You are on page 1of 5

Bumalik sa Itaas ▲

 
Paano-gawin

Mga Takip sa Mukha

Ang komunidad ay hinihikayat ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng


County ng Santa Clara na magsuot ng mga panakip sa mukha kapag nasa
publiko. Makakatulong ito sa pagbagal ng pagkalat ng bagong coronavirus
(COVID-19) sa ating komunidad at sa pagbawas ng bilang ng mga taong
nahahawaan

Alam natin na may mga tao na maaaring nahawaan ng bagong coronavirus


ngunit walang mga sintomas. Ang pagsusuot ng panakip sa mukha ay
makakatulong upang mabawasan ang pagkakataon na ang mga nahahawaan na
walang sintomas ay kumalat ang impeksyon sa iba. Kung ang lahat ay
magsusuot ng panakip sa mukha sa publiko, maaari nating mabawasan ang
pagkalat ng impeksyon.

Kritikal na Patnubay tungkol sa mga Panakip sa Mukha

Mariing hinihimok ang lahat ng mga indibidwal na takpan ang kanilang ilong at
bibig gamit ang panakip sa mukha, tulad ng isang bandana, scarf, tuwalya, o iba
pang piraso ng tela, kapag umaalis sa bahay.  Kritikal ang mga panakip sa
mukha lalo na para sa mga aktibidad tulad ng mga appointment sa doktor,
pamimili ng groserya, pagbisita sa parmasya, at pagsakay sa pampublikong
pagbibiyahe, dahil hindi maiiwasan ang pakikipag-ugnay sa mga tao sa labas ng
sambahayan.

Ang Gamit ng mga Panakip sa Mukha

Ang bagong impormasyon tungkol sa pagkalat ng COVID-19 mula sa mga taong


walang mga sintomas ay nagpapakita ng pangangailangan ng mga panakip na
tela sa mukha, na kapag isinabay sa pisikal na paglayo at paghuhugas ng
kamay, ay maaaring maiwasan ang pagkalat ng virus sa iba kapag lumabas ng
bahay para sa mga mahahalagang aktibidad. Dapat takpan ang ilong at bibig ng
mga panakip na tela sa mukha.
Ang pagtakip ng inyong mukha ay nauukol sa pagtulong sa iba. Sa pagtakip ng
inyong mukha kapag lumabas para sa mga mahahalagang kadahilanan,
pinoprotektahan mo ang mga mahihinang miyembro ng inyong komunidad.

Mga Panakip sa Mukha at ang Kautusan upang Manatili sa Bahay

Hindi binabago ng pagtakip ng inyong mukha ang kautusan na manatili sa


bahay, na nangangailangan ang mga tao na manatili sa bahay hangga't maaari
at mapanatili ang pagpadistansya sa ibang tao.  Ang pananatili sa bahay ay
nagpapabagal ng pagkalat ng virus sa ating komunidad, nagliligtas ng mga
buhay. Kritikal ang mahigpit na pagsunod sa kautusan na manatili sa bahay at
kailangang ipinatutupad. Ang pagtakip ng inyong mukha ay nakakatulong na
maprotektahan ang iba kung mangyaring magkaroon ka ng impeksyon na
walang mga sintomas.

Mga Panakip sa Mukha at Pagpadistansya sa Ibang Tao

Ang panakip sa mukha ng mga tela ay dapat kasabay ng pagpapanatili ng


pagpadistansya sa ibang tao at paghuhugas ng kamay.  Ang pagsusuot ng
panakip sa mukha ay hindi nangangahulugang ang mga tao ay maaaring
makipag-ugnay ng malapitan sa isa't isa dahil ang mga panakip sa mukha ay
maaari lang bawasan ang pagkalat ng virus, ngunit hindi nito ganap na
napipigilan ang pagkalat.

Kailan Ka Dapat Magsuot ng Panakip sa Mukha

Mariing hinihikayat ang pagsusuot ng mga panakip sa mukha sa publiko at


habang nakikipag-ugnayan sa iba, kabilang ang:

 Habang nasa loob o naghihintay sa pila upang pumasok sa isang


mahahalagang negosyo, tulad ng isang tindahang groserya o parmasya
 Habang kumukonsulta sa pangangalagang pangkalusugan
 Habang naghihintay o nakasakay sa sasakyan
 Habang pumapasok sa mga pasilidad na pinapayagan na gumana sa
ilalim ng kautusan na manatili sa bahay, tulad ng mga gusali ng gobyerno

Kailan Hindi Kinakailangan ang Panakip sa Mukha


Ang pagsusuot ng mga panakip sa mukha ay hindi kinakailangan kapag:

 Nasa tahanan.
 Mag-isa sa loob ng sasakyan o kasama ang mga miyembro ng inyong
sambahayan.
 Nag-eehersisyo sa labas, tulad ng paglalakad, pag-hiking, pagbibisikleta, o
pagtakbo.  Gayunpaman, inirerekomenda na magdala ng isang panakip sa
mukha at handing gamitin kapag nag-eehersisyo, kahit na hindi pa nila suot ito
sa oras na iyon.

 Sino ang Hindi Dapat Magsuot ng Panakip sa Mukha


Ang mga panakip sa mukha ay hindi kinakailangang inirerekomenda para sa:

 Mga bata na 6 taong gulang o mas bata.


