You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 01
Division of the Pangasinan II
Bautista District
ARTACHO ELEMENTARY SCHOOL

SEMI-DETAILED LESSON PLAN


IN
FILIPINO 4

I. LAYUNIN
1. Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
2. Naipapaliwanag ang mga dapat gawin sa tamang pagsunod sa panuto.
3. Masayang nakasusunod sa panuto.

II. PAKSA
Pagsunod sa Panuto

A. Kagamitan
Video clip, graphic organizer, PowerPoint presentation, TV, Laptop

B. Sanggunian: LM and TG of Filipino 4

C. Integrated Subjects:
EsP: Pagiging Masunurin/Masipag/Malinis
EPP: Paglilinis ng Bahay
English: Following Direction, Recite a Poem
Arts: Pagguhit
Music: Pag-awit
Mathematics: Accuracy

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagwawasto ng takdang aralin

B. Balik-aral

Paano ang tamang pagsunod sa panuto?

C. Pagganyak
Hatiin sa 5 pangkat ang klase. Hayaang pangalanan ang kanilang pangkat.

Hal. Pangalan ng bulaklak


Website
Pangalan ng mga hayop

Magtalaga ng mga panuntunan sa mga bata bago lumabas sa silid-aralan.


Hayaang magmasid ng 3-5 minuto.

Field Trip (Lakbay-aral)

D. Paglalahad
Anu-ano ang mga nakita/nabasa ninyong nakapaskil na karatula sa labas?
Ano ang tawag natin sa mga ito?

E. Pagtalakay

Pag-aralan natin ang tungkol sa pagsunod sa panuto habang isinasagawa natin


ang susunod na gawain.

1. Pangkatang Gawain

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Araw-araw, ating naririnig,


Mga panuto, direksyon sa paligid;
“Pumila nang maayos!”
“Makinig sa guro!”
“Magsalita nang malinaw!”
“Linisin ang paligid!”
Mga ginagawa sa bahay man o paaralan,
Magiging maayos, kung panuto’y pakikinggan at susundin.

Sagutin.

1. Ano ang naririnig natin araw-araw?


2. Ano-ano ang mga panutong naririnig ninyo?
3. Bakit dapat sundin ang mga panuto?
4. Ilan ang panutong ibinigay sa tula?
5. Paano masusunod nang tama at maayos ang panuto?
6. Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa mga panuto?

2. Pag-uulat ng bawat pangkat.

Hayaang iulat ng bawat pangkat ang kanilang mga sagot.

3. Pakikinig sa video clip tungkol sa pagsunod sa panuto.

EPP Integration

1. Tungkol saan ang video clip?


2. Ano-ano ang mga panutong nabanggit sa video clip?
3. Tiyak ba ang ibinigay na panuto? Bakit?

Mathemetics Integration

4. Ilan ang ibinigay na panuto sa video clip?

5. Kailan ginagamit ang panuto?


6. Base sa video clip, ano ang panuto?
7. Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa panuto?

F. Paglalahat
1. Ano ang panuto?
2. Bakit kailangang sundin ang ibinigay na panuto?
3. Paano mo masusunod nang maayos at tama ang naririnig na mga
panuto?
4. Ano ang kahalagahan ng tamang pagsunod sa panutong naibigay sa
iyo?
5. Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa panuto?

G. Pagsasanay

Pangkatang Gawain. Hayaang pumili ang mga bata kung ano ang gusto nilang gawin.

Music Integration

1. Gumawa ng kanta/awit tungkol sa pagsunod sa panuto.

English Integration

2. Gumawa ng tula tungkol sa pagsunod sa panuto.


3. Pagbabalita tungkol sa pagsunod sa panuto.

Music Integration

4. Gumawa ng rap tungkol sa pagsunod sa panuto.

5. Pagsasadula tungkol sa pagsunod sa panuto.

ESP Integration

1. Bakit kailangang sundin ang ibinigay na panuto?

English Integration

1. Paano mo masusunod nang maayos at tama ang naririnig na mga


panuto?
2. Ano ang kahalagahan ng tamang pagsunod sa panuto naibigay sa iyo?
3. Ano-ano ang mga dapat gawin para sa tamang pagsunod sa panuto?

IV. PAGTATAYA

A. Sundin ang panutong nasa ibaba.

ARTS/English Integration

1. Kumuha ng nito.lapis at papel.


2. Iguhit sa papel ang inyong paaralan at kulayan ito.
3. Ilagay ang pangalan ng ating paaralan sa itaas na bahagi.

B. Punan ang semantic web ang mga dapat gawin sa tamang pagsunod sa panuto.

Mga
Dapat
Gawin sa
Pagsunod
sa Panuto
V. TAKDANG ARALIN

Gumawa ng talaan ng mga karaniwang panutong ibinibigay ng inyong nanay


araw-araw. Lagyan ng tsek ( ) ang mga panutong naisasagawa mo at ekis (X) ang
hindi.

Inihanda ni:

GRACE FRITZIE A. REGPALA


Teacher I

Binigyang pansin ni:

Rafael R. Viernes, Jr.


Principal II

You might also like