You are on page 1of 24

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kilusang Propaganda at Katipunan

Tinipon at Inayos ni:

GNG. GINA ROSALYN A. DULDULAO


Master Teacher I
Schools Division of the City of Batac
Araling Panlipunan – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Himagsikang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales..Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Tagalikom: Gina Rosalyn A. Duldulao


Editor: Lovella J. Galut
Eleonor B. Ramos
Jhon Rey D. Ortal, EdD

Tagasuri: Cristina G. Paculan Blesilda B. Antiporda


Marites A. Sagun Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
John Ernest l. Medrano

Cover Art Artist: Iris Gale T. Castro


Tagaguhit: Rommel S. Villanueva
Tagalapat: Gina Rosalyn A. Duldulao
Tagapamahala: Joel B. Lopez, EdD, CESO V Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Annie D. Pagdilao, EdD Jhon Rey D. Ortal, EdD
Marilou B. Sales, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education


Schools Division of the City of Batac

Office Address: #16-S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906
Telefax: (077) 677 1993
E-mail Address: batac.city@deped.gov.ph
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang inihanda ng mga edukador para


gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, nang sa gayon ay matulungan mo ang mga
mag-aaral na makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang
kanilang pinananagumpayan ang pansarili, panlipunan, pang-ekonomiko at
pangkalusugang hamon sa pag-aaral.
Sa pamamagitan ng iyong paggabay, inaasahang ang tulong-aral na ito ay
magamit ng mga mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mga
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan ng pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 ng Modyul ukol sa Kilusang


Propagand at Katipunan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at gumawa ng
gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay
may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kasanayan. Ang tagumpay mo
sa aspektong pang-akademiko ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang pagkakataon para matuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat ang
alinmang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago simulan ang bawat pagsasanay.
4. Isaalang-alang ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy pagkatapos sagutin ang lahat
ng gawain.

Kung ikaw may bahagi sa modyul na nahihirapan kang gawin, huwag mag-alangang
magtanong sa inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga
magulang, sa nakatatandang kapatid o sa sinomang kasama sa bahay. Laging tandaan na
hindi ka nag-iisa.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makabuluhang


pagkatuto at makakakuha ng malalim na pang-unawa sa kaugnay ng mga kompetensi. Kaya
mo ito!
Alamin

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga


layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan sa Paglinang ng
Nasyonalismong Pilipino ay nagkaroon ng bagong pananaw ang mga ilustrado sa mga
pangyayari sa bansa. Ang mga epekto nito particular ang pagkakabuo ng kilusang
nanghihingi ng reporma ang tuon ng araling ito.Pagtutuonang-pansin ang mga dahilan sa
pagkakatatag,mga layunin at kinahinatnan ng Kilusang Propaganda.bilang panghuli ay
titingnan din ang kaugnayan ng Kilusang Propaganda kay Adres Bonifacio.
Ito ay nahahati sa dalawang aralin para sa ikalawang linggo ng unang markahan.
Paksa 1: Kilusang Propaganda
Paksa 2: Katipunan

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ianaasahang malilinang sa iyo ang
mga sumusunod:

 naipaliliwanag ang naging resulta ng pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino.


 nailalarawan ang Kilusang Propaganda at Katipunan batay sa uri ng
pamumuno at kakayahan ng mga Pilipino para maitaguyod ang sarili bilang
malayang mamayan sa sariling bansa.
 nakapagbibigay ng kaisipan sa mga adhikaing ipinaglaban ng mg Pilipino.
 nakasusulat ng isang sanaysay sa naging paraan ng pakikitungo ng mga
Pilipino sa mga Espanyol.
(MELC 2)

