You are on page 1of 8

4

ssssssssssssssssssssssssss

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 - MODULE 1
Kahulugan at Kahalagahan ng
Pamahalaan
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikaapat na Baitang! Ang modyul na ito ay ginawa upang
mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa pamahalaan ng ating bansa. Kailangan
natin ang pamahalaan upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Mahalaga na may tagapangalaga sa bansa upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng
sambayanan.Hindi magiging maayos tahimik at maayos ang ating bansa kung walang
tagapamahala.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:

1. Kahulugan at Kahalagahan ng Pamahalaan

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)

Natatalakay ang kahulugan at kahalagaan ng pamahalaan.

K to 12 BEC CG: (AP4PAB-IIIa-1)

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Matutukoy ang kahulugan ng pambansang pamahalaan


2. Matatalakay ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan

Tuklasin

Ang Pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga


grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan. Mahalaga ang pamahalaan sa pangangalaga ng kapakanan at kaligtasan ng bawat
mamamayan.Ang Pamahalaan ay isa sa mga tumutugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan. May ibat-ibang paglilingkod na na isinasagawa ang pamahalaan para sa
mammayan.

Gaano kahalaga ang Pamahalaan sa isang bansa?

Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng Pangulo ng bansa


katuwang ang pangalawang pangulo.Lahat ng suliranin na may kinalaman sa pulitika, lipunan
at kabuhayan ay saklaw ng pamahalaan.

1
Source: Editha T. Hondradez,facebookpage,21st Century Grade 4 Teachers

Source: Editha T. Hondradez, facebookpage, 21st Century Grade 4 Teachers

Gawain 1

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot

____________1. Ang Pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod

ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng


isang sibilisadong lipunan.

___________ 2. Tinitiyak ng ating Pamahalaan na maging maunlad ang ating ekonomiya.

2
___________ 3. Ang ating Pamahalaan ay isang uri ng sistemang federalism.

___________ 4. Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng Pangulo


ng bansa.

___________ 5. Ang Pamahalaan ang nagtatakda ng mga batas at tuntuning dapat sundin ng
mga mamamayan.

Gawain 2

Panuto: Magbigay ng tatlong (3) katangiang taglay ng ating Pangulo ngayon na nakatutulong
sa pag-unlad ng ating bansa.Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. _______________________________________________________

2. _______________________________________________________

3. _______________________________________________________

Gawain 3

Panuto: Piliin ang mga pangungusap na nagpapahayag kung bakit ang pamahalaan ay
mahalaga. Isulat ang tamang sagot sa loob ng mga lobo. Isulat sa sagutang papel ang tamang
sagot.

3
A. Pinangangalagaan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

B. Nangangalaga ng mga “drug lords”

C. May Hukbong Panghimpapawid na nagbabantay sa ating teritoryo.

D. Pinapanatili ang pambansang kaligtasan sa anu mang panganib.

E. Pinapayaman ang mga pinuno ng pamahalaan.

F. Pinapangalagaan ang buhat at ari-arian ng bawat mamamayan.

G. Nagbibigay ng libreng gamot sa mga maysakit.

Tayahin

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Ano ang institusyong nagpapahayag ng damdamin at opinyon ng mga mamamayan?

A. Barangay B. Paaralan C. Pamahalaan D. Simbahan

2. Anong mayroon ang pamahalaan na ipinapatupad sa mga mamamayan upang maging


mapayapa,tahimik at maunlad ang bansa?

A. mga aral B. mga batas C. mga pagkain D. mga tagubilin

3. Anong uri ng paglilingkod ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga tao sa pagpapatayo ng


paaralan sa ibat-ibang barangay?

A. Kanlurang Pangkabuhayan C. Kanlurang Pansarili

B. Kanlurang Panlipunan D. Kanlurang Panrelihiyon

4. Aling opisyal ng Pamahalaan ang nakakatulong sa bansa?

A. makasarili C. walang pakialam

B. matapat D. walang paninindigan

4
5. Alin ang katangian ng mga opisyal ng pamahalaan ang dapat nating ihalal?

A. mayabang,makasarili,at maramot

B. mayaman,maganda,at makapangyarihan

C. matapang,makasarili,at may kinikilingan

D. maka-Diyos,makatao,makakalikasan at makabansa

6. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay isang uri ng sistemang ________________.

A. Demokratiko C. Pederalismo

B. Kolonyalismo D. Parliamentaryo

7. Ito ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na

naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.

A. bandidong grupo B. pamahalaan C. pangkat D. tribu

8. Ang katuwang ng pangulo sa pagpapatakbo ng ating pamahalaan.

A. dayuhan B. magulang C. pangalawang pangulo D. pulis

9. Ang nangunguna sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programa para sa mamamayan.

A. dayuhan C. magsasaka

B. korte D. pamahalaan

10. Ang Pamahalaan ay may ________________ sangay.

A. isa B. dalawa C. tatlo D. apat

5
Sagot sa mga Gawain
sagot
Maaaring magkaiba ang
Gawain 2
5. Tama
4. Tama
3. Mali
2. Tama
1. Tama
Gawain 1

Sanggunian:

Aklat

Maria Corazon V.Adriano,Marian A. Caampued,Charity A. Capunitan,Walter F.


Galarosa,Noel P. Miranda,Emily R. Quintos,Belen P. dado,Ruth A. Gozun,Rodante S.
Magsino,Maria Lucia L. Manalo,Jose B. Nabasa,Evelyn P. Naval. 2015. Araling Panlipunan
4 .Pasig City: Vibal Group,Inc

Learning Resource Management and Development System(LRMDS), DepEd –Division of


Negros Occidental Revised 2010

Mga Sangguniang Elektroniko

https://www.epsu.org/article/more-300-civil-society-organizations73- countries-urge-real-
reform-united-nations https://www.graphicmaps.com/philippines/flag
https://www.pinterest.ph/
Editha T. Honradez,facebookpage,21 st Century Grade 4 Teachers

6
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Ricky V. Bautista


Master Teacher I

Tagapagsuri:

A. Pangdistrito

Gerardo J. Cabiles Dr. Jimmy A. Laroya


Principal II Public Schools District Supervisor
B. Pangdibisyon
Dr. Marilex A. Tercias Olivia L. Delos Santos Dr. Regina S. Fabia
May Ann L. Aglosolos Dr. Nelda S. Rabang Dr. Lea C. Cacayan
Dr. Ma. Ruby L. Caballero Marissa S. Quinto Marlyne S. Asuncion
Analisa M. Mulato Frederick V. Agayo Luzviminda S. Dizon
Myrna B. Paras Jacqueline Calosa Nida Bautista

Tagalapat: Geni M. Sarmiento Rolando P. Grande, Jr.

Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison Mario S. Cariño Dr. Cornelio R. Aquino


Dr. Jerome S. Paras Dr. Maybelene C. Bautista

Sagot sa Tayahin
10.C
9.D
8.C
7.B
6.A
5.D
4.B
3.B
2.B
1. A

You might also like