You are on page 1of 35

6

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 4
Mga Programang Ipinatupad ng
Iba’t ibang Administrasyon
mula 1946 hanggang 1972
Araling Panlipunan- Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Module 4: Mga Programang Ipinatupad ng Iba’t ibang Administrasyon
mula 1946 hanggang 1972
First Edition, 2019
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293. Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names o trademarks, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay sa nagtataglay
ng karatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga
may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng
mga tagapaglathala (ublisher) at may akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Assistant Secretary: Alma Ruby C. Torio
Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ruth Ann D. Monterroyo Visitacion B. Tajanlangit


Mark Twain V. Patiño Jozel G. Monotilla
Mga Tagaguhit: Jessa P. Remata Ronald V. Ares,
Meljune Nufable Lovely Salve
Grapikong Taga- disenyo: Joeval P. Romelo Mayo P.Villamor
Mga Naglapat: Ma. Analyn V. Villamor Bella P. Balandra
Analee B. Alingco Mayo P. Villamor
Mga Tagasuri at Editor: Jordan T. Beleganio Joy B. Fernandez
Rizza Mae E. Flores Ryan Alvarez
Mga Tagapangasiwa: Ma. Gemma M. Ledesma Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga Arlene G. Bermejo
Jerry A. Oquendo Nenita P. Gamao
Donald T. Genine Marlon C. Dublin

Printed in the Philippines by ________________________


Department of Education – Region VI- Western Visayas

Office Address: Schools Division of Sagay City


Quezon St.,Brgy Poblacion 1, Sagay City, Neg. Occ, 6122
Telefax: (034) 488-0415; 488-0416
E-mail Address: sagay.city001@deped.gov.ph

i
6

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Mga Programang Ipinatupad ng
Iba’t ibang Administrasyon
mula 1946 hanggang 1972

Ang modyul na ito ay magkatuyang na inihianda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad.
Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang larangan ng edukasyon na mag
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Pambungad na Mensahe

Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa mga mag-aaral ng Araling
Panlipunan na nasa ika- anim na baiting. Layon nito na magbigay kaalaman
sa mga pangyayaring naganap sa ating kasaysayan bago at pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig. Sa pagsagot ng mga katanungan at mga
pagsasanay sa modyul na ito, payuhan ang mga magaaral na gumamit ng
ibang papel sa pagsulat ng mga sagot at pagwawasto.

Para sa Mag-aaral:
Sa pagtatapos nang modyul na ito ay inyong lubos na mauunawaan ang
mga pangyayaring nagbigay daan sa ating kasaysayan. Basahin at
unawaing mabuti ang bawat nilalaman ng modyul na ito. Himayin at iugnay
ang mga pangyayaring naganap sa kasalukuyang pangyayari sa ating
lipunan. Sagutan ang mga pagsasanay sa abot ng inyong kaalaman.
Isangguni ang inyong mga sagot sa susi ng mga tanong pagkatapos ng
aralin.
May mga aralin sa loob ng modyul na ito. Ang bawat aralin ay binubuo
ng sumusunod na bahagi at kaukulang simbolo:

Alamin
Ito ang kasanayan o kompetensi na dapat mong
matutunan sa bawat aralin.

Subukin
Ang bahaging ito ay binubuo ng sampung tanong na
pagsasanay upang matataya ang iyong kaalaman.

Balikan
Ito ang bahagi na binibigyan ka ng pagsusuring
tanong. Ito ay makatutulong sa iyo na maiugnay ang
nakaraang aralin sa kasalukyang aralin.

Tuklasin

S Sa bahaging ito ang bagong aralin ay ipakilala sa iyo


sa iba’t-ibang paraan: sa kuwento, sa awit, sa tula, sa
panimulang suliranin, sa gawain o sa situwasyon.
ii
Suriin
Ang seksyon na ito ay magbibigay sa iyo ng
pamamaraan kung paano gawin ang aralin. Nagbibigay din
ito ng maikling pagtatalakay sa topiko o konsepto.