1
Subukin

Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba para mataya ang iyong
kahandaan sa paksa.
Gawain 1. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang letra ng
wastong sagot.
1.Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa Espanya?
A. Edukado B. Iskolar C. Ilustrado D. Pilosopo
2. Sinu-sino ang mga naging inspirasyon at may malaking impluwensiya ng Katipunan sa
kanilang mga layunin at gawain?
A. Bonifacio at Pio C. Plata at Diaz
B. Diaz at Diwa D. Rizal at Gumborza
3. Ano ang tawag sa samahan ng mga Ilustrado sa Espanya na nagnanais hilingin sa
pamahalaan ng Espanya na gawing probinsiya nito ang Pilipinas?
A. La Liga Filipina C. Asociacion Hispano-Filipino
B. Kilusang Propaganda D.Cuerpo delos Compromisarios
4. Ano ang kahulugan ng KKK?
A. Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bato
B. Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan
C. Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bansa
D. Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayani
5. Sino ang hindi kasapi sa Kilusang Propaganda?
A. Andres Bonifacio C. Graciano Lopez Jaena
B. Antonio Luna D. Jose Rizal
6. Sino ang sumulat sa ―Kartilya ng Katipunan‖?
A. Deodata Arellano C. Ladislao Diwa
B. Emilio Jacinto D. Pio Valenzuela
7. Ano ang tawag sa pahayagan ng Kilusang Propaganda?
A. Las Filipinas C. La Propaganda
B. La Independencia D.La Solidaridad
8. Anong kontrasenyas ang ginamit ng mga kasapi sa Katipun?
A. Anak ng Bayan C. Anak ni Bonifacio
B. Anak ng Bayani D. Anak ni Rizal
9. Sino sa sumusunod ang hindi naging kasapi ng La Liga Filipina?
A. Andres Bonifacio C. Deodata Arellano
B. Apolinario Mabini D. Juan Luna
10. Sino ang unang naging supremo ng Katipunan?
A. Andres Bonifacio C. Emilio Aguinaldo
B. Deodata Arellano D. Ladislao Diwa

2
Aralin
Kilusang Propaganda at Katipunan
2

Balikan
Gawain 2: Pasagot sa mga tanong.
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.

Ano-ano ang
mabubuting
dulot ng
pagbukas ng Suez
Canal?

3
Tuklasin
Basahin at pagnilayan ang tula.

KALAYAAN NATIN
By: Deo Antonio D.Llamas

Itong kalayaan na
Ating tinatamasa
Ito‘y binayaran na
Ng dugo at ng buhay
Ng mga bayaning una

Ito‘y di maikukubli
Laban nila may saysay
At ating henerasyon
Ang siyang umaani
Dulot malayang Pilipinas

At sana di magwakas
Maging totoo at wagas
Ating lahing Pilipino
Sa kapwa at sa mundo
Taas noo kahit kanino

Di ibali wala lang


Itong kalayaan natin
Tayo naman ngayon ang
Tinatawag ng panahon
Lalaban kaba para sa bayan?

4
Anong pahirap ang dinanas ng mga unang bayani makamit lamang ang ating kalayaan?
Kagalakan mo ba ang ating natamong kalayaan?
Nagkaroon ba ng saysay ang pakikipaglaban ng mga Pilipino?
Bilang isang mag-aaral paano mo pahahalagahan ang iyong kalayaan sa panahon ng
pandemya?

Gawain 3: Ibigay mo na.


Panuto: Punan ang mga kahon ng mga layunin ng bawat kilusan.

Kilusang Propaganda Katipunan

1. 1.

2. 2.

3. 3.

