        26. Confrontation [International Billionaires 3:...]

            NAG-UUMPISA ng mag-alala si Ed. Mag-a-alas singko na ng hapon pero hindi pa


rin lumalabas si Alyssa ng kuwarto nito. Ang sabi nito kanina nang bisitahin niya
ito pagkatapos ng lakad nila ni Rodrigo ay masama ang pakiramdam nito kaya gusto
sana nitong mapag-isa dahil nagpapahinga ito. Inintindi niya ito at bumalik ng alas
tres y' medya para tignan ito. Hindi pa rin ito lumalabas mula roon. Nakailang
katok na siya pero hindi na siya nito sinagot. Ganoon ba talaga kasama ang
pakiramdam nito para magpahinga nang ganoon katagal?

Ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasiyahan para sa kasal nila bukas ni
Alyssa. Dapat ay kanina pa ito naghahanda. Pero mukhang wala itong balak.

Nang lumagpas na ang alas singko ay napagdesisyunan na ni Ed na kuhanin ang susi


para buksan ang kuwarto nito. Nakita niya ito sa kama, hindi naman ito tulog, pero
napansin niya agad na may kakaiba sa mga mata nito. Mapula iyon. Mukhang umiiyak.

"Meu deus! Anong nangyari? Ganoon ba talaga kasama ang---"

Nagulat si Alyssa sa pagpasok niya pero nang magsalita siya ay naglihis ito ng
tingin sa kanya. "I don't want you here, Ed. Lalabas ako kung gusto ko,"

Umiling si Ed. "Malapit ng magsimula ang party."

"Hindi ako dadalo sa party," may kalamigan sa boses nito.

Nagtaka si Ed. Hindi ganoon ang Alyssa na kilala niya. "Pero bakit? Masamang-masama
ba talaga ang pakiramdam mo? All right. I'll cancel it. After all, ang
pinakamahalaga naman ay ang kalagayan mo."

Nag-umpisang lumapit si Ed kay Alyssa. Umupo siya sa kama, sa tabi nito. Pero
tumayo ito nang malapitan niya.

"Cancel the wedding tomorrow, too,"

Kumunot ang noo ni Ed. "What the hell are you talking about?! Hindi natin iyon
puwedeng ikansela. Sigurado ba na masama pa rin ang pakiramdam mo bukas? I'll have
the doctor send here. You'll be better."

"No. Kahit na maging maayos pa ako, nakapagdesisyon na ako. Hindi ko na itutuloy


ang pagpapakasal sa 'yo,"

Napatayo si Ed. Nagsisimula ng mawala ang lahat ng pasensiya sa katawan niya sa


inaasal nito. "At bakit? Bakit ka ba nagkakaganyan, Alyssa?!"

"I-I just realized I can't marry a man who doesn't love me..."

Natigilan si Ed sa sinabi nito. "B-but you agreed to marry me. Kahit na ba ang
pagmamahal na mayroon sa relasyon natin ay ang pagmamahal sa anak natin." Kahit
wala ang pagmamahal mo...

"Nagbago na ang isip ko. Hindi ko kayang manatili sa ganito. But don't you worry
about the child, hindi ko naman siya ipagkakait sa 'yo. Puwede mo pa rin siyang
makita, makasama---"

"Hindi iyon ang punto rito! Can't you see? Bukas na ang kasal natin tapos biglang
magbabago ang isip mo? How can you?!"
"I can't do it, Ed. Maaring may pagmamahal sa anak pero wala sa isa't isa. At ikaw?
Paano ko masasabi na maalagaan mo talaga ako? Kami ng anak mo? You only promise
those things. How can I be so sure that you'd also protect us from heartaches? Wala
kang ipinangako sa akin na magiging isa kang faithful na asawa,"

"Iyon ba ang nasa isip mo, Alyssa? Na dahil lang sa alam mo na hindi kita mahal,
dahil hindi ko ipinangako sa iyo na magiging tapat ako na asawa ay ititigil mo na
ang lahat ng ito? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin?"

Hindi umimik si Alyssa sa sinabi niya. Lalong nanglingas ang galit kay Ed. Hindi
niya nagustuhan ang mga inakusa nito.

