You are on page 1of 14

School: GASAN CENTRAL SCHOOL Grade Level: One

GRADES 1 TO 12 Teacher: Learning Area: FILIPINO


DAILY LESSON LOG
Teaching Date Quarter: 2nd QUARTER
and Time: Wk. 4 – D-1
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag unawa sa
Pangnilalaman napakinggan

B. Pamantayan sa Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto


Pagganap
C. Pamantayan sa Nakasusunod sa napakinggang panuto na may isang hakbang.
Pagkatuto Curriculum Guide - F1PN-IId-1.1
pah. 9
II. NILALAMAN Pagsunod sa Napakinggang Panuto

KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian
Lesson Exemplar Pahina 60 - 62
Iba Pang Kagamitang Music player
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik – aral Paano natin sisipiin o kokopyahin ang mga salita mula sa pisara?

B. Paghahabi ng layunin Laro:


ng aralin
Pabilugin ang mga bata. Pumili ng isang bata na pupunta sa gitna ng bilog at
piringan siya.

Sa saliw ng isang tugtog, pasayawin habang umiikot ang mga bata pabilog.
Kapg tumigil ang musiko, nagbibigay ng utos ang isang bata.

Hayaang isagawa niya ang utos o panuto na sasabihin ng isa niyang kaklase.
Kapag tama ang kanyang pagsasagawa sa utos o panutong narinig, ang nagbigay
ng utos o panuto ang magiging taya sa gitna.

C. Pagtalakay ng bagong Itanong:


konsepto at paglalahad
1. Ano ang ginawa ng batang naka bilog? (nagbigay ng utos)
ng bagong kasanayan
2. Ano naman ang ginawa ng batang nasa gitna ng bilog? (sinunod o
nagsagawa ng utos)
3. Tama ba ang pagsasagawa niya ng utos o panuto?

D. Paglinang sa Pakuhain ng lapis at papel ang mga bata.


Kabihasaan
1. Gumuhit ng isang malaking tatsulok.
2. Sa gitna ng tatsulok, gumuhit ng isang batang lalaki na mag
hawak na bulaklak.
Tingnan kung wasto ang ginawa ng mga bata .
1. Tama ba ang inyong ginawa?
2. Ano ang inyong ginawa?
3. Sinunod ba ninyo ang panutong sinabi ng guro?
4. Paano ninyo ito sinunod?
E. Paglalapat ng aralin sa Isagawa ang sumusunod na panuto.
pang-araw-araw na
1. Tumayo ang lahat ng mga babae at umupo naman ang lahat ng
buhay
mga lalaki.
2. Ilagay ang dalawang kamay sa ulo.
(Maaari pang dagdagan ang mga gawain gamit ang Total
Physical Response)

Titingnan ng guro kung sinunod ng mga bata ang panutong


sinabi ng guro.

F. Paglalahat ng aralin Sinunod namin ang panutong napakinggan.

G. Pagtataya ng aralin Kumuha ng lapis at papel at isagawa ang mga sumusunod.

1. Isulat sa inyong papel ang ngalan ng inyong guro.

2. Bilugan ang lahat ng malaking titik.

H. Karagdagang gawain Kasunduan:


para sa takdang – aralin
at remediation Makinig mabuti at sundin nang wasto ang panutong napakinggan.

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong.
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyonan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
School: GASAN CENTRAL SCHOOL Grade Level: One
GRADES 1 TO 12 Teacher: Learning Area: FILIPINO
DAILY LESSON LOG
Teaching Dates Quarter: 2nd QUARTER
and Time: Wk. 4 – D-2
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalitaat pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Naipapahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksiyon nang may wastong
Pagganap tono, diin, bilis, antala at intonasyon.
C. Pamantayan sa Nakapagbibigay ng maikling panuto na may 1 – 2 hakbang
Pagkatuto Curriculum Guide - F1PS-IId-8.1
pah. 9
II. NILALAMAN Pagbigay ng Maikling Panuto na may 1 – 2 Hakbang
KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian
Lesson Exemplar Pahina 63 - 65
Iba Pang Kagamitang music player, bola
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik – aral Isulat sa inyong papel ang ngalan ng inyong paaralan.
Bilugan ang lahat ng malaking titik.

B. Paghahabi ng layunin Laro.


ng aralin
Pabilugin ang mga bata ng maayos.

Sa saliw ng isang musiko, ipapasa ng mga bata ang bola, kapag huminto ang

awit, ang batang may hawak

ng bola ang siyang nagbibigay ng utos o panuto sa batang katabi niya sa

upuan.

