You are on page 1of 5

PARA SA MGA MAG-AARAL,

MAGULANG/TAGAPAG-ALAGA AT
GURO
UKOL SA MGA GAWAIN SA PAGPAPATUPAD
FACE CLASSES
NG LIMITED FACE-TO-

bago umalis ng bahay


A Maligo, maghugas ng kamay, kumain ng
agahan, at uminom ng bitamina.

Magdala ng alkohol para sa pag-disinfect.

Magsuot ng cloth o washable face mask (o surgical mask


kung meron) huwag itong alisin habang naglalakbay.
paglalakbay patungo sa paaralan
b Panatilihing nakasuot ang
face mask.

Para sa iba't ibang pamamaraan ng pagpunta sa paaralan,


sundin ang mga sumusunod:
• Kung gagamit ng pampublikong sasakyan, huwag magsalita
ng malakas o limitahan ang pakikipag-usap sa iba kung
hindi naman kinakailangan, at panatilihin ang pisikal na
distansya.
• Kung gagamit ng personal na sasakyan tulad ng bisikleta,
magsuot ng mga proteksyon tulad ng helmet, reflector at
pads.
• Kung maglalakad, panatilihin ang pisikal na distansiya at
huwag magsalita ng malakas o limitahan ang pakikipag-
usap sa iba kung hindi naman kinakailangan.
pagpasok sa loob ng paaralan
C Panatilihing nakasuot ang face mask.

Ipasuri sa naka-assign na school personnel ang iyong temperatura.


o
• Ang lahat ng papasok sa paaralan na may body temperature na 37.5 Celcius
pataas ay ididiretso sa isolation room para masubaybayan ng Safety Officer.

Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon sa itinalagang pasilidad


ng paaralan.

Agad na tumungo sa iyong silid-aralan. Para sa mga magulang o tagapangalaga na


magbabantay, tumungo sa itinalagang lugar ng paghihintay at sumunod sa pangkalusugang
pamantayan para sa COVID-19.

Palaging sundin ang mga pangkalusugang pamantayan para sa COVID-


19 kagaya ng palagiang pagsuot ng face mask, paghugas ng kamay at
pagpapanatili ng pisikal na distansya.
habang nasa loob ng paaralan at silid-aralan
D Panatilihing nakasuot ang face mask.

Gumamit palagi ng alkohol lalo na kapag ikaw ay may hinawakan.


Sumali sa pang araw-araw na Rapid Health Check na isasagawa ng guro

Sundin ang mga kaayusan sa pag-upo at manatili sa iyong puwesto. Panatilihin ang 1-2 metrong pisikal na
distansya, lalo na sa mga pang-grupong gawain sa klase.

Kapag babahing o uubo, manatiling malayo sa iba, gumamit ng tisyu, panyo o panloob na bahagi ng siko
upang takpan ang ilong o bibig. Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon o gumamit ng alkohol
pagkatapos ng pagbahing o pag-ubo.

Kapag pupunta sa banyo, siguraduhing maghugas ng kamay bago bumalik sa silid-aralan.

Tuwing recess, manatili sa iyong lugar at hugasan ang iyong mga kamay ng sabon o gumamit ng alkohol
bago at pagkatapos kumain.

Iwasan ang pagtitipon-tipon lalo na tuwing uwian sa klase.

Sundin ang itinalagang pasukan at labasan sa silid-aralan at ng paaralan.


pauwi ng bahay
e Panatilihing nakasuot ang face mask.

Para sa iba't-ibang pamamaraan ng pag-uwi sa bahay o tahanan, sundin ang


mga sumusunod:
• Kung gagamit ng pampublikong sasakyan, huwag magsalita ng malakas o limitahan ang pakikipag-usap sa iba
kung hindi naman kinakailangan, at panatilihin ang pisikal na distansya.
• Kung gagamit ng personal na sasakyan tulad ng bisikleta o scooter, magsuot ng mga proteksiyon tulad ng
helmet, reflector at pads.
• Kung maglalakad, panatilihin ang pisikal na distansya at huwag magsalita ng malakas o limitahan ang
pakikipag-usap sa iba kung hindi naman kinakailangan.

Pagdating sa bahay, magpahinga sa labas at itapon nang maayos ang face mask sa
basurahan.

I-disinfect ang lahat ng iyong gamit.

Maligo bago makihalubilo sa mga kasamahan sa bahay

You might also like