You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Samar
OSMEÑA NATIONAL HIGH SCHOOL
Osmeña, Marabut, Samar
S.Y. 2018 - 2019

PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa

FILIPINO SA PILING LARANGAN – Akademik GRADE 12

PANGALAN: MARKA:
ANTAS AT SEKSYON: PETSA:

I. PANUTO: Basahing mabuti ang pangungusap at bilugan ang TITIK ng wastong.

1. Isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao.
A. Posisyong Papel B. Katitikan ng Pulong C. Talumpati D. Tula
2. Nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at panalat.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
3. Sumasagot sa mga tanong na sino, ano, bakit, saan, kailan at paano.

4. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang sumang-ayon ang
tagapakinig.

5. Nagkukuwento ng mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon.

6. Dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
A. Talumpati C. Sanaysay
B. Posisyong Papel D. Katitikan ng Pulong
7. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri
ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
A. Lakbay Sanaysay C. Posisyong Papel
B. Replektibong Sanaysay D. Katitikan ng Pulong
8. Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng
isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
A. Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Personal na Sanaysay
9. Isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-
akda sa pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga
naisip o napagtantong ideya.
A. Personal na Sanaysay C. Lakbay Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
10. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga kasabihan o sawikain.
A. Lakbay Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Personal na Sanaysay D. Patalinhagang Sanaysay
11. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o
naoobserbahan ng tao.
A. Personal na Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Kritikal na Sanaysay
12. Uring sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o
naoobserban.
A. Patalinhagang Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
13. Isang uri ng buod na karaniwang makikita sa unang bahagi ng isang papel-pananaliksik.
A. Konklusyon B. Abstrak C. Lagom D. Buod
14. Ang tawag sa paggamit ng wika sa mas matataas na diskurso partikular sa akademya.
A. Imahinasyon C. Higher Thinking Skills
B. Intelektwalisasyon D. Common Sense
15. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak?
A. Parehong maiksi C. Nagsusuma ng akademikong sulatin
B. May iisang talata lamang D. Binubuo ng 200-300 salita
16. Alin sa mga sumusnod na kurso ang HINDI nabibilang sa Agham Panlipunan?
A. Panitikan B. Sikolohiya C. Arkeolohiya D. Ekonomiks
17. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades?
A. Linggwistiks B. Biolohiya C. Heograpiya D. Sosyolohiya
18. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng
pulong?
A. Mga dumalo C. Lugar ng pulong
B. Oras ng pagsisimula ng pulong D. Ikatlong agenda
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng
pulong?
A. Oras ng pagtatapos ng pulong C. Pangalan ng organisasyon
B. Lugar ng pulong D. Mga dumalo
20. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawing
katitikan ng pulong?
A. Audio recorder C. Bolpen at papel
B. Katitikan ng nakaraang pulong D. Mga dadalo
21. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
A. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae.
B. Matangos ang ilong ng babae. D. Makinis ang balat ng babae.
22. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa talumpati.
B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.
C. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel.
D. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari.
23. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. Sariling paniniwala C. Sariling karanasan
B. Balitang napanood D. Narinig na kwento
24. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.
B. Ano ang iyong opinyon tungkol sa korapsyon?
C. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.
D. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.
25. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat
upang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay
gumagamit naman ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan
ng isang partikular na isyu.
D. Ang talumpati ay maiksi lamang samantalang ang posisyong papel ay mahaba.
26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng ekonomiks na nakaugat sa lipunang
Pilipino?
A. Pagbibigay ng pasa load C. Pamimili ng prutas
B. Panonood ng mga telenobela D. Pagmamano sa mga nakatatanda
27. Saang mga disiplina nabibilang ang pag-aaral na may pamagat na “Wika, Astronomiya,
Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko”?
A. Agham at Agham Panlipunan C. Agham Panlipunan at Humanidades
B. Agham at Humanidades D. Agham at Arkeolohiya
28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talumpati?
A. “Kanlungan” C. “Bakit Ako Naging Manunulat”
B. “Solo sa Oslo” D. “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal”
29. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng replektibong sanaysay?
A. “Dangal at Parangal”
B. “Hindi Ngayon ang Panahon”
C. “Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad”
D. “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari”
30. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng posisyong papel?
A. “Mamamayan ng Mindanao Nangangalampag sa Maynila”
B. “Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan”
C. “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano”
D. “Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto”
31. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-
akademya?
A. Pambansang wika ang wikang Filipino
B. Filipino ang mainam gamitin sa iba’t ibang disiplina
C. Intelektwalisado na ang wikang Filipino
D. Marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino
32. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon?
A. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang
impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at
kultura.
B. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika at
ang mga tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina.
C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga
Pilipino propesor na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri.
D. Hanggang ngayon, ang debate at kontrobersiya sa wika ay umiikot pa rin sa konsepto
ng Filipino bilang isang pambansang wika, o wika ng pagtuturo.
33. “Nais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang
lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito.” Anong bahagi ng papel pananaliksik ang
isinasaad sa itaas na hango kay Tereso Tullao, Jr.?
A. Layunin C. Interpretasyon ng Datos
B. Rekomendayson D. Daloy ng Pag-aaral
34. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa
Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba't
nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa
pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang
pangunahing argumento sa nasabing pahayag?
A. Pagtakwil sa dayuhang wika C. Pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo
B. Pagkilala ng sariling wika D. Intelektwalisasyon ng wika
35. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca
Awards Night, “Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing
sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at
manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo bilang
makabuluhan at makasining.” Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa
pagpili ng mga paparangalang likha?
A. Mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo.
B. Kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo.
C. Mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo.
D. Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado.

II. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap,
isulat ang TAMA; kung may bahagi namang mali sa pangungusap guhitan ang salita at
isulat ang MALI sa patlang. (2 puntos bawat isa)

36. Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang
tunay na kahulugan ng mga pahayag.
37. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong.
38. Maituturing na lakbay-sanaysay ang programang Biyahe ni Drew.
39. Kalimitang ginagamit ang patalinhagang sanaysay sa mga impormal na sanaysay.
40. Konklusyon ang pinakamahalagang bahagi ng papel-pananaliksik kaya ito ang dapat
mauna sa pagsulat ng abstrak.

III. ENUMERASYON. Ibigay ang hinihingi. (Isulat ang sagot sa likod ng papel)
41 – 45. Limang (5) bahagi ng abstrak ayon sa pagkakasunod-sunod. Inihanda ni:
Bb. SHEILA MAE P. BALTAZAR
Guro sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Samar
OSMEÑA NATIONAL HIGH SCHOOL
Osmeña, Marabut, Samar
S.Y. 2018 - 2019

SUSI SA PAGWAWASTO SA PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa

FILIPINO SA PILING LARANGAN – Akademik GRADE 12

I. PANUTO: Basahing mabuti ang pangungusap at bilugan ang TITIK ng wastong.

1. Isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao.

A. Posisyong Papel B. Katitikan ng Pulong C. Talumpati D. Tula
2. Nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at panalat.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
3. Sumasagot sa mga tanong na sino, ano, bakit, saan, kailan at paano.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
4. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang sumang-ayon ang
tagapakinig.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
5. Nagkukuwento ng mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
6. Dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
A. Talumpati C. Sanaysay
B. Posisyong Papel D. Katitikan ng Pulong
7. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri
ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
A. Lakbay Sanaysay C. Posisyong Papel
B. Replektibong Sanaysay D. Katitikan ng Pulong
8. Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng
isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
A. Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Personal na Sanaysay
9. Isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-
akda sa pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga
naisip o napagtantong ideya.
A. Personal na Sanaysay C. Lakbay Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
10. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga kasabihan o sawikain.
A. Lakbay Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Personal na Sanaysay D. Patalinhagang Sanaysay
11. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o
naoobserbahan ng tao.
A. Personal na Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Kritikal na Sanaysay
12. Uring sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o
naoobserban.
A. Patalinhagang Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
13. Isang uri ng buod na karaniwang makikita sa unang bahagi ng isang papel-pananaliksik.
A. Konklusyon B. Abstrak C. Lagom D. Buod
14. Ang tawag sa paggamit ng wika sa mas matataas na diskurso partikular sa akademya.
A. Imahinasyon C. Higher Thinking Skills
B. Intelektwalisasyon D. Common Sense
15. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak?
A. Parehong maiksi C. Nagsusuma ng akademikong sulatin
B. May iisang talata lamang D. Binubuo ng 200-300 salita
16. Alin sa mga sumusnod na kurso ang HINDI nabibilang sa Agham Panlipunan?
A. Panitikan B. Sikolohiya C. Arkeolohiya D. Ekonomiks
17. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades?
A. Linggwistiks B. Biolohiya C. Heograpiya D. Sosyolohiya
18. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng
pulong?
A. Mga dumalo C. Lugar ng pulong
B. Oras ng pagsisimula ng pulong D. Ikatlong agenda
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng
pulong?
A. Oras ng pagtatapos ng pulong C. Pangalan ng organisasyon
B. Lugar ng pulong D. Mga dumalo
20. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawing
katitikan ng pulong?
A. Audio recorder C. Bolpen at papel
B. Katitikan ng nakaraang pulong D. Mga dadalo
21. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
A. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae.
B. Matangos ang ilong ng babae. D. Makinis ang balat ng babae.
22. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa talumpati.
B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.
C. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel.
D. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari.
23. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. Sariling paniniwala C. Sariling karanasan
B. Balitang napanood D. Narinig na kwento
24. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.
B. Ano ang iyong opinyon tungkol sa korapsyon?
C. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.
D. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.
25. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat
upang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay
gumagamit naman ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan
ng isang partikular na isyu.
D. Ang talumpati ay maiksi lamang samantalang ang posisyong papel ay mahaba.
26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng ekonomiks na nakaugat sa lipunang
Pilipino?
A. Pagbibigay ng pasa load C. Pamimili ng prutas
B. Panonood ng mga telenobela D. Pagmamano sa mga nakatatanda
27. Saang mga disiplina nabibilang ang pag-aaral na may pamagat na “Wika, Astronomiya,
Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko”?
A. Agham at Agham Panlipunan C. Agham Panlipunan at Humanidades
B. Agham at Humanidades D. Agham at Arkeolohiya
28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talumpati?
A. “Kanlungan” C. “Bakit Ako Naging Manunulat”
B. “Solo sa Oslo” D. “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal”
29. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng replektibong sanaysay?
A. “Dangal at Parangal”
B. “Hindi Ngayon ang Panahon”
C. “Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad”
D. “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari”
30. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng posisyong papel?
A. “Mamamayan ng Mindanao Nangangalampag sa Maynila”
B. “Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan”
C. “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano”
D. “Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto”
31. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-
akademya?
A. Pambansang wika ang wikang Filipino
B. Filipino ang mainam gamitin sa iba’t ibang disiplina
C. Intelektwalisado na ang wikang Filipino
D. Marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino
32. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon?
A. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang
impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at
kultura.
B. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika at
ang mga tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina.
C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga
Pilipino propesor na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri.
D. Hanggang ngayon, ang debate at kontrobersiya sa wika ay umiikot pa rin sa konsepto
ng Filipino bilang isang pambansang wika, o wika ng pagtuturo.
33. “Nais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang
lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito.” Anong bahagi ng papel pananaliksik ang
isinasaad sa itaas na hango kay Tereso Tullao, Jr.?
A. Layunin C. Interpretasyon ng Datos
B. Rekomendayson D. Daloy ng Pag-aaral
34. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa
Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba't
nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa
pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang
pangunahing argumento sa nasabing pahayag?
A. Pagtakwil sa dayuhang wika C. Pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo
B. Pagkilala ng sariling wika D. Intelektwalisasyon ng wika
35. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca
Awards Night, “Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing
sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at
manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo bilang
makabuluhan at makasining.” Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa
pagpili ng mga paparangalang likha?
A. Mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo.
B. Kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo.
C. Mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo.
D. Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado.

II. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap,
isulat ang TAMA; kung may bahagi namang mali sa pangungusap guhitan ang salita at
isulat ang MALI sa patlang. (2 puntos bawat isa)

36. Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak (hindi mabulaklak) ang pananalita upang maitago (hindi
maitago) ang tunay na kahulugan ng mga pahayag. MALI
37. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong.TAMA
38. Maituturing na lakbay-sanaysay (programang pampaglalakbay) ang programang Biyahe ni Drew.MALI
39. Kalimitang ginagamit ang patalinhagang sanaysay sa mga impormal (pormal) na sanaysay.MALI
40. Konklusyon (Layunin) ang pinakamahalagang bahagi ng papel-pananaliksik kaya ito ang dapat mauna sa
pagsulat ng abstrak. MALI

III. ENUMERASYON. Ibigay ang hinihingi.

41 – 45. Limang (5) bahagi ng abstrak ayon sa pagkakasunod-sunod.
1. Kaligiran o background ng pag-aaral
2. Layunin ng pag-aaral
3. Metodolohiyang ginamit Inihanda ni:
4. Mga natuklasan/ resulta ng pag-aaral Bb. SHEILA MAE P. BALTAZAR
5. Konklusyon Guro sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)

You might also like