C. Pagtalakay ng bagong 1. Ano ang ginawa ginawa ng batang may hawak ng bola?
konsepto at
paglalahad ng bagong (Nagbigay ng utos?
kasanayan
2. Ano naman ang ginawa ng batang katabi niya?

(sinunod o nagsagawa ng utos)

3. Tama ba ang pagsasagawa niya ng utos o panuto?

D. Paglinang sa Tumawag ng isang bata sa unahan ng klase, hayaang magbigay siya ng


Kabihasaan
utos o panuto sa kanyang mga

kaklase. Ang batang kanyang inutusan ang siya namang mag uutos at

tatawag ng isa niyang kaklase

upang magsagawa ng kilos.


Tingnan kung wasto ang ginawa ng mga bata .

1.Tama ba ang inyong ginawa?

2. Ano ang inyong ginawa?

3. Sinunod ba ninyo ang panutong sinabi ng guro?

4. Paano ninyo ito sinunod?

E. Paglalapat ng aralin Isagawa ang sumusunod na panuto..


sa pang-araw-araw na
buhay 1. Pumalakpak ng limang beses at sabihing “Mag-aaral akong

mabuti.”

2. Lumukso ng 10 ulit Titingnan ng guro kung sinunod ng mga

bata ang panutong sinabi ng guro.


F. Paglalahat ng aralin Nagbigay kami ng maikling panuto.

G. Pagtataya ng aralin Kumuha ng lapis at papel at isagawa ang mga sumusunod.

1. Isulat sa inyong papel ang inyong pangalan ng 3 beses.

2. Bilugan ang lahat ng malaking titik.

H. Karagdagang gawain
para sa takdang – Tandaan: Magbigay ng wasto at malinaw na panuto sa iba.
aralin at remediation
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong.
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyonan sa
tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
School: GASAN CENTRAL SCHOOL Grade Level: One
GRADES 1 TO 12 Teacher: Learning Area: FILIPINO
DAILY LESSON LOG
Teaching Dates Quarter: 2nd QUARTER
and Time: Wk. 4 – D-3
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Naipapahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong


Pagganap tono, diin, bilis, antala at intonasyon.

C. Pamantayan sa Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao,


Pagkatuto lugar, hayop, bagay at pangyayari
Nagagamit nsng wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng bagay
at lugar
Curriculum Guide: F1WG-IIc-f-2
pah. 9
II. NILALAMAN Paggamit nang Wasto ang Pangngalan sa Pagbibigay ng Pangalan ng Bagay at
Lugar
KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian
Lesson Exemplar pahina 66 - 69
Iba Pang Kagamitang larawan
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik – aral Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng isang utos o panuto?
B. Paghahabi ng layunin Laro
ng aralin - Hatiin ang mga bata sa 2 pangkat.
Pagpapakita ng guro ng iba’t ibang larawan na nakadikit sa
pisara. (larawan ng bagay at
lugar)
Hayaang pag aralan ng mga bata ang mga larawan.

Panuto: I- kategorya ang mga larawan sa dalawa.


Aling mga larawan ang dapat na magkakasama?

-Dapat mapagsama ng mga bata ang pare parehong


mga bagay sa isang hanay at
lahat ng lugar sa isang hanay.

- Paunahan ang bawat pangkat sa pag kategorya.


- Ang pangkat na may maraming tamang sagot ang
panalo.
C. Pagtalakay ng 1. Paano nila nai kategorya ang unang hanay?
bagong konsepto at
2. Ano anong mga larawan ang kanilang pinagsama?
paglalahad ng
bagong kasanayan ( hal. bola, upuan, mesa, kama, tali at iba pa)

3. Ano ang tawag natin sa kategoryang ito? (bagay)

4. Paano nila nai kategorya ang ikalawang hanay?

5. Ano anong mga larawan ang kanilang pinagsama?

( hal. tindahan, paaralan, palengke, parke at iba pa)

6..Ano ang tawag natin sa kategoryang ito? (lugar)

D. Paglinang sa Magbigay ng halimbawa ng ngalan ng bagay


Kabihasaan
Magbigay ng halimbawa ng ngalan ng lugar.
E. Paglalapat ng aralin Alamin kung sino ang nag mamay-ari ng mga sumusunod na pangalan.
sa pang-araw-araw
Gamitin nang wasto ang pangalan. Tumayo kung ito ay ngalan ng bagay at
na buhay
pumalakpak kung ngalan ng lugar.