5
Suriin

Ang Kilusang Propaganda

Natuto sa liberal na kaisipan nagising ang pagkamakabayan ng mga Ilustrado at


kanilang naitatag ang Kilusang Propaganda taong 1882 sa Espanya. Ang samahang ito ay
nagnanais na humingi ng mga pagbabago at reporma sa pamamahala ng Espanya sa
kolonyang Pilipinas. ‗‘Propagandista‘‘ angt tawag mga kasapi nito.Tahasan nilang
ipinahayag sa pamahalaan ng Espanya ang kanilang mga adhikain.Humingi rin sila ng
tulong at suporta mula sa mga liberal sa Europa.
Limang pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda.
1. Kilalanin ng Espanya ang Pilipinas bilang isa sa mga probinsiyanito sa halip na isa
lamang kolonya.
2. Magtalaga ng isang Pilipino na kakatawan sa Pilipinas sa Korte ng Espanya.
3. Ang mga Pilipino ay dapat kilalanin at ituring na kapantay ng mga Espanyol kung kaya
dapat din nilang matamasa ang mga karapatan at pribilehiyo ng isang Espanyol sa
Pilipinas.
4 .Payagang mamahala sa mga parokya bilang kura-paroko ang mga Pilipinong paring
secular.
5. Magkaroon ng reporma sa pamamahala ng Pilipinas at payagan ang mga Pilipino na
malayang magpahayag ng kanilang mga saloobin.
Sa mga layuning nabanggit hindi kasama rito ang pagbibigay ng kalayaan sa
Pilipinas.Ang nais lamang ng mga propagandista ay mapabuti ang kalagayan ng Pilipinas at
mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
6
Ang pahayagang La Solidaridad ang ginamit ng Kilusang Propaganda upang
maiparating ang kanilang kahilingan at totong kalagayan ng mga Pilipno sa ilalim ng
pamahalaang kolonya sa Pilipinas.Si Graciano Lopez Jaena ang nagsilbing unang patnugot
ng pahayagan.Ilan sa mga nagsulat ng artikulo para dito ay sina Jose Rizal,Antonio
Luna,Mariano Ponce,Pedro Paterno,at Isabelo De Los Reyes,Sr.Nagtagal ng limang taon
ang pagkakalathala ng La Solidaridad.Ilan sa mga kopya nito ay palihim na ipinapadala sa
Pilipinas para mabasa ng mga Pilipino na nakapag-aral.Ang paglaganap ng kaisipan at
ideya ng mga propagandista ay limitado lamang sa mga Pilipinong nakapag-aral at
marunong ng wikang Espanyol.

Ang La Liga Filipina

Nakabalik si Jose Rizal sa Pilipinas pagkaraan ng ilang taong pananatili sa Espanya


at pagkabigo ng Kilusang Propaganda na mapakinggan ang kanilang kahilingan.Sa tulong ni
Jose Ma.Basa ay itinatag niya ang La Liga Filipina o ―Samahan ng mga Pilipino‖noong Hulyo
3,1892 sa Tondo,Maynila.Ilan sa mga unang naging kasapi nito ay sina Apolinario
Mabini,Andres Bonifacio,at Deodata Arellano.

Tatlong pangunahing layunin ng La Liga Filipina:


1. mapagkaisa ang mga Pilipino sa buong kapuluan,
2. mapayapang hilingin sa pamahalaan na wakasan na ang hindi makatarungang
pakikitungo at pang –aabuso ng mga Espanyol,at
3. mapabuti ang kalagayan ng Pilipinas at mga Pilipino sa pamamagitan ng reporma.

Kaagad na nalaman ng pamahalaang kolonyal ang tungkol sa La Liga


Filipina.Pagkaraan ng tatlong araw,Hulyo 6,1892 ay ipinaaresto ni Gobernador-Heneral
Eulogio Despujol si Jose Rizal sa salang ‗‘subersibo‘‘, o paglaban sa pamahalaang
Espanya.Ikinulong si Rizal sa Fort Santiago at makalipas ang ilang araw ay ipinatapon sa
Dapitan sa Zamboanga.Bunga nito,agad na nabuwag ang samahan.Sinubukan pa itong
buhayin muli nina Bonifacio at Arellano ngunit nabigo sila.

Ang Asociacion Hispano-Filipino


Ang Asociacion Hispano-Filipino ay samahang itinatag sa Europa noong 1889 ng
mga Pilipino at Espanyol na nagnanais magkaroon ng pagbabago sa pamamahala ng
Espanya sa Pilipinas.Ilan sa mga kasapi nito au sina Marcelo H.del Pilar,Mariano
Ponce,Tomas Arejola,Miguel Morayta ay Felipe dela Corte.

Dahil layunin ng samahang ito na magkaroon ng pagbabago sa pamamahala sa


Pilipinas,mayroon silang iminungkahing programa na dapat ipatupad sa Pilipinas:

1. ituro ang wikang Espanyol sa mga Paaralan,


2 .itigil ang hindi makataong pakikitungo sa mga nakakulong sa bilangguan,
3. tanggalin ang buwis na sanctorum,
4. magbukas ng mga paaralan sa mga lalawigan,
5. baguhin ang sistema ng pagtuturo sa Unibersidad ng Santo Tomas at ipantay ang kalidad
nito sa edukasyong ibinibigay nito sa mga pamantasan sa Espanya,

7
6. magtatag ng mga bankong magpapautang ng puhunang pangnegosyo,
7. magpatayo ng mga tulay at maayos na kalsada,at
8. ayusin at pagbutihin ang pamamahala sa Pilipinas at iba pang kolonya ng Espanya.