"Paano mo naisip ang mga 'yan sa kabila ng mga nangyari sa atin ng nakaraan? I
stick with you. Sa loob ng ilang buwan ay hindi ako nagkainteres sa babae maliban
sa 'yo. It was not the normal me. Hindi mo ba nakikita ang mga ginawa kong iyon?
How can you accuse that of me?"

"You are a playboy---"

"That was then! I might be known as an infamous, jetsetter Prince but I also have
respect! Lalo na sa 'yo dahil magiging asawa kita. Magiging ina ka ng anak ko.
Karespe-respeto kang babae at malinaw sa isip ko na nararaparat sa 'yo na
respetuhin. That was my plan to you. I may do a bad thing about your sister but
she's different from you. Alam mo iyon. May kasalanan siya sa akin at hindi ka
ganoon. I wouldn't put that a lot of effort for you if I've levelled you with her.
Naging sandali pa lang ang pagsasama natin pero umasa ako na pagkakatiwalaan mo
ako. Pero nagkamali ako..."

Nasaktan si Ed sa mga naging akusa ni Alyssa. He felt mad. Pagkatapos ng lahat ng


ginawa niya rito ay ganoon pala ang iniisip nito sa kanya?

Nirespeto niya si Alyssa. He adored her. Kaya niyang ibigay ang lahat rito---kahit
ang puso niya. Pero gusto niyang isumpa ang sarili niya na naisip na iyon. Mahal na
niya si Alyssa. Pero mali siya. Paano niya mamahalin ang isang babae na walang
tiwala sa kanya?

Hindi alam ni Ed kung paano nangyari pero sa pagtagal ng pagsasama nila ay mas
tumitindi ang nararamdaman niya rito. Hindi niya gustong makasama lang ito dahil
dinadala nito ang anak niya---gusto niya itong makasama dahil masaya siya kapag
nasa paligid ito. Lahat ng mga sintomas ng umiibig ay nararamdaman niya rito.
Pinilit naman ni Ed na ipakita iyon rito. He doubled the effort to let her know
that there was something going on between the two of them. Hindi siya madalas na
magpahalaga sa babae, hindi siya marunong maghintay dahil bilang kinikilalang tao
sa lipunan, hindi na niya kailangang gawin iyon. Ang mga iyon ay ginawa niya kay
Alyssa. Pero natakot siyang aminin iyon kay Alyssa dahil maaring wala iyong
katugon.

Si Alyssa ang una niyang pag-ibig at natatakot siyang masaktan dahil alam niya na
wala itong pagmamahal sa kanya. Noong pumayag itong magpakasal sa kanya ay laking
tuwa niya dahil nag-iibig sabihin lang noon ay nagtagumpay siya. Pero mali siya
dahil ang pagmamahal pala na tinutukoy nito ay pagmamahal lang para sa anak nila.
Nasaktan siya dahil roon pero pinilit niya na huwag ipahalata rito.

Ngayon ay iiwan na siya ni Alyssa. Ibig sabihin lang noon ay hindi talaga siya
nagtagumpay---he doesn't fall for him. Siya ang nahulog sa plano niya. The feeling
was worse than hell.

Sa sobrang sakit ay tinalikuran niya ito. Nag-umpisa siyang maglakad palabas ng


kuwarto nito nang magsalita ito.

"E-Ed, I---" hindi nito maituloy-tuloy ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ba
ang gusto nitong mangyari kaya bakit pa siya lilingon muli?

"Ed!" pagtawag pa muli ni Alyssa. Hindi muli siya lumingon.

Malapit na siya sa pintuan ng kuwarto nang tawagin muli ni Alyssa ang pangalan
niya. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na siya ng kung anong mali sa boses nito
kaya naman sa kabila ng walang dahilan na pagtawag nito ay lumingon siya.

Nakita niyang nakatayo pa rin si Alyssa. But there was something flowing on her
legs.

Nanlaki ang kanyang mata. Its blood.

She was bleeding.

        27. Together [International Billionaires 3:...]

            "I'M LOSING the baby. I'm losing our baby," hindi mapigilan ni Alyssa na
mapaiyak habang unti-unti nang pumapasok sa isip niya ang nangyari. She was
bleeding. Mawawala ang tanging bagay na naglapit sa kanila muli ni Ed. Nakaramdam
siya ng matinding sakit sa puso dahil alam niyang hindi lang ang anak ang mawawala
sa kanya. Ganoon rin si Ed.