Pagyamanin
Ito ay binubuo ng mga bagay o pagsasanay na dapat
mong gawin upang mapalalim pa lalo ang iyong kaalaman
sa aralin.
Isaisip
Ito ay mga mahahalagang konspeto na dapat mong
pagukulan ng pansin, at sisilbing patnubay sa pagbubuod ng
iyong kaalaman sa topikong inilahad.

Isagawa
Ang bahaging ito ay magbibigay ng gawain na
makatulong sa pagsalin ng iyong kaalaman sa totoong
buhay o mga alalahanin.

Tayahin
Ito ay isa pang pagsasanay na mayroong sampung
tanong na magsusuri ng antas ng iyong kasanayan sa
kompetensi ng araling natutunan.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito magbibigay ng karagdagang gawain
upang pagyamanin ang iyong kasanayan sa araling
natutunan. Makatutulong ito sa iyo na mapanatili ang
natutunang kaisipan.

Pwede ka nang magsimula!

iii
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aralan mo ang mga programang at


patakaranna ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia (AP6SHK-llle-g-5)

Subukin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek / ang mga

programa ni Pangulong Garcia at ekis X kung hindi.

_______1. Pagpapairal ng patakarang “Pilipino Muna”.

_______2. Paglipat ng “Araw ng Kalayaan” mula Hulyo 4, tungo sa Hunyo 12.

_______3. Paglunsad ng Austerity Program.

_______4. Pagpapatibay sa Reporma sa Lupang Pansakahan.

_______5. Pagpapairal sa patakarang “Asya para sa mga Asyano”.

1
Mga Patakaran at Programa ni

Aralin Pangulong Carlos P. Garcia


7
( Marso 17, 1957- Disyembre 30, 1961 )

Balikan

Panuto: Sa pamamagitan ng Concept Map. Isulat ang mga programa ng

mga sumusunod na Pangulo ng bansa.

2
Para sa Guro

Sa araling ito inaasahan na gabayan ng guro ang mag -aaral


na alamin at unawain ang mga programa ni Pangulong
Carlos P. Garcia at kung paano ito nakakatulong sa pag -
unlad ng bansa.

Tuklasin

* Sinong pangulo ng bansa ang nasa larawan?


*Ano-anong patakaran at programa ang kanyang ipinatupad sa

kanyang panunungkulan?

3
Suriin

Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Layunin nito na hikayatin ang mga Pilipino na magtipid kabilang na ang

pamahalaan na maging matalino sa paggasta.

A. Pilipino Muna C. Filipino Retailer‟s Fund Act

B. Austerity Program D. NAMARCO Act

2. Alin sa sumusunod ang pinaiiral na patakaran ni Pangulong Garcia?

A. “Ang Pilipinas ay maging dakila muli”

B. “Ang Asya ay para sa Asyano”

C. “Walang bagay na imposible kapag ginustong mangyari”

D. “Kung ano ang nakabubuti sa karaniwang tao ay nakabubuti sa

bayan”

3. Alin sa sumusunod ang layunin ng patakarang “Pilipino Muna”

A. Pagtitipid sa paggasta

B. Pangangalaga sa likas na yaman

C. Ipagmalaki ang lahing Pilipino

D. Pagtangkilik sa sariling produkto

4. Sa panunungkulan ni Pangulong Garcia pinaigsi ang 99 na base-militar

ng Estados Unidos sa 25 na taon na lamang.

A. Tama C. Di- tiyak

B. Mali D. Walang tamang sagot

4
5. Anong samahang panrehiyon ang nabuo sa panahon ng kanyang

panunungkulan?

A. ASEAN C. ASA

B. SEATO D. UN

Pagyamanin

Dahil sa pagkamatay ni Ramon Magsaysay pumalit sa kanyang

posisyon ang kanyang pangalawang pangulo na si Carlos P. Garcia.

Pinagpatuloy niya ang mga programa ni Magsaysay sa loob ng walong

buwan. Nanalo siya bilang pangulo sa ginanap na halalan. Kawalan ng

hanapbuhay, kakulangan sa pagkain, pagtaas ng sahod, pabahay at

pagpapaunlad sa pagsasaka.