Nabigo ang Kilusang Propaganda dahil hindi dininig ng Espanya ang mga suliranin
ng mga Pilipino.Isa rin sa dahilan ng pagkabigo ng kilusan ang kawalan ng pondo upang
maipagpatuloy ang mga gawain ng samahan.Ang pagkabigong ito ang siya ring naging
simula ng rebolusyon.
Bakit hindi naging layunin ng mga nabuong samahan ang paghingi ng kalayaan ng
Pilipinas mula sa Espanya?
Bakit limitado lamang ang paglaganap ng kaisipan at ideya ng mga propagandista?

Ang Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK)

Pagtatatag ng Katipunan
Itinatag ang Katipunan noong Hulyo 7,1892 sa isang tahanan sa Kalye
Azcarraga(Claro M.Recto ngayon) at Elcano sa Tondo,Maynila.Ito‘y samahang lihim na may
layuning paalisin ang mga Espanyol sa Pilipinas at palayain ang mga Pilipino.Ang
samahang ito ay tinawag na Katipunan o Katastaasan Kagalanggalangan Katipunan ng mga
Anak ng Bayan(KKK).Tumulong sa pagkakatatag nito sina Andres Bonifacio,Deodata
Arellano,Ladislao Diwa,Valentin Diaz at Teodoro Plata.Sila‘y mga kasapi rin ng nabuwag na
La Liga Filipina.Ang mga kasapi ay tinawag na Katipunero at sila‘y nagsagawa ng sandugo
o blood compact pagpapakita ng kanilang katapatan at simbolo ng pangakong palalayain
ang Pilipinas.
Tatlong pangunahing layunin ng Katipunan:
1. layuning pansibiko o ang pagtulong at pagprotekta sa mahirap at mahihina,
2. layuning pampulitika o ang pagpapalaya ng Pilipinas mula sa Espanya, at
3. layuning pangmoral o ang pagtuturo ng kalinisan at kagandahaang asal.

8
Kasapian ng Katipunan

Tatlong Antas ng Kasapi


Kontrasenyas
Katipon----------------------------Anak ng Bayan
Kawal------------------------------GomBurZa
Bayani-----------------------------Rizal

Sina Rizal at Gomburza ang naging inspirasyon at may malaking impluwensiya sa


Katipunan upang magawa ang kanilang layunin at adhikain.‘‘Sistemang Tatsulok‘‘ ang
ginamit sa paghahanap ng mga bagong kasapi.Ang isang kasapi ay manghihikayat ng
dalawang hindi magkakilala upang matiyak na di matuklasan ang lihim ng samahan.

Balangkas ng Katipunan
Tatlong Sangay

Kataastaasang Sanggunian

Sangguniang Bayan

Sangguniang Barangay

Sangguniang Hukuman—nagpapataw ng hatol sa mga kasaping nagkasala sa kapatiran

Mga nahalal na opisyal ng Katipunan


Supremo: Deodato Arellano
Tagasiyasat: Andres Bonifacio
Piskal: Ladislao Diwa
Kalihim: Teodoro Plata
Ingat-Yaman: Valentin Diaz

9
Mga Simbolo at Babasahin ng Katipunan
1.Watawat ng Katipunan isang telang pula na may tatlong titik ‗‘K‖ sa gitna. Tinahi ni
Benita Rodriguez at Gregoria de Jesus na asawa ni Andres Bonifacio.

2.‘‘Kartilya ng Katipunan‖ isinulat ni Emilio Jacinto na kilala bilang Utak ng Katipunan


Nakasulat dito ang mga kaisipan at aral ng Katipunan na dapat malaman ng mga kasapi.
3.Kalayaan ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Dito isinulat nina Bonfacio
,Jacinto,at Pio Valenzuela ang kanilang mga pahayag tungkol sa Katipunan.Nagtago sila sa
likod ng sagisag-panulat na Maypagasa(Bonifacio),Dimas-Ilaw(Jacinto), at Madlang-
Away(Pio Valenzuela).

