You are on page 1of 20

Araling

Panlipunan 3
September 5, 2023
(Martes)
Kamusta mga bata ☺
Handa na ba kayo sa
ating aralin ngayong
araw?
Layunin:

Nasusuri ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng


sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito
gamit ang pangunahing direksiyon (primary
direction).
Paksa:
Kinalalagyan ng mga Lalawigan
sa Rehiyon Batay sa Direksiyon
Balik-aral:
Ibigay ang kahulugan ng mga simbolong karaniwang ginagamit sa mapa.

Bulkan Lawa Simbahan Talon Talampas


Pagwawasto:

Bulkan
Talon

Lawa
Talampas

Simbahan
- Saan ba matatagpuan sa mapa
ang iyong lalawigan? Paano
tutukuyin ang lokasyon ng mga
karatig-lalawigan sa
CALABARZON?
Pagmasdan ang mapa.
Anu-anong mga lalawigan ang nakikita niyo?
-Saang direksiyon makikita ang lalawigan ng Rizal?
-Anong rehiyon naman ang nasa timog ng Batangas?
Makikita sa mapa ang pangunahin at pangalawang direksiyon at ang distansiya
ng mga lugar sa isa’t isa. Upang mas madali mong matukoy ang kinalalagyan ng
isang lugar, kailangan mong pag-aralan at maintindihan ang mga pangunahin at
pangalawang direksiyon. Kung ang lugar ay nasa pagitan ng hilaga at silangan,
sinasabing ito ay nasa hilagang–silangan (HS). Kung ang lugar ay nasa pagitan
ng timog at silangan, ang kinaroroonan nito ay nasa timog-silangan (TS).
Samantala, ang direksiyon sa pagitan ng timog at kanluran ay timog-kanluran
(TK). Hilagang-kanluran (HK) naman ang nasa pagitan ng hilaga at kanluran.
May mga mapa naman na ganito ang
ginagamit na pananda. Compass rose ang tawag
dito. Ipinapakita nito ang kardinal na direksyon o
ang primaryang direksyon, ang hilaga, kanluran,
timog at silangan. Nakaturo ito sa hilaga. Ang
gawing kanan nito ay silangan at ang dakong
kaliwa ay kanluran. Timog naman ang katapat ng
hilaga. Ito ang mga cardinal o pangunahing
direksiyon.
Iguhit ang mga panandang ginagamit sa pagtukoy ng
direksiyon:

1. compass
2. compass rose ng pangunahin at pangalawang
direksiyon
3. North Arrow, ilagay kung saang direksiyon
ito nakaturo.
Ano ang natutuhan mo sa
aralin natin ngayon?
TANDAAN:
Mahalaga ang direksiyon sa pagsasabi ng lokasyon ng
iba’t ibang lugar. Ang kaalaman dito ay nakatutulong sa
mga manlalakbay. Ang apat na mga pangunahing
direksiyon ay ang hilaga, kanluran, timog at silangan. Sa
pagitan ng mga pangunahin na direksiyon,
matatagpuan ang mga pangalawang direksiyon. Ito ay ang
hilagang-silangan, hilagang-kanluran, timog silangan at
timog-kanluran.
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang
salitang inilalarawan o binibigyan ng paliwanag. Isulat ang sagot sa
sagutang papel. Compass Rose Ordinal Cardinal
North Arrow Pangalawang Direksiyon
1. Ang mga pangunahing direksiyon ay tinatawag ding __________ na
direksiyon.
2. Ang simbolo na nagpapakita ng Cardinal na direksiyon sa mapa at
ginagamit ng mga scouts ay ang __________.
3. Ang Hilagang-Silangan at Timog-Kanluran ay halimbawa ng ______.
4. Ang __________ay ginagamit sa mapa upang ituro kung saan ang
Hilaga.
5. Tinatawag ding __________ ang pangalawang direksiyon.
Pagwawasto:
1.Kardinal
2.Compass Rose
3.Pangalawang Direksiyon
4.North Arrow
5.Ordinal
Takdang Aralin:
Iguhit sa loob ng kahon ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon na makikita natin
sa mapa.

You might also like