You are on page 1of 4

MGA DIREKSYON

Compass Rose Mapa Globo


-panandang ginagamit -patag na representasyon -bilog na representasyon
upang matiyak ang ng isang lugar ng mundo
kinaroroonan ng isang
lugar

MGA PANGUNAHING DIREKSYON MGA PANGALAWANG DIREKSYON


Hilaga (itaas) Hilagang Kanluran
Silangan (kanan) Hilagang Silangan
Timog (ibaba) Timog Silangan
Kanluran (kaliwa) Timog Kanluran

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1) Saang direksyon sumisikat ang araw?
a) kanluran b) silangan c) timog

2) Ano ang tawag sa mga sagisag na ginagamit sa mapa?


a) compass rose b) direksyon c) pananda

3) Ang Hilaga, Timog, Kanluran, at Silangan ay tinatawag na mga ________.


a) compass rose b) pangalawang c) pangunahing
direksyon direksyon

4) Alin sa mga sumusunod ang ginagamit upang mahanap ang tamang direksyon
ng iyong patutunguhan?
a) compass rose b) globo c) mapa

5) Anong direksyon ang nasa pagitan ng Hilaga at Silangan?


a) Hilagang Silangan b) Hilagang Timog c) Silangang Hilaga
Panuto: Pag-aralan ang mapa ng komunidad. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong ayon sa mapa. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

simbahan

kabahayan

ospital

pamilihan

paaralan

parke

1. Si Tatay ay papasok na sa kanyang opisina. Saang direksyon siya pupunta?


a. Kanluran b. Silangan c. Hilaga

2. Nagluluto si Nanay sa bahay nang mapansin na kulang ang kanyang sangkap.


Inutusan ka niyang pumunta sa pamilihan. Saang direksyon ka pupunta?
a. Hilaga b. Silangan c. Hilagang
Silangan

3. May sakit si Lola. Kailangan siyang dalhin sa ospital. Saang direksyon kayo
pupunta?
a. Hilagang b. Silangan c. Timog Silangan
Kanluran
4. Ngayon ay Linggo. Ang buong mag-anak ay sama-samang magsisimba. Saang
direksyon kayo pupunta?
a. Hilagang b. Hilagang c. Timog Kanluran
Kanluran Silangan
5. Galing ka sa iyong paaralan at pupunta sa parke upang makapaglaro. Saang
direksyon ka pupunta?
a. Hilaga b. Hilagang c. Silangan
Silangan

Panuto: Nilarawan ni Andoy ang kanyang komunidad. Gamitin ang mga ibinigay
nyang impormasyon upang gumuhit ng mapa ng kanyang komunidad. Gamitin ang
mga simbolong ibinigay.
Ako si Andoy. Ang pamilya ko ay nakatira sa isang rural na komunidad. Sa

hilagang bahagi ng aming barangay ay may mga bulubundukin .

Sa Timog Silangan naman matatagpuan ang dagat . Sa Hilagang

Kanluran ay may mataas na talon . Ang tubig rito ay dumadaloy papunta sa

ilog sa gawing kanluran namin. Ang Timog Kanluran at Timog ng aming


barangay ay puno ng mga kapatagan .
Panuto: Itiman ang  kung tama ang pangungusap. Itiman ang  kung ito ay mali.

  1. Ang compass rose ay isang pananda para malaman ang


kinaroroonan ng isang lugar.

  2. Ang Silangan ay matatagpuan sa kaliwang bahagi ng mapa.

  3. Nasa pagitan ng timog at silangan ang timog-silangan.

  4. Ang Hilagang Kanluran ay isa sa mga pangunahing direksyon.

  5. Mahalaga na matuto tayong bumasa ng mapa.

Panuto: Iguhit ang mapa ng iyong komunidad. Paano makatutulong sa iyo ang mapa
na ito.

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

You might also like