Kababaihan ng Katipunan

Ang mga kababaihan ay may mahalaga at papel na ginampanan sa Katipunan. Sila


ang nagtatago at nag-iingat ng mahahalagang dokumento ng samahan. Nililibang din nila
ang nga sundalong Espanyol tuwing may pagpupulong ang mga Katipunero. Nagsasagawa
sila ng malaking handaan at palabas para hindi mapansin ng mga sundalo na nagtitipon ang
mga Katipunero. Tumutulong din sila sa pagpapalaganap ng kaisipan ng Katipunan.
Ang kababaihan ng Katipunan ay pinamunuan ni Gregoria de Jesus, asawa ni
Andres Bonifacio. Siya ang opisyal na tagapangalaga ng mga dokumento ng Katipunan.
Katulong nya ang iba pang babaeng Katipunero sa gawaing ito.
Si Melchora Aquino ay kilala sa tawag na ―Tandang Sora.‖ Siya ang tiuturing na ―Ina
ng Katipunan.‖ Pinangunahan niya ang paggamot at pangangalaga sa mga Katipunerong
nasugatan sa labanan o nagkasakit.
Si Marina Dizon ay isa rin sa mga nangalaga at nagtago sa mga opisyal na
dokumento ng Katipunan. Nagsilbi rin saying Kalihim ng sangay ng Kababaihan. Nanguna
naman siya sa panghihikayat sa maraming kababaihan na sumapi sa Katipunan.
Si Teresa Magbanua ay isang matapang na Katipunera sa Panay sa Visayas.
Katunayan, binansagan siyang “Joan of Arc ng Visayas.‖ Pinamunuan niya ang pagsalakay
ng mga Katipunero sa isang kuta ng mga sundalong Espanyol.
Si Trinidad Tecson naman ay pinuno ng mga katipunero sa Bulacan. Nanguna rin
siya sa pagsalakay ng mga Katipunero sa kuta ng mga sundalong Espanyol sa Biak-na-
bato.
Isang babaeng heneral ng himagsikan si Agueda Kahabagan. Isa siya sa mga
nanguna sa pagsalakay ng puwersa ng mga Espanyol sa Laguna noong lumaganap ang
himagsikan sa Luzon. Siya ang kaisa-isang babaeng heneral ng himagsikan.

Pagkatuklas sa Katipunan
Natuklasan ang Katipunan noong Agosto 19,1896, ito‖y dahil sa hindi
pagkakaunawaan ng dalawang Katipunero—sina Teodoro Patino at Apolonio dela
Cruz.Nagtatrabaho sila sa isang palimbagan,ang Diario de Manila,at nagkaroon ng inggitan
sa trabaho.Dahil masama ang loob,naikwento ni Teodoro sa kanyang kapatid ang tungkol sa
Katipunan at mga layunin nito.Dahil sa takot sa kapakanan ng kapatid ay nagsumbong
naman ang nakababatang Patino sa pinunong madre sa tinitirahang bahay ampunan.Agad

10
na pumunta si Padre Gil sa mga awtoridad para isumbong ang kaniyang nalaman nilusob ng
mga kawal ang opisina g Diario de Manila,kung saan marami silang nakuhang dokumento at
resibo tungkol sa Katipunan.Bunga nito,maraming Pilipino ang inaresto at ikinulong sa
buong magdamag.Marami sa kanila ay inosente at walang kaugnayan sa Katipunan.

Dapat bang pasalamatan ang mga tagapagtanggol ng Katipunan? Bakit?


Dapat ba nating gamitin ang mga aral ng Katipunan sa ating pang-araw araw na
pamumuhay? Bakit?
Kahanga-hanga ba ang papel na ginampanan ng kababaihan sa Katipunan? Bakit?

Pagyamanin

Gawain 4: Tanong Ko, Sagot mo!


Punan ang patlang ng tamang sagot. Isulat ito sa kuaderno.

1. Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda ay_____________________.

2.___________________ang tawag sa samahang itinatag ni Rizal.

3.___________________ang kontrasenyas ng mga Katipunerong kabilang sa Bayaning


antas.

4.___________________ ginagawa ng mga bagong kasapi ng Katipunan bilang


pagpapakita ng katapatan sa kapatiran.

5. Natuklasan ang Katipunan dahil sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang Katipunerong


nagtatrabaho sa___________________.

Gawain 5: Suriin Mo!


Isulat kung Tama o Mali.

1. Taong 1892 itinatag ang Kilusang Propaganda.


2. Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ang buong pangalan
ng Katipunan.
3. Ang mga Pilipino ay dapat kilalanin at ituring na kapantay ng mga Espanyol na dapat din
nilang matamasa ang mga karapatan at pribilehiyo ng isang Espanyol sa Pilipinas.
4. Hindi mahalaga ang kababaihan sa Katipunan.
5. May limang antas ang Katipunan.

11
Gawain 6: Buuin
Panuto: Buuin ang mga letra upang masagot ang mga katanungan.
1.Sino ang nahalal na Supremo ng katipunan?
otadeoD anoAllre
2. Tinawag na samahan ng mga Pilipino na itinatag noong Hulyo 3, 1892.
aL Lagi apinFiil
3. Tawag sa mga kasapi ng kilusang propaganda.
distaganpaPor
4. Opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
aL dadsorilida
5. Mga anak ng mga mayayamang Pilipino na nakapag-aral sa Espanya.
doilustra

12
Isaisip

Gawain 7: Aking nalalaman.

Panuto: Punan ng tamang sago tang mga patlang.

Ang mga Pilipinong nakapag-ipon at umunlad ang buhay ay nakapagpaaral ng mga


anak sa Espanya, na tinawag na mga ____________. Ang mga Ilustrado na namulat sa
malalayang kaisipan sa Europa ay nagtatag ng mga samahang magsusulong ng mga
pagbabago at ____________ sa pamamahalang kolonya para mapabuti ang kalagayan ng
Pilipinas at ng mga Pilipino. Ang Kilusang Propaganda, La Liga Filipina, at Asociacion
Hispano-Filipino ay mga samahang itinatag ng mga Ilustrado, na nagnanais na magkaroon
ng pagbabago sa ___________. Hindi layunin ng mga samahang ito na hingin ang kalayaan
ng Pilipinas mula sa ____________. Nabigo man sa kanilang mga layunin ang mga
samahang ito, nagtagumpay naman ito sa pagpapalaganap ng ____________ sa mga
Pilino.

Itinatag ang Kataastaasang, Kaganggalangang Katipunan ng mga Anak ng


Bayan(KKK) o Katipunan para palayain ang Pilipinas mula sa ____________. Ang
Katipunan ay may tatlong pangunahing layunin: sibil, pulitikal, at moral. Ang mga bagong
Katipunero ay nagsasagawa ng ritwal ng sandugo para maipakita ang kanilang katapatan sa
kapatiran at simbolo ng pangakong palalayain ang Pilipinas mula sa Espanya. Mataas ang
pagkilala at pagpapahalaga ng Katipunan at mga Katipunero sa ___________ at
___________. Sila ang inspirasyon ng Kapatiran. para magsumikap na mapalaya ang
bansa sa pamamgitan ng isang rebolusyon. Gumamit ng mga simbolo at babasahin ang
Katipunan upang maipahayag ang mga kaisipang makabayan at mahikayat ang Katipunero
na paglingkuran ang kapwa at bansa. Ang pagkatuklas sa Katipunan ay bunga ng hindi
pagkakaunawaan ng dalawang Katipunero. Ang pagkakawatak-watak o kawalan ng
pagkakaisa ay palaging nagdudulot ng kapahamakan sa isang ___________. Mahalaga
ang papel na ginagampanan ng __________ sa pag-unlad at pagpapalaganap ng kaisipan
ng Katipunan. Ang pagkakatatag ng Katipunan ay simula ng pagbubuo ng Pilipinas bilang
isang bansa. Ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan ay pagpapakita ng kakayahan ng
mga Pilipino na pamahalaan ang kanilang sariling __________.