Narito ang mga nagawa ni Pangulong Carlos P. Garcia sa kanyang

panunungkulan

Sa kanyang panunungkulan binigyan niya ng pansin ang pagtitipid o

Austerity Program. Layunin nito na maging matipid sa paggasta ang

pamahalaan upang makapagbigay na mabuting serbisyo sa mga

mamamayan.

Pagpapairal ng patakarang “Pilipino Muna” hinihikayat ng

programang ito na tangkilikin ang sariling produkto.

5
Ipinatupad ang patakarang Filipino Retailer‟s Fund Act (1955) na

nagpapautang sa maliliit na negosyanteng Pilipino.

Nagpalabas ng NAMARCO Act (National Marketing Corporation) na

nagbibigay puhunan sa maliit na mangangalakal na Pilipino.

Isaisip

Mga patakaran at programang ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia

• Inilunsad ang Austerity Program

• Pinairal ang patakarang “Pilipino Muna”

• Nakiisa sa pagbuo ng Association of Southeast Asia

• Pinatupad ang patakarang “Filipino Retailer‟s Fund Act (1955)

• Nagpapautang sa maliliit na mangangalakal sa pamamagitan

NAMARCO (National Marketing Corporation)

Isagawa

Magtala ng mga paraan ng pagtitipid sa pagkain.


__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

6
Tayahin

Panuto: Tingnan ang mga kaisipan sa Hanay A. Isulat ang nalalaman mo sa

HANAY A HANAY B

Austerity
Program

Pilipino Muna

NAMARCO Act

Base-Militar

ASA

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung
ang pahayag ay nagsaad ng wastong kaisipan at Mali kung hindi wasto.

1. Ang pagpapairal ng patakarang East Asia Co-Prosperity Sphere ay

nangyari sa panahon no Pangulong Carlos P. Garcia.

2. Pinatupad ang patakarang “Pilipino Muna” upang hikayatin ang mga

Pilipino na tangkilikin ang sariling produkto.

3. Ang pagpapatupad ng Austerity Program ni Pangulong Garcia ang

naghimok sa mga mamamayan at pamahalaan sa pagtitipid.

4. Sa panahon ni Pangulong Garcia nanatili ang base-militar sa

Pilipinassa loob ng 99 na taon.

5. Nakiisa si Pangulong Garcia sa pagbuo ng Association of Southeast

Asia o ASA.

8
9
Subukin Balikan Suriin Tayahin
/ Parity Rights B Maayos at matipid
na pamumuhay
X Rehabilitation Act B
Pagtangkilik sa
sariling produkto
/ Farm to market D
roads
Nagtustos sa maliit
X A
na Pilipinong
Magna Carta of
mangangalakal
Labor
/ C
Pagpapaigsi sa
Minimum Wage
Law itinakdang 99 na
taon ng pag-upa
ng base-militar sa
ACCFA 25 na taon na
lamang
FACOMA
Association of
SEATO Southeast Asia
Susi sa Pagwawasto
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aralan mo ang mga programang at


patakaran na ipinatupad ni Pangulong Diosdado Maapagal.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek kung


programa ni Macapagal at ekis X kung hindi.

________1. Pagpapatibay ng Kodigo sa Pagbabago sa Lupang sakahan

(Agricultural Land Reform Code)

________2. Nakiisa sa pagtatag ng ASEAN.

________3. Pagbabago ng araw ng Kalayaan mula hulyo 4 ibinalik sa


Hunyo12.

________4. Pagpapalaganap ng wikang Filipino

_______ 5. Pagtatag ng MAPHILINDO

10
Mga Patakaran at Programa ni
Aralin
Pangulong Diosdado P. Macapagal
8
(Disyembre 30, 1961-Disyembre 30, 1965)

Balikan

Panuto: Basahin ang mga patakaran at programa. Isulat ang pangalan


ng pangulong nagpapatupad nito.

_______1. Nagpatibay ng Parity Rights.

_______2. Nagpatayo ng mga poso sa at patubig sa mga baryo.

_______3. Nagpalabas ng Magna Carta of Labor.

_______4. Nagpairal ng „Filipino Muna”.

_______5. Naglagda ng Reparation Agreement ng Japan.

11
Para sa Guro
Sa arali ng i t o i naasahan na gabayan ng guro ang
mag-aaral na al ami n at unawai n ang mga programa
ni pangul ong Di osdado p. Macapagal at kung paano
i t o nakakat ul ong sa pag-unlad ng bansa.