1. baso

2. Boac

3. lapis

4. pamaypay

5. Maynila

F. Paglalahat ng aralin
Ginamit namin ng wasto ang pangalan sa pagbibigay ng pangalan ng bagay at
lugar.

G. Pagtataya ng aralin Alamin kung sino ang nag mamay-ari ng mga sumusunod na pangalan?

Gamitin nang wasto ang pangalan. Iguhit ang (bola) kung ito ay ngalan ng

bagay at (bahay) kung ngalan ng lugar.

1. palengke

2. SM Lucena

3. papel

4. Marinduque

5. aklat

H. Karagdagang gawain Alamin kung sino ang nag mamay-ari ng mga sumusunod na pangalan?
para sa takdang –
Gamitin ng wasto ang pangalan. Iguhit ang (bola) kung ito ay ngalan ng
aralin at remediation
bagay at (bahay) kung ngalan ng lugar.

1.. plato
2. Malabon Zoo

3. sa palaruan

4. timba

5. sa tabing dagat

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sapagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong.
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyonan
sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
School: GASAN CENTRAL SCHOOL Grade Level: One
GRADES 1 TO 12 Teacher: Learning Area: FILIPINO
DAILY LESSON LOG
Teaching Date Quarter: 2nd QUARTER
and Time: Wk. 4 – D-4
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Nababasa ang usapan, tula, talata at kwento nang mat tamang bilis, diin,
Pagganap tono, antala at ekspresyon.

C. Pamantayan sa Napapantig ang mga salita


Pagkatuto Curriculum Guide - F1KP – Id – 3
pah. 9
II. NILALAMAN Pagpantig sa mga Salita
KAGAMITANG
PANTURO
Sanggunian
Lesson Exemplar Pahina 70 - 73
Iba Pang Kagamitang tsart, larawan, flash cards
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik – aral Sabihin kung ang sumusunod na pangalan ay bagay o lugar.

a. kamiseta

b. palengke

c. Pilipinas

d. Davao City

e. kumot at unan

B. Paghahabi ng layunin Alam niyo ba ang ngalan ng iba’t ibang bagay dito sa ating silid-aralan?
ng aralin
Ano-anong mga bagay ang makikita sa ating silid-aralan?

-Hayaang magbigay ang mga bata ng ngalan ng mga bagay sa loob ng silid-

aralan.

C. Pagtalakay ng bagong - Pagpapakita ng guro ng tunay na bagay.


konsepto at
paglalahad ng -Isa isang ipakita ang mga bagay at magtatanong ang
bagong kasanayan
guro.

silya bulaklak bag

Pagtalakay

1. Ano ang ngalan ng bagay na hawak ko? (silya)

- Bigkasin natin ng dahan dahan ang ngalan nito. (sil-ya)

- Ang silya ay may 2 pantig. (Pagsabayin ang pagbigkas ng

ngalan nito sa pagbilang ng pantig sa daliri)

-Isusulat ng guro ang salitang silya sa pisara, wastong hati sa


pagpapantig nito at ang bilang ng pantig.

2. Ilang pantig mayroon ang salitang bangko?

silya Sil - ya 2 pantig

bulaklak Bu-lak-lak 3 pantig

bag bag 1 pantig

3. Ano naman ang ngalan nito? (bulaklak)

-Bigkasin natin ng dahan dahan ang ngalan nito. (bu-lak-lak)

-Ilang pantig mayroon ang salitang bulaklak? (3)

- Ang bulaklak ay may 3 pantig. (Pagsabayin ang pagbigkas ng

ngalan nito sa pagbilang ng pantig sa daliri)

-Isusulat ng guro ang salitang bulaklak sa pisara, wastong hati sa

pagpapantig nito at ang bilang ng pantig.

4. Ano naman ang ngalan nito? (bag)

-Bigkasin natin ng dahan dahan ang ngalan nito. (bag)

-Ilang pantig mayroon ang salitang bag? (1)

- Ang bag ay may 1 pantig. (Pagsabayin ang pagbigkas ng ngalan nito

sa pagbilang ng pantig sa daliri)

-Isusulat ng guro ang salitang bag sa pisara, wastong hati sa

pagpapantig nito at ang bilang ng pantig.