13
Isagawa

Gaawin 8-9: Talento Mo, Ipakita Mo!


Pumili sa mga gawain sa ibaba na nais at kaya mong gawin.
A. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa pagkakatatag ng Katipunan.Isulat sa
iyong kuwaderno.
B. Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kabayanihan ng
mga magigiting na Pilipino.

Rubriks para sa Sanaysay.

Krayteria Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad Nangangailan


gan ng gabay
5 4 3 2 1
Paglalahad Napakahusay Mahusay na Inilahad sa May Nangangailang
na inilahad sa inilahad sa katamtamang papaunlad na ang paunlarin
pamamagitan pamamagitan ng pagsulat ng kasaysayan ang kasanayan
ng pagiging pagiging may sa pagsulat sa pagsulat.
malikhain ng malikhain ng pagtatangka ayon sa
pagsulat nito. pagsulat nito. sa pagiging paglalahad
malikhain
nito.
Nilalaman Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Hindi naisulat
katawan ayon kawatan ayon sa kawatan ayon kawatan ayon ang katawan
sa mga dalawang ideya sa isang sa ayon sa
suportang na tumutugon sa ideya na magkakaiban paksang dapat
ideya na kabuoan ng tumutugon sa g ideya. talakayin.
tumutugon sa kwento kabuoan ng
kabuoan ng kwento.
kwento
Transisyon Nakapaglahad Napaglahad ng Katamtamang Papaunlad Nangangailang
ng Talata ng katangi- talata ayon sa nakapaglahad ang an ng gabay
tanging talata tunguhin ng ng talata pagkakalahad sa pagsulat
ayon sa buong sanaysay. ayon sa ng talata.
tunguhin ng tunguhin ng
buong buong
sanaysay. sanaysay.
Konklusyon Naisuma ang Naisuma ang Katamtamang Papaunlad Hindi naisuma
sanaysay sanaysay ayon sa naisuma ang ang ang buong
ayon sa tiyak na sanaysay pagkakasuma sanaysay
kabuoang kaisipan/mensahe ayon sa ng buong
kaisipan kaisipan/ sanaysay
mensahe mensahe

14
Rubriks sa Paggawa ng Poster.

Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos


Nilalaman Naipakita at 21-25
naipaliwanag ng
maayos ang
ugnayan ng lahat ng
konsepto sa
paggawa ng poster.
Kaangkopan ng Maliwanag at angkop 12-20
konsepto ng mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa 11-15
(Originality) paggawa ng poster
Kabuoang Malinis at maayos 6-10
presentasyon ang kabuuang
presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang 1-5
(Creativity) kombinasyon ng
kulay upang
maipahayag ang
nilalaman, konsepto
at mensahe
Kabuuan:

15
Tayahin
Gawain 10:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
wastong sagot.
1. Alin sa sumusunod ang hindi naging layunin ng La Liga Filipina?
A. Mapagkaisa ang mga Pilipino
B. Wakasan na ang pang-aabuso sa mga Pilipino
C. Ipagkaloob ng Espanya ang kalayaan ng Pilipinas
D. Magkaroon ng reporma sa pamamahala sa pilipina
2. Ano ang naging mahalagang babasahin ng samahang Katipunan na isinulat ni Emilio
Jacinto?
A. Dekalogo C. Kartilya
B. Kalayaan D. Katungkulan
3. Anong samahan ang itinatag nina Jose Rizal at Jose Ma. Basa ng makauwi si Rizal
sa Pilipinas?
A. Associacion Hispano-Filipino C. Katipunan
B. La Liga Filipinas D. Kilusang Propagandista
4. Sino si Emilio Jacinto?
A. Kalihim ng Katipunan C. Tagasiyasat ng Katipunan
B. Supremo ng Katipunan D. Utak ng Katipunan
5. Saan ipinatapon si Jose Rizal pagkatapos siyang ipaaresto dahil sa pagiging subersibo?
A. Dapitan C. Guam
B. Davao D. Iloilo
6. Bakit mahalaga ang mga kababaihan sa Katipunan?
A. Dahil sila ay magaganda.
B. Pinangungunahan nila ang mga kalalakihan.
C. Pinoprotektahan nila ang kanilang mga asawa.
D. Iniingatan at itinatago nila ang mga mahahalagang dokumento ng samahan.
7. Sinu-sino ang nagtatag ng Asociacion Hispano- Filipino?
A. Espanyo C. Pilipino at Espanyol
B. Pilipino D. Pilipino at Tsino
8. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga iminungkahing programa ng Asociacion
Hispano-Filipino?
A. Tanggalin ang sanctorum.
B. Mapagkaisa ang mga Pilipino sa Pilipinas.
C. Itinuro ang wikang Espanyol sa mga paaralan.
D. Magpagawa ng mga tulay at maayos na kalsada.
9. Ano ang kontrasenyas na ginamit ng mga Bayani?
A. Anak ng Bayan C. Gomez
B. Gomburza D. Rizal
10. Ano ang opisyal na pahayagan ng Katipunan?
A. Dekalogo C. Kalayaan
B. Kartilya D. Katungkulan
16
Karagdagang Gawain
Gawain 11: Pagsulat ng isang Tula.