Tuklasin

* Sinong Pangulo ng bansa ang nasa larawan?


*Ano anong patakaran at programa ang kanyang ipinatupad
sa kanyang panunungkulan?

12
Suriin

Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Pang ilang pangulo ng Republika ng Pilipinas si Pangulong Diosdado


Macapagal?

A. Pang lima C. Pang anim

B. Pang apat D. Pang pito

2. Ito ay isang samahang panrehiyon na nabuo sa kanyang

panunungkulan.

A. UN C. ASEAN

B. MAPHILINDO D. ASA

3. Sa anong petsa ibinalik ni Pangulong Diosdado Macapagal ang “Araw ng

Kalayaan” ng Pilipinas?

A. Agosto 12 C. Hulyo 12

B. Mayo 12 D. Hunyo 12

4. Ano ang ipinatupad ni Pangulong Diosdado Macapagal para sa

kapakanan ng mga magsasaka?

A. Kodigo sa Reporma sa Lupa C. Libreng Edukasyon

B. Murang Pabahay D. 4P‟s


13
5. Paano ipinalaganap ni Pangulong Diosdado Macapagal ang

nasyonalismo sa bansa?

A. Pagsuot ng baro‟t saya sa mahalagang okasyon

B. Pag-awit ng Lupang Hinirang nang may damdamin

C. Paggamit ng wikang Filipino sa mahahalagang dokumento at Papeles

D. Pagbigay- galang sa watawat

Pagyamanin

Si Pangulong Diosdado Macapagal ang Ikalimang Pangulo ng Republika ng

Pilipinas. Ang kanyang pamamahala ay nakatuon sa paglutas ng mga

suliranin sa kawalan ng trabaho, kasapatan ng pagkain, simpleng

pamumuhay at pagtaas ng sahod, murang pabahay, pag-unlad sa buhay ng

mga magsasaka at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Isa sa

pinakamahalagang programa na nagawa ni Pangulong Macapagal ay ang

Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan.Sa sistemang ito inililipat ang

pagmamay-ari sa mga magsasaka ng lupa na inuupahan.

14
Kabilang sa kanyang nagawa ay ang mga sumusunod:

• Nakiisa sa pagtatag ng MAPHILINDO- kinabibilangan ito ng Malaysia,

Philippines at Indonesia.Layunin nito na itaguyod ang pagtutulungan

sa pulitika, kabuhayan at kultura ng tatlong bansang kasapi.

• Pagpalaganap ng pambansang wika sa pamamagitan ng paggamit nito

sa mga papeles, koreo at pasaporte.

• Paglipat ng “Araw ng Kalayaan” mula Hulyo 4 sa Hunyo 12.

Isaisip

Isa sa pinakamahalagang programa na nagawa ni Pangulong Macapagal ay

ang Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan.Sa sistemang ito inililipat

ang pagmamay-ari sa mga magsasaka ng lupa na inuupahan. Kabilang sa

kanyang nagawa ay ang mga sumusunod:

*Nakiisa sa pagtatag ng MAPHILINDO- kinabibilangan ito ng Malaysia,

Philippines at Indonesia.Layunin nito na itaguyod ang pagtutulungan sa

pulitika, kabuhayan at kultura ng tatlong

bansang kasapi.

*Pagpalaganap ng pambansang wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa

mga papeles, koreo at pasaporte.

*Paglipat ng “Araw ng Kalayaan” mula Hulyo 4 sa Hunyo 12.

15
Isagawa

Gumuhit ng damit na Maria Clara para sa kababaihan at Barong


naman para sa kalalakihan.

16
Tayahin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga programa ni Pangulong Diosdado

Macapagal. Isulat sa patlang ang napiling titik.