Matinding ginulo siya ng mga sinabi sa kanya ni Aliciana. Nagkulong siya sa kuwarto
niya pakaisipin ang tungkol roon. Nagpadalos-dalos siya. Kahit gaano pa man kabuti
sa kanya si Ed, iba pa rin ang pagmamahal. Maaring may pagmamahal sa kanila pero sa
pagitan lang iyon dahil pagmamahal lang iyon para sa kanilang anak. Napagtanto niya
sa sinabi ni Aliciana na kulang para sa kanya ang mga pagmamahal na iyon.
Napagdesisyunan niya na umatras sa kasal.

Inaasahan na ni Alyssa na ikagagalit iyon ni Ed. Sino ba naman ang hindi? Bukas na
ang kanilang kasal pero umatras siya. Matinding pinag-isipan rin naman niya iyon.
Napagtanto niya lang talaga na hindi niya kaya na dahil wala namang pag-ibig sa
pagitan nila ni Ed. Kahit nararamdaman niya base sa sinabi nito nang
magkomprontahan sila kanina na may higit pa sa mga ipinangako nito sa kanya ang
nararamdaman nito, hindi pa rin sapat iyon.
She needed the words.

Pero hindi na siguro niya maririnig iyon rito. Nagalit ito sa kanya, naramdaman
niya iyon. At ngayon ay mawawala na ang anak nila. Ano pa ang dahilan para magsama
sila?

"Sshhh... Don't cry, minha querida."

Minha querida. Ilang beses na ba siyang tinawag ni Ed ng ganoon? It's a love


endearment in their country. It should just mean something. Pero ayaw paniwalaan
iyon ni Alyssa. Pangkaraniwan naman iyon.

"I'm sorry... I'm sorry..." patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa dalhin siya sa
tingin niya ay Xray room. Mula roon ay inantay nila ang radiographer para tignan
siya. "Natatakot ako..."

Hinawakan ni Ed ng mahigpit ang kamay niya. Hinalikan nito iyon. "Huwag. Magiging
maayos ang lahat."

Umiling si Alyssa. Hilam pa rin sa luha ang mga mata. Hindi nakabawas sa sakit na
nararamdaman niya ang ginawa ni Ed. "I'm going to lose our baby..."

"Marami pang darating na bata, Alyssa. Magiging maayos ang lahat. Tahan na..."
nakita niya ang matinding kalungkutan at pag-aalala sa mga mukha ni Ed.

Umiling siya. Hindi niya maggawang kumalma. "Paanong mangyayari? As I lose the
baby, I'm going to lose you, too. I'm scared, Ed. Ayaw kong mangyari iyon. Ayaw
kong mangyari ito."

Niyakap siya ni Ed. "Hindi ako mawawala sa 'yo, Alyssa. Hindi ako aalis sa tabi mo.
So please..."

"No! Sinasabi mo lang 'yan dahil sa masamang sitwasyon natin. Hindi mo ako mahal.
Ang bata ang tanging nagtatali sa ating dalawa. Sinabi mo sa akin na mahalaga ako
sa 'yo pero alam namin natin lahat kung bakit. Its just because of the baby....The
baby I'm going to lose now..."

Matamang tinignan ni Ed si Alyssa. "Hindi totoo ang lahat ng iyan. Mahalaga ka sa


akin hindi dahil sa dinadala mo ang anak mo. Its something deeper than that. I have
feelings for you. I love you."

Dapat ay matuwa si Alyssa sa mga narinig. Mahal siya ni Ed! Hindi ba at iyon lang
naman ang natatanging gusto niya bukod sa kaligtasan ng anak niya ngayon? Pero
ramdam niya na ginagawa lang nito iyon para palakasin ang loob niya. "Mas gusto
kong marinig ang katotohanan, Ed. Don't sweet-talk me just to make me feel
better...."
"Pero ito ang katotohanan. I love you, Alyssa. At kanina, kaya ako naggalit sa 'yo
dahil sa kabila ng mga ginagawa ko sa 'yo ay hindi mo pa rin pala nakita iyon.

