You are on page 1of 20

6

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 5
Pagbuo ng Konklusyon tungkol sa
Pamamahala ng mga Nasabing
Pangulo
Araling Panlipunan- Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Module 5: Pagbuo ng Konklusyon Tungkol sa Pamamahala ng
mga Nasabing Pangulo
First Edition, 2019
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293. Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names o trademarks, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay sa nagtataglay
ng karatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga
may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng
mga tagapaglathala (ublisher) at may akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Assistant Secretary: Alma Ruby C. Torio
Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ruth Ann D. Monterroyo Visitacion B. Tajanlangit


Mark Twain V. Patiño Jozel G. Monotilla
Mga Tagaguhit: Jessa P. Remata Ronald V. Ares,
Meljune Nufable Lovely Salve
Grapikong Taga- disenyo: Joeval P. Romelo Mayo P.Villamor
Mga Naglapat: Ma. Analyn V. Villamor Bella P. Balandra
Analee B. Alingco Mayo P. Villamor
Mga Tagasuri at Editor: Jordan T. Beleganio Joy B. Fernandez
Rizza Mae E. Flores Ryan Alvarez
Mga Tagapangasiwa: Ma. Gemma M. Ledesma Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga Arlene G. Bermejo
Jerry A. Oquendo Nenita P. Gamao
Donald T. Genine Marlon C. Dublin

Printed in the Philippines by ________________________


Department of Education – Region VI- Western Visayas

Office Address: Schools Division of Sagay City


Quezon St.,Brgy Poblacion 1, Sagay City, Neg. Occ, 6122
Telefax: (034) 488-0415; 488-0416
E-mail Address: sagay.city001@deped.gov.ph
6

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Pagbuo ng Konklusyon Tungkol sa
Pamamahala ng mga Nasabing
Pangulo

Ang modyul na ito ay magkatuyang na inihianda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad.
Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang larangan ng edukasyon na mag
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Pambungad na Mensahe

Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa mga mag-aaral ng Araling
Panlipunan na nasa ika- anim na baiting. Layon nito na magbigay kaalaman
sa mga pangyayaring naganap sa ating kasaysayan bago at pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig. Sa pagsagot ng mga katanungan at mga
pagsasanay sa modyul na ito, payuhan ang mga magaaral na gumamit ng
ibang papel sa pagsulat ng mga sagot at pagwawasto.

Para sa Mag-aaral:
Sa pagtatapos nang modyul na ito ay inyong lubos na mauunawaan ang
mga pangyayaring nagbigay daan sa ating kasaysayan. Basahin at
unawaing mabuti ang bawat nilalaman ng modyul na ito. Himayin at iugnay
ang mga pangyayaring naganap sa kasalukuyang pangyayari sa ating
lipunan. Sagutan ang mga pagsasanay sa abot ng inyong kaalaman.
Isangguni ang inyong mga sagot sa susi ng mga tanong pagkatapos ng
aralin.
May mga aralin sa loob ng modyul na ito. Ang bawat aralin ay binubuo
ng sumusunod na bahagi at kaukulang simbolo:

Alamin
Ito ang kasanayan o kompetensi na dapat mong
matutunan sa bawat aralin.

Subukin
Ang bahaging ito ay binubuo ng sampung tanong na
pagsasanay upang matataya ang iyong kaalaman.

Balikan
Ito ang bahagi na binibigyan ka ng pagsusuring
tanong. Ito ay makatutulong sa iyo na maiugnay ang
nakaraang aralin sa kasalukyang aralin.

Tuklasin

S Sa bahaging ito ang bagong aralin ay ipakilala sa iyo


sa iba’t-ibang paraan: sa kuwento, sa awit, sa tula, sa
panimulang suliranin, sa gawain o sa situwasyon.
ii
Suriin
Ang seksyon na ito ay magbibigay sa iyo ng
pamamaraan kung paano gawin ang aralin. Nagbibigay din
ito ng maikling pagtatalakay sa topiko o konsepto.

Pagyamanin
Ito ay binubuo ng mga bagay o pagsasanay na dapat
mong gawin upang mapalalim pa lalo ang iyong kaalaman
sa aralin.
Isaisip
Ito ay mga mahahalagang konspeto na dapat mong
pagukulan ng pansin, at sisilbing patnubay sa pagbubuod ng
iyong kaalaman sa topikong inilahad.

Isagawa
Ang bahaging ito ay magbibigay ng gawain na
makatulong sa pagsalin ng iyong kaalaman sa totoong
buhay o mga alalahanin.