 Ang sinumang nahihirapan sa paghinga, ang walang kakayahan, o isang
walang kakayahang magtanggal ng panakip sa mukha nang walang tulong.
 Sinumang pinayuhan ng isang medikal na propesyonal na huwag magsuot
ng panakip sa mukha.
 Sinumang manggagawa na kung nakasuot ng panakip sa mukha ay lilikha
ng kapahamakan sa kaligtasan sa trabaho sa ilalim ng ipinatupad na patnubay
sa kalusugan at kaligtasan.

Impormasyon tungkol sa Panakip sa Mukha para sa mga Negosyo at


Transportasyon

 Kadalasan, hinihikayat ang mga mahahalagang negosyo upang matiyak


na nagsusuot ang kanilang mga empleyado ng panakip sa mukha sa anumang
lugar na may ibang tao, kahit na walang mga customer o miyembro ng publiko
doon.  Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng mga maliliit na mga patak ng
paghinga sa mga lugar kung saan may ibang tao na maaaring malantad. 
 Dapat ipaalam ng mga mahahalagang negosyo sa mga customer ang
tungkol sa pangangailangan na magsuot ng panakip sa mukha, kabilang ang
pag-post ng mga palatandaan sa pasukan sa tindahan o pasilidad.
 Ang lahat ng mga manggagawa at boluntaryo sa mga mahahalagang
negosyo, mga nagpapatakbo ng pampublikong transportasyon, o nagpapatakbo
ng iba pang mga uri ng ibinahaging transportasyon ay hinihikayat na magsuot ng
panakip sa mukha kapag nasa trabaho sa karaniwang mga lugar.
 Ang mga manggagawa na gumagawa ng pinakamababang pangunahing
operasyon, tulad ng seguridad o payroll, mahahalagang gawain sa
imprastraktura, o mga gawain sa gobyerno ay dapat magsuot ng panakip sa
mukha kapag malapit ang iba o kung sila ay nasa lugar na binibisita lagi ng
publiko.
 Paggawa ng Inyong Sariling Panakip sa Mukha

Mayroong maraming mga pagpipilian para sa mga panakip sa mukha, hangga't


natatakpan nito ang ilong at bibig. Maaaring gamitin ang iba't ibang mga
materyales na tela para sa mga panakip sa mukha, tulad ng mga bandana, mga
scarf, t-shirt, sweatshirt, o mga tuwalya.

Ang panakit sa mukha ay maaaring gawa sa tela o iba pang malambot o


natatagusan na materyal, ngunit dapat walang mga butas sa paligid ng ilong o
bibig.

Nagbigay ang CDC ng mga simpleng tagubilin kung paano gumawa ng inyong
sariling panakip sa mukha.

Paglilinis ng Inyong Panakip sa Mukha

Dapat hugasan nang madalas ang mga panakip sa mukha. Hugasan ito
pagkatapos ng bawat paggamit at mayroong isang nakatuong bag o lalagyan ng
labahan. Laging hugasan ang inyong mga kamay, o gumamit ng disimpektante
ng kamay, bago at pagkatapos hawakan ang inyong mukha o panakip sa mukha.

Mayroon din ang CDC ng madaling tagubilin kung paano magsuot at maglinis ng
inyong panakip sa mukha.

Ireserba ang mga Maskara para sa mga Manggagawa sa Health Care

Mahirap na mahanap ang mga maskara na N-95 at para sa siruhiya, at


kailangang tipirin para sa mga manggagawang pangkalusugan sa frontlines.
Pinamamahalaan namin ang ating supply at tinitiyak na ang mga
manggagawang pangkalusugan at mga first responders ay mayroong mga
medical-grade na kagamitan na nakahanay sa pinakabagong ebidensyang batay
sa agham, at naaangkop sa kanilang tungkulin sa trabaho.

Kung ikaw ay kasalukuyang gumagamit ng isang maskara na medikal, patuloy


na gamitin ito hangga't maaari - hanggang ito ay maging marumi o masira - dahil
sa limitadong supply.
Bakit ang Pagtakip ng Mukha ay Isang Patnubay Lamang at Hindi Isang
Kautusan?

Ang mga hurisdiksyon sa Bay Area ay nagkakaisa sa pagkilala na


napakahalagang gamit ang mga panakip sa mukha upang baliin ang kadena ng
paghawa. Ang ibang mga hurisdiksyon ay maaaring gumamit ng ligal na
Kautusan ng Opisyal ng Kalusugan habang ang iba ay maaaring gumamit ng
gabay o rekomendasyon upang makamit ang parehong mga layunin. Ligal na
maipapatupad ang kautusan ng Opisyal ng Kalusugan at ang lokal na
nagpapatupad ng batas ay ang bahalang magpatupad ng karamihan sa mga
kautusan.  Maingat ang County ng Santa Clara na limitado ang mga
mapagkukunan ng pagpapatupad sa buong county at kung posible tignan natin
kung mababago ang kolektibong paggawa at pagbabago ng ugali.  Ang ating
komunidad ay naging aktibo sa pagsunod sa nakaraang patnubay na ibinigay ng
Opisyal ng Kalusugan at Departamento ng Pampublikong Kalusugan at
inaasahan namin ang makabuluhang boluntaryong pagsunod sa
rekomendasyong ito.

Source: https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/learn-what-to-do-
tl.aspx

You might also like