A. Reporma sa Lupa D. Pagpalaganap ng Nasyonalismo

B. Magna Carta of Labor E. Pagbuo ng MAPHILINDO

C. Paglipat ng „Araw ng Kalayaan” F.Pagpapalaganap ng wikang Filipino

1. __________ 4._________

2. __________ 5._________

3.___________

17
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa papamagitan ng graphic organizer ilahad ang mga programa ni

Pangulong Diosdado Macapagal

Mga Programa ni
Pangulong
Diosdado
Macapagal

18
19
Subuki n Bal i kan Suri in Tayahi n
/ Manuel Roxas 1. A
X Ramon 2.B C
/ Magsaysay D D
/ El pi di o Qui rino A E
/ Carl os Garci a A F
Ferdi nand A
Marcos A
A
Susi sa pagwawasto
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aralan mo ang mga programang at patakaran na

ipinatupad ni Pangulong Ferdinand E. Marcos

Subukin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek kung


ito ay ipinatupad sa panahon ni Ferdinand E. Marcos at ekis X
kung hindi.
________1. Inilagay ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar.
________2. Naipatayo ang Tulay ng San Juanico na nagdudugtong ng Samar
at Leyte.
________3. Nagkaroon ng proyektong pabahay sa tulong ng National Housing
Authority o NH.
________4. Paglunsad ng “Luntiang Himagsikan” Green Revolution.
________5. Pagpapatibay ng Batas Generics.

20
Aralin Mga Patakaran at Programa ni

9 Pangulong Ferdinand E. Marcos

( Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986 )

Balikan

Panuto: Suriin ang mga programa at patakaran ng iba‟t ibang pangulo ng

bansa. Isulat ang titik na nakalaan sa kanila.

A. Ramon F. Magsaysay

B. Carlos P. Garcia

C. Diosdado P. Macapagal

______1. Nagpatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing

Administration (ACCFA)

______2. Inilunsad ang Austerity Program o Pagtitipid

______3. Pagbabago ng araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 ibinalik sa

Hunyo 12.

______4. Pagtatag ng MAPHILINDO

______5. Pagpapairal ng “Pilipino Muna”

21
Para sa Guro
Sa araling ito inaasahan na gabayan ng guro ang mag-aaral na
alamin at unawain ang mga programa ni Pangulong Ferdinand E.
Marcos at kung paano ito nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.

Tuklasin

* Sinong pangulo ng bansa ang nasa larawan?

* Ano anong programa ang kanyang ipinatupad sa kanyang

panunungkulan?

22
Suriin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng

tamang sagot

______1. Alin sa sumusunod ang itinatag ni Pangulong Marcos upang matugunan

ang kakulangan sa pagkain?

A. Green Revolution C. Comprehensive Agrarian Reform Program

B. Blue Revolution D. Pantawid Pamilyang Pilipino Program

______2. Anong samahang panrehiyon nakiisa sa pagtatag si Pangulong

Marcos?

A United Nation C. Association of Southeast Asia Nations

B. Association of South Asia D. MAPHILINDO

______3. Alin sa sumusunod ang ipinatupad ni Marcos upang iligtas ang bansa sa

anumang pagsalakay o kaguluhan

A. Pagbigay amnestiya sa mga rebelde

B. Pagbabawal ng baril sa mga sibilyan

C. Pagpapatupad ng “Oplan Tokhang”

D. Pagpapatupad ng Batas Militar

______4. Ano ang kahalagahan ng Cultural Center of the Philippines sa kulturang

Pilipino?

A. Pagyamanin ang kulturang Pilipino

B. Makilala tayo ng ibang bansa

C. Tumaas ang buwis na malilikom

D. Matugunan ang suliraning panlipunan

23
______5. Alin sa sumusunod ang epekto ng Batas Militar sa bansa?

A. Natigil ang putukan sa pagitan ng militar at kaaway nito

B. Maraming rebelde ang sumuko

C. Naging tahimik at maayos ang bansa

D. Sumidhi ang pang- aabuso sa karapatang pantao

Pagyamanin

Si Pangulong Ferdinand E. Marcos ang pinakamatagal na nanungkulan sa bansa.

Mahigit sa dalawampung taon ang kanyang pamamahala. Siya ay naniniwala na

ang “Pilipinas ay magiging dakila muli”. Marami siyang ipinatupad na mga

programa upang masolusyunan ang mga suliranin sa kabuhayan at politika.