"I maybe a lot of things but I never lie. Well, I did lie. At iyon ay noong sinabi
ko sa 'yo na wala akong kakayanan na magmahal. Hindi totoo iyon. I can love, but I
just don't want to believe it. Natakot ako, bago sa akin ang damdamin na iyon at
natatakot ako na hindi ko kayang panagutan iyon. Minsan ko ng sinubukan na subukan
na magmahal pero nabigo ako. Simula noon ay hustong naniwala na talaga ako na hindi
ko magagawa. Na tama nga siguro ang ama ko noon. Nasa lahi namin na hindi kami
makokontento sa iisang babae. Na hindi naming kayang magmahal. Pero naggawa ko.
I've been with you for the past months without thinking another girl. Ikaw lang.
Ayaw ko na malayo ka sa akin dahil ayaw ko rin na mawala ka isip ko. But even
though you are out of my sight, you are never out of my mind.

"Ikaw lang ang babaeng nakapagpatibok ng puso ko ng ganito. Ikaw lang ang babaeng
hindi maging sapat para sa akin dahil palagi kitang kailangan. I couldn't get
enough of you. Hindi kita malimutan at gusto ko na palagi kang maayos. Ayaw ko na
nasasaktan ka dahil nasasaktan rin ako. Tell me, ganoon lang ba talaga ang
nararamdaman ng isang tao na nagpapahalaga? Hindi mo man ako paniwalaan at kahit
huli na, sasabihin ko pa rin ito. Mahal kita."

Alyssa felt so overwhelmed with Ed's confession. Gusto niyang panghawakan ang mga
iyon, paniwalaan. Dahil ganoon rin ang nararamdaman niya. Masaya siya na narinig
iyon kay Ed pero pinanlabo rin ng lungkot ang sayang nararamdaman niya sa sitwasyon
nila ngayon.

"I-I don't know what to say. I'm happy but I'm so scared, Ed..."

"Naiintindihan kita, Alyssa. I felt scared, too. Pero malalampasan natin ito, okay?
Even without each other, we can survive this..."

Kumunot ang noo niya. "Anong sinasabi mo? Sinabi mo na mahal mo ako, na mananatili
ka sa tabi ko tapos---"

"But I can't be with you knowing that you don't love me. Kaggaya mo, napagtanto ko
rin na hindi ko kayang magpakasal ng walang pagmamahal mula sa 'yo..."

Iyon ba ang akala ni Ed? Nakita niya ang sakit mula sa mga mata nito. Iyon rin ba
ang dahilan kung bakit tila na-disappoint ito ng mag-propose ito sa kanya at
tanging sinabi niya ay ang tungkol sa pagmamahal nito sa kanilang anak ang mahalaga
na lang sa kanya?

Akmang magsasalita sana si Alyssa nang biglang dumating ang radiographer sa loob ng
kuwarto. Tinignan nito ang lagay niya. Alyssa was shaking with fear, kaiba naman sa
reaksyon ng radiographer. Mukhang kampante lang ito---lalo na nang pagkatapos ng
ilang minuto na pagtingin nito sa kanya ay humarap ito sa kanilang dalawa ni Ed at
itinuro ang monitor.
"Everything's all right, Your Highness. See that little thing moving there? That's
the baby's heart. Your baby is very much alive."

Parehong hindi makapagsalita sina Alyssa at Ed ng ilang sandali. Parehong hindi


makapaniwala sa milagrong nangyari. "B-but there's blood. I bled," natatakot pa rin
na protesta ni Alyssa kahit na ba nakikita na niya ang patunay na may nabubuhay pa
rin sa loob niya.

"Yes. But there are times that it happens. Its not uncommon, especially in your
case. The whole island knows that the two of you are getting married tomorrow.
There are a lot of stress. What happens is a way of telling the mother to relax."

Alyssa felt relieve. Mangiyak-ngiyak siya at nakita niyang ganoon rin si Ed.
Niyakap niya ito pagkatapos.

"Oh, Ed..." pagkatapos ay hinawakan rin niya ang pipis pa niyang tingin. "I thought
I'm going to lose you..."