Tayahin
Ito ay isa pang pagsasanay na mayroong sampung
tanong na magsusuri ng antas ng iyong kasanayan sa
kompetensi ng araling natutunan.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito magbibigay ng karagdagang gawain
upang pagyamanin ang iyong kasanayan sa araling
natutunan. Makatutulong ito sa iyo na mapanatili ang
natutunang kaisipan.

Pwede ka nang magsimula!

iii
Alamin

Sa aralin na ito, tatalakayin natin at ipapaliwanag ang mga suliraning


pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliraning
ito. Tatalakayin din natin ang ilang mga batas at mga hindi pantay na kasunduan sa
pamamagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. (Code: AP6SHK-IIIa-b-1)

Subukin

Lagyan ng (tsek) ang mga sumusunod na pangungusap o parirala na


nagsasaad tungkol sa kalagayan ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
________1. Naging mahirap ang transportasyon at komunikasyon sa bansa.
________2. Maraming nawasak na mga gusali.
________3. Kawalan ng mga makinarya at mga gamit na pang agrikultura.
________4. Naging masaya at maunlad ang pamumuhay sa Pilipinas
________5. Dumami ang mga iskwater sa Maynila.
________6. Maraming mga naging problema sa sistema ng edukasyon.
________7. Halos lahat ng mga dayuhan ay gustong mag negosyo sa Pilipinas.
________8. Lalong umunlad ang mga pamayanan sa Pilipinas.
________9. Nalugmok sa kahirapan ang ekonomiya ng Pilipinas.
________10. Nagkaroon ng malakas na antas ng “colonial mentality” ang mga
Pilipino.

1
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aralan mo ang pagbuo ng konklusyon tungkol sa

pamamahala ng mga nasabing pangulo.

Subukin

Panuto: Isulat ang buong pangalan ng mga pangulo na nasa larawan

1 4

2 5

6
3

2
Aralin Pagbuo ng Konklusyon Tungkol sa
10 Pamamahala ng mga Nasabing Pangulo

Balikan

Panuto: Basahin ang mga programa at patakaran ng mga naging pangulo ng


bansa. Pillin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Nagbigay amnestiya sa mga kasapi ng HUKBALAHAP na magsuko ng


kanilang mga sandata
A. Manuel A. Roxas C. Elpidio R. Quirino
B. Ramon F. Magsaysay D. Carlos P. Garcia

2. Nagpatibay ng “parity rights”


A. Diosdado P. Macapagal C. Ferdinand E. Marcos
B. Manuel A. Roxas D. Carlos P. Garcia

3. Naglipat ng “Araw ng Kalayaan” ng Pilipinas mula Hulyo 4 sa hunyo 12


A. Elpidio R. Quirino C. Ramon F. Magsaysay
B. Carlos P. Garcia D. Diosdado P. Macapagal

4. Nilunsad ang Luntiang Himagsikan o Green Revolution


A. Ferdinand E. Marcos C. Carlos P. Garcia
B. Diosdado P. Macapagal D. Ramon F. Magsaysay

5. Pinairal ang Austerity Program o Pagtitipid


A. Ramon F. Magsaysay C. Manuel A. Roxas
B. Elpidio R. Quirino D. Carlos P. Garcia

6. Pinagtibay ang Social Security Act


A. Ramon F. Magsayasay C. Diosdado P. Macapagal
B. Elpidio R. Quirino D. Ferdinand E. Marcos

3
7. Pinagtibay ang Kodigo sa Reporma sa Lupa
A. Carlos P. Garcia C. Manuel A. Roxas
B. Ferdinand E. Marcos D. Diosdado P. Macapagal

8. Nagpatayo ng mga poso sa baryo


A. Manuel A. Roxas C. Ramon F. Magsaysay
B. Diosdado P. Macapagal D. Ferdinand E. Marcos

9. Nagpatupad ng Philippine Trade Act


A. Elpidio R. Quirino C. Ramon F. Magsaysay
B. Manuel A. Roxas D. Carlos P. Garcia

10. Nagpatupad ng “First Filipino Policy” o Pilipino Muna


A. Carlos P. Garcia C. Ferdinand E. Marcos
B. Diosdado P. Macapagal D. Elpidio R. Quirino

Para sa Guro

Inaasahan na gabayan ng guro ang mag-aaral naa bumuo ng


konklusyon sa mga patakaran at programang ipinatupad ng mga
napag-aralang pangulo ng bansa.

4
Tuklasin

Sino sino ang mga nasa larawan?

