You are on page 1of 5

PAMANTASANG ATENEO DE NAGA

Kolehiyo ng Sining at Agham


Kagawaran ng mga Pag-aaral sa Wika at Panitikan
IntroduksIyon sa Pamamahayag
Unang Semestre ng A/P 2017-2018

Ang edukasyon ay walang katapusang proseso sa buhay ng tao na pinagsusunugan ng kilay,


dinidilig ng luha at binubusog ng mga pangarap. -Dr. Vasil Victoria

GOODLUCK!

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang lahat ng sagot sa papel na itatakda ng guro.
2. Takpang mabuti ang inyong sagot.
3. Itago lahat ng gadget na hindi kailangan sa pagsususlit.

PANGALAN PANGKAT PETSA PUNTOS

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

I. Kasaysayan ng Pamamahayag

1.Sino ang nagpasimula ng Sucesos Felices?


A. Tomas Pinpin C. Pablo Paced
B. Jose Gomez D. Julian de Poso

2. Aling pahayagan ang kinikilalang unang pahayagang pang-araw-araw?


A. Del Superior Govierno C. EL Comercio
B. La Esperanza D. Al Publicio

3.Sino ang nagtatag ng Diariong Tagalog?


A. Tomas Pinpin C. Marcelo Del Pilar
B. Graciano Lopez Jaena D. Julian de Poso

4.Sino ang pinakaunang Filipinong pumasok sa larang ng pamahayagan?


A. Pedro Paterno C. Gaudencio Adan
B. Pascual Poblete D. Julian de Poso

5. Anong pahayagan ang itinatag ni Rafael Palma?


A. El Debate C. Los Obreros
B. La Opinion D. El Renacimiento

6. Ito ang natatanging magasing Ingles na umiral nang mahabang panahon sa


kapuloan.
A. Philippine Free Press C. Cable News
B. Graphic D. Manila Times

7. Kailan unang lumabas ang Manila Daily Bulletin?


A. Pebrero 1, 1990 C. Pebrero 2, 1890
B. Pebrero 1, 1890 D. Pebrero 1, 1980

8. Sa panahong ito nagsimulang lumabas ang ibat ibang pahayagan ng mga


sundalong Amerikano.
A. Panahon ng Liberasyon C. Panahon ng Hapon
B. Panahon ng Pagbabago D. Panahon ng Amerikano
9. Sila ang pamilyang bumili sa The Philippine Herald.
A. Lopez C. Soriano
B. Aquino D. Roces

10. Sino ang nagtatag ng Cable News?


A. Carson Taylor C. Manuel Palaez
B. John Campbell D. Rafael Putman

II. Sangkap ng Balita

Panuto: Tukuyin kung anong sangkap ng balita ang tinutukoy. Bilugan ang TITIK ng
tamang sagot.

11. Anong sangkap ng balita ang tumutukoy sa mga pangyayaring nangyari lamang
kanina, kahapon, kamakalawa o kaya ay naganap noon pang libong taon na ang
nakaraan ngunit ngayon lamang nalaman ng mambabasa?
A. Kalapitan sa pook C. Tunggalian
B. Pagkanasa sa panahon D. Katanyagan

12. Nangangahulugan ito na higit na kinagigiliwan ng mambabasa ang mga


pangyayari sa kanilang paligid kaysa sa mga nagaganap sa malalayong pook.
A. Kalapitan sa pook C. Tunggalian
B. Pagkanasa sa panahon D. Katanyagan

13. Katangian ito ng balita na may kaugnayan sa mga sikat na tao sa lipunan.
A. Kalapitan sa pook C. Tunggalian
B. Pagkanasa sa panahon D. Katanyagan

14. Tulad sa kuwento at nobela, ito ang nangingibabaw na katangian ng mga


balitang nahihinggil sa isports, pagwewelga, laban sa politika, paligsahan at iba
pa.
A. Kalapitan sa pook C. Tunggalian
B. Pagkanasa sa panahon D. Katanyagan

15. Isa itong katangian ng balita na may kaugnayan sa mga pangyayari hinggil sa
pag-unlad ng edukasyon, sa siyensiya at teknolohiya, sa kultura, politika at iba pa.
A. Kahalagahan C. Tunggalian
B. Pagkanasa sa panahon D. Pag-unlad