1. Sino ang pinakaidolo mo sa mga naging kasapi ng Kilusang Propaganda o


Katipunan, sa pamamagitan ng isang tula ipahayag kung bakit siya ang inidolo
mo . Isulat sa iyong kuwaderno.

Rubriks sa Pagsulat ng Tula.

Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan


10 8 6 ng pagsasanay
4
Napakalalim at Malalim at malalim Bahagyan may lahim Mababaw at literal
makahulugan ang ang kabuuan ng tula. ang kabuuan ng tula. ang kabuuan ng tula.
kabuoan ng tula.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/ simbolismo/ simbolismo na pagtatangkang
pahiwatig na pahiwatig nagpaisip nakalito sa ginawa upang
nakapagpaisip sa sa mga mambabasa. mambabasa. Ang makagamit ng
mga mambabasa. May ilang piling salita mga salita ay hindi simbolismo.
Piling-pili ang mga at pariralang ginamit gaanong pili.
salita at pariralang
ginamit.
Gumamit ng May mga sukat at May pagtatangkang Walang sukat at
napakahusay at tugma ngunit may gumamit ng sukat at tugma kung may
angkop na angkop bahagyang tugma ngunit halos naisulat man.
na sukat at tugma. inkonsistensi. inkonsitent lahat.

17
18
Isaisip
11.Ilustrado
12.Reporma
13.Pilipinas
14.Espanya
15.Nationalismo
16.Espanya
17.Gomburza, Rizal
18.Samahan
19.Kababaihan
Karagdagang Gawain Isagawa
20.Bansa
Gawain 11 Gawain 8-9
Ang grado ay batay sa rubrik Iba-ibang sagot
Subukin Pagyamanin Tayahin
Gawain 1
Gawain 4 1. D
1. C
2. C
2. D 1. La Solidaridad 3. B
3. B 2. La Liga Filipina 4. D
4. B 3. Rizal 5. A
5. A 4. Sandugo o 6. D
6. B Bloodcompact 7. C
7. D 5. Diario De Manila 8. B
8. A
9. D
9. A Gawain 5
10.B 10.C
1. Tama
Balikan 2. Tama
Gawain 2 3. Tama
Iba- ibang sagot 4. Mali
5. Mali
Tuklasin
Gawain 3 Gawain 6
Iba- ibang sagot
1. Deodata
Arellano
2. La Liga Filipina
3. Propagandista
4. La Solidaridad
5. Ilustrado
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Bebis, Krsitine Conde, Luczon, Tristan Albert, 2016 Linangin ng Diwa 6 kagamitan ng
Mag- aaral: PLL Publishing House

Agno, Lydia, Tadena, Rosita, Balonso, Celinia, dela Cruz, Marvie. 2016.Kultura,Kasaysayan,
at Kabuhayan 6. Philippines: Vibal Group, Inc

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education
Schools Division of the City of Batac

#16-S Quiling Sur, City of Batac, Ilocos Norte 2906

Telefax: (077) 677 1993

Email Address: batac.city@deped.gov.ph

20

You might also like