D. Paglinang sa Bigkasin at pantigin ang mga sumusunod na ngalan ng larawan at
Kabihasaan
sabihin ang bilang ng pantig nito.

kalapati sapatos
mata

baso kalabasa

E. Paglalapat ng aralin Bigkasin at pantigin ang mga sumusunod na ngalan ng larawan at


sa pang-araw-araw
na buhay sabihin ang bilang ng pantig nito.

kutsara mesa kabute

paaralan pamaypay
F. Paglalahat ng aralin Napantig namin ang ngalan ng mga salita.

G. Pagtataya ng aralin Bigkasin at pantigin ang mga sumusunod na ngalan ng larawan at

isulat ang bilang ng pantig nito.

ilong halaman siko

opisina
silid-aralan

H. Karagdagang gawain Bigkasin at pantigin ang mga sumusunod na ngalan ng larawan at


para sa takdang –
aralin at remediation isulat ang bilang ng pantig nito.

ilong halaman siko

silid-aralan opisina

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong.
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyonan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

School: GASAN CENTRAL SCHOOL Grade Level: One


GRADES 1 TO 12 Teacher: Learning Area: FILIPINO
DAILY LESSON LOG nd
Teaching Date Quarter: 2 QUARTER
and Time: Wk. 4 – D-5
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga
Pangnilalaman pamilyar at di-pamilyar na salita
B. Pamantayan sa Nababasa ang usapan, tula, talata, kwento ang may tamang bilis, tono, diin,
Pagganap antala at ekspresyon

C. Pamantayan sa Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga salita


Pagkatuto gamit ang mga pantig
Curriculum Guide: F1PP – Iid – 3
pah. 9
II. NILALAMAN Pagbuo ng mga Salita Gamit ang mga Pantig

KAGAMITANG
PANTURO
Sanggunian
Lesson Exemplar pahina 74 - 77
Iba Pang Kagamitang Strips ng mga pantig
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik – aral Ilang pantig mayroon ang mga sumusunod na salita?

1. palikuran

2. mangga

3. aalisin

4. babalik

5. paalaala
B. Paghahabi ng layunin Sino sa inyo ang marunong ng magbasa?
ng aralin Paano kayo natutong magbasa?
Sino ang nagturo sa inyo?
Ano ang dapat gawin upang matutong magbasa?
Mahalaga ba ang pagbabasa? Bakit?

C. Pagtalakay ng bagong Ngayong araw, bubuo tayo ng mga salita gamit ang iba’t ibang pantig.
konsepto at
paglalahad ng PARADA NG MGA PANTIG (Laro)
bagong kasanayan
ma ba sa ta pa ka
ni re si to

- Pagpapakita ng guro ng iba’t ibang pantig na nakasulat sa strips

ng papel na hawak ng mga bata sa unahan ng klase.

Hayaang basahin ito nang isa isa ng mga bata.

Bubuo tayo ng mga salita gamit ang mga pantig na hawak ng inyong
mga kaklase.

Magbigay ng mga salita gamit ang mga pantig na hawak ng inyong

mga kaklase. (Pagtabihin ang mga bata na may hawak ng pantig na

nabuo ng mga bata, basahin ang hawak nilang pantig, isulat ito sa

pisara at ipabasa sa mga bata.)

Halimbawa.

Ba sa = basa (pagtabihin ang mga batang may hawak ng pantig na

ito) -Ipabasa sa mga bata.

-Isusulat ng guro ang pantig at salitang nabuo sa pisara at muling

ipabasa sa mga bata.

Hayaang bumuo pa ang mga bata ng iba’t iba pang mga salita gamit

ang mga pantig


D. Paglinang sa Bumuo ng salita gamit ang pantig na nakasulat sa bawat hanay.
Kabihasaan
1. ye ma lo

2. ha bi ti

3. ke lo so

4. sa li wa

5. pa ha ga
E. Paglalapat ng aralin Bumuo ng salita gamit ang pantig na nakasulat sa bawat hanay.
sa pang-araw-araw
1. ka li ma
na buhay
2. pe sa ra

3. ka ti bo

4. ma se sa

5. ha ti pa

F. Paglalahat ng aralin Napagyaman namin ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga salita
gamit ang mga pantig

G. Pagtataya ng aralin Bumuo ng salita gamit ang pantig na nakasulat sa bawat hanay.
1. pe sa ko
2. ba ma sa
3. ka ha ti
4. ka ga pi
5. lu ba ha

H. Karagdagang gawain
para sa takdang –
aralin at remediation Bumuo ng salita gamit ang mga pantig na nasa loob ng

kahon.
ma sa da mo ni ha a
re ye so ki ka li ya

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sapagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong.
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyonan
sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

You might also like