16. Katangian ito ng balita na nababasa sa mga balitang nakakaapekto sa


kalagayan ng ating bansa, pananalapi, edukasyon at iba pang nagbibigay-halaga
sa bansa.
A. Kahalagahan C. Tunggalian
B. Di-Karaniwan D. Pag-unlad

17. Ito ang katangian ng balita na nakikita sa mga balitang naiiba, bago at kawili-
wiling basahin ng sinumang mambabasa.
A. Romansa at Pakikipagsapalaran C. Kaakit-akit sa tao
B. Di-Karaniwan D. Kahalagahan

18. Ang mga paksa ng balitang ito ay tumutukoy sa kuwento ng pag-iibigan o kaya
naman ay kuwento ng kabayanihan.
A. Romansa at Pakikipagsapalaran C. Kaakit-akit sa tao
B. Di-Karaniwan D. Kahalagahan
19. Ito ang katangian ng pangyayari na karaniwang pinapaksa ng mga balitang
pinagaganda o colored news.
A. Romansa at Pakikipagsapalaran C. Kaakit-akit sa tao
B. Di-Karaniwan D. Mga paksang nakakalibang

20. Ito ang mga balitang may kinalaman sa mga paksang nagbibigay-aliw sa mga
mambabasa.
A. Romansa at Pakikipagsapalaran C. Kaakit-akit sa tao
B. Di-Karaniwan D. Mga paksang nakakalibang

III. Uri ng Balita

Panuto: Tukuyin kung anong sangkap ng balita ang tinutukoy. Bilugan ang TITIK ng
tamang sagot.

21. Tumutukoy ito sa balita ng pangyayaring matagal nang naganap, at alam na ng


di-iilang mamababasa bago pa malathala bilang isang balita

A. Tuwirang balita C. Balitang Kinipil


B. Inaasahang balita D. Paunang balita

22. Pangunanhing layunin ng uri ng balitang ito na maghatid ng impormasyon at


pangalawa lamang ang pagdudulot ng aliw.
A. Tuwirang balita C. Balitang Kinipil
B. Inaasahang balita D. Paunang balita

23. Ito naman ay tumutukoy sa mga balita ng pangyayaring magaganap pa lamang


sa isang tiyak na panahon sa isang tiyak na lugar sa hinaharap.
A. Tuwirang balita C. Balitang Kinipil
B. Flash D. Paunang balita

24. Ang uri ng balitang ito ay pahabol na balita kaya karaniwang maiikli at
nakasingit lamang sa mga kaugnay na malalaking balita.
A. Bulletin at Flash C. Balitang Kinipil
B. Flash D. Paunang balita

25. Ito ang uri ng balita ng isang pangyayari na pinaganda ang paghahatid ng
impormasyon upang maging higit na kawili-wili o makapagbigay-aliw sa
mambabasa.
A. Balitang Interpretative C. Balitang Pampublisidad
B. Balitang Pagkilala D. Balitang Pinaganda

26. Nagsasaad ito ng pagpapakilala sa madla ng isang tao, bagay, pook o


pangyayari na hindi pa kilala ngunit mahalagang makilala.
A. Balitang Interpretative C. Balitang Pampublisidad
B. Flash D. Balitang Pinaganda

27. Ito naman ang uri ng balita ng kahanga-hangang nagawa ng isang tao o ng
isang pangkat.
A. Balitang Interpretative C. Balitang Pampublisidad
B. Balitang Pagkilala D. Balitang Pinaganda

28. Ang balitang ito ang nagbibigay-diin sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng


malalim na dahilan ng mga pangyayari upang lalong madaling maunawaan ng
mga mambabasa.
A. Balitang Interpretative C. Balitang Developmental
B. Balitang Pagkilala D. Balitang Pinaganda
29. Ito ang mga balitang nauukol sa mga pangyayaring may kaugnayan sa mga
kaunlaran ng bayan, lalawigan, rehiyon at buong bansa.
A. Balitang Interpretative C. Balitang Pampublisidad
B. Balitang Developmental D. Printable News

30. Ito ang mga balitang ang pangyayari ay itinuturing na nagdudulot ng kabutihan
sa mamamayan, tuwiran man o di-tuwiran.
A. Balitang Interpretative C. Balitang Pampublisidad
B. Balitang Developmental D. Printable News

IV. Kayarian ng Balita

Panuto: Tukuyin kung anong kayarian ng balita ang tinutukoy. Bilugan ang TITIK ng
tamang sagot.

