You are on page 1of 6

"Paggawa Kahit Walang Nakakakita”

ni Sherrie Shane S. Peñaflor

Maaga kung gumising si Bea. Kailangan kasi niya na maagang


makarating sa paaralan dahil siya ay naatasan na maglinis at
magdilig ng mga tanim na gulay sa hardin ng paaralan. Isang linggo
itong gagawin ng bawat naatasan na pangkat. May nakasaad na
tungkulin na nakapaskil sa pader ng hardin kasama ng mga
pangalan ng mga magulang na nagboluntaryo na gagabay sa kanila
sa tamang pagtatanim, paglilinis, pangangalaga, at pagdidilig.
Natutuwa si Bea dahil hilig niya ang pagtatanim. Ang kaniyang ama
ay isang magsasaka na paminsan-minsan ding dumadalaw sa
kanilang hardin upang tingnan ang kalagayan nito. Nais ng mag-
aaral na matuwa ang kanilang guro kaya bawat klase ay may kani-
kaniyang tungkulin. Ganoon sila kasisipag. Masaya si Bca sa
ganitong sitwasyon. Alam niya ang mga ganitong gawain ay may
kabuluhan. May pagpapahalaga rin si Bea sa kalikasan bukod sa
hilig niya ang pagtatanim.
Alam ni Bea na ang pagkasira ng kalikasan ay patuloy na nagaganap
sa ating kapaligiran kaya't nais niyang maging bahagi ng pagsalba
nito. Sinasabi rin niya ito sa kaniyang mga kamag-aral dahil nais din
ni Bea na pati sila ay makiisa sa kaniya. Dahil sa kaniyang
magandang mithiin nanalo ang kanilang paaralan sa programa
tungkol sa kalinisan ng paaralan.
Laking tuwa ng kanilang punong guro, gurong tagapayo at mga
kamag-aral. Dahil dito binigyan sila ng parangal. Gusto ni Bea na
ipagpatuloy pa ang kaniyang nasimulan. Kaya kahit walang
nakakakita patuloy pa rin niyang ginagawa ang adhikain niya. Kahit
walang nakakakita ay alam niyang nakamasid ang Diyos na siyang
nalulugod sa kabutihang ginagawa ninuman. Kahit walang
nakakakita, dapat na may disiplina sa sarili na gumawa ng tama at
mabuti para sa kapakanan ng kapwa at higit sa lahat para sa
kaligtasan ng kalikasan na mahal na mahal niya.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ibahagi ang mensaheng nais iparating ng kuwento.


2. Anong mabuting asal ang ipinakita ni Bea sa kuwento na nais niyang
3. tularan din sa kaniya ng kanyang mga kamag-aral?
4. Paano mo maipapakita ang pakikiisa at disiplina sa pangangalaga sa ating
kapaligiran?
5. Tulad ni Bea, bakit kailangan natin gumawa ng kabutihan sa kapaligiran
kahit walang nakakakita?
6. Bilang isang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano natin magaganyak ang
ating mga kamag-aral, kapamilya, at kapwa Pilipino na magkaroon ng
disiplina para sa kapaligiran?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng kuwento.


2. Anong mabuting asal ang ipinakita ni Bea sa kuwento na nais niyang
tularan din sa kaniya ng kanyang mga kamag-aral?
3. Paano mo maipapakita ang pakikiisa at disiplina sa pangangalaga sa ating
kapaligiran?
4. Tulad ni Bea, bakit kailangan natin gumawa ng kabutihan sa kapaligiran
kahit walang nakakakita?
5. Bilang isang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano natin magaganyak ang
ating mga kamag-aral, kapamilya, at kapwa Pilipino na magkaroon ng
disiplina para sa kapaligiran?

You might also like