"I told you everything will be all right..." nakangiting wika ni Ed. Hinaplos nito
ang pisngi niya. "Hindi ka na muling masasaktan pa."

Tumingin siya kay Ed. "I know, I know. Thank you,"

Hinawakan ni Ed ang kamay niya. "Ibibigay ko na sa 'yo ang kalayaan mo,"

Nagulat siya sa sinabi nito. "What? Ed---"

"Ayaw ko ng makitang nasasaktan ka na alam kong ginagawa ko sa 'yo nitong


nakalipas. Hinayaan kita sa piling ko. Pinilit kita. And with that, I knew I have
hurt you. I'm so sorry, Alyssa. Mahal kita pero hindi mo ako mahal. That wouldn't
create a good marriage, right? Ayaw ko ng ganoon. Ayaw ko ng napipilitan ka lang na
pumayag sa gusto ko. Ayaw kong matali ka sa isang kasal na hindi mo naman gusto."

Umiling siya. "Mahal mo ako, Ed. How can you let me go?"

Ngumiti ito nang mapait. "Hindi ako isang romantikong lalaki. Pero minsan na
narinig ko na kapag nagmamahal raw, dapat ay natututo rin na magparaya. Ayaw ko ng
maging sakim pa, Alyssa. Alam ko rin na hindi lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. I
can't have you. You don't love me."

"I do."

Umiling si Ed. "No, Alyssa. Huwag mong sabihin sa akin ang mga 'yan. Lalo na
ngayon. Malamang ay naawa ka lang sa akin dahil alam mo na nasaktan mo ako at---"
"No, I really do love you, Ed. Bata pa lang tayo ay gusto na kita. Siguro noon ay
gusto lang kita na maging kaibigan. Pero nang lumaki tayo, naramdaman ko na hindi
lang talaga iyon ang gusto ko. Maaring hindi na muli tayo pinagtagpo pagkatapos
pero hindi ibig sabihin noon ay kinalimutan na kita. Alam ko ang naging buhay mo.
Naging fan mo ako nang makilala ka internationally. Ng sumikat ka bilang actor at
modelo. I had a crush on you. Ikaw lang ang natatanging lalaki na nakakuha ng
atensyon ko ng ganoon.

"Then I approach you. Nagkalapit tayo sa isa't isa. Ang akala ko noong una, kaya
ganoon kalakas ang tibok ng puso ko sa 'yo ay dahil crush lang kita. But there's no
other guy that have done it to me. Only you. Masaya ako na kasama ka. Na-a-
appreciate ko ang lahat ng ginagawa mo sa akin. I feel something for you. I know I
love you, Ed. Pero hindi ko lang maamin iyon sa 'yo dahil natatakot ako. Ayaw ko na
maging biktima sa gusto mo dahil masakit isipin na ako lang ang nagmamahal sa ating
dalawa..."

"Alyssa, oh God! Ganoon rin ang nararamdaman ko. Napagtanto ko na mahal rin kita
pero natakot ako dahil ang akala ko ay hindi ko rin makukuha iyon sa 'yo. You never
said..."

Hinalikan niya ito. "We were both succumbed by fears. First love jitters?"

Tumawa ito. "Siguro nga. Bago sa akin ang damdamin. Natatakot ako na masaktan..
Pero masarap pala. Lalo na kapag nalaman mo na mahal ka rin ng taong mahal mo."

Ngumiti siya. "Iyon rin ang nararamdaman ko. Oh Ed..."

"I love you, Alyssa. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ko ngayon. Maayos ang
anak natin. Mahal mo ako. Ikakasal na tayo bukas..."

"I couldn't agree more..." wika ni Alyssa at hinalikan ito.

        Thank You! [International Billionaires 3:...]

            Dear Reader,

Once again, thank you for reading International Billionaires 3: Edmundo Ferreira.
It's already a published book so you can buy a physical copy na. There is a special
chapter that is only available on the physical copy.

I will be posting Jet, Vincent and Cedric's story on Booklat. Please follow me on
Booklat. I have the same username.

As of now, si Jet pa lang ang posted sa Booklat.

Thank you and God bless!


Love,

Cady Lorenzana

    

You might also like