31. Ilan ang kayarian ng balita na umiiral sa kasalukuyan?


A. isa C. tatlo
B. dalawa D. apat

32.Ito ang kayarian ng balita na ginagamit sa mga karaniwang balitang nakakalap


sa araw-araw.
A. tagilo C. sudden
B. investigative D. masaklaw

33. Ito ang uri ng balita na nakikilala sa dami ng pangyayaring nakapaloob sa isang
ulo.
A. Balita ayon sa pangyayari C. Balita ayon sa nilalaman
B. Balita ayon sa saklaw D. Balita ayon sa aksiyon

34. Ito ang salin sa Ingles ng salitang pamatnubay.


A. head C. reference
B. lead D. newsline

35. Sa ilan nahahati ang pamatnubay na kumbensiyonal?


A. dalawa C. apat
B. tatlo D. lima

36. Ito ang uri ng pamatnubay na kumbensiyonal na binubuo sa pamamagitan ng


malikhaing paraan.
A. Sumasagot sa anim na tanong C. Panretorika
B. Pormal D. Malikhain

37. Isa pa itong tawag sa pamatnubay na di-kumbensiyonal.


A. Di-tuwiran C. Di-karaniwan
B. Di-pormal D. Di-kongkreto

38. Puwede nang magpakasal ang dalawang bakla. Anong uri ng pamatnubay na
di-kumbensiyonal ang ipinapakita sa pahayag?
A. Panggulat C. Pamatnubay na tanong
B. Madulang paglalarawan D. Nabibiting Kawilihan

39. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin. Anong uri ng


pamatnubay na di-kumbensiyonal ang ipinapakita sa pahayag?
A. Tahasang sabi C. Isang salita
B. Panggulat D. Kasabihan

40. Daga! Pumatay ng tao. Anong uri ng pamatnubay na di-kumbensiyonal ang


ipinapakita sa pahayag?
A. Tahasang sabi C. Isang salita
B. Panggulat D. Kasabihan
V. Balitang Pampalakasan

Panuto: Bilugan ang TITIK ng tamang sagot.

41. Sa Filipinas, sino ang nagpasigla sa asignaturang Pagpapalakas ng Katawan?


A. Onofre Corpuz C. Palencio Gonzales
B. Jose Lopez D. Julian Hernandez

42. Sino ang katulong ng reporter upang magsaayos ng kaniyang mga balita?
A. editor C. article checker
B. copyreader D. news editor

43. Aling katangian ng isang reporter ang kailangan upang maitala niya nang
detalyado ang mga nakikita sa laro?
A. matalas na pagmasid C. tiwala sa sarili
B. matalas na isip D. pagiging mapanuri

44. Ano ang Ingles na katawagan sa paligsahan sa taas ng lundag?


A. discuss throw C. pole vault
B. long jump D. javelin

45. Sino sa ibaba ang isa sa pinakatanyag na repoter sa isports?


A. James Yap C. Jing Castaeda
B. TJ Manotoc D. Gerard Lorbes

46. Aling laro sa ibaba ang hinahagis ang bola at kailangang palauin ng kalaban?
A. Javelin throw C. Basketbol
B. Beysbol D. Saker

47. Anong katangian ng isang reporter ang kailangan upang maging una sa mga
impormasyon bago pa lamang magsimula ang laro?
A. matalas na pagmasid C. tiwala sa sarili
B. pagiging tama sa oras D. pagiging masiyasat

48. Alin sa ibaba ang hindi gaanong pinaglalabanan sa Palarong Pambansa?


A. Judo C. Basketbol
B. Beisbol D. Saker

49. Ano ang ginagawa ng isang reporter upang matulungan ang mambabasa na
parang nanonood lamang sa loob ng istadyum?
A. Paglalarawan sa manlalaro C. Kausapin ang coach
B. Pagiging mapanuri D. Kausapin ang manlalaro

50. Sino ang nakatalo kay Pacquiao sa kaniyang laban ngayong 2017?
A. Morales C. Hatton
B. Horn D. Mayweather

You might also like