Binigyan niya ng pansin ang programang pang imprastraktura. Nagpatayo ng mga

tulay, kalsada at paaralan. Inilunsad ang

“Luntiang Rebulosyon” o Green Revolution upang maibsan ang kakulangan sa

pagkain. Gumamit ng modernong paraan ng irigasyon at pagsasaka dulot nito

lumaki ang produksiyon ng palay at mais.

Itinatag ang Cultural Center of the Philippines o CCP upang lalong mapayaman ang

kulturang Pilipino. Pagpapairal ng Batas Militar sa bansa upang iligtas ang bansa

laban sa karahasan. Ngunit ang pagpapatupad nito ay nakapagdulot ng takot at

mga paglabag sa mga karapatang pantao. Pagpapalakas ng ugnayan sa mga bansa

sa Asya. Pakikiisa sa pagtatag ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN

upang isulong ang pagtutulungan sa kabuhayan, panlipunan at pangkultura ng

mga bansa sa rehiyon.

24
Isaisip

Mga programang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand E. Marcos

• Pagpapaunlad ng mga imprastruktura

• Pagpapatayo ng mga kalsada, tulay, paaralan

• Paglunsad ng “Green Revolution”

• Pagtatag ng Cultural Center of the Philippine

• Pagpapatupad ng Batas Militar.

Isagawa

Gumuhit ng isang “Luntiang Kapaligiran”

25
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang Katotohanan at Di-

Katotohanan sa patlang.

_________1. Mahigit dalawampung taon naging pangulo si Ferdinand E.

Marcos.

_________2. Naging sapat ang pagkain dahil sa Green Revolution.

_________3. Ang Tulay ng San Juanico sa na nagdudugtong ng Samar at

Leyte ay naipatayo sa kanyang administrasyon.

_________4. Nakapagdudulot ng kabutihan sa Pilipinas ang pagiging kasapi

sa ASEAN.

_________5. Naging payapa ang bansa dahil sa pagpapatupad ng Batas

Militar.

26
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga programang ipinatupad

ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Gamitin ang gabay sa pagsulat

ng sanaysay sa ibaba.

1. Ibigay ang mahalagang impormasyon tungkol kay Pangulong

Ferdinand Marcos

2. Ilahad ang pagkakakilanlan o kanyang natatanging katangian bilang

pangulo.

3. Isa-isahin ang mga programa at patakaran na kanyang pinatupad.

4. Ilahad ang mga patunay kung paano ito nakakatulong sa pag-unlad

ng buhay ng mga Pilipino at ng bansa.

5. Bumuo ng konklusyon sa kanyang nagawa bilang pangulo

Pamantayan

5 4 3 2 1

Maliwanag, Maliwanag, May May kaunting Nakasulat ng


tumpak may tumpak, may kaliwanagan, kaliwanagan at sanaysay
kaisahan ang kaisahan ang nakikitaan ng bahagyang ngunit di
kabuoan ng kabuoan ng pagkakaisa pagkakaisa ang maliwanag
sanaysay at sanaysay at ang kabuoan kabuoan ng ang mga
nailahad nailahad ng sanaysay sanaysay kaisipan at
nang wasto at bahagyang kaunti
nang wasto bagamat hindi
ang mga nailahad lamang ang
ang mga gaanong
impormasyo ang mga
impormasy nailahad nailahad na
nat higit pa impormasyon.
on. ang mga impormasyon
sa inaasahan.
impormasyon.

27
28
Subukin Balikan Suriin Tayahin
/ A A Katotohanan
/ B C Di-Katotohanan
X C D Katotohanan
/ C A Katotohanan
X C D Di-Katotohanan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

thefilipinoservant.wordpress.com thewalkingencyclopaedia.wordpress.com
Officialgazette.gov.ph
Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap 6
MISOSA 6
Bagong Lakbay ng Lahing Filipino 6
Kasaysayan ng Pilipinas 6
The Last Good Senator: Lorenzo M. Tañada and Jose Diokno

29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex,
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1072; 634-1054 o 631-4985
E-mail Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

30

You might also like