You are on page 1of 2

PILOT IMPLEMENTATION OF FACE TO FACE CLASSES

GABAY PARA SA MGA MAG-AARAL, MAGULANG/TAHAPAG-ALAGA AT GURO


A. BAGO UMALIS NG BAHAY
1. Maligo, maghugas ng kamay, kumain ng agahan/pananghalian at
uminom ng bitamina kung meron.
2. Mahdala ng alcohol para sap ag dis-infect.
3. Magsuot ng cloth o washable facemask/ surgical mask at faceshiled na
ibibigay ng paaralan.
B. PAGLALAKBAY PATUNGO SA PAARALAN
1. Panatilihing nakasuot ang washable face mask at face shield
2. Kung maglalakad, panatilihin ang pisikal na distansya at huwag magsalita
nang malakas o limitahan ang pakikipag-usap sa iba kung hindi naman
kinakailangan.
C. PAGPASOK SA LOOB NG PAARALAN
1. Panatilihing nakasuot ang facemask at faceshield
2. Ipasuri sa nakaassign na school peronnel katulong ang school marshal
ang inyong temperatura.
a. Ang lahat ng papasok sa paaralan nan a may temperature na 37.5
degree Celsius pataas ay idederetso sa private screening area o
school clinic para masubaybayan ng Safety officer at karagdagang
pagsusuri at asistensya ng Barangay Health Emergency Response
Teamo BERHT
3. Hugasan ang inyong mga kamay ng sabon sa itinalagang pasilidad ng
paaralan.
4. Agad na tumungo sa iyong silid aralan. Para sa mga magulang o
tagapangalaga na magbabantay, tumungo sa itinalagang lugar ng
paghihintayan at sumunod sa pangkalusugang pamantayan sa COVID 19.
5. Palaging sundin ang pangkalusugang pamantayan para sa COVID 19
kagaya ng palagiang pagsusuot ng facemask at face shield, paghuhugas
ng kamay at pagpapanatili ng pisikal na distansya.
D. HABANG NASA LOOB NG PAARALAN AT SILID ARALAN
1. Panatilihing nakasuot ang facemask at faceshield
2. Gumamit palagi ng alcohol lalo na kapag ikaw ay may hinawakan
3. Sumali sa pangaraw-araw na Rapid Health Check na isasagawa ng guro
4. Sundin ang mga kaayusan sap ag-upo at manatili sa iyong pwesto.
Panatilihin ang 1-2 metrong pisikal na distansya, lalo na sa mga pang
grupong Gawain.
5. Kapag babahing o uubo manatiling malayo sa iba, gumamit ng tisyu,
panyo o panloob na bahagi ng siko upang takpan ang ilong o bibig.
Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon o gumamit ng alcohol
pagkatapos ng pagbahing o pag-ubo
6. Kapag pupunta sa banyo, siguraduhing maghugas ng iyong kamay gamit
ang tubig at sabon o gumamit ng alcohol bago bumalik sa silid aralan.
7. Tuwing recess, manatili sa iyong lugar at hugasan ang iyong kamay gamit
ang tubig at sabon o gumamit ng alcohol bago at pagkatapos kumain
8. Iwasan ang pagtitipon-tipon lalo na tuwing uwian sa klase
9. Sundin ang itinalagang pasukan at labasan sa silid aralan at sa paaralan.
E. PAUWI NG BAHAY
1. Panatilihing nakasuot ang face mask at face shield
a. Kung maglalakad, panatilihin ang pisikal na distansya at huwag
magsalita nang malakas o limitahan ang pakikipag-usap sa iba kung
hindi naman kinakailangan
2. Pagdating sa bahay, magpahinga sa labas at labhan nang maayos ang
facemask upang muling magamit sa susunod na araw.
3. Idisinfect ang sarili maging ang lahat ng iyong ginamit

You might also like