Ano ano ang mga naiambag nila sa ating bansa?

5
Suriin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga patakaran at programa ng mga

pangulo ng bansa. Isulat lamang ang titik.

A. Austerity Program F. Rehabilitation Act

B. Reporma sa Lupa G. Filipino First Policy

C. Green Revolution H. Pagbuo ng ASEAN

D. Pagtatag ng MAPHILINDO I. Parity Rights

E. Pagtatag ng Bangko Sentral J. Pagbabago sa “Araw ng

Kalayaan”

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang kung

Totoo o Hindi

___________1.Si pangulong Ramon Magsaysay ay kinilala bilang” Kampeyon

ng Masa” dahil sa pagiging malapit nito sa karaniwang tao.

__________ 2. Si Pangulong Diosdado Macapagal ang nagbalik ng „Araw ng

Kalayaan” mula Hulyo 4 Sa Hunyo 12.

6
___________3. Ang Land Bank of the Philippines ay naitatag sa panahon ni

pangulong Ramon Magsaysay.

___________4. Ang patakarang “Parity Rights” na pinagtibay ni Pangulong

Manuel Roxas ay naglalayon na tanging mga Pilipino lamang

ang maaaring makinabang sa likas na yaman ng bansa.

___________5.Upang magkaroon ng sapat na pagkain ang mga mamamayang


Pilipino ipinatupad ni pangulong Ferdinand Marcos ang Green

Revolution o Luntiang Rebolusyon.

___________6. Pinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia ang Filipino First

Policy o Pilipino Muna upang hikayatin ang mga Pilipino na

tangkilikin ang mga produkto at negosyanteng Pilipino.

__________7. Si Pangulong Elpidio Quirino ay tinaguriang “Ama ng

Iindustriyalisasyon” sa Pilipinas.

__________8. Sa panahon ni Carlos P. Garcia nahirang bilang Secretary

General ng UN si Carlos P. Romulo.

__________9. Ang pagtakda ng Batas Militar ni Pangulong Ferdinand E.

Marcos sa bansa ay nagdulot ng pag-unlad at katahimikan.

__________10.Napasuko ang HUKBALAHAP sa panunungkulan ni Pangulong

Ramon Magsaysay.

7
Isaisip

Mga patakaran at kasunduan na ipinatupad ni Pangulong


Manuel A. Roxas

Rehabilitation Act, Pagpapatibay ng Parity Rights, Treaty of General

Relations, War Surplus Agreement, Military Base Agreement, Rehabilitation

Finance Corporation (RFC)

Mga Programa at Patakaran ni Pangulong Elpidio Quirino

*Pagbubukas ng mga industriya upang mabigyan hanapbuhay ang mga

Pilipino

*Pagtulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pag-unlad ng sistema ng

patubig o irigasyon

*Pagpapagawa ng farm- to- market roads

*Pagtatag ng President‟s Action Committee on Social Amellioration o PACSA

upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kapus- palad

*Pagtatag ng Banko Sentral at Bangkong Rural para makapag utang ng

puhunan ang mga magsasaka

*Pagpapatibay ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang

mabigyan ng angkop at tamang benipisyo ang mga manggagawa

*Pagbibigay amnestiya sa mga kasapi ng Hukbo Laban sa Hapon o

HUKBALAHAP

8
Sa pamumuno ni Pangulong Quirino naganap ang unang pagpupulong ng

mga bansang Asyano kabilang ang Australia, Indonesia, India, Pilipinas, Thailand,

Taiwan, Timog Korea. Nahalal si Carlos P. Romulo bilang Secretary General ng

United Nation.

Pangulong Ramon Magsaysay “Kampeon ng Masang Pilipino at Kampeon

ng Demokrasya”

Mga binigyan pansin sa kanyang panunungkulan.

* Itinatag niya ang National Resettlement and Rehabilitation

Administration (NARRA) upang mapadali ang pamamahagi ng mga lupang

pambayan sa mga taong nais magkaroon ng sariling lupa.

*Itinaguyod niya ang Agricultural Credit and Cooperative Financing

Administration (ACCFA) upang tulungan ang mga magsasaka na magbenta

ng kanilang ani.

*Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang makabili

ang mga magsasaka ng sariling kagamitan sa pagsasaka.

*Pinagtibay ng Kongreso (1955) ang Batas Reporma sa Lupa ang batas na ito

ang magsaliksik sa mga suliranin sa pagmamay-ari ng lupa.

*Pinagtibay ang Social Security Act upang ang lahat ng kawani at

manggagawa ay maging kasapi at mapangalagaan ang kanilang mga

karapatan.

*Nagpatayo ng mga poso (artesian wells) at patubig upang mapabilis ang

pag-unlad ng baryo.

*Pagpapalawak ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsuot ng Barong

Tagalog at paggamit ng Wikang Filipino.

9
*Nakiisa sa pagtatag ng Southeast Asia Treaty Organization o SEATO

*Paglagda ng kasunduang Laurel-Langley (1954) upang palawakin ang

kalakalan sa pagitan ng America at Pilipino.

*Paglagda ng Reparation Agreement sa Japan-bilang bayad pinsala sa

Pilipinas sa mga nasira nito sa nagdaang digmaan.

*Pinagpatuloy ang Economic Development Corporation (EDCOR) upang

bigyan hanapbuhay ang mga kasapi ng HUKBALAHAP na sumuko.

*Binuksan ang Malacanang para sa lahat.

*Personal na dininig ang karaingan ng mga tao sa pamamagitan ng

Presidential Complaints and Action Committee (PCAC).

Narito ang mga nagawa ni Pangulong Carlos P. Garcia sa kanyang

panunungkulan

Sa kanyang panunungkulan binigyan niya ng pansin ang pagtitipid o

Austerity Program. Layunin nito na maging matipid sa paggasta ang

pamahalaan upang makapagbigay na mabuting serbisyo sa mga

mamamayan.

Pagpapairal ng patakarang “Pilipino Muna” hinihikayat ng programang ito

na tangkilikin ang sariling produkto.

Ipinatupad ang patakarang Filipino Retailer‟s Fund Act (1955) na

nagpapautang sa maliliit na negosyanteng Pilipino.

Nagpalabas ng NAMARCO Act (National Marketing Corporation) na

nagbibigay puhunan sa maliit na mangangalakal na Pilipino.

Patakaran at Programa ni Pangulong Diosdado Macapagal

Isa sa pinakamahalagang programa na nagawa ni Pangulong Macapagal ay

ang Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan.Sa sistemang ito inilipat

10
ang pagmamay-ari sa mga magsasaka ng lupa na inuupahan.Kabilang sa

kanyang nagawa ay ang mga sumusunod:

*Nakiisa sa pagtatag ng MAPHILINDO- kinabibilangan ito ng Malaysia,

Philippines at Indonesia.Layunin nito na itaguyod ang pagtutulungan sa

pulitika, kabuhayan at kultura ng tatlong

bansang kasapi.

*Pagpalaganap ng pambansang wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa

mga papeles, koreo at pasaporte.

*Paglipat ng “Araw ng Kalayaan” mula Hulyo 4 sa Hunyo 12.

Mga programang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand E. Marcos

1.Pagpapaunlad ng mga imprastruktura

2.Pagpapatayo ng mga kalsada, tulay, paaralan

3.Paglunsad ng “Green Revolution”

4.Pagtatag ng Cultural Center of the Philippine

5.Pagpapatupad ng Batas Militar.

Isagawa
Ilang taon mula ngayon maaaring ikaw ay maging isang lider ng iyong

barangay ano anong patakaran at programa ang maaaring mong ipatupad

upang makamit ang maayos, tahimik at ligtas na pamayanan.

11
Tayahin

Panuto: Alam mo na ang mga programa at patakaran ng iba‟t ibang

pangulo na nakapagdulot ng kaunlaran sa lipunan at bansa. Gamit ang

ladder organizer ayusin mo ang mga ito ayon sa iyong palagay may

pinaka magandang programang nagawa. Isulat ang nagunguna sa

pinakamataas na baitang. Sa ibaba isulat ang iyong pagpapaliwanag.

Mga Pangulo ng Bansa

Manuel A roxas

Elpedio Quirino

Ramon Magsaysay

Carlos P. Garcia

Diosdado Macapagal

Ramon Magsaysay

Ferdinand e. Marcos

12
13
Subukin Balikan Tayahin
Katotohanan D Tama
Katotohanan C Tama
Katotohanan C Mali
Opinyon C Tama
Katotohanan A
Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

thefilipinoservant.wordpress.com thewalkingencyclopaedia.wordpress.com
Officialgazette.gov.ph
Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap 6
MISOSA 6
Bagong Lakbay ng Lahing Filipino 6
Kasaysayan ng Pilipinas 6
The Last Good Senator: Lorenzo M. Tañada and Jose Diokno

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex,
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1072; 634-1054 o 631-4985
E-mail